Chapter 37
SERENA's POV
Napatingin ako sa paligid, no one is around. Napatingin ako sa sala at sa kusina. Pumahik ako sa kwarto at napatingin sa dako ng kwarto ni Renzo na nakasara.
He's not home? Pero andoon ang kotse niya sa garahe. Bakit ko hinahanap ang lalaking iyon? May tuliling ka na talaga Serena. Kastigo ko sa sarili ko.
Nasaan na na ang galit mo sa lalaking iyon? Ayusin mo sarili mo Serena. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Kainis lang.
Napatingin ako sa phone ko na nakaoff pala. Binuksan ko iyon at nakita na may three message unseen, Binuksan ko ang isa at nakita kong nagtext sa akin si Rezzy two times.
From: Rezzy
S naghanda ka na diba? Oyy wala ng urungan ito.
Itong babaeng ito, akala mo naman may magagawa pa ako. Eh kung kulitin niya ako kagabi, grabe lang. Napailing ako ng maalala ko kung gaano niya ako pinaulit-ulit ipaalala sa akin. Tsaka grabe iyong text umagang-umaga, hindi excited ha.
From: Rezzy
Iyong time departure niyo! Wag mo kalimutan, papasundo ba kita?
Aba naninigurado pa, akala mo hindi talaga ako sisipot. Hay, napatingin ako sa plane ticket ko papuntang singapore. Yes, ngayon na ang alis namin. Hindi ko alam ngunit hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko.
Ano bang hinihintay ko rito? Ang pagputi ng uwak? Naman talaga, Serena. Malalate ka na sa flight mo.
Napatingin ako sa isa pang text na hindi ko pa nabubukas sa cellphone ko. Agad kong pinindot ang text para mabasa ng makita kong si Renzo ang sender.
From: Renzo
I'm on a business trip right now. Sorry, di kita agad nasabihan. I'll be away for days. Take care of yourself. I miss you already.
Napatitig lang ako sa text niya dahil naninibago ako. He is not this kind of person. Hindi tipo ng lalaki si Renzo na nagtetext ng katulad nito. Sinapian ata ng masamang hangin kaya nagkakaganito. Biglang sumilay ang isang ngiti sa labi ko.
Urgh, this is frustrating.
Hindi na ako nagreply sa text nito. Don't even dare to reply Serena! Wag kang magtangka kahit dot lang na reply sa text. Hinila ko na ang isang luggage ko at palabas ng bahay. Mabuti na lang at nagpatawag ako sa guard na hanapan ako ng taxi.
Nagreply na din ako kay Rezzy na papunta na ako sa airport para hintayin na lang niya ako doon. Sumakay na ako sa taxi at nalakbay na ang utak ko sa kung saan.
Nakalipas ang 30 minutes ay nakarating na ako sa airport. Pumasok na ako sa loob, naglakad ng kaunti at hinanaap ang anino ni Rezzy. Nasaan naman kaya ang babaeng iyon?
"Serena..." Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Tinangal ko ang shades ko at nabigla sa taong nasa harapan ko. Lumapit siya sa akin at ngumiti.
"Nate, why are you here?" Agad kong tanong sa kanya. Oo, napakadiretso kong magsalita. Anong masama doon? Mas magandang maging straight forward kesa maging plastik. Bakas sa mukha ko ang pagkabigla at siguro disgusto na nandito siya ngayon.
"I am also a part of the fashion show." Simpleng sagot niya, nakikita ko ang lungkot sa mata niya habang nakatingin sa akin.
Hindi na ako nagsalita para hindi na madugtungan ang usapan namin ng bigla na naman siyang nasaglita.
"Hindi sinabi sayo ni Rezzy?" Tanong naman niya. Obviously, magtatanong ba naman ako kung alam ko. Ngunit hindi ko na sinabi kung ano ang nasa utak ko.
"Hindi, nasaan na ba ang babaeng iyon?" sambit ko habang lumingong-lingon. Napatingin ako sa wrist watch ko.
"Si Rezzy?" tumikhim siya kaya naman ay napatingin uli ako sa kanya na nagtatanong ang mukha. "Don't tell me na hindi niya sinabi sayo?" Tanong naman siya kaya napakunot ang noo ko.
"What?" napabuntong hininga si Nate. Tss, late ba si Rezzy?
"Well nauna na si Rezzy sa Singapore kaninang madaling araw siya umalis ng bansa. Nagtext siya sa akin kanina kaya tayo ang magsasabay buong biyahe." Ramdam na ramdam ko ang tuwa sa pagkakasabi nito.
