Chapter 22: Epilogue

INAANTOK na inabot ni Elisse ang nag-iingay na alarm clock sa bedside table at pinatay ito. Kahit excited siya para sa gaganaping event ngayong araw ay hindi niya mawari kung bakit tila tamad na tamad naman ang katawan niya.

Humihikab na bumangon siya, bago nilingon ang maliit na orasan. Ngunit tila nilipad papalabas ng bintana ang antok na nararamdaman niya nang mapansin kung anong oras na.

It’s almost eight o’clock in the morning already. The thing is that, she set the alarm by six o’clock.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Ngayon lang din niya napansin na wala na pala sa tabi niya ang asawa.

Wala sa loob na tumuon ang atensyon niya sa suot na singsing. Isang linggo na rin ang nakalilipas magmula ng magpakasal sila ni Cameron. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari at tila ba panaginip pa rin ang lahat.

Sa pagbaba niya ng kama ay saktong bumukas ang pinto sa kuwarto nila. Ngunit nagsalubong ang kilay niya nang pumasok si Cameron doon na mayroong bitbit na cake.

“Para saan ‘yan?” Turo niya sa cake na hawak nito.

Cameron smiled genuinely at her. “For our celebration. Now, just blow the candles.”

Napangiti na lang siya, bago sinunod ang sinabi nito.

“Thank you.” Tiningnan niya ito nang may pagdududa. “Pero hindi mo ako madadaan sa cake. Bakit mo binago ang pagkaka-set ng alarm?”

Napakamot naman ito sa batok. “Kasi gusto ko na makapag-beauty rest ka pa.”

Napailing na lang siya rito. “Pero alam mo naman na may lakad tayo ngayon. Mag-aayos pa ako.”

Akmang tutungo na siya sa banyo nang yakapin siya ng asawa mula sa likod.

“I know, darling. Kaya nga tayo may munting selebrasyon ngayon. Dahil ngayong araw na magaganap ang kauna-unahan mong book signing event. Finally, after years of waiting, your readers will finally see you in person.”

Elisse can’t help but smile. Pagkatapos nilang magpakasal ni Cameron ay inihayag niya rito ang kagustuhan na magpakilala na ng personal sa kanyang mga mambabasa.

Pero ganoon na lang ang gulat niya nang dahil sa bilis nitong pag-oorganisa.

“The book signing will start by 10 am. Pero tinawagan ako ni Emman kanina. Madaling araw pa lang daw ay mayroon ng mga nakapila sa labas.” Hinalikan nito ang balikat niya.

“Grabe ang daming mambabasa ng asawa ko.”

Napaawang ang kanyang bibig at namimilog ang mga matang nilingon naman niya ang binata.

“Seryoso?”

“Yes.”

“Kung ganoon ay mas lalong kailangan ko ng magmadali.”

This is it. Finally, she now has the courage to face a crowd of people.

HABANG nasa biyahe ay napansin ni Cameron na hindi mapakali ang asawa sa kinauupuan nito.

“Hey, just relax. I’ll make sure that you’ll be fine and the event to be successful. Nagtalaga na rin ako ng security na magbabantay malapit sa puwesto mo. Para masiguro ko na walang makakapanakit sa ‘yo, kung sakali lang na may makalusot na hindi mo naman talaga mambabasa.”

Elisse rolled her eyes. “You didn’t really have to do that.”

“But I want to. This is the first time that you’ll be introduced in public. As much as possible, I want to make sure that you’ll be fine and safe.”

Habang papalapit sila sa venue ay agad nilang napansin ang haba ng pila sa labas.

“Parang gusto ko na atang bumalik. Ang dami ko ng kaagaw sa ‘yo,” biro niya rito.

Pero nanatiling tahimik lang ang dalaga at napaayos ng upo.

Pagkarating sa lokasyon ay agad niyang inayos ang pagkakagarahe ng sasakyan. Sa likod sila dumaan upang maiwasan munang makita ng mga nag-aabang si Elisse. Agad na sinalubong naman sila ng secretary niya na si Emman.

“Ang ganda n’yo po talaga, Miss Henrietta. Puwede rin po ba tayong mag-picture mamaya? Ang totoo po niyan ay may koleksyon din ako ng mga libro mo,” bungad ni Emman na akmang aalalayan ang asawa niya.

Sinamaan naman ng tingin ni Cameron ang secretary niya at mabilis na ipinulupot ang braso sa beywang ni Elisse.

“No. Bawal magpa-picture ang lalaki.”

Mahina naman siyang siniko ng asawa, bago ito nakangiting bumaling kay Emman.

“Don’t mind him. We’ll take a picture later, and I will sign my books with you.”

Napasimangot naman si Cameron.

Hinatid na muna niya ang asawa sa kuwarto kung saan ito mananatili, bago magsimula ang event. Mariin naman niya itong ibinilin kay Emman.

“I’ll be alright. Just go,” Elisse assured him.

Hinalikan naman niya ito sa noo. “Alright. Just let me know if you need anything.”

