Chapter 68: THE LEGEND ENDS THE FINALE
Ikatlong Persona
Koen didn't know what to feel anymore. Nanginginig ang palad niya sa pagsisisi, pagkadismaya't takot. Sa ikalawang pagkakataon ay isang espesyal na tao ang muling nawala sa kaniya. Glo is not just his childhood bestfriend. Siya ang naging sandalan niya sa madilim na mundo. Ang taong nagligtas sa kaniya tuwing siya ay nalulunod sa kalungkutan.
Simula nang mamatay nang maaga ang ama niya at magahasa ang ina niya sa harap niya ay siya'y nangulila sa murang edad. Siya'y naging batang lansangan. Naranasan niyang kumain ng mga tirang pagkain sa basurahan at matulog sa kalsada umulan man o bumagyo.
Glo met him in the streets and gave him food and shelter. And showed that everyone deserves to live. Sa kabila ng lahat ay wala man siyang nagawa kun'di ay manood at isipin na sana'y masamang bangungot na lang ang lahat. Gusto niyang magwala't sumigaw ngunit nangingibabaw ang nararamdaman niyang kalungkutan.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin binibitawan ang malamig na palad ni Glo. At tuwing nakikita niya ang espadang nakabaon sa kaniya ay ramdam niya ang sakit. Gusto niyang sampalin at sisihin ang sarili dahil wala siyang nagawa't nakaupo pa rin sa lupa hanggang ngayon. He wanted to shout and ask what had they done to deserve all of these. He wanted to face him.
Ano'ng nagawa ko at ganito ang balik sa akin ng mundo?
Pinikit niya ang mga mata at hindi binitawan ang kamay ni Glo. His dearest friend's death hasn't sink in to his system yet. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mabitawan ang kamay nito't umaasa na siya ay nasa isang mahabang bangungot lamang.
Ito nga ba ang karma sa pagkakamali na ginawa niya noon? Sinisingil na ba siya ng itaas sa isang buhay na bigla na lang nawala dahil siya'y sadyang makasarili noon? Kung alam niya lang na rito hahantong ang lahat ay sana'y naging maingat siya. If only he knew that karma will hit him hard...
Before he met Glo, he lived by himself. Nasanay siyang mamuhay mag-isa't isipin na tanging ang sarili niya lang ang kakampi't sandalan niya sa buhay. He used to eat alone, walk alone, sleep alone and celebrate his birthday alone. Tinatak niya na sa kaniyang isip na siya'y mabubuhay at mamamatay nang mag-isa.
Ngunit nagbago ang lahat ng 'yon nang makilala niya si Glo...
Nag-angat siya ng tingin at napansin ang mataas na pagtalon ng dalagita habang hawak ang espada nitong lumiliyab ng apoy. Seryoso lamang ang mukha ni Siena habang siya ay nakatingala sa itaas. Sinundan niya lamang ito ng tingin at 'di mawari ang kabog ng kaniyang dibdib.
She moves gracefully while holding her sword. Her eyes scream justice, fierceness, and power. And even the way her hair moves in the air looks amazing in Koen's eyes. Ibang-iba ito sa babaeng una niyang nakilala.
Hindi niya inalis ang tingin sa mukha nito't pinagmasdan ang bawat galaw nito. She looks so beautiful in her red cloak. While holding her sword, she looks like a queen that doesn't need a king. She doesn't talk much but her eyes speak justice.
I'll protect everyone....
Tila narinig niya ang boses nito sa loob ng kaniyang ulo. Sinundan niya lamang ito ng tingin sa ere't pinanood kung paano nito subukang tamaan ang itim na buhangin sa gilid. At mula sa kaniyang gilid ay tumalon din si Emiria. She crossed her arms and hits the sand with her rose daggers but its useless.
Ang mga mata ni Koen ay nakatuon lamang sa mukha ni Siena. Lalong kumabog ang dibdib niya nang tumingin ito sa kaniyang direksyon at nagtama ang kanilang mga mata. Siya ay napahawak na lamang sa kaniyang pamaypay at nanginig ang kamay. He felt useless. He should protect her but why he can't do anything right now?
Koen's sentiments were cut off when an ice barrier formed in front of him. Agad siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang titig sa kaniya ni Neo mula sa kaniyang gilid. Eaton raised his palm and release magnificent transparent butterflies to give light to their dark atmosphere.