Bakit hindi man lang sinabi sa akin na makakasabay ko pala itong si Nate edi sana sumabay na lang ako kay Rezzy kaninang madaling araw. Nakakainis naman itong si Rezzy, bakit kay Nate lang niya pinaalam. Hello?! Bestfriend niya ako. Tsss.
"Ah, okay." Iyon na lang ang sinabi ko. Sabay tango tango kahit medyo nainis ako. Napalingon kami ng marinig namin na tinatawag na ang mga pasehero ng flight naming dalawa.
"Tara na," aya niya sabay kuhang bagahe ko at hinawakan ang isang kamay ko. Nagpatiuna siya, napansin kong wala siyang hawak na bagahe, nacheck in na siguro ni Nate since nauna naman siya sa akin. Nagcheck in din kami sandali at maya-maya lang ay pumasok na kami sa eroplano.
Nakahawak pa din siya sa kamay ko tapos nakaalalay siya na parang madadapa ako ano mang sandali. Napapansin ko na wala na talagang plano itong si Nate na bitawan ang kamay ko kaya ako na ang nagbaklas sa pagkakawahak niya sa kamay ko.
Nabigla siya sa ginawa ko ngunit hindi na siya nagsalita pa. Hindi ko naman napansin na nasa first class pala kami, hindi ko rin kasi tinignan sa plane ticket ko, nakahanda na kasing binigay sa akin ni Rezzy kaya di na ako nag-abala.
Umupo na ako ng maayos at napalingon ako ng may tumabi sa akin. Akala ko hindi ko makakatabi itong taong ito pero mali pa rin pala kasi magkatabi kami ngayon ni Nate. Umupo na rin siya ng maayos.
Ilang sandali lang ay tinatanong niya ako kung may gusto ba daw akong kainin o kung may gusto akong inumin. Iling lang ng iling ang sagot ko. Hindi rin naman talaga ako gutom kasi kumain na ako sa bahay bago umalis. Tsaka ayoko na siyang kausapin ngayong papaalis na ang eroplano, nakakatamad sumagot.
Nasara ko ang aking mga mata at ilang sandali lamang ay nilamon na ako ng kadiliman. Hindi ko na napansin na nakatulugan ko pala ang buong biyahe namin dahil paggising ko ay malapit ng magland ang plane. Napatingin ako Nate na nakatingin pala sa akin, hindi pala tingin kasi titig na titig siya sa mukha ko.
Tumikhim ako at ngumiti lang siya sa akin. Bakit ganyan siya makatitig sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Naglaway ba ako nong tulog ako? Naghihilik ba kao kanina?
"I like staring at your face." Para namang nabasa nito ang utak ko. Napakunot ang noo ko sa kanya.
"Wag kang umarte ng ganyan sa akin lalo na mamaya. Ayokong mag-isip ng kung ano si Rezzy dahil dyan sa mga arte mo." Sabi ko naman sa kanya.
Tumayo na ako at dadaan sa harapan nito dahil pupunta ako sa toilet para umihi ng bigla niya akong hilahin kaya naman ay napaupo ako sa legs niya. Napatingin ako sa dalawang braso niyang nakapulupot na sa bewang ko.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa paligid. Ang ilang pasaherong kasabay namin ay napatingin sa amin, iyong iba nakangiti tapos iyong iba tumingin na lang sa ibang direksyon.
Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Pinilit kong alisin ang pagkakayakap niya sa akin. Naramdaman ko din ang mabagal niyang paghinga sa likuran ko.
"Nate bitawan mo nga ako." Mahina kong sabi rito dahil nahihiya na talaga ako. Ano bang arte ito ngayon? Naman naiihi na ako.
"I missed my Solemn, I missed you so damn much." Bulong niya sa may tenga ko.
"S NAKARATING na din kayo. Salubong sa amin ni Rezzy, nauna siyang lumapit sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi. Lumapit rin siya kay Nate at humalik sa pisngi nito. "Kumusta ang biyahe niyo?" Tanong nito kay Nate.
"Okay naman." Nakangiti si Nate ng sinabi iyon. Aba masaya ang lalaking ito sa ginawa niya kanina. Napailing na lang ako.
"Bakit busangot mukha mo?" Tanong ni Rezzy sa akin. Kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi na nauna ka pala dito?" balik tanong ko at aba ngiti-ngiti lang ang bruha.
"Sorry na bestfriend. Tsaka kasabay mo naman si Nate ah. May chaperone ka oh." Hinawakan nito ang braso ni Nate.
