Chapter 14
Napanganga sya sa sinabi ni Gavin at hindi alam ang gagawin, nanatili syang nakamata rito. tinatanya kung seryoso ito sa sinasabi.
"I want your lips on my-" Nang biglang tumunog ang cellphone nito. at hindi natuloy ang sinasabi. sinulyapan ni Gavin ang cellphone sa may mesa at muling binalik sa kanya ang mga mata nito. andoon parin ang pagnanasa sa mga mata nito. napalunok sya.
"I need to take this" sabi nito at dinampot ang cellphone. nahihiya syang umalis sa mga hita nito at inapit ang roba sa katawan. nakaramdaman sya ng pagka dismaya. tila tuloy nasasanay na sya na sa tuwing nasa napaka intimate na sitwasyon na sila ni Gavin eh saka naman mauudlot.
"Sabrina, Why?" narinig nyang sabi ni Gavin. nilingon nya ito ng marinig ang binaggit na pangalan. Pangalan ng babae.
"Yes, and then?" patuloy nito at lumabas ng silid kaya wala na syang narinig pa kung ano ang pinag-uusapan nito at ng tinawag nitong Sabrina.
"Sino si Sabrina? may girlfriend ba si Gavin? pero hindi ba't sabi ni Aya wala pa itong pinapakilalang babae sa kanila ni Joshua, at sya palang ang pinakilala sa kanila ni Gavin?" tanong nya na lalong nakagulo sa isip nya. bumuntong hininga sya at bagsak ang balikat na lumapit sa may veranda kung saan kitang-kita ang malawak na karagatan, kung saan hindi nya eksaktong alam kung anong lugar, basta ang alam nya nasa remote syang lugar na tanging si Gavin lang ang may access at hindi sya makakaalis sa lugar na ito hangga't hindi natatapos ang isang buwan. napakagat labi sya dahil mahaba-haba pa ang pagsasama nila ni Gavin.
Lumipas ang mahabang sandali walang Gavin na bumalik sa silid, nakuha na nyang titigan ang karagatan sa paghihintay kay Gavin pero walang Gavin na bumalik sa silid. Eh bakit ba nya hinihintay bumalik si Gavin? kaya ba nyang gawin ang pinagagawa nito sa kanya?
"Bakit hindi? kung kinakailangan" bulong nya at liningon ang pinto, wala paring Gavin na papasok. marahil importante ang pinag-uusapan nito at ni Sabrina.
Nang maramdamang tila hindi na babalik ng kwarto si Gavin malungkot syang lumabas ng kwarto.
"Asaan kaya sya?" hindi nya ito nakita sa may sala.. marahil nasa library. kibit balikat syang pumasok sa sariling silid.
"Hay! kailan kaya may mangyayari sa amin ni Gavin?" tanong nya at binagsak ang katawan sa malambot na kama. Aaminin nyang excited sya sa pwedeng mangyari sa kanila ni Gavin isama pa na yun ang magiging unang karanasan nya kung sakali, at talaga namang napaka hot ni Gavin, nakikita palang nya ito tila na sya naglalaway, sa tuwing hahalikan at hahaplusin sya ni Gavin at nawawala sya sa katinuan, ewan nya pero tila sya sabik na sabik kay Gavin. hindi naman sya masisisi sigurado kahit sinong babae ganito rin ang mararamdam kay Gavin.
"Gavin" bulong nya at sinubsob ang mukha sa unan. at biglang naalala ang babaeng kausap ni Gavin si Sabrina. mabilis syang bumangon at kinuha ang cellphone. kailangan nyang malaman kung sino si Sabrina.
Nag search sya ng nag search na Gavin and Sabrina pero wala syang nakita, pati social media ni Gavin ay hindi nya makita. Article lang tungkol kay Gavin ang meron sya. bumuntong hininga sya at hinihagis ang cellphone at mabilis na naglakad palabas ng silid, hahanapin nya si Gavin.
Pagdating nya sa sala wala roon si Gavin, wala rin ito sa may kusina, kaya nagtuloy sya sa paglabas, aaliwin na muna nya ang sarili mag-isa habang busy si Gavin kay Sabrina. naglakad-lakad sya sa malawak na hardin na sadyang napakaganda. Hinawakan nya ang puting rosas na bulaklak.