Huli rin nang mapansin niya ang maliliit na butil ng buhangin na nakadikit sa makapal na yelong pinoprotektahan siya. Sa huling pagkakataon ay tinapunan niya ng tingin ang mukha ni Glo. He placed his palm in front of his face before he bid his final goodbye.
Masakit man ngunit alam niyang kahit na hawakan niya ang palad nito magdamag ay hindi na ito didilat. He won't see him anymore. He won't hear his voice. 'Di niya na ito makikita pa muli kahit umiyak pa siya ng dugo.
A special friend left him again. Glo is gone...
Ramdam niya man ang hapdi ng mga mata niya dahil sa kakaiyak ay hindi siya kumurap habang nakatingin sa kamay nito. Mahigpit niya itong hinawakan at muling napapikit at tinatak sa isip niya na hindi rito nagtatapos ang lahat... May kaya pa siyang gawin.
"Bumaba ka rito't harapin kami!" Tila umalingawngaw ang boses ni Siena habang nakatingala. Tinaas nito ang espada at tinapat sa direksyon ni Dexodus at hindi kumurap. "Harapin mo kami! Bumaba ka riyan, gago!" malutong nitong mura.
Tinagilid na lamang ni Dexodus ang ulo niya dahil sa tuwa't napailing. He never thought that he will see her with this mood. Nagagalak siyang makita na sila'y nabigla, nalito't o 'di naman gigil na gigil sa kaniyang ginawa. Sa buong durasyon na sila'y nagsama'y tanging si Errol lamang ang nakalahata kung sino talaga siya.
Unfortunately, Errol killed himself and sacrificed. Too sad.
"Be careful what you wish for." tugon nito sa dalagita at ngumisi rito't siya ay pinandilatan ng mga mata. As he leans his head on his floating chair, his appearance changed again. Ang buhok nito'y naging kulay abo't ang mga mata niya'y naging kulay pula.
The black sand surrounds his head and his hair changes into long faded cut. His skin became pale and the seals on his flesh became prominent. He disappeared where he sat and teleported in front of Tasho. Isang malawak na ngisi ang binigay niya rito. His fingertips release a dark energy and became sharp claws.
Agad na na-alerto si Tasho dahil sa paglitaw nito't mula sa kaniyang palad ay lumitaw ang nagbabagang yelo. The ice thickens and became long and sharp. Humakbang siya palayo't hinanda ang sarili sa atake niya. Tasho couldn't look directly to Dexodus' eyes because seeing him closer is intimidating. His existence screams distraction.
Before Tasho could make his next move was taken back when Dexodus whispered something. Natigilan ito dahilan upang bumaon ang tagiliran niya ang mga mahahabang kuko't mapahiyaw sa sakit. As expected, Emiria jumped into their direction.
Mabilis na nawala si Dexodus sa kanilang harapan at sa paglingon ni Siena sa gilid ay nakita niya ito. Agad na inalalayan ni Emiria si Tasho at panay naman ang senyas nito sa kaniya na siya'y ayos lang habang nakapalupot ang kaniyang kamay sa bewang nito.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang sambit ni Emiria at isang tango naman ang tugon ni Tasho sa kaniya. Emiria wanted to say more but this is the right time for interrogation. Just by looking at Tasho's facial expression, she knew that something is not right.
Mahigpit na hinawakan ni Siena ang lumiliyab niyang espada. She held the hood of her red cloak so she can see his face. She placed her left foot behind and grips her sword tightly. Walang sabi-sabi itong tumakbo palayo sa direksyon ni Dexodus.
Ito'y nakita niya sa malapitan at nagtama ang kanilang mga mata. She striked her sword but his armor is hard. She used the sword's hilt to hit his neck but his reflexes are fast and blocked it with his palm. Kaya naman ay isang malaking hakbang palayo ang ginawa ng dalagita upang dumistansya rito.
"Wala kang kasingsama," matigas na sambit ni Siena. Nakatitig lang ito sa mga mata niya't hindi kumukurap. Her looks are darting and her body was tensed up. Masakit man ang buong katawan niya'y wala siyang paki. Ang tanging laman ng isip niya ay ang pagtataksil na ginawa ng taong tinuring niyang kaibigan.