"Hay dapat kayo na ang nagsabay kanina mga love birds." Nakangiti kong sabi sa kanila. Bagya na bagay silang tignan dalawa. Napatingin ako kay Nate na nag-iba ang timpla ng mukha. Hindi ko alam pero naiilang ako sa tingin niya sa akin.
Nauna na akong maglakad sa mga ito.
Nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin, napatingin ako sa Green Empire na pagmamay-ari ng Xhen Group of Companies. Dito pala kami tutuloy di man lang sinabi ni Rezzy.
"Dapat sinabi mong dito pala tayo magsta-stay para di na kayo mahirapang magpareserve." Sabi ko naman kay Rezzy.
"Oo nga eh nakalimutan kong sabihin sa team na kayo nga pala ang nagmamay-ari nitong hotel di hindi na dapat sila nahirapan." Sagot naman nito sa akin. Mahirap kasing magpareserve rito, parating puno at maraming nakareserve. Napatingin sa akin si Nate na parang nabigla siya, nagsimula akong maglakad palayo.
"Tara na." Rinig ko pang sabi Rezzy, sinabihan siguro nito si Nate na naiwan doon.
Marami kaming ginawa ni Rezzy sa buong maghapon. Naghanda ng mga damit kasama ang team nito. Nagpunta kami sa venue ng fashion show at nagpractice para sa cat walk. Hindi ko inaasahan na ganito kalaking fashion show ang mangyayari, well sabi ni Rezzy na mga sikat daw na mga models ang nandito ngayon.
Para namang may kilala ako bukod rito at kay Nate. Hindi naman kasi ako mahilig sa fashion shows at tumingin sa mga magazines.
Hindi na namin napansin ang oras at ilang minuto na lang pala ay magsisimula na ang show. Ayos na ang lahat ng mga model mula sa make up at mga susuotin. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin, hindi pa rin ako masyadong nasasanay ng ganitong mga ayos.
"Hey, you okay?" Tanong sa akin ni Rezzy. Kilala talaga ako ni Rezzy, alam nitong kinakabahan ako ngayon.
"Yeah. Breah in. Breath out." Sunod sunod kong sabi. Nakangiti naman si Rezzy sa akin.
Napalingon ako ng tawagin na ang pangalan ko. Nagsisimula na kasi ang cat walk, ako na daw sabi sa akin ng mga staff. Ngumiti sa akin si Rezzy, huminga ako ng malalim at naglakad na palabas sa stage.
Habang naglalakad ako ay sumasalubong sa akin ang nakikislapang mga ilaw na galing sa mga sa mga cameras na nakatutok sa akin. Sinalubong ko ang napakaliwanag na ilaw, pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako at medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayon kumpara noong first time ko rumampa.
Ngayon, I have confidence in myself at hindi na ako natatakot na humarap sa maraming tao dahil alam kong kaya ko. Hindi na ako katulad ng dating lalampa-lampa, ngayon ay mas naging malakas na ako.
At habang naglalakad ako ay parang nakita ko si Renzo na nakatitig sa akin. Nadoon ito nakatayo sa gitna ngunit nasa pinakahuli nakatayo. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng paningin ko sa nakita ko.
Andito talaga siya?
Natapos ang fashion show at naging successful ang lahat. Maraming lumapit sa akin at nagpapapicture, marami din akong nakausap na ibat-ibang tao na di ko na matandaan ang pangalan. Kasi naman itong si Rezzy iniwan ako tapos siya naman itong pinapakilala ako kung kani kanino.
Napatingin ako sa paligid, inikot ko ang paningin ko at hinanap si Renzo. Guni-guni ko lang ba iyong nakita ko kanina? Bakit wala naman siya? Umalis na ba siya agad?
Lumabas ako ng venue hall at napatingin sa paligid. Wala. Teka bakit ko ba hinahanap ang taong iyon? Pakialam ko ba sa kanya? Hay Serena, ang tanga mo. Acting like a dumb love fool again.
Napahigit ang higit ang hininga ko ng maramdaman ko ang paghawak sa dalawa kong kamay. Napalingon ako sa kaliwa, itinaas ko ang tingin ko at nakita kong nakahawak sa kamay ko si Nate.
Napalingon naman ako sa kanan ko, itinaas ko ang tingin ko upang malaman kung sino ang nakahawak sa isa kong braso. Nabigla ako ng makita ang mukha ni Renzo na seryosong nakatingin sa akin.
He is really here. The odd thing is that I am happy that he is here.