Chapter 3 No Vacancy

MAAGANG nagising si Raine para maghanap ng trabaho, nakasuot lamang siya ng puting v-neck shirt na fitted sa kaniya, na tinernuhan niya ng black blazer at pencil cut skirt na 1 inch above her knee.

Ilang araw na din ang nakalipas mula ng mawalan siya ng trabaho. Hindi niya na kakayanin pang tumunganga nalang at walang gawin.

"Sorry Maam, pero wala po talatang bakante eh." napabuntong hininga ang dalaga, pang ilang opisina na ba ang kaniyang napuntahan, na halos lahat ay pare- pareho ang sinasagot sa kaniya.

Pigil ang hininga niyang wag tarayan ang babae, dahil sa tindi ng init at nakisabay pa ang napakamalas na araw niya. Sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang balat sa pwet, kaya sobrang nagtataka talaga siya na sa dami rami ng pinag apply-an niya ay wala ni isang tumanggap sa kaniya.

Maganda naman ang background niya, matataas ang grades at higit sa lahat may experienced ako sa kahit anong trabaho, dahil bata palang ay nagbabanat na ng buto.

"NO VACANCY." Mataray na sabi ng babae at pinakita pa ang sign board na hindi niya napansin ng dumating siya.

Sungit kala mo naman maganda, kapal naman ng kilay. Naiirita nitong bulong sa sarili.

Bagsak ang dalawang balikat na umalis siya doo at saka naglakad lakad, dahil ayaw niyang mag aksaya ng pamasahe. Tutak mas kailangan niya ang magtipid at baka may makita rin siyang mga nakapaskik na available job, na pwede niyang pasukan.

"Nauuhaw na ako, haynako!" reklamo ni Raine, agad naman itong naghanap ng tindahan para bumili ng soft drinks.

"Pagbilhan! Ate... pagbilhan nga po." tawag nito sa tindera. Kinatok katok niya pa ang pinto ng tindahan nito. "Soft drinks ho, Ate!" sabi nito ng makalabas ang tindera.

"Salamat, ho!" sabi pa nito at saka nagpatuloy sa paglalakad habang humihigop sa hawak nitong plastic na may lamang soft drinks.

Nang makaramdam ng pagod ay naupo siya sa hagdanan, sa may tapat ng malaking building. Nang maubos ang soft drinks ay tumayo siya. Tinapon niya ito sa nakita niyang basurahan.

Sakto namang may nakita siyang papel na nakapaskil sa isang poste. "Wanted: All around Cleaner/Housekeeper. " basa niya dito.

"Requirements — birth certificate, any ID card, and must a girl. " kahit nagtataka ay gora parin siya. "Benefits— health care, pay- raise or performance bonus and most of all libre ang food at tirahan. So meaning stay in? Kaloka!" napapatango pa ito habang binabasa ang nilalaman ng kinuha niyang papel na kanina lamang ay nakadikit pa sa poste.

"Salary..." PIGIL ang hininga niyang binasa ang salaray na nakalagay dito. Nanlalaki pa ng bahagya ang mata niya. "Twenty thousand per month!" napapaypay siya sa sarili.

Para siyang hihimatayin, mahina siyang napadasal na sana ay matanggap siya sa trabaho dahil kailangang kailangan niya talaga ito. Hindi niya kasi alam kung paano niya bubuhayin ang sarili at ang pamilyang naiwan niya sa probinsya. Lalo't ngayon na wala siyang trabaho, dagdag pa sa alalahanin niya ang kaniyang pang matrikula. Kaya talaga namang mababaliw na siya kung sakaling hindi niya makuha ang trabahong ito.

Naisip niya na agad ang gagawin sa unang sasahurin niya, kung sakaling siya ang matatanggap. Pero sana lang talaga ay matanggap siya. Malamang ay matutuwa ang ina niya, ipapadala niya ang kinse mil sa ina, na nasa probinsya pagkatapos ang matitira naman ay panggastos niya. Pangbayad tuition, at pang allowance na din.