Nanginginig ang buong katawan niya sa galit at hindi niya na mahawakan nang mabuti ang kaniyang espada. At ramdam niya rin ang init ng kaniyang buong katawan. Ito ang unang beses na makaramdam siya ng ganito. All she wanted was to fix everything, but why does she need to go through all of these?
Huminga siyang nang malalim at humakbang palayo. For the second time, her cloak lits up fire again, but it was different. Unti-unting naging abo ang suot niya't ang kaniyang itim na buhok ay naging kulay pula. Her hair became red as fire and tied in bun.
"The four palaces of the heavens. The four corners of the earth. In the name of sacred law, faith, and fortune. I summon the spirit Guardian of Fire. The Blazing Phoenix. I hereby beseech you to appear on earth."
She started to float as she chants. Her voice was calm yet so powerful. She knew that everyone will see that her body is full of the spirit beast's marks. Her flesh is already full of scales but she doesn't care anymore. She knew about of the consequence that will happen after this but she doesn't care anymore.
She is not aware that her appearance is changing. All she can feel is her anger and how she wanted justice. As her old clothes turn into ashes, the fire around her covered her naked body. Suddenly, the fire became a slim-fit dress showing her curves and figure also a slit on the left side and the top part, making her belly exposed.
Ang lahat ng mga mata'y nakatuon sa kaniya habang siya'y nakalutang sa ere. Ang buong katawan niya ay lumiliyab sa nagbabagang apoy. Napakataas niya't kailangan pang tumingala upang makita ang mukha.
Sa taas niya'y tila napakahirap niyang abutin. The look on her face was grim. Her body was tensed up. Her whole enter being was shaking with an emotion that everyone feels. She was on fire, as high as her anger.
Hindi maiwasang mabahala ni Emiria dahil sa kaniyang nasaksihan. With just one glance, she knew that the fire was from the spirit beast's. Her heart is trembling because of nervousness. Siena's whole body is already covered with scaly-feathers like a Phoenix. She knew that any moment, the Blazing Spirit Beast will consume her body.
"Hindi ko papalagpasin ang ginawa mong kalapastangan. Ang kasakiman mo sa kapangyarihan ay kailan man hindi makatwiran." Ang boses ng dalagita'y tila isang nagbabantang anghel. Nakabuka lamang ang palad nito sa tapat ng nilalang na dahilan kung bakit siya'y nakalutang sa ere ngayon.
Mula sa kaniyang puwesto'y nakikita niya ang lahat. Nakatingala ang lahat sa kaniya't kung tumingin sa kaniya ay para siyang isang diyosa. Walang emosyon ang makikita mula sa mga mata niya ngunit ang tindig niya'y kakaiba. With her red hair tied in a bun, she wears a golden spiked headdress piece filled with rubies. The strands of her hair is filled with pearls.
"Pagbabayaran mo ang kasalanan mo sa mundong ito." Sa pagbuka ng palad ng dalagita'y agad na lumiyab ang kanilang paligid. Mabilis man ang kilos ni Dexodus ay sinigurado niya na kahit dulo ng damit nito'y tatamaan ng kaniyang apoy.
Siena felt that she is filled with so much power and at the same time, her physical body felt in so much pain.
Tila nawalan ito ng kontrol dahilan upang siya'y bigla na lang mahulog mula sa lupa. Owen teleported in front of her and caught her. Sunod namang lumitaw sa tabi nila sila Emiria at Tasho. Mahigpit lamang ang hawak ni Owen sa bewang ni Siena. He couldn't believe what his eyes were seeing.
She transformed by herself and at the same time, the power of the Blazing Phoenix flows all over her body. Ang apoy na nakita nila kanina ay kakaiba at sigurado silang kahit kailan ay 'di sila nakakita ng apoy na kasingpula nito.
"Maari mo na akong ibaba." Isang nagtatakang tingin ang binato ni Owen sa dalagita dahil bukod sa nanghihina ito'y pinagpapawisan din ito.
"You don't look well... Don't force yourself. We know what will happen after this. Please..." Hinawakan ni Emiria ang braso ni Siena at sila'y nagkatinginan. From her flesh, red scaly-feathers are prominent. She can feel it too.