Tinanguan naman siya ng asawa.

Sa paglabas niya ng kuwarto ay dumiretso siya sa stage upang tumulong sa preparasyon doon. Gusto kasi niya maging hands-on sa pag-aasikaso ng naturang event. Kaya naman pagkatapos ng ginawa niya roon ay tumulong din siya sa pag-aayos ng pila, at maging sa pagbebenta ng mga libro ni Elisse para sa mga gusto pang bumili ng kopya nito.

He will make sure that this will be a day to remember for Elisse.

NAPAHINGA nang malalim si Elisse nang marinig ang pangalan niya na inanunsyo ng host. Sa paglabas niya ng kuwarto ay may dalawang security ang nag-aabang sa kanya. Sinamahan siya ng mga ito hanggang sa pag-akyat niya ng stage, kung saan ay mayroong mesa at upuan na nakaayos. Sa ibabaw naman nito nakapatong ang lahat ng mga librong nagawa niya.

She currently has twenty-five published books, and been long waiting for this moment to sign all of it publicly.

Sa kanyang pagharap ay napuno ng malakas na hiyawan ang buong hall. Pinigilan naman niya ang maiyak nang makita kung gaano karami ang dumalo sa biglaang book signing event niya.

Kahit kailan ay hindi niya naisip na ganito kainit siya tatanggapin ng mga tao.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang event.

“Good morning po! Ang ganda-ganda n’yo po! It’s nice meeting you po!”

Natigilan si Elisse sa naging pagbati ng unang magpapapirma sa kanya. She’s not used to this. People acknowledging and appreciating her.

“Thank you so much for reading my stories! Tiga-saan ka?” tanong niya nang makabawi at sinimulang pirmahan ang mga libro na inilapag nito.

“Cebu po.”

Muntikan ng mabitiwan ni Elisse ang hawak na ballpen nang dahil sa naging sagot nito.

“S-Seryoso? May kasama ka ba papunta rito?” nag-aalala niyang tanong.

Napatango naman ang dalaga. Sa tingin niya ay high school pa lamang ito.

“Opo. Sinamahan po ako ni Mama. Hindi ko po kasi sigurado kung kailan kayo magkakaroon ng book signing ulit. Kaya sinamantala ko na po ang pagkakataon, habang bakasyon din po.”

Sa gulat niya ay bigla itong napaiyak.

“Matagal ko na po talaga kayong gustong makita.”

Nang dahil sa itinuran nito ay tuluyan na ring tumulo ang mga luha ni Elisse. Napansin niya ang akmang pagpunta ni Cameron sa puwesto niya, pero inilingan niya ito.

It’s just that she never imagined that someone will make an effort just to see her.

Bukod roon ay natutuwa siya sa nanay nito, dahil suportado nito ang anak.

Nang matapos ay niyakap niya ito, bago sila nag-picture na dalawa. May itinalaga rin naman ang asawa niya na staff para kumuha ng mga larawan kaya wala namang magiging problema.

Hindi ininda ni Elisse ang pangangalay ng kanyang kamay, maging ang gutom na nararamdaman. She’s taking a break for only how many minutes, then resume again.

Ang dapat na hanggang 8 pm lang ay umabot pa ng 9 pm upang mapagbigyan ang lahat. Hangga’t maaari kasi ay ayaw rin niyang masayang ang effort ng mga ‘to sa pagpila. Lalo pa at ang iba sa mga ‘to ay galing pa sa malayong lugar.

Nang sa wakas ay matapos na ang kabuuan ng event ay bumalik na siya sa kuwartong pinaghintayan niya kanina. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok naman si Cameron. May dala-dala itong pagkain at doon lang din niya muling naramdaman ang gutom. Maging ang ibang staff ay nagsimula na ring kumain.

Ngunit bago pa man siya makakain ay naramdaman niyang tila hinahalukay ang tiyan niya. Agad na dumiretso siya sa banyo at nagsuka.

“Darling! Are you alright? Open the door!” Pagkalampag ni Cameron sa labas ng pinto.

Biglang kumabog ang dibdib niya nang maalalang hindi pa siya dinaratnan. Kaya naman ay inayos lang niya ang sarili, bago nanginginig ang kamay na kinuha niya ang test kit sa bag na palagi niyang dala.

Ganoon na lang ang tuwa niya nang lumabas ang dalawang pulang guhit doon. Agad na binuksan naman niya ang pinto nang matapos.

“Hey, what’s the—” Natigilan si Cameron nang ipakita niya rito ang hawak.

Nang makabawi ay maingat siyang niyakap ng asawa.

“I love you so much!” aniya nito, bago siya siniil ng halik.

“I love you too!”

Natawa na lang siya nang lumabas ito ng kuwarto at ipinagsigawan sa lahat na magkakaanak na sila.

She may not have the most cheesy and romantic love story just like the protagonists of her own written novels. But she’s glad to have the happy ending that she deserves, and she couldn’t ask for more.