Chapter 10
Pagbaba nya nakita nya si Gavin sa may sala nakaupo ito habang nakatingin sa cellphone. nakatalikod ito pero kitang-kita nya ang kagwapuhan nito. nakasuot ito ng gray na jacket malapad ang likod nito at alam nyang masarap itong yakapin. nagtuloy sya sa pagbaba na hindi inaalis kay Gavin ang tingin, marahil hindi pa nito alam ang pagdating nya kaya nanatili itong nakatingin sa cellphone.
"Hi" bati nya para makita na sya nito at maipakita na kung gaano kaganda ang damit na binili nito sa kanya, kung gaano ito ka reaveling.
Kaagad itong lumingon ng marinig sya at napasinghap sya ng makita kung gaano ito kagwapo, ka fresh ang mukha nito at ang mga mata nito kung makatingin sa kanya ay para syang matutunaw.
"Are you ready?' tanong nito at tumayo mula sa kinauupuan at sinuri sya ng tingin. inayos nya ang mahaba nyang buhok, kinulutan nya yon sa may dulo naglagay din sya ng konting make up. at sinuot ang ilang accesories na nadala nya, mga damit at underwear lang ang tinago ni Gavin, at buti nalang hindi nito sinama ang make up nya at mga gamit para sa buhok, kung nagkataon baka di sya makapag ayos ng maayos.
"Perfect" sabi nito habang nanatili ang mga mata sa dibdib nya. napalunok sya dahil may kakaibang init na gumapang sa katawan nya.
"Let's go, they are waiting for us" sabi nito at inilahad ang kamay, nagdalawang isip pa sya kung iaabot ba ang kamay o hindi, pero tila may sariling isip ang kamay nya at iniabot yon kay Gavin. naramdaman nya ang mainit na palad nito na humawak sa kamay nya. napalunok syang muli dahil pumasok sa isip nya ang ginawa nito kanina sa bathtub.
"Relax" bulong nito sa kanya at hinalikan sya sa buhok. tumango sya at naglakad na sila palabas ng bahay.
Sa pagkakaalam nya sila lang dalawa ni Gavin sa bahay, kung saan sila pupunta ay hindi nya alam, nahihiya syang magtanong baka sabihin nito masyado syang mausisa.
Nang makalabas na sila naglakad pa sila ng ilang hakbang papunta sa may tulay at doon nya nakita ang isang private Yatch. nanlaki ang mga mata nya ng makita ito, may nalasulat sa yate na GAVIN S. at alam nya na ang S ay Saavedra apelido nito, nahihiya syang sinulyapan ito na sa daan nakatingin habang nanatili ang mga kamay nila sa isat-isa.
"Is that yours?" tanong nya kahit alam na nya ang sagot, nais lang nyang mabawasan ang tensyon na nararamdaman.
"Yeah, it's mine" sagot nito at nakita ang dalawang lalake sa may bungad ng yate nag salute pa ang mga ito kay Gavin at binigyan sila ng daan papasok sa loob, marahil crew ang mga ito sa yate.
"Ellise, this is captain Mike, turo nito sa lalaking naka unipormeng puti na halatang kapitan sa barko o kung saan.
"Good morning Ma'am" bati nito ngumiti sya at bumati rin.
"Joey, his assistance and this is chef Mar" pakilala ni Gavin sa medyo may edad na lalake na papalapit sa kanila. binati sya ng mga ito at binati rin nya ang mga ito.
Matapos syang ipakilala ni Gavin sa mga tao sa yate kaagad na silang pumasok sa loob. Namangha sya sa ganda sa loob ng cabin at wala na syang masabi kung gaano kayaman si Gavin. may sarili ito helicopter, may sarili rin itong Yate isama na na pagmamay-ari nito ang islang kitatayuan nila.
"Enjoying the view?" He asked nang lapitan sya nito sa deck nakatingin sya sa tubig at natutuwa syang makita ang malinis na tubig
"Yeah, ang ganda dito" bulalas nya at sinulyapan si Gavin. nakita nanaman nyq kung gaano ito kagwapo habang nakatingin sa di kalayuan.
"Wow" anas nya.
"Beautiful eh" sabi ni Gavin sa pag aakalang ang isla ang wina-wow nya.
"Ah.. yeah, yeah" mabilis na sagot nya at sinulyapan ang malawak na isla.
"Let's have a breakfast" yaya nito, oo nga pala di pa sila kumakain, actually kagabi pa sya walang kain.
Umakyat sila sa deck ng yate at doon nakita nyang nakahanda ang pagkain. nagulat sya dahil dalawa lang naman sila pero ang dami ng nakaahin. nakita pa nyang may idinagdag pa ang chef ng yate. sliced ham at tila kumalam ang sikmura nya ng maamoy ang pagkain.
"Maupo ka na" yaya ni Gavin ay pinanghila pa sya nito ng upuan.
"Salamat" nahihiyang pasalamat nya at naupo. nalulula sya sa dami ng pagkaib roon, bibitayin na ba sya kaya sya papakainin ng mga masasarap?