"Ayos lang ako. Wala sa akin 'to." Matapang na tugon ni Siena at sinubukang balansehin ang pagtayo niya. Nakita niya ang pagtututol sa mga mata ni Emiria habang hindi bumibitaw sa kaniyang braso.
"You don't have to force yourself. We are here to help you. Okay?" Bago ito bumitaw sa braso ni Siena ay ito'y muli niyang tinitigan sa mga mata.
Emiria never thought that she will grow like this. Even the way she holds her sword speaks power. Hindi niya akalain na ganito kalaki ang magiging epekto ng sagradong hiyas sa loob ng katawan ni Siena. Soon, her body will be devour by the spirit beast but hell she care. She's willing to risk all to protect everyone.
"Tapos na ba kayong mag-usap?" Isang nakakainsultong tingin ang binato ni Dexodus sa kanilang grupo. He raised his palm and release dark energies.
Pinagkrus naman ni Owen ang mga braso niya't lumitaw sa kanilang paligid ang makukulay na alitaptap. The fireflies are in rainbow colors. Kapag dinapuan ka rin nito'y mapapawi ang iyong pagod. He thought that with this little act, maybe he can help.
Siena raised her sword once again. Sa ikalawang pagkakataon ay lumiyab ito't nabalot ng apoy. Her sword became silver, and the golden wings on its hilt became larger. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at binalanse ang sarili. She felt her body releasing so much energies and power.
And the more power she felt, the more her body throbs and hurts in pain.
Humakbang siya at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon ni Dexodus. Nakasunod naman sa likod niya sila Tasho at Emiria ngunit tiningnan niya ang mga ito na para bang sinasabi na kaya niyang mag-isa. Umiling si Emiria sa kaniya bilang tugon. 'Di ito papayag na hayaan siya't walang kasama sa lahat ng kaniyang gagawin.
"Flyn!" Malakas na singhal ni Siena at tinaas ang espada niya't agad namang tinamaan ng binatilyo ang sandata nito gamit ang kaniyang hawak na sandata.
The dark energy that he releases became a long black dagger. Sunod na humakbang palapit ang dalagita. She strikes her sword upward to hit his neck but he's damn too fast to move. Even when he is only holding a dagger, he can dodge her moves.
"Nais mo bang makita ang katauhan kong si Flyn? Miss me?" Pang-aasar nito sa kaniya't tinaas ang kanan niyang kamay. He strikes his dagger but she dodged it with her sword. Out of sudden, his appearance is slowly changing.
Unti-unting nagiging itim ang mga mata't buhok nito. Bumagsak din ang buhok niya't ang kulay ng balat niya'y bumalik sa katamtaman. He came back in what he used to look when he introduced himself as Flyn.
Nanginginig ang kamay ni Siena sa hindi malaman na dahilan. Wala sa sarili siyang tumingin sa dagger na hawak nito at lumawak ang ngisi sa mukha ni Dexodus habang nakatingin sa kaniyang mukha.
He is holding a one damn dagger but why he's so strong?
Tumalon patalikod si Siena at siya'y dumistansya rito. Humihingal siyang tumingin sa mga mata nito at sunod na napahawak sa kaniyang balat. Hindi niya na nararamdaman kung pinagpapawisan ba siya o hindi. She can't even feel her flesh anymore. Ang buong katawan niya'y tila nababalot na ng pulang balahibo ng ibon.
"Ano'ng kasalanan namin at nagawa mo kaming lokohin ng ganito?" Kahit na hirap magsalita ang dalagita dahil sa kaniyang kondisyon niya'y pinilit niyang harapin ito. Tiningnan niya ito sa mga mata't naghihintay ng sagot ngunit nagkibit-balikat lang ito bilang tugon.
Magkasalubong ang mga kilay ni Siena nang humakbang ito paabante. Nanatili ang hawak ng dalagita sa espada niya't bago pa dumapo ang dulo ng daliri ni Dexodus sa kaniya ay agad na lumitaw sa kaniyang tabi si Emiria. Inangat nito ang paa niya't sinipa ang binti ng binatilyo ngunit ito'y naglaho sa kaniyang puwesto at lumitaw sa kanilang likod.
Mabilis na inangat ni Siena ang espada niya't akmang tatamaan niya ang mukha nito ngunit natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. In instant, vivid images flash into her eyes. She saw memories.
