Chapter 10

Uwian na namin at narito na naman ako sa waiting shed para maghintay ng jeep.

Nakatulala ako habang iniisip kung paano ko sasabihin kina lola na gusto kong sumama sa field trip namin.

"Bakit kasi nahihiya ako?" Bulong ko sa sarili ko.

"Hey, are you okay?" Nagulat naman ako nang may mag salita sa gilid ko. Si Neron lang pala.

"A-Ah oo, okay lang ako." Nahihiyang sagot ko.

"Akala ko may nakikita kang hindi ko nakikita eh," natatawang saad niya.

"Hindi ah," depensa ko. "Iniisip ko kasi kung paano magsabi kina lola na gusto kong sumali sa field trip." Paliwanag ko.

"Edi magsabi ka lang, madali lang naman sabihin eh."

"Madali nga pero kasi..." putol ko. Wala akong lakas ng loob magpaalam. Nahihiya ako!

"Kasi ano?"

"Nahihiya ako mag sabi," nakayukong sabi ko.

Natawa naman siya at pi-nat ang ulo ko.

"Ano ba, huwag kang mahihiya sa kanila." Aniya. "I'm sure naman na papayagan ka noong mga 'yon eh,"

"Wish me luck." Biro ko. "Sige, alis na ako ah?" Paalam ko at tumayo na dahil may huminto nang jeep sa harap.

"Okay, ingat ka." Kumaway na lang ako sa kaniya at saka sumakay na ng jeep.

Pagka-baba ko ng jeep, sumakay na ako ng tricycle pauwi sa amin.

"Lola, lolo, nandito na po ako." Wika ko nang makapasok ako sa loob.

"Mabuti at narito ka na, nabanggit nga pala sa amin ng kaibigan mo 'yong about sa field trip niyo." Ika ni lola. Nagulat ako roon pero hindi ko pinahalata.

"Payag po ba kayo?" Mahinang tanong ko.

"Of course, bakit ka naman namin hindi papayagan? Minsan lang ito kaya payag kami." Malapad naman akong ngumiti sa sinabi ni lolo.

"Thank you po sa inyo!" Sabi ko at pareho silang niyakap nang mahigpit.

"Don't mention it, apo." Ani lolo.

"Kailan ba 'yong field trip niyo?" Tanong naman ni lola.

"Next week po, Wednesday. " Sagot ko.

"Ganoon ba? O'sige, magpalit ka na roon ng damit mo." Tumango na lang ako at naglakad na papuntang kuwarto.

Pagpasok ko ng kuwarto ko ay binaba ko na agad ang bag ko at saka nagtungo na sa mini closet ko para manguha ng damit pambahay.

After kong makapagbihis ay napatingin na lang ako sa cellphone ko dahil mayroong nag-text. Its Sandy.

From: sandyprtty

Min-jo yaaaa~ nasabi ko na kina lola mo 'yong about sa field trip natin

Napailing na lang ako nang makita ko ang name niya sa contacts ko. Pinalitan na naman niya, nakailang palit na ako roon eh. Hayaan na nga lang.

To: sandyprtty

Payag sina lolo

Pagka-send ko noon ay agad ulit itong tumunog. Ang bilis niyang ma-received ha.

From: sandyprtty

Wahh! Minamanifest ko 'yan kanina paaa. Omg, nagka-totoo ngaaaa hahahaha

Hindi ko na siya na reply-an dahil tinatawag na ako ni lola para kumain na.

"How's school?" Tanong ni lolo.

"Okay lang naman po, medyo tiring pero nakakaya naman po." Sagot ko.

"Ganiyan talaga kapag highschool. Pero mas nakaka-stress na pagdating mo ng college." Sabi ni lola.

"Mahirap mo pa sa college?" Tanong ko.

"Mahirap pero huwag mo iisiping nahihirapan ka." Sagot naman niya.

"Anong course ba ang kukunin mo sa college?" Tanong naman ni lolo.

