CHAPTER 10

Ilang araw ang lumipas magmula ng malaman ni Dominic kung bakit ako umalis ng hindi nagpapaalam. Hanggang doon na lang muna ang malalaman niya, ayokong bigyan ng pag-asa ang mga anak ko na mabubuo pa ang pamilyang matagal ng sira.

Kapag nagpupunta si Dominic sa mansion, palagi niyang hinahanap ang mga anak ko ngunit hindi ko hinahayaan na mapalapit siya sa mga anak ko.

Alam kong naiintindihan din ng mga anak ko ang sitwasyon.

Selfish ba ang matatawag sa ginagawa ko?

Ayoko kasi na sa huli ang mga anak ko ang masasaktan. Tama na ang ako lang ang masaktan, 'wag lang ang mga anak ko.

Baka mangyari ulit na masaktan ni Sophia ang isa sa mga anak ko, at hindi ako papayag do'n.

Ayoko ng gulo, umuwi ako rito para sa pamilya ko. Hindi para sa nakaraan, kung bakit ako nawala ng ilang taon.

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para wala kaming masasaktan.

Ginugol ko ang mga oras ko sa trabaho at sa mga anak ko.

Wala akong ibang inisip kundi ang responsibilidad ko bilang anak at ina sa mga anak ko.

Ilang beses na rin akong ninais na kausapin ni Dominic, pero ako mismo ang lumalayo. Dahil pakiramdam ko pinapanood ni Sophia ang bawat kilos ko.

Napabuntong hininga na lang ako at walang gana kong pinapanood ang mga customer namin na nagiging wild na.

"Ven!"

Napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga pinsan ko na lumalapit sa'kin.

"Hey, ang ganda ng bar niyo!"

"Nice! Makakapang babae ako!"

"Uugod-ugod ka na Ae!"

"Damn you!"

Napangisi ako ng palihim at naiiling na lang sa kanila.

"Order, whatever you want." Nakangising sambit ko sa kanila na kinahiyaw nila.

Sumenyas akong mag-iikot muna ako na kinatango nila kaya naglakad na'ko paalis sa counter, pero natigilan ako ng may mapansin akong pamilyar na tao.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Kilalang-kilala ko siya.

Napasulyap ako sa mga pinsan kong nagtatawanan habang may mga kausap na babae at napatingin naman ako sa taong pamilyar sa'kin.

Shit. Magkakaroon ng malaking gulo rito sa bar, kapag nagkataon.

Napasulyap ako sa mga pinsan ko at dali-dali akong naglakad para sundan ang taong 'yon.

Hindi siya maaaring makatakas sa'kin.

Malaki-laki ang kasalanan niya sa pamilya namin.

"Gino Young."

Natigilan siya sa paghahalik sa babae at lumingon sa'kin.

"Who the hell are you?!" Maangas na tanong niya sa'kin na kinataas ng kilay ko.

"Who am I?" Inosenteng tanong ko sa kaniya na kumunot naman ang noo niya kaya ngumiti ako sa kaniya.

"I'm the owner,"

Nawala naman ang pagkunot niya sa noo at ngumisi sa'kin.

"I know you. You're Knight." manghang sambit niya sa'kin na kinaseryoso ko bigla.

Sinenyasan niya yung mga babaeng nakapaligid sa kaniya na umalis kaya nagsialisan ang mga ito.

Damn.

Ano bang balak nito?!

Ang kapal ng mukha niya magpunta rito.

Hindi niya ba alam na nandiyan lang ang mga pinsan ko?!

Kapag nakita siya, hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilan sila.

Inis ko siyang nilingon na nakangisi sa'kin habang nakaupo at umiinom ng alak.

"Leave. Habang nagtitimpi pa ako," seryosong sagot ko sa kaniya na kinatawa lang niya kaya napapikit ako at napahinga ng malalim.

"Woah! Easy. Bakit hindi mo ako samahan dito? Gusto ko pa namang makilala ang bunso ng mga Knight," nakangising sambit niya kaya napakuyom ang mga kamao ko.

"Gino Young. Alam mong may kasalanan ka sa mga Knight, right? May gana ka pa talagang makipaginuman dito?" Nagtitimping tanong ko sa kaniya at ilang beses akong bumuntong hininga sa pagpipigil na saktan siya.