Napangiti na agad ang dalaga at saka kinuha ang kaniyang phone. Walang sinayang na oras si Raine at agad tinawagan ang numero na nakalagay doon. Napapakagat labi pa siya habang hinihintay na sagutin ng may ari ng numero ang telepono.

"H-Hello----"

["You're hired. You can start tomorrow." yun lang ang narinig niya sa kabilang linya, pagkatapos ay naputol na ito.

"Ha? A-ano daw... I'm hired? Ohmyghod!" napatalon pa siya sa tuwa dahil sa narinig. Hindi manlang nagdalawang isip ang kausap niya na tanggapin siya sa trabaho.

Thanks god! Sa isip isip niya ay sadyang napaka buti parin talaga sa kaniya ng diyos, dahil hindi siya nito pinabayaan.

Kaya't imbes na magtaka dahil parang may mali ay hindi niya ito napansin, natuwa pa nga siya dahil sa dami niyang sinubukang pag apply-an na hindi naman gaano kalakihan ang sahod ay napunta pa sita sa galanteng may ari ng bahay na lilinisin niya. Ohmyghod!

Nakangiti siyang bumalik sa apartment niya. Tinawagan niya rin ang kaibigan at saka masayang nagkwento dito.

"Ohmyghod! I'm so happy for you, bes! So paano yan? Aalis kana sa apartment mo?" tanong nito na ikinatigil niya sa kabilang linya.

Oo nga pala, kailangan pala sa trabahong iyon na mag stay in. So, ibig sabihin pati sa renta ng apartment ay makakatipid siya? Kyah! Nagtatalon ito at saka masayang nagsisigaw.

"Gosh bes, calm down nga. You're so loud ha." sabi ng kausap nito sa kabilang linya. "Btw, I have a date tonight. Do you know... Brent? Yung ex ko nung highschool." kinikilig na kwento nito.

Kumunot ang noo ni Raine at saka napabuga ng hangin.

Ang kaibigan niya, nagpaka rupok na naman. Naiiling iling siya dahil di nya gusto ang Brent na yon para kay Cassandra. "Hmn, anong meron? Nakipagbalikan—" pinutol nito ng isang malakas na tili ang sasabihin sana niya.

Nailayo niya sa tenga ang phone dahil sa tinis ng boses ng kaibigan, "Yes, bes! And you know what... I just said yes just about an hour ago. Aren't you happy?" masayang tanong nito pero bakas ang pag aalangan.

Parang hindi siya pumulupot dun sa lalaking sumundo sa kaniya kahapon, kung makairit siya at makapagkwentong parang sinisilihan ang tumbong, tungkol sa ex niyang isa ring gago.

Haynako!

"Oo naman! Masaya ako para sayo... syempre." sabi nalang niya.

Alam niyang di naman siya pakikinggan ng kaibigan, pero wag lang talagang lolokohin ng Brent na yon ang kaibigan niya, dahil talaga namang malalagot sa kaniya ang lalaking iyon.

"Pero paano pala y-yung ano... sumundo sayo?" napakagat labi na tanong ni Raine sa kausap. Hindi niya na napigilan ang magtanong, dahil nac-curious talaga siya. Ewan niya ba! Bigla nalang niya naisip yung lalaking 'yon.

"What do you mean? Are you referring to..." parang nag isip pa ang kausap sa kabilang linya. Napailing siya sa kashungahan ng kaibigan, isa lang naman ang sumundo sa kaniya kahapon ah?

"Kaiden? Oh, yeah. Si... Kai ba?" natatawang tanong nito. Hindi niya alam kung may nakakatawa ba sa tanong niya, baliw na yata ang kaibigan niya.

Bumuntong hininga siya at saka iwinaksi ang pagtawa ng kaibigan, "Oo, yun nga." sagot niya.