Sa madilim na kalangitan ay nanatili ang tingin ni Bashang sa mga kahoy. Mugto ang mga mata't puno ng galos ang kaniyang mga kamay. Pilit niyang iniisip kung paano na ang magiging takbo ng buhay nila. Ang salapi mula sa mga pinanggatong na kahoy na pinaghirapan niyang ipunin sa loob ng dalawang linggo ay basta na lang ninakaw ng mga walang puso.
"Inay?" Mula sa gilid ay nagtatakang tumingin sa kaniya ang isang bata... Isang batang lalaki na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayo'y siya'y lumalaban sa buhay.
"Umiiyak po ba kayo, Inay?" Bakas sa maamo nitong mukha ang pag-aalala. Sa madilim na paligid at ilalim ng buwan ay patagong pinunasan ni Basang ang pisngi niyang basa na sa mga luha't pilit na ngumiti sa harap ng bata.
"Ayos lang ako, 'nak. Kumain ka na." Hinaplos nito ang ulo ng bata at sinuklay ang buhok nitong kasingitim ng dilim. Humaplos man ang hangin sa mga balat nila'y hindi nila ramdam ang lamig nito sapagkat yakap nila ang isa't-isa.
"Inay. Kukuha na po muna ako ng tubig sa balon." Hinawakan ng bata ang kamay ng matanda't pilit niyang tinatago ang pagkirot ng kaniyang puso. Sa murang edad ay namulat siya sa katotohanan ng mundo. Ang mga katulad nilang nasa ilalim ng tatsulok ay kailan ma'y maghihirap upang sila'y mabuhay. At the age of sixty-four, the woman who stands as her mother still works to give him shelter and something to eat.
Agad na nagtungo ang batang si Flyn sa likod upang kumuha ng tubig mula sa balon. In this place, they can access clean water that they can use. Mahal ang binebentang tubig sa pamilihan at ang kinikita niya rin sa pangangalakal ay hindi sapat.
Habang nakatitig sa repleksyon niya'y muling dumako sa kaniyang memorya ang isang batang lalaking may kulay abo na buhok. Ito ay nakikita niyang naglalaro kasama ang mga iba't-ibang bata. He thought that this child is also him... but why does he looks different? Ano ang mga memorya na ito na tila paulit-ulit niyang nakikita't na-aalala? Is this his past life?... Or this is not the first time that he lived in this world?
Ang totoo'y hindi niya talaga alam kung saan siya nanggaling at kung paano siya napadpad sa lugar na ito. What are these memories that he keeps on seeing? Who are these people? Why do he keeps seeing hiself dies and live with different faces and lives?
What is he?
Sa nakita niya'y 'di niya namalayan na siya'y napatulala na lang. She doesn't know what are those and why is she seeing these things. Natauhan siya nang lumitaw sa kaniyang harap si Neo. He raised his palm and a huge spike of ice appeared. Dumiretso ito sa kinaroroonan ni Dexodus at ito'y agad niyang naiwasan.
Lumitaw din sa kaniyang harap si Owen at sunod na pinagkrus ang kaniyang mga kamay. A strong wind came to his direction. Ito'y nag-iwan ng maliliit na sugat sa iba't-ibang parte ng katawan ni Dexodus. Even Siena is powerful right now, these people still wanted to protect her.
"Ano'ng nangyari? Ayos ka lang?!" Lumitaw si Emiria sa likod ni Siena at hinawakan ang kaniyang balikat. Sa mukha nito'y nahalata niya na tila may nakita itong kakaiba. She knew it... Ganito rin ang reaksyon ni Tasho nang sila ay magkaharap ni Dexodus nang malapitan.
"Ayos la-" Hindi natuloy ni Siena ang kaniyang sasabihin dahil kumabog ang kaniyang dibdib. Napahawak siya rito't siya'y napahiyaw sa sakit. Her heart is throbbing so fast. Naninikip din ito sa hindi malaman na dahilan.
"'Wag mong pilitin ang sarili mo dahil manghihina talaga ang katawan mo." Pa-alala sa kaniya ni Emiria habang nakahawak sa kaniyang braso't tila 'di niya na maramdaman ang balat nito. Alam niyang pagsabihan niya man ito ay gagawin at gagawin niya pa rin kung ano ang kaniyang gusto.