Ayokong magkagulo dito mismo sa bar namin ni Klaire, ayokong matakot ang mga tao rito.

Ayoko ring malaman din ng mga pinsan ko na nandito si Gino Young, dahil hindi nila ito sasantuhin.

"Oh? Yeah, right! Yung pag-ambush ko sa chairman niyo? Sayang lang hindi siya natuluyan. Tama nga sabi nila matatalino ang mga Knight!" Humahalakhak na sambit niya at unti-unti siyang lumapit sa'kin na kinaatras ko lang.

"Ano ba ang magagawa ng isang Scarlett Knight?" Nakangising sambit niya at dinilaan niya ang labi niya na kinalunok ko.

Damn.

Napalingon ako sa gilid ko at may nakita akong baseball bat at mabilis kong inabot 'yon saka ko tinutok sa kaniya.

"H'wag kang lalapit. Ipapalo ko 'to sa'yo!" Galit na sambit ko sa kaniya na kinangisi niya lang.

"Hindi mo'ko masisindak. Babae ka lang, kaya mahina ka."

Shit!

Nanlaki ang mga mata ko ng inagaw niya ang baseball bat na hawak ko at initsa niya palayo kaya tuluyan na siyang nakalapit sa'kin.

Damn.

Wala na akong hawak.

Pinagpapawisan na rin ako.

"What? Akala ko ba matapang ang lahat ng Knight? Bakit nanginginig ka na?" Nakangising tanong niya sa'kin.

Kumuyom lang ang mga kamao ko at may napansin akong bote sa tabi ko kaya agad kong inabot 'yon, at hinampas ko sa kaniya na kinatumba niya.

"Fuck! Ginagalit mo akong babae ka!"

Bago pa siya makatayo ng maayos sinipa ko na siya sa ibabang bahagi ng katawan niya, at hinampas ko muli sa kaniya ang hawak kong bote. Saka ko ito hinagis sa kaniya.

"Sinabi kong umalis ka na kanina." hinihingal na sambit ko sa kaniya.

"Hindi mo alam kung anong pinasok mong gulo. Kung ako sa'yo, umalis ka na dito. Kung ayaw mong dumanak ng dugo rito," dagdag ko pa at tinalikuran siya pero bago pa ako makaalis nahablot na niya ang buhok ko.

"Sa tingin mo papaalisin kita? Manigas ka! Tutal ginagalit mo na ako! Bakit hindi na lang tayo mag-enjoy?"

Nanlaki ang mata ko at pinagsusuntok ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok.

"Let me go jerk! Let me go!"

Mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya sa buhok ko at hinila ako patungo sa cr.

Damn!

"Anong gagawin mo?!" Nanlalaking matang tanong ko sa kaniya na kinangisi lang niya.

"Ang mag-enjoy, Ms. Knight."

Hinagis niya ako sa loob ng banyo at sinarado niya ang pintuan.

Damn.

Napatayo ako ng dahan-dahan at napaatras.

Napalinga pa ako sa paligid pero matataas ang mga bintana rito sa banyo kaya hindi ako makakatakas.

Fuck! Anong gulo ang pinasok mo, Scarlett?!

Napatingin ako kay Gino Young, at nanlalaki ang mga mata ko na makitang may sinisinghot siya.

Napakuyom ang mga kamao ko at pumasok ako sa isang cubicle at umakyat sa toilet bowl at inabot ko ang bukasan ng bintana.

BLAG!

Natigilan ako at napalingon ako.

"Saan ka pupunta, Ms. Knight? Hindi pa tayo nagsasaya," langong sambit niya sa'kin kaya minadali kong buksan ang bintana pero nahablot niya ako at sinakal.

"Alam mo ba ang ayoko sa lahat? Ang tinatarantado ako." bulong niya sa'kin na kinataas ng mga balahibo ko.

"Maging masunurin ka lang makakalabas ka rito. Sandali lang 'to." nakangising muling bulong niya sa'kin.

Napalunok ako at napahinga ng malalim at sinipa ko muli siya kaya napaaray siya. YUn ang pagkakataon ko para maitulak siya at tumakbo ako palabas pero naabutan pa rin niya ako.

"Ano ba! Tumigil ka na!" Sigaw ko sa kaniya habang nakasandal ako sa pader.

"No, Scarlett. Bayad ako kaya dapat gawin ko 'to."

Natigilan ako.

B-Bayad siya?