"Hindi ko pa po alam eh, pero ang balak ko po is Hospitality Management." Sagot ko.

"Nice choice, apo, HM din ang lola mo noon." Nagulat naman ako sa sinabi ni lolo.

"Talaga po lola?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango naman si lola. "Oo naman apo, kaya nga masasarap 'yong mga hinahanda kong pagkain sa inyo eh." Natatawang sagot ni lola.

"You know what, apo, iyon ang dahilan kung paano ko nagustuhan ang lola mo noon." Ani lolo at kinindatan si lola.

"Stop it, Ju-hwan." Seryosong sabi ni lola kaya agad na itinikom ni lolo ang bibig niya. Awts, under.

Matapos akong kumain, nagpaalam na ako kina lola at nagtungo na sa cr para makapag-half bath at mag-toothbrush.

And after a couple minutes, tapos na akong mag-half bath at mabilis na nagbihis ng pantulog.

I brushed my hair first before going to bed. At nag set na akong ng alarm at nang matapos ay nag-pray muna ako bago matulog.

Kinabukasan, maaga akong pumasok ng school dahil trip ko lang. Gusto ko kasing magliwaliw ulit.

"Hoy Tofu!" Napabuntong-hininga naman ako nang marinig ko na naman ang boses niya.

"What now?" Bored na tanong ko.

"Saan ka punta?" Tanong niya.

"Anong paki mo?" Pagsusungit ko.

"Seryoso akong nagtanong, 'di ba?" Iyan nagalit na nga.

"Maglilibot-libot lang, sama ka?" Tanong ko, umiling naman siya.

"Ayoko. Ayaw kitang makasama." Aniya saka naglakad paalis.

Kita mo 'tong lokong ito, ayaw raw akong makasama pero kinausap ako. May pagka sira ulo yata siya eh.

Hindi ko na lang siya pinansin at naglibot-libot na mag-isa. Habang naglalakad ako ay naramdaman nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko 'yong kinuha sa bulsa ko.

From: sandyprtty

Nasa school ka na?

Pagka-basa ko noon ay agad na akong nag tipa ng reply sa kaniya.

To: sandyprtty

Oo, nasa school na ako. Nandito ako sa tapat ng building malapit sa library.

Matapos kong i-send 'yon ay binalik ko na agad ang cellphone ko sa bulsa at pinagpatuloy na lang ang pamamasyal.

At nang mapagod ako ay napagpasyahan kong pumasok na sa classroom. Nadatnan ko naman doon si Sandy na kararating lang yata.

"Nandito ka na? Lakad-lakad ulit tayo, matagal pa naman ang time eh." Aniya at hinila ako palabas.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kaniya sa paglalakad. Ano pang magagawa ko eh hinila niya na ako.

"Ay 'te, picture-an kita roon." Ika niya at saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

"Ayaw ko, ikaw nalang." Sabi ko.

"Dali na! Minsan lang akong maging mabait kaya pumayag ka na." Napabuntong-hininga na lang ulit ako at saka nag-pose.

"Ayan, perfect! Ang ganda mo talaga!" Ika niya habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ako rin, picture-mo rin ako." Sabi niya at binigay sa akin sa cellphone niya.

Kung ano-anong pose ang ginawa niya at parehas kaming tumatawa kapag may ginagaya siyang pose pero hindi niya ma-gaya-gaya.

"Putek! Ayaw ko na nga, ang hirap talaga ng pose na 'yon." Sabi niya at saka kinuha na sa akin ang phone niya.

"Send ko na lang sa 'yo mamaya," aniya, tumango na lang ako.

Pagkarating namin sa classroom ay siya ring pagtunog ng bell.

Sa dalawang unang subject namin ay tig dalawang activity ang binigay sa amin.

So, bali eight ang gagawin ko dahil kasama rin sa sasagutan ko ay 'yong kay Clark.

Kaya ko ba 'yon nang isang araw lang? Hays, fighting, Min-jo! You can do it. Ikaw pa ba.