Chapter 28
SERENA's POV
"Nandito ka lang pala."
Agad kong sinara ang librong binabasa ko at lumingon ako kay Devon na nakapamulsa mula sa pintuan ng library dito sa mansyon. As usual, he is still looking good like yesterday or the other day or all the days na nakikita ko siya. Like the images flashing in my mind that time, walang pinagbago ang features niya.
Minuwestra ko sa kanya ang space na pwede pa niyang upuan sa tabi ko.
Huling araw na namin dito sa hacienda at sobra akong nasiyahan sa lahat ng pinuntahan at pinanggagawa naming dalawa ni Devon. Napagpasyahan kong tumambay muna dito sa library para makapag-isip ng tama at tumingin sa ilang mga librong nandito.
"Anong binabasa mo?" tanong niya sa akin pagka-upo sa tabi ko.
"Cinderella," sagot ko naman sa kanya sabay ngiti at binalik ko din ang tingin ko sa kwento.
"You still like to read that kind of story," sabi niya habang nakatitig pa din sa akin.
"This may be a cliché story where it always have a happy ending and the paired up prince and princess end up together but to me, this kind of story is amazing and very romantic.," sagot ko naman sa kanya ng nakangiti habang binabasa ang katagang happy ending sa kwento.
"When we were young, you used to read a lot of fairytale stories. Dati nga inuulit-ulit mong binabasa ang ibang fairytales lalo na ang kwento ni Cinderella. You never change," napatingin ako sa kanya.
"Is it a bad thing for being me? For believing in happily ever after, for believing that there is still a prince charming who is willing to save a princess who's a damsel in distress ?" tanong ko naman sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan ngunit iba ang dating sa akin ng sinasabi niya.
"No no, it is a good thing you stayed the same. I am glad your still the same Serena that I knew. Hindi ko kailaman gugustuhin na bigla kang magbago. Don't take it in the wrong way, okay? " masuyo niyang hinawakan ang mukha ko habang titig na titig din sa akin. Ngumiti na rin ako sa kanya bilang ganti.
Tumayo ako at naglakad papunta sa shelf, nilagay ko ng maayos ang mga pinagkukuha kong fairytale books ng bigla niyang kinuha ang mga ito. Bigla akong nataranta at mabilis na kinuha rin agad ito sa kanya.
"Hindi mo na ako kailangang tulungan. Kaya ko naman ito, ilan lang naman ito." Ngumiti ako rito at mabilis na inayos ang mga ito sa shelf. You need to gather yourself Serena! act natural! Be innocent like a lamb!
"Just like in the past, hindi mo pinapahawak sa akin ang mga books mo," sabi niya. Nabigla ako ng mapansin kong nasa likuran ko na pala siya. Pakiramdam ko tuloy ay iniimbestigahan niya ako gamit ang kanyang mga mata.
"Ang sinasabi ko lang po hindi mo na kailangan pa akong tulungan kasi kaya ko naman. Ang liit liit na bagay e kakailanganin ko pa ng tulong mo, sobra na akong dumidepende sayo diba." Paliwanag ko sa kanya sabay ngiti upang matabunan ang pag-iisip niya ng kung ano-ano. Compose yourself Serena! Halatang-halata ka na talaga! Pagalit ko sa sarili ko.
"You can always depend on me Serena. Kahit gaano pa iyan kaliit na bagay gagawin ko para sayo kaya hindi mo kailangan mag-isip ng ganyan. I am always here for you no matter what," nakasandal na ako sa shelf habang malapit na malapit na ang aming mga mukha sa isa't-isa.
Bigla akong napatingin sa bulsa nito kung saan nagmumula ang tunog ng cellphone nito. Narinig ko pa ang mahina nitong pagmura kaya hindi ko mapigilang mapangiti dahil ba sa tumunog ang cellphone nito?
"Hindi mo ba sasagutin ang tawag?" hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin. "Baka importante iyan?" sabay tingin sa bulsa niya. Bumuntong hininga siya at walang nagawa kundi dukutin ang cellphone niyang hindi tumitigil sa kakatunog.
"Lalabas muna ako to answer this call," mabilis niya akong hinalikan sa noo na kinabigla ko. Napatingin na lang ako sa kanya na nakalabas na ng library. It was unexpected for him to kiss me in my temple.
Napatingin ako sa librong cinderella, hindi naman ito ganoon ka kapal na libro, sakto lang para sa isang bata na basahin ito at katulad din ng iba pang mga fairytale books na magkatabi-tabi sa shelf. Nakahinga ako ng malalim at binuksan ang librong hawak-hawak ko ngayon.
Dito sa librong ito nakatago ang isang litrato ni Devon na matagal ng nakatago. Mabuti na lang at hindi nito binuklat ang mga librong ito dahil hindi lang ang librong ito ang naglalaman ng mga senisekrito ko.