"What are you doing there?" tinig na nagpagulat sa kanya kaya imbes na rosas ang mahawakan nya sa tinik dumapo ang daliri nya. napatili sya ng maramdaman ang tinik.
"Ouch" tili nya at mabilis na hinila ang daliri. nagulat sya ng makitang nagdudugu na yon.
"You're bleeding" at mabilis syang hinila ni Gavin sa kamay.
"Aray" tili nya. pero hindi sya nito binitawan at naglakad sila papasok sa loob ng bahay.
"Gavin I'm ok, konting sugat lang naman ito at dugo" sabi nya habang papunta sila sa may kusina. Sinulyapan nya ito na seryoso ang mukha.
"Bakit kase hindi ka nag-iingat" sabi nito at liningon sya, nagtama ang kanilang mga mata sandali lang pero ewan nya kung ano bang nangyayari at tila tumalon ang puso nya at lumakas ang kabog, isama pa ang kamay nito hawak-hawak ang braso nya.
Pagdating sa kusina nagulat sya ng para syang batang binuhat ni Gavin at iniupo sa marble na lababo.
"Hindi mo dapat hinahawakan ang mga yon, You know Roses are trap, they look beautiful yeah, pero napapalibutan sila ng mga tinik na pwedeng makasakit sa iyo while reaching those beautiful roses" litanya nito habang may kinukuha sa cabinet. Nakasunod lang sya ng tingin sa bawat galaw nito.
"Bakit ka kase lumabas?" tanong nito ng makuha ang emergency kit. hinila nito ang braso nya at hinawakan ang daliring nagdudugo. Napalunok sya ng hinipan nito yon at nanlaki ang mga matang napatingin kay Gavin. Sunud-sunod na lunok ang ginagawa nya habang pinupunasan ni Gavin ang daliring may dugo. ni hindi nga yata nya naramdaman ang hapdi ng lagyan yon ni Gavin ng alcohol, dahil busy syang pinagmamasdan ang gwapong-gwapong si Gavin.
"Ano bang ginagawa mo labas?" tanong nito ng mailagay na ang bandaid. at itinabi sa gilid ang emergency kit box, habang sya naman ay nananatili paring nakaupo sa lababo na parang bata. pinatong ni Gavin ang dalawang kamay sa gilid ng mga hita nya at halos kahibla lang ang layo nila sa isat-isa. Alanganin nyang nilayo ang mukha rito.
"Naiinip ka ba sa kwarto mo kaya ka lumabas?" tanong nito na humahaplos ang mainit na paghinga nito sa mukha nya. napalunok sya ng mas lalo pang ilapit ni Gavin sa kanya ang mukha nito. halos magdikit na ang kanilang mga labi at kung hindi lang sya magmumukha desperada sya na ang tatawid sa pagitan ng mga labi nila at sya na ang gagawa ng paraan para matuloy na ang laging nauudlot na ginagawa nila.
"Hindi... naman... sa naii... nip" putol-putol na sabi nya dahil sa kabang nararamdaman sa sobrang lapit ni Gavin.
"Then why?" he asked at naramdaman ang isang kamay nito sa hita nya, tanging roba lang suot nya dahil hindi pa sya nakakapag bihis buhat kanina, wala kasi syang masuot.
"Just...." hindi nya natuloy ang sasabihin ng maramdaman ang pagtaas ng kamay nito sa hita nya papunta sa undies nya, napasinghap pa sya nang maramdaman ang daliri nito sa undies nya.
"Are you looking for me?" he asked habang tila naglalaro ang mga daliri nito sa undies nya. napapikit sya at sunud-sunod na lunok ang ginawa bago sumagot.
"Yes" anas nya na tila sya lang ang nakarinig.
"Why?" he asked kasabay ng isang kamay naman nito ang naglakbay sa may leeg nya na lalo nyang kinakapusan ng hininga. Ano bang ginagawa sa kanya ni Gavin, bakit sya tila nilulunod ng paunti-unti at sinasabik ng usto, na tila ba nais nitong bumigay sya at sya na mismo ang humila rito at magsimula sa dapat nilang simulan. yon ba ang gusto ni Gavin? kaya sya inaakit nito at pinapainit para sya na mismo ang gumawa ng paraan para matuloy ang ginagawa nila. kaya ba nya? magagawa ba nya?