"Do you like anything?" tanong ni Gavin ng makaupo sa may dulo ng mesa.
"No, this is to much" sagot nya at kaagad naman na sumenyas si Gavin sa chef na kasama nila sa yate.
"Sige kumain ka na" sabi nito at hindi na sya nahiya pa dahil gutom na sya at ngayon palang nya nakita ang ganoong klase ng pagkain. hindi naman sya mahirap sanay sya sa mga sosyal na pagkain, pero masasabi nyang ibang level ang mga nakahain sa kanila ngayon. iba't ibang klase ng wheat bread may cheese, mga mamahaling prutas na rare lang, di mo mabibili kung saan-saan lang dito sa pilipinas, fresh fruit juice, ham, egg, at kung ano-ano pang di pamilyar na pagkain sa kanya.
Tahimik silang kumain ni Gavin, kahit gutom sya di nya pinahalata na malakas syang kumain, o halata na ni Gavin yon. kanina pa kasi sya kuha ng kuha at nauubos naman nya lahat. nang mabusog sya humingi sya brewed coffee.
"Saan pala tayo pupunta?" tanong nya habang nagkakape.
"Have you heard about Joshua Tragora?" he asked. napaisip sya kung sino si Joshua Tragora pero agad nyang nakilala ang pangalan nito.
"Yeah, he is the Tragora heir from San Miguel" sagot nya at binaba ang tasa ng kape.
"He is my first cousin" sagot nito at naghintay ng susunod na sasabihin.
"Nasa kabilang isla sila ni Aya, with thier new born son" Sabi nito. Kilala nya ang mga Tragora in a way na taga San Miguel ang mga ito, at alam nyang ang mga Tragora ang nagmamay-ari ng halos buong San Miguel, at sa pagkakaalam nya isang modelo si Aya bago ito naging asawa ni Joshua.
"Doon ba tayo pupunta?" tanong nya
"Yes, they invited us, isa pa Aya want's to meet you"
"Me? bakit?" alanganing tanong nya dahil hindi pa naman sya ganoong kasikat para i level kay Aya na sikat na sikat noong nasa modelling pa ito.
"They want to see who's my date" sagot nito at tumayo mula sa kinauupuan. pinamulaan sya ng mukha at naiisip kung alam ba ni Joshua at Aya na pinagbili nya ang sarili kay Gavin. nakaramdam sya ng lungkot at awa sa sarili kung sakaling alam ng mag-asawa at sitwasyon nila ni Gavin.
Kaya marahil pinagbihis sya ni Gavin para naman maganda sya at presentable sa harap ng pinsan. napakagat labi sya.
"Stop biting your lips" utos nito na kinagulat nya, di nya namalayan na nasa tabi na pala nya ito.
"Sorry" alanganing sagot nya.
"Let's go I'll show you something" yaya nito at hinawakan sya sa braso napapitlag pa sya at tila sya nakuryente ng dumapi ang kamay nito sa braso nya.
"Where?" alanganing tanong nya at tumayo, sumunod sya rito, nananatiling nakahawak ito sa braso nya. lihim nyang sinulyapan ang braso nito na kitang-kita ang mga ugat, marahil dahil sa kaka gym nito. bumaba ang mga mata nya sa may kamay nito sa braso nya at hindi sinasadyang mapasulyap sya sa slacks ni Gavin at napalunok sya dahil tila may nababakasan syang kakaiba roon.
Ano Elise! hindi ka manyak! tigilan mo ang patingin sa mga bagay na di mo dapat tinitignan. sabi nya sa sarili dahil di nya mapigilan ang mga mata na matingin sa bahaging yon ng slacks ni Gavin.
"You can have that Ellise, but later" bulong ni Gavin sa tenga nya at naramdaman nya ang paghalik nito sa tenga. napalunok sya dahil pakiramdam nya nakita ni Gavin ang ginawa nyang pagtitig sa slacks nito at pakiramdam nya napansin ni Gavin na curious sya sa tinatago ng slacks nito.
"Ah... eh..." di nya alam ang sasabihin at ramdam na ramdam ang pamumula ng pisngi nya sa kahihiyan.
"I will f*ck you on this yatch later tonight" bulong nito na lalo syang kinilabutan at bago pa sya makasagot hinila sya nito paharap rito at mariing sinihil ng halik sa mga labi. nanlalaki ang mga mata nyang napatitig kay Gavin. at bago pa sya makabawi sa halik nito ay ang kamay naman nito ang naramdaman nyang pumaloob sa suot nyang damit, sa may dibdib nya at maya'maya pa hawak na nito sa isang kamay ang dibdib nya, habang ang isang kamay nito qt umaapit sa bewang nya at sinisiksik sa katawan nito. naramramdaman nya mula sa manipis na suot ang matigas na bagay sa slacks nito na tila sumisiksik sa pagitan ng mga hita nya. hindi nya alam kung ano ang nararamdaman basta ang alam nya init na init na ang buong katawan nya kahit pa sabihing malakas ang hangin sa ibabaw ng deck ng yate.