So, gano'n planado niya ang pagpunta rito?

"Sino? Sino nagbayad sa'yo?!" Sigaw ko muli sa kaniya.

Humalakhak naman siya.

"Hindi ko maaaring sabihin! Tara na rito, Scarlett. Habang mabait pa ako sa'yo,"

Napayuko at napailing.

"Scarlett Knight!"

Napatalon ako at napaangat ng tingin ng makitang may hawak na siyang baril.

Fuck!

"Come here Knight. Come here."

Habang lumalapit sa'kin, ako naman napasiksik sa sulok.

"Tsk. Lumapit ka sabi!" Hinila niya ako sinandal ako sa sink.

Napapikit ako at namalayan ko na lang napaluha na ako.

Damn! You're not weak, Scarlett.

Come on! Ipakita mong hindi ka mahina!

Napalunok na lang ako ng maramdaman ko ang ilong niya sa leeg ko.

Kumuyom ang kamao ko at tumulo ang mga luha ko, saka ako napahinga ng malalim.

I am not weak.

Walang emosyon kong tinignan si Gino na natigilan at nanlaki ang mga mata niya ng makitang blanko lang akong nakatingin sa kan'ya.

"Let me go."

Ngumisi siya at hindi pa rin ako binibitawan.

"Hah. Hindi mo'ko matatakot. Mahina ka lang." Natatawang sambit niya sa'kin.

Ngumisi lang ako na siyang kinabigla niya.

Bago pa ako maka bwelo may narinig na kaming mga sigaw at iilang mura.

"Damn."

Napakurap ako at napatulala na lang dahil hindi ko alam kung ako ba yung taong 'yon kanina o dahil lang sa emotion ko.

Napatingin pa ako kay Young na nakabulagta na sa sahig.

"Ven!"

Napaangat ako ng tingin at pag-aalalang mga mukha ng mga pinsan ko ang bumungad sa'kin.

"Damn! Look at you!" Gigil na sambit ni Hill sa'kin at pinatong niya sa balikat ko ang suit na suot niya kanina.

"What are you doing, huh?"

Natigilan ako at nanlalaki ang matang lumingon ako sa taong 'yon.

"D-Dominic.."

"You can fight, Scarlett! But what are you doing? You let him touch you?" Galit na galit na tanong niya sa'kin na kinayuko ko lang..

I don't know! Miski ako naguguluhan sa sarili ko.

"No, she can fight if we don't interrupt her."

Napalingon kami kay Rios na nakapamulsa lang at nakangisi habang nakatingin sa'min. Hindi naman nakinig si Dominic at galit pa rin siyang humarap sa'kin.

"Dominic, enough." awat sa kaniya ni Aerron pero tinabig niya lang mga ito.

"You let him to touch you, huh?!"

Sunod-sunod akong umiling sa kaniya.

H-hindi ko alam kung anong nangyayari. Basta ang alam ko lang, nakabulagta na si Young sa harap ko.

Nailing na lang siya at humarap kay Young na nakahiga sa sahig habang sapo-sapo ang mukha nito.

"You! I will kill you, asshole! No one can touch her! No one!" Galit na sambit ni Dominic dito at sunod-sunod niyang sinuntok ito na halos magdugo na ang mukha ni Young.

Nataranta ako bigla kaya lumapit ako sa kan'ya, masyado ng maingay. Baka makahalata na ang mga customer namin.

"T-tama na, please. Tama na!" Hila ko sa kaniya pero hindi siya tumigil kaya napahinga ako ng malalim at niyakap ko siya para kumalma siya.

Naiintindihan ko ang galit niya, dahil katulad ko, galit din ako sa sarili ko

"Tama na, Dom--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tanggalin niya ang pagkakayakap ko sa kaniya, at galit siyang tumayo saka padabog na lumabas ng banyo.

Napatanaw na lang ako sa kan'ya.

"Let me take you home, Ven."

Tumango lang ako kay Hill at inalalayan niya akong tumayo.

"I-uwi mo na si Ven, bro. Kami ng bahala dito gagong 'to. Kami naman makikipaglaro sa kaniya." nakangising sambit ni Erron na kakambal ni Aerron.

"Yown! Namiss ko makipaglaro!" Sambit naman Arthur at nag-apiran silang apat maliban kay Hill at Rios na napapailing na lang sa kanila.