"Bitawan mo ako't lumayo kayo sa akin." Lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Emiria sa sunod na sinabi ni Siena. Mabilis na lumitaw si Dexodus sa kaniyang likod at bilang resulta ay agad ding lumitaw si Koen sa harap ng dalagita upang siya'y harangan. He was holding his fan and swayed it to shoot fireballs.
"M-may problema ba?" Agad na bungad ni Koen. Gusto niya mang hawakan ang dalagita ay 'di niya magawa. Pakiramdam niya'y wala siya sa posisyon upang hawakan ito.
"Ang sabi ko'y lumayo kayo sa akin." Siena raised her palm. Isang malakas na hangin ang namuo sa kaniyang palad dahilan upang lumutang siya palayo sa mga ito. She displayed a blank face while looking at them.
She knew what will happen when she summoned the spirit beast god but that doesn't stop her to do what she want.
"I summon all the great forces of justice, faith, and goodwill. From the four corners of heaven and the four quarters of the earth to call on you the divine, The Guardian Of Fire."
Siena floated in the air and her back was on fire and looked like Phoenix wings. Also a red symbol of sun appeared on her forehead. Lahat ng mga mata'y nakatuon sa kanila at bakas sa kanilang mga mukha ang kaba't takot. They knew those chants... They knew what she is up to.
Hinanda niya ang kaniyang sarili dahil ano mang oras ay alam niyang aatakihin siya ngunit siya ay nagtaka nang makitang nakatingala lamang si Dexodus sa kaniyang direksyon.
"And await your presence... Come to us! Destroy all of the evil which threatens us. And with your mighty power. Save us! Save us and grant us our wishes. Descend to us now from the heavens above!"
Siena raised her palm. Habang nasa ere ay siya'y tumingin sa madilim na kalangitan. A red beam of light appeared like it was connected from the sky. Lumiwanag ang kaniyang dibdib at mula rito'y tila lumabas ang sagradong hiyas. The sacred jewel took the form of a huge phoenix.
Pagkatapos ng ilang segundo'y sunod itong lumutang paitaas. The sky is filled with red light. From above, the spirit beast god emerged from the sky in the form of a giant bird. Lahat ay natulala sa kanilang nasaksihan. Ang nakakabinging ingay mula rito ang kumuha ng kanilang atensyon. The beast good sounds sad and angry at the same time.
Kahit ito'y nasa kalangitan at nasa itaas lamang ay mahahalata na ito'y napakalaki. The beast god is larger than three airplanes combined. Sa laki nito'y halos sakupin na nito ang buong kalangitan. Nakabuka ang mga pakpak nito't ang pagkapula nito'y malarosas ang tingkad.
"Appear before me! Show yourself! Oh, Beast God!"
Ang pulang simbolo sa noo ng dalagita ay lumiwanag at sa isang iglap ay siya ay unti-unting nilalamon ng pulang liwanag dahilan upang siya'y hindi na makita mula sa itaas... Sa pagdilat niya ay bumungad sa kaniya ang isang matangkad at matipunong lalaki.
The man wears a linen clothing made of gold, while his armor that covers his toned chest and arms shines in red. He has huge red shimmering wings that resembles a Phoenix. Nakapikit lamang ito sa harap niya't sa pagdilat nito'y bumungad sa kaniya ang mapupungay nitong mga mata.
Agaw pansin din ang kurba't tangos ng ilong nito. Lalong-lalo na ang pula't tila hugis puso nitong mga labi. O kay puti't kinis rin ang kaniyang balat na tila'y kailan man ay 'di nadadapuan ng sinag ng araw. Ang tindig nito'y walang katulad at sa unang tingin ay ika'y mapapaluhod na lamang sa kaniyang alindog.
Behold, the human form of the beast god.
"I'm the avatar of the Blazing Phoenix."
Konti lamang ang sinabi nito ngunit tila natulala na lamang si Siena sa harap nito't 'di malaman kung ano ba ang dapat nitong sabihin. She was mesmerized for she never saw a man like this before. Nakahalukipkip lamang ito sa kaniyang harap at blanko ang mukha. On his forehead, a red symbol can also be seen... It's the symbol of a half moon, in contrast with the symbol on Siena's forehead.
"Say your last wish, human..."
