Chapter 33

Ilang oras nag lumipas ay napabalikwas ako at napamulat ang mga mata habang may iilang luha ang tumutulo sa aking mga mata. Pinahid ko ang mga ito gamit ang likod ng aking mga kamay. Napaginipan ko kasi ang araw ng kasal namin ni Renzo, iyong araw na ang saya saya ko dahil ikakasal ako kay Renzo kahit alam kong hindi niya ako mahal. Iyong araw rin na iyon na parang biniyak niya ang puso ko dahil sa mga sinabi niya sa akin.

"This marriage is purely business. Kaya wag ka masyadong mangarap dahil walang magbabago sa atin and never ever expect anything from me."

Napaupo ako sa kama at napahawak sa mukha ko. Parang kahapon lang nangyari iyong ang scene na iyon dahil malinaw na malinaw parin sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni Renzo. At kahit nawala saglit ang aking memorya, ngayon ay buong buo na ito at naalala ko na ang lahat ng sakit at pait.

Losing my memory never helped me at all. Dahil kahit nawala ang memorya ko tungkol kay Renzo ay muli ko na naman siyang minahal. She really is out of her mind.

Narinig ko lang ang sinabi ng aking ina kanina ay para unti-unti na namang nagigiba ang pader na ginawa ko sa puso ko.

"This is not good Serena." Napabuntong hininga ako.

Napatingin siya sa cellphone ko na nasa may side table. Kinuha ko iyon at napatingin sa oras. 6:37 pm. Ganito ako katagal nakatulog? Bumangon na ako at inayos ang sarili sa salamin. Nag-apply ako ng kunting make up sa mukha upang maayos ang mukha ko at upang di mapansin ang pamamaga kaunti ng aking mga mata dahil sa pag-iyak.

Bumaba na ako at nakasalubong niya ang katulong namin. Sinabi nitong pinapapunta na daw ako sa dining room para makapagdinner na sila ng kanyang Mommy.

Nagkwentuhan lang kami ni Mommy habang kumakain. Marami kaming pinag-usapan simula noong nawala ako, parang nabawi ang oras na hindi kami nagkita ni Mom. Natutuwa ako dahil sa nagkaroon kami ng oras ng Mommy na mag-usap at magbonding katulad ngayon. Napatingin ako sa aking relo,

"Why don't you return to your husband now?" Biglang sabi ng ni Mommy. Kaya napatingin agad ako sa kanya. "What? Alam ko namang ayaw mo talagang mag-stay dito at kating-kati ka ng mauwi." Panunukso ni Mom.

"Mom.." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Hinahanap ka na siguro ng asawa mo ngayon at siguro nababaliw na iyon kakaisip kung nasaan ka na." Nakangiti ito habang expressionless lang ang mukha ko.

"Pinapalis mo na ba ako Mom?" Tanong ko s akanya.

"Yes! At alam ko gusto mo naman. Sige na, tumayo ka na dyan at umuwi ka na doon sa asawa mo." Pinilit talaga niya akong tumayo sabay bigay sa akin iyong pouch ko na alam kong nasa kwarto ko lang nilagay.

"Mom iyong cellphone ko na sa kwarto ko pa." Rason ko pa rito.

"Its in your pouch at complete na iyang gamit mo kaya wag ka ng gumawa ng rason," sabay tawa niya. "At wag ka munang bumisita rito habang hindi niyo pa naayos ang gusot niyo." Nakangiti pa ng malapad ang kanyang ina.

"What? Mom, I thought I can stay here whenever I want?" tanong ko muli na may pagtatampo sa boses.

"Yeah you can, but not for now." Sabay halik sa pisngi ko at sinarhan na ako nito ng pintuan. This is not happening, kinakampihan ni Mom si Renzo at pati siguro si Dad. Napabuntong hininga ako.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot iyon. Nakalipas ang kalahating oras ay nakarating na ako sa bahay at pinasok ko na din ang kotse sa garahe. Bumaba na ako ng kotse at hindi na nabigla ng walang ilaw sa buong bahay. Binuksan ko ang pintuan at binuksan ko din ang switch ng ilaw.

"Your here." Napalingon ako sa nagsalita, pansin agad sa boses nitong lasing na lasing na ito. Hawak pa niyo ang isang bote ng brandy.

"Lasing ka ba?" At ako si tanga, alam ko ng lasing na eh nagtatanong pa ako.

"No, no I'm not." Unti-unti siyang lumapit sa akin ngunit nilampasan ko lang siya. Bakit ba nakikipag-usap ako sa taong lasing?

"Akala ko iiwan mo na naman ako." Bigla akong napatigil sa paglakad ng marinig ang sinabi niya. Kahit lasing siya ay maliwanag pa sa buwan ito magsalita. "Akala ko mawawala ka na naman sa akin kasi di kita nakita kanina," naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"Matulog ka na, lasing ka na." Mahina kong sabi sa kanya. Unti-unti kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"Hindi, ayokong matulog ayokong malayo sayo. Baka umalis ka na naman ng di ko namamalayan," at ngayon ay hindi na siya nakahawak sa braso ko kundi nakayakap na siya sa likuran ko.

"Renzo..." Mahina kong sambit sa pangalan ko.

"It was so hard not seeing your face and your smile for a day that it felt like I was in hell. A year, I survive without you. Hindi ko alam paano ko nagawa iyon." Huminga siya ng malalim. "Pakiramdam ko buhay ako na patay sa panahong iyon. Alam kong kahit mawala ka man uli ay maipagpapatuloy ko pa rin ang buhay ko."

"Whats the point of saying this Renzo?---" Pinaharap niy ako sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"A life without you will not be the same anymore. You know why? Because you started too crept in here." Tinuro niya ang bandang puso nito. "I knew right from the start your too good to be true, na hindi tayo bagay para sa isa't isa because eventually I'll end up like my Dad. And so I did my best to let you go and now your back again." Hinawakan niya ang magkabila ko pisngi at tintigan ako.

"Gusto kong malaman mo na hindi ka na makakaalis sa tabi ko dahil gagawin ko ang lahat para mahulog ka uli sa akin. Iyong hindi mo kakayaning iwanan uli ako." Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang unti-unti siyang lumalapit sa mukha ko. Unti-unti kong sinara ang mga mata ko ngunit naramdaman ko nalang ang paghulog ng mukha niya sa braso ko sumunod ang katawan niya. Mabuti na lang mabilis kong naibalanse ang katawan ko.

Napamulat ako at napatingin sa mukha niyang natutulog. Napailing na lamang ako.

I'm really hopeless.