"No one is allowed to touch our little princess, asshole!"

Inalalayan na ako ni hill palabas ng banyo habang nakaakbay sakin napayuko naman ako nang makitang maraming nagbubulungan habang nakatingin sakin.

Nagtago na lang ako sa balikat ni hill habang nakaalalay naman siya sakin at sinasamaan niya ang mga tingin ang mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang makichismis.

"Are you okay?"

Pagod akong tumango kay hill habang kinakabit niya ang seatbelt sakin.

"Tsk. Bakit hindi mo sinabing nando'n si Young?"

Napalingon ako sa kaniya.

"Ayoko ng gulo, Hill." yun lang nasabi ko sa kaniya na kinailing niya at binuhay niya na ang sasakyan niya at matiwasay siyang nag-drive.

"Malaking gulo kapag nalaman ni Kuya Reon ang nangyari sa'yo," naiiling na sambit niya na kinatikom ng bibig ko.

"Mabuti na lang may nakakita na hinihila ka ni Young kanina, at saktong narinig ni Dominic kaya ilang minuto ka din namin hinanap."

Napayuko naman ako at napakagat na lang alo sa labi.

"H-Hill, did you notice me earlier?" nakayukong tanong ko sa kaniya.

Natigilan siya at nilingon ako.

"Yung sinabi ni Rios? I'm actually not sure, but... I noticed your eyes... It was empty.. And--"

"And?"

Bumuntong hininga siya at umiling.

"Magpahinga ka na lang muna. Alam kong pagod ka,"

Napabuntong hininga naman ako at napasandal na lang at tumingin sa bintana.

"Yari si Young sa mga 'yon. Naku! Hinawakan ang prinsesa ni Carreon Knight."

Natigilan ako at sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya sa'kin, kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at tumingin na lang sa labas ng bintana habang bumibiyahe pauwi sa palace.

Ngayon lang ako nakaramdam ng takot kay Dominic. Nanlilisik ang mga mata niya habang binubugbog niya si Young yung tipong gigil na gigil siya rito.

Sa ilang taon ko siyang nakasama sa iisang bubong, ngayon ko lang nakitang galit na galit si Dom na para bang papatay.

Kumuyom ang mga kamao ko at napahinga na lang ng malalim.

Mabuti na rin na dumating sila dah hindi ko alam kung anong magagawa ko kung hindi sila dumating.

Fuck.

-

AERRON

"Dalian niyo! Naiinip na ako!" Inis na sambit ng kambal kong tuko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung tinutulungan mo kami, noh?! Nakatayo ka lang naman diyan!" Sigaw ko sa kaniya habang buhat namin si young na walang malay.

"Gago!" Binatukan ni Arsell ang kambal kong ewan ko kung saan nagmana, tsk.

"Hehehe, sorry kambs! Na-eexcite lang ako sa punching bag ko,"

Inirapan ko lang siya at pinaupo namin si Young at tinalian ang buong katawan at ang mga kamay at paa.

Anong karapatan niyang hawakan si Ven?!

Pasalamat siya mild lang ang mararanasan niya dahil kung nandito pa si carreon the hulk. Baka nakabitin na 'to patiwarik sa paghawak niya sa prinsesa ni Carreon the hulk.

Sa lahat ng babaeng pinsan namin si Scarlett ang iniingatan namin. Dahil sabi sa'min nila dad isa raw miracle si Scarlett at mahalaga ito kay lola.

Wala namang kaso 'yon, talagang mahal namin si Ven.

She's a lovely person, at magkaiba talaga sila ng ugali ni Sophia. tsk.

I hate her.

Nang mabalitaan naming lahat na nawawala si Scarlett para siya lang 'tong masaya sa'ming lahat. Yung tipong hindi nag-aalala kahit kapatid niya ito.

Si Tita Sharlene (scarlett's mom) at kaming magpipinsan lang ang nagtiyagang maghanap kay Ven, pero hindi namin siya nahanap kaya palagi rin nagaaway sina Tito Verno at Tita Shar sa kadahilanang parang hindi daw nag-aalala si tito na nawawala ang anak. Kaya nagkaroon ng gap ang relationship nilang mag-asawa na hindi nalalaman ni Ven.

Kaya nung bumalik si Ven halos lahat kami, nabigla sa pagbabalik niya. Ang malala may kasama siyang twins, pero napansin ko kahawig nung lalaki si Dominic? Lalo na sa kulay asul na mata.