Huminga nang malalim ang dalagita at mula sa kaniyang kaliwang pisngi ay ramdam niya ang pamumuo ng balahibo ng pulang ibon. Pumikit siya at hinanda ang kaniyang sarili sa mga katagang kaniyang sasabihin. There's no turning back... I'm already here... The beast god is in front of me...
"O, spirit beast that guards the four corners of the heaven and the world... Save this world! Return everything to normal!"
"Huwag! Siena!" Ramdam ng dalagita ang pag-aalala mula sa boses ni Emiria ngunit 'di na siya dapat umatras pa.
Unti-unti niyang nararamdaman ang panghihina ng kaniyang buong katawan at ang huli niyang nakita'y ang mukha ng spirit beast na papalapit sa kaniya. As she summons her last wish, her body begins to mutate painfully. Scales around her skin thickens and all she can do is to scream in pain.
This is the consequence of the beast god granting you three wishes.
Just like her last wish... Everything will return to normal.
The group of Tobias started to float while their eyes are closed. Ang mga pakpak nila sa likod ay lumabas at tinakpan ang kanilang buong katawan. Pagkatapos ng ilang segundo'y sila'y naging anyong espada at bumagsak sa lupa. On the other hand, the flowers and trees around them started to bloom. Ang madilim na kalangitan ay naging maliwanag.
"H-hindi p-pwede 'to! Tasho!" Natatarantang sigaw ni Emiria dahil sila'y nilalamon na ng liwanag. Isang malungkot na tingin lamang ang natanggap niya mula kay Tasho na unti-unting nilalamon ng liwanag. She knew what will happen to them.
Sila'y babalik sa totoong mundo at kailan ma'y hindi na makakabalik sa mundong. Their mission is over...
Dexodus started to float in the air. Ang mukha nito'y blanko lamang habang nakatingin kay Siena. Ang katawan niya'y lumutang patungo sa direksyon ng dalagita't ito'y nilapit ang kaniyang mukha rito. Siena on the other hand, slowly opened her eyes for the second time. As expected, she saw vivid images again.
Napaluhod ang bata sa maputik na lupa. Puno man ng putik ang buong katawan niya'y wala siyang paki't umiyak man siya ng dugo ay gagawin niya upang maligtas siya. 'Di niya na rin ramdam ang sugat sa buo niyang katawan dahil mas nangingibabaw ang kirot sa kaniyang puso.
"Inay!" sigaw nito't ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan at mga labi sa takot. He tried his best to walk but his legs won't work like they used to be. Tila 'di na rin siya makatayo at tanging nagawa niya lamang ay manood sa nasusunog na bahay sa kaniyang harap.
"Inay! Inay!" sigaw nito't sa ikalawang pagkakataon ay tila nakita niya ang pangyayari na ganitong-ganito rin. Hindi ito ang unang beses na siya ay mamatayan ng mahal sa buhay.
Sa dahilan na sila'y kakaiba't may kapangyarihan ay sila'y pinagbintangang malas ng kanilang bayan. Sa maliit na rason na 'yon ay nagawang kumitil ng buhay ng mga tao. Sa maliit na rason na 'yon ay nagawa nilang sunugin ang isang matandang babae na walang kalaban laban.
Bakit? Ano ba ang kasalanan ko't laging ginagawa sa akin ito? Bakit? Bakit? Gusto ko lamang mamuhay na parang isang normal na tao.
Mula sa malayo'y bumungad sa kaniya ang grupo ng mga kalalakihan. He knew them... For he caught their secret. Sila lamang ang nag-imbento ng itim na mahika. Dahil sa nalaman ni Dexodus ang mabaho nilang mga sikreto ay lahat ng malalapit dito ay kanilang pinatay... Alam nilang immortal ito't sa bawat buhay nito ay pinatay nila ang mga tumayo nitong magulang.
These people are no other than Neo, Glo, and Koen's parents. The well known people of Cantaga who everyone adores created the group Exomus... A well known people who are great in black magic. People who sacrified countless innocent people for their selfishness. Ang mga tao na hinahangan at tinitingalan ng lahat ang dahilan kung bakit ang mundo ngayon ay naghihirap dahil sa itim na mahika.
Sila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kaguluhan sa mundong Cantaga.
