Chapter 75
Annie's Pov:
Baguio City:
Nalaman kong nagbunga ang isang gabing muling pagniniig namin ni Dave.
Alaala:
Nagising akong si Nurse Deliah lamang ang na ro'n sa quarter's area namin. Nakatingin lamang siya sa akin ng magising ako. "A-ano pong nangyari sa'kin?" tanong ko sa kanya at bumangon ako ng bahagya.
"Hinimatay ka kanina," tugon nitong lumapit pa sa akin. Nakatayo siya sa harap ko at nakatingin lamang. Tingin na may sinisipat at tila nais tanungin sa akin.
"Bakit po? May problema po ba ako Head Nurse Delia?" tanong ko sa kanya na may pag-aalala sa kalagayan ko. Nag-aalala akong malaman nila ang dating naging sakit ko na trouma.
"Well, hindi naman problema talaga, depende sa sasabihin mo sa akin," wika nitong muli.
"Bakit po ano po bang kalagayan ko?" Nanginginig ang kamay ko ngunit kinubli ko iyon upang nito makita.
"Do you have a boyfriend?" deretsang tanong sa akin ng Head nurse namin. Sa hindi ko malamang dahilan ay kung bakit nito inaalam ngayon ang status ko. Alam kasi dito na may anak ako ngunit walang asawa. Kaya naman marahil ay nais niyang malaman iyon. Tipid akong ngumiti at hindi sinagot ang kanyang tanong. Sa ganoong paraan ay naisip niyang hindi ako handang sagutin ang kanyang katanungan.
"Okay, I asked you because I think your pregnant," sabi nito sa akin. Mabuti na lang at walang ibang tao nung bangitin niya ang salitang iyon.
"Well that's what I think, may ilang palatandaan akong nakita sa'yo na kahit hindi kita i-test ay nahuhulaan ko. Maybe dahil pinagdaanan ko 'yan. It's better kung ipacheck up mo yan sa ibang clinic na lang. Para hindi ka na pag-usapan pa dito sa center," sabi pa ni Mrs. Deliah.
"Hindi po bunga ng pagkakasala ang baby ko. At hindi rin po ako totoong disgrasyada, kagaya ng mga bulong-bulungan tunkol sa akin," sabi ko at pagkatapos ay napaiyak na ako.
"Annie, alam ko 'yan," sagot nito sa akin. Ako naman ay napatingin sa kanya. Lumapit siya sa akin at ginagap ang isang kamay ko.
"A-ano po?" nagtataka akong tumingin sa kanya.
"I know who you are, at kilala ko rin si Dave, alam kong nawawala siya ngayon," sinserong sabi ng may edad nang Nurse.
"T-talaga po? Pa-paano niyo po nalaman?"
"Isa ako sa mga taong natulungan niya, noong panahong bago pa lang strawberry farm niya dito. Siya pa nga ang nagpaaral sa ‘kin, and later on nalaman kong ikakasal na siya, pero hindi natuloy ang kasal niyo sa simbahan. Because samethings happened. Nalungkot ako no’n at alam ko nang may malaking problema ang nangyari. Hindi nako kumibo ng makita ko kayo rito at ang iyong pamilya."
Iyon lang ang alaala ko kay madam Deliah, at pagkatapos noon ay pinayuhan niya akong mag-leave muna sa center. Na siya ko namang ginawa ng mga sumunod na araw. Tapos ay nagpa-check up ako sa isang private clinic at nalaman kong mag-iisang buwan na akong nagdadalang tao.
Nagbunga pala ang isang gabing pagniniig namin ni Dave. Ang isang gabing tila nakaw lamang at wala akong pinagsabihan kahit na sino. Kahit sa mga kaibigan ko. Lumipas na ang halos isang buwan at eto nga ang bunga ng pagmamahalan namin.
"Dave mahal na mahal kita. Sana ay ligtas kang makabalik sa amin." Habang iniisip ko iyon ay hindi ko namamalayang nasa likod ko pala sina Joan at Shiela.
"Girl are you Okay?" tanong sa akin ni Joan. Hindi ko naman masabi sa kanila ang tunay kong kalagayan.
"O-oo naman," sagot ko. Nasa balkonahe kami noon. Alas-siyete ng umaga no’n araw ng sabado.
"A, bakit nga pala parang hindi ka pumupunta sa center ngayon?" si Shiela naman ang nagtanong.
"Ha, a- pinag leave muna ako kasi marami naman daw tao ngayon sa center," tipid kong salita sa kanila. Mula naman sa balkonahe ay kita ang hapag-kainan at kusina kaya naririnig nila ang usapan namin habang nag-aalmusal ang lahat.
"Ay buti naman Annie, at binigyan ka ng leave ng head Doctor at Nurse niyo. Marahil ay napapagod ka, nabalitaan ko mula kay Aling Tasing yung Nanay ni nurse Joy, diyan sa kabilang baryo na hinimatay ka raw sa Center niyo noong nakaraang linggo," wala sa loob na sabi ni Ate Luisa.
"Ha! Kailan mo nalaman 'yan, Mahal?" gulat na reaksiyon ni Kuya Dhino.
"Ha? Totoo ba 'yun Girl? Ikaw ha di ka na nagsasabi," sabat naman ni Shiela, na nasa tabi ko rin. Tumingin lamang ako sa kanila.
"Ha? Kahapon lang, hinarang nga kasi ako ni Aling Tasing, kinumusta si Annie, nagtaka ako sabi ko wala naman siyang sakit, tapos ay nabanggit na niya nga, ngayon ko lang din naalalang sabihin."