"Hoy!"

"Ano ba!"

Tinulak ko si kambs na sumigaw sa tenga ko.

Tatawa-tawa naman siyang lumayo sa'kin.

"Kanina ka pa namin tinatawag. Nakatulala ka lang diyan!" Natatawang sigaw niya sa'kin na pinakyuhan ko lang.

"Ano ba kasing iniisip mo Ae?" Akbay sa'kin ni Arthur.

Inis ko namang inalis ang braso niyang nakaakbay sa balikat ko.

"Wala. Ano umpisahan na natin?" Naboboring na tanong ko sa kanila.

"Tsk."

Natigilan kami at iisang tao lang ang kilala kong palaging nag-tsk-.

"Rios, broooo!"

Masaya silang yumakap kay Rios na nakaupo sa silya habang nakataas ang mga paa sa lamesa.

Ngumiwi naman ito pero kalaunan ngumisi rin.

"Hintayin niyo na lang dumating ang halimaw. Sa ngayon itago niyo na muna siya," walang ganang sambit ni Rios sa'min habang kumakain ng apple.

"Sinong halimaw?"

Binatukan ni Erin ang kapatid niya at nakapamulsang lumapit sa'min.

"Oh? Nahuli niyo?" Gulat na tanong niya nang makita si Young na walang malay habang nakaupo.

"Nope! May kasalanan yan sa ating baby Ven!" Inis na sambit ni arthur at bahagyang sinipa para magising.

"W-what?"

Tumango ako kay Erin.

"He touched our Ven." segunda naman ni kambs.

Mas lalong kumunot ang noo ni Erin at bahagyang lumapit kay Young.

"What happened to our Ven?" walang emosyon na tanong niya sa'min.

Napalunok kami sabay sabay sa blankong mukha ni Erin.

"Sagot!"

Napatalon kami sa sigaw niya at napakamot na lang ako sa ulo.

"Hinawakan niya si--" hindi ko na natapos ng sipain niya ng malakas si Young na tumumba naman.

"What else?" Tanong niya habang nakatapak sa dibdib ni Young.

"Wooh! He's scary" natatawang sambit ni-- Zandro?

Napalingon kami nang dumating pa ang dalawang magkapatid.

Hindi siya pinansin ni Erin at nanatiling nakatingin siya kay Young ng walang emosyon.

Tama si Zandro.

Nakakatakot nga si Erin, damn

"What else?"

Takte! Ba't ba ako pinagpapawisan?!

Kinalabit naman ako ni kambs at nginuso niya si Erin.

"What?" Bulong ko sa kaniya.

Umatras siya ng kaunti.

"Ikaw na sumagot. Nakakatakot si pareng Erin parang mangangain ng buhay," bulong niya naman sa'kin na kinangiwi ko at tinulak ko ang mukha niya.

"Fine!"

Dinuro ko pa si Erron bago ako humarap kay Erin na masama na ang tingin sa'kin.

"What else, Aerron?"

Lumunok ako at napakamot ako sa pisngi ko at kabadong ngumisi kay Erin.

"Y-yun lang naabutan--"

Hindi nanaman ako pinatapos magsalita nang tapakan niya ng malakas si Young na kinadaing nito.

Mukhang nagigising na si Young.

"You touched our Ven, huh? Then die." ngumisi si Erin at malakas niyang tinapakan ang dibdib nito habang nakapamulsa.

Shit. He's cool.

"Enough, brother."

Napatigil si Erin sa pagsipa at blankong tumingin sa kapatid niyang si Rios.

"We need him.. Alive." Nakangising sambit nito at lumapit kay Young at tinapakan ang mga daliri nito na kinangiwi ko.

"Ohh, It hurts."

"Papayag ba kayo na ang magkapatid na Erin at Rios lang ang magsasaya?"

"True! We are Knight! We are one!" Sigaw nila na kinangiwi ko.

Pinagsasasabi ng mga 'to?

Napailing na lang ako sa kanila at napangisi.

Mukhang mahaba-haba ang gabi ngayon.

Mukhang mag-eenjoy naman ako.

Die young.

We are knight.

**

A/n: Pili po kayo sa mga Knight boys. Single po sila, ready to mingle. Hahahaha.

You're all caught up

New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.

Previous chapter

You may also like