All Dexodus wanted was to lived a normal life despite of him, being immortal but he can't take the pain of witnessing his loved ones killed and die in front of him. . . All he wanted was to forget what they did but they tested his patience. Ang totoo ay wala siyang paki sa sikreto ng mga ito dahil wala siyang balak na patumbahin sila.
Ang totoo'y napatawad niya na ang mga ito sa una nilang ginawa ngunit sa loob ng isang dekada ay paulit ulit nilang pinatay ang mga mahal nito ano man ang kaniyang anyo, edad, kasarian at pangalan. They killed everyone close to him and plans to do everything to kill him and steal his immortalization.
And that is how they created a monster that destroyed the sanity of their future children, and the humanity.
Nanlaki ang mga mata ni Siena at 'di mapigilan ang sarili niyang maluha dahil sa kaniyang mga nakita. Habang nakalutang si Dexodus sa ere'y dinikit nito ang kaniyang noo sa noo ng dalagita at tinitigan sa mga mata.
Alam niyang kapag ginawa niya ito'y makikita ng dalagita ang kaniyang mga alaala...
He wanted someone to witness what he gone through, he wanted someone to see all the sacrifices, pain, guilt, sadness and happiness the he experienced all his life. He wanted someone to witness that there's a time in his life where he truly loved, cared for someone. Where he felt sincere.
Because just like them, he's also a human...
"Patawarin niyo ako," banggit nito bago pumikit. Nilamon ng pulang liwanag ang kaniyang buong katawan sa ere't pagkatapos ay bumungad sa kaniya ang isang nakapikit na sanggol. Dexodus turned to an innocent infant with no memories... and hatred.
Bumagsak ang katawan ni Siena mula sa lupa at siya ay agad na sinalo ni Koen. His heart was being torn into pieces. How many times would this scenario repeat? Ilang mahal niya sa buhay ang sasaluhin niya't paulit-ulit na mamamatay sa kaniyang bisig?
"'W-wag... Wag." Nanatili ang tingin ni Koen sa mukha ng dalagita at pilit na hinawakan ang kamay nito.
Her whole body is already full of scales and red feathers. Ang buong katawan niya'y nilamon na ng spirit beast. Nakadilat ito habang nakahiga sa kaniyang mga hita ngunit ito'y unti-unti nang nawawalan ng paningin. Unti-unting tumulo ang patak ng mga luha ni Koen sa pisngi nito. Inangat niya ang kaniyang kamay upang hawakan ang mukha ng binatilyo.
"'W-wag mo akong iwan. Pakiusap... N-nagmamakaawa ako. Ikaw na lang ang natira sa akin." Koen felt his chest tightens. Nanginginig din ang palad niya't sinubukang hawakan ang mukha ni Siena.
Noong oras na 'yon niya napagtanto na sa wakas ay nakahanap din siya ng babaeng mamahalin niya katulad ng pagmamahal niya sa kaniyang ina ngunit huli na ang lahat.
"Ikaw na lang ang natira sa akin, Siena." Muli nitong banggit ang hinalikan ang kamay ng dalagita habang walang tigil ang pag-agos ng kaniyang mga luha. He never understood why he gone through all of this.
All he wanted was to find purpose in life... Sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa buhay ay gusto niya lang maging masaya.
"Salamat at ligtas ka... " Those were Siena's last words. Ito'y pumikit at bumagsak ang kamay. Walang nagawa si Koen kun'di ang pagmasdan ang nakapikit nitong mukha. He wanted to say how much he loves her, and how much he's afraid to lose someone he loves again.
Sa huli ay walang nagawa si Koen kun'di ang humagulgol sa tabi nito't sisihin ang kaniyang sarili. Sisihin ang kaniyang sarili na kasalanan niya kung bakit namatay ang kaniyang ina, mga kaibigan at ang babaeng mahal niya. He trained so hard, yet he couldn't do anything at the end. Lahat ng mga paghihirap na pinagdaanan niya'y wala ring saysay.
Sa huli ay lahat ng mahalagang tao sa kaniya'y nawala.
Siena's body float in the air. Ang buong katawan nito'y naging purong pulang kaliskis. Nilamon ng pulang liwanag ang kaniyang katawan at sa huli'y siya'y naglaho nang parang bula sa ere. She knew that this would happen but still, she grants her last wish for everyone's sake. She sacrificed herself for this world's future generations.
This is how she created the Legend Of Cantaga.