"Oh come on, Sharaine. Ngayon ka lang nagtanong sakin ng ganyan, you never questioned me about my boys..." sabi nito, na totoo naman. Never nagtanong si Sharaine sa kaibigan ng tungkol sa mga lalaki nito. Kahit pa tatlo- tatlo ang kaharutan nito. Ay wala siyang say. Kilala niya naman kasi ang kaibigan, at alam niyang nakikipaglaro lang ito.

"Ikaw ha! Type mo si Kai, no? Ayiee. Nagdadalaga na ang bestfriend ko." pang aasar nito at hindi manlang inintindi ang tanong niya. Napakunot naman ang noo niya ng mag sync in sa kaniya ang sinabi nito.

"ANO?! HINDI NO!" napasigaw na siya. Ako... type yung tarantadong 'yon? Asa pa. At tsaka anong nakain ng babaeng yon para isiping may gusto siya don sa lalaking 'yon. Hindi ba pwedeng nagtatanong lang siya kasi nagtataka siya? Masama na bang magtanong ngayon?

May bayad narin ba? Di manlang siya nainform.

At tsaka type agad? Agad agad! No way.

"Alam mo... Ewan ko sayo, Cassandra. Sige na kailangan ko ng mag impake ng gamit. Dahil bukas ay magsisimula na ako sa trabaho ko." sabi niya.

"I'll hang up, now. Bak maging busy ako bes, ha? Wag kang magtatampo." pabiro niya pang sabi sa kaibigan.

Ang totoo ay hindi naman talaga sila laging magkasama, dahil may kaniya kaniya silang buhay. Siya busy sa pagt- trabaho at pag aaral. Habang ang kaibigan ay busy makipag date at gumimik. Di niya nga alam kung napasok pa ba ang gaga.

Pero kapag may kailangan ang isa sa kanila ng makakasama, makakaramay sa saya or lungkot, dun nila nararamdaman ang pagiging magkaibigan.

Maswerte siya sa kaibigan, kahit magkaibang magkaiba sila ni Cassandra ay mas pinili nitong makipag kaibigan sa kaniya.

"Gaga! Sige na, bye. Goodluck, bes." sabi nito at saka pinatay ang tawag.

Natulog si Raine na may ngiti sa labi, hindi siya makapaniwalang may maganda siyang trabaho at malaki ang pa- sweldo. Siguradong matutuwa ang kaniyang ina sa kaniya.

Nang magising siya ay agad siyang naligo, at nang matapos ay saka siya nagbihis. Naka white shirt lang siya at jeans. Kumain na din siya, at saka nagligpit na kinainan nang matapos.

Nag ayos lang siya ng mga importanteng gamit na kaniyang dadalhin gaya ng damit niya, at saka ay ni- lock niya ang kaniyang apartment. Nag iwan na din siya ng sulat sa kaniyang landlady.

Pumara siya ng grab at saka sinabi dito ang address. Manghang mangha pa siya sa sobrang taas at ganda ng building na pinagtigilan nila. Nagbayad siya dito at nagpasalamat, at saka siya bumaba.

Nang makarating si Raine sa mismong unit ng pagt-trabahuhan niya ay agad siyang kumatok.

"Uhm... Ma'am, Sir? Tao po! Ako nga po pala yung tumawag para mag apply na—"

Nagulat si Raine ng biglang bumukas ang pinto nito at dahil bahagya siyang nakasandal dito ay baka nagdire-diretso na siya papasok.

Tumikhim naman ang lalaking nasa harapan niya. Amoy na amoy tuloy nito ang mabangong amoy ng lalaki, marahil kakatapos lang nitong maligo.

Agad siyang napabitaw mula sa pagkakayakap sa lalaking nasa harap niya na tanging towel lang ang nakatakip sa ibabang katawan.

"He's freakin' topless." Hysterical na sabi ni Raine sa isip niya.

Namumula siya at di makapag angat ng tingin.

"S-sorry... Ahm... ano po k-kase..." kanda utal utal siya at tila hindi niya mahagilap sa sariling dila ang kaniyang sasabihin.

"Ako po si Sharaine, Sha nalang po for short. Ako po yung tumawag sa inyo—"

"So, it's you..."