"Matagal ka bang naghintay sa akin? I told my staff not to bother me now while I am on my vacation but still they are persistent." Pagpapaliwanag nito sa akin. He looked so bothered because of that call kaya minabuti kung lumipat sa kanya.
"Hindi naman at tsaka okay lang naman sa akin kasi kailangan ka ng work mo. Thankful nga ako sayo kasi sinama mo ako rito when in fact napakarami mong trabaho, you do have a responsibility in the company but still your right here by my side."
"I told you kahit ano gagawin ko. Doing this is not a big deal okay? Syempre mas pipiliin kita over my work," sagot naman niya na kinabigla ko. Ngumiti na lang ako sa kanya biglang ganti.
"One more thing, maybe you can't remember this necklace but this is the one I gave you the last time we came here. Gusto ko sanang suotin mo uli para sa akin pero kung ayaw mo naman ayos lang," napatingin ako sa necklace na hawak-hawak nito. Ito nga ang necklace ko, iyong pendant ay rose covered with diamond stones.
"Hindi, ayos lang sa akin." Inayos ko ang kulot kong buhok para mailagay niya sa leeg ko ang necklace. Medyo lumapit na siya sa akin at inayos na ang necklace sa leeg ko. Dikit na dikit kami sa isa 't-isa kaya amoy na amoy ko siya. Naamoy ko shampoo at sabon niyang ginamit, hindi pala siya nagperfume dahil sarili talaga nitong amoy ang lumalabas sa katawan nito na lalaking-lalaki.
"Your done?" tanong niya na naka ngiting aso.
"Anong ginawa ko para matapos ako?" balik tanong ko naman sabay taas kilay. Patay malisya kong arte. Jusko, nakakahiya.
"Inaamoy mo ako, baka maubos mo. That necklace really looks good on you," si Devon.
"Hindi kaya, nagkakamali ka," sagot ko naman. Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi niya mapansin na hindi ko ito kayang harapin.
"If you say so," sabay tawa ng mokong.
"What?" tingin ko ulit sa kanya.
"Its so fun to tease you," nakabungisngis siya habang nakasimangot ako.
"Tse." Yes yan lang ang nasabi ko.
NAPATINGIN AKO sa mga namumulang rosas at sa mga pink na rosas sa garden ni Grandma.
"Aren't they beautiful?" Napalingon ako sa aking likuran at napangiti ng makita si Grandma.
"Opo Grandma, ang galing niyo po at napalago niyo ng maayos ang lahat ng mga rosas na ito." Tumango rin si Grandma at ngumiti habang nakatingin sa mga bulaklak.
"You know it was not just my effort alone but also to Mang Andres. Pinagtiyatiyagaan niya iyang tanggalan ng mga naliligaw na damo araw-araw." Naglakad si grandma sa malapit na upuan na nakalagay para talaga doon. Naupo na rin ako sa tabi nitong upuan.
"Pink roses were your favorite flower right?"
"Ye-- I mean hindi ko pa po madyadong maalala eh," sagot ko naman kay Grandma, muntik akong nadulas. Nakatingin lang sa akin ng mataimtim si Grandma.
"Alam mo bang alam ko na tinatago mo pasekreto ang mga litrato no Devon sa mga fairytale books mo dahil iniiisip mong ikaw ang prinsesa at siya ang prinsipe," sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakangiti si Grandma.
"Paano mong nalaman Grandma?" mabilis kong natoptop ang bibig ko. Tanga ka Serena!
"I am your Grandma, of course, I would know. Serena, when I was younger like that of your age, I tend to misunderstand a lot of things. I didn't try to know the facts or even exerted an effort to know the truth, all I did was to let it pass and run away from what was happening. From that, I learned a lot and now I am telling you to not run away again and face everything will all you got." Hindi ako makaimik dahil alam ko sa sarili kong lahat ng sinabi ni Grandma ay tama. I know that Grandma knew all along what I was hiding.
"Grandma," mabilis akong tumayo sa kinaupuan ko at lumapit kay Grandma. Napaupo ako sa damuhan sa ibaba ni Grandma.
"Apo hindi mo naman kailangang magtago sa akin ng ano man. Alam kong unti-unti ng bumabalik ang memorya mo at marami ka ng naaalala. You can't hide the fact that you've regained your memories lalo ng hindi mo iyan dapat itago kay Devon dahil malalaman at malalaman niya parin. Past is past Serena, Devon commit mistakes, you commit mistakes because both of you isn't perfect. No one is. Minsan mas magandang madapa para matuto at hindi na maulit pa. Nasosolusyunan ang lahat Serena."
Napatingin ako kay grandma ng pagsusumamo.
"Grandma please wag mo pong sabihin kay Renzo na bumabalik na ang alaala ko, na marami na akong naaalala. Ayokong malaman niya ngayon ang tungkol dito, gusto kong ako mismo ang magsasabi nito sa kanya," sambit ko naman habang nakayuko.
"Anong sasabihin mo?" bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Renzo. Hindi pwedeng narinig niya.