"Annie, bakit hindi mo sa amin sinasabi 'yan?" tanong ni Mama sa akin. Na hindi ko alam ay may hinala na pala siya sa akin.
Bigla namang inilabas ni Kuya Salmon ang bagong luto niyang garlic longganisa, kumalat ang amoy nito na siya kong nalanghap, kaya tila bumaligtad ang sikmura ko at ayaw ito ng pang-amoy ko. Patakbo akong tumungo sa lababo at duon pilit na nagduduwal. Nagkatinginan naman silang lahat sa nangyayari sa akin. Lahat sila ay hindi nakakibo. Si Mama ay galit akong sinundan sa lababo at tinanong.
"Annie! Buntis ka ba!?" malakas ang tinig at may galit na tanong ni Mama sa akin.
"Ha, Ma b-bkit naman ganyan ang tanong mo kay Annie?" pagtatanggol pa sa akin ni Kuya Salmon.
"Salmon, 'wag mong ipagtanggol iyang kapatid mo!"
"Ma, sandali lang po, 'wag na muna nating husgahan si Annie, hayaan natin siyang magpaliwanag." sabi rin ni Kuya Shiemen
"Aba dapat lang! Dahil ang laki ng tiwala natin sa kanya! Okay sa akin kung si Marvin ang ama niyan! E kung hindi!" galit na sabi uli nang Mama ko. Matapos kung punasan ang bibig ko ng towel ay tinangka kong iwan sila. Ngunit na-corner na ako ni Mama.
"Nagsimula kang magkaganyan pagkatapos mong pumunta sa maynila." Nahawakan ni Mama ang braso ko kaya hindi na talaga ako nakaiwas sa mga mata niyang nang-uusig.
"Sinong ama niyang dinadala mo? Si Marvin ba? Nagkita ba kayo sa Maynila? Sa Hotel?" sunod-sunod nitong tanong sa akin.
"Ma! Pwede ba! Tigilan niyo na yang imoral ninyong pag-papantasya! Kahit kailan hindi mangyayari 'yan!" sigaw ko sa kanya.
"Eh, sino nga!? Sino ang ama ng dinadala mo!?" mas malakas na sigaw pa rin ni Mama.
"Si Dave!" napakalakas kong isinigaw sa kanilang lahat. Malakas na malakas na halos ubusin ko ang aking lakas. Sabay napahandusay ako sa sahig. Napaiyak na rin ng malakas. Agad akong niyakap nina Shiela at Joan.
"Tama na po, pagpahingahin muna natin si Annie." Tinulungan nila akong tumayo at sinamahan sa aking silid. Si Daniel naman ay kalong-kalong ni Kuya Shiemen.
"Girl, calm down baka makasama sa'yo iyan," sabi ni Shiela na kitang-kita ang pag-aala para sa ‘kin.
"Ay nako, parang gumugulo na naman ang lahat, bakit kasi hindi mo pa sabihin ang totoo?" Baling ni Joan kay Shiela.
"Ano ka ba! Huwag ka ngang umepal!" singhal ni Shiela kay Joan sa gusto nitong sabihin niya.
"Para nga kasi hindi na umasa si Mama Ana, kay Marvin," sabi muli ni Joan.
Na ipinagtaka ko naman. Tila may inililihim din sa akin ang dalawa kong kaibigan. Bagay na gusto kong malaman sa kanila.
"Ano ba 'yon? Sabihin niyo na sa'kin?" pilit ko pa sa kanila habang pinapahid ang luha ko.
"Ha, ano kasi 'yon Girl," nauutal na salita ni Shiela at tila ayaw pa niyang sabihin talaga.
"Girlfriend ko na si Shiela, actually matagal na ang relasyon namin," sagot bigla ng isang tinig sa likod namin. Si Marvin, naroon na pala siya habang nagkakagulo kami kanina.
"Marvin!" usal ni Shiela dahil sa pagkagulat.
"Bakit niyo nililihim?" sabat naman ni Mama na naroon na rin sa loob ng aking silid.
"Dahil tulad nila, ayaw naming maging masaya habang may nagdadalamhating kaanak," paliwanag pa niya sa aming lahat. Naroon na sa loob ng silid ang buong pamilya.
"Eh ganon naman pala, at si Annie, ay wala namang ginawang masama, huwag na tayong mag-away-away. Magapaliwanagan tayong lahat dahil isa tayong pamilya rito. Doon na tayong lahat sa sala at si Annie ay bigyan natin ng time na mag-deside kung sasabihin na niya ang lahat sa atin." Mungkahi ng ama ni Joan. Lahat ay nakinig kay Tatay Arnold dahil sa ito ang pinaka matanda sa amin at magaling na nagpapayo nito. Tila nakatagpo kami ng panibagong ama sa katauhan niya. Bagamat hindi ko malilimot si Papa.
Samantalang ako ay nanatili sa kwarto upang pag-isipan kung makakabuti bang sabihin ko sa kanila ang nangyari. Wala silang kaalam-alam tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Dave. Kung gaano ito kadelikado at kaselan dahil hindi basta-basta ang kanyang kalaban. Maaring pati kami ay mapahamak at ang dalawang taong paghihirap at pagsasakripisyo naming lahat ay mawawalan ng saysay kapag nagkataon. At maaring ikapahamak ito ng lahat. Hindi ko alam kung paano ito matatanggap ng buong pamilya.