Chapter 30: The Last Fight

THE MOMENT became slow but the time kept moving not even bothered by the circumstance happening in the Arena. May nakakakita kaya sa amin ngayon? May nakakaalam na kaya ng rebelasyong nagaganap sa Arena ngayon? Nalalaman kaya ito ng palasyo? Ano na ba ang aksyon nila para dito?

I can't move despite the urge to turn back time and stop Onyx from doing such thing for me. I can't even hold my tears, I can't even make a squeal anymore. All I just did was to cry in silent excruciating pain watching the sword dug beyond Captain's back.

"S--sard--donyx..." I tried yelling his name, but a very low whisper came out from my mouth instead, "C--captain..."

"WHAT THE HELL!" Dumadagundong na sigaw ni Kugo na agad na sinundan ng sigawan nina Hunter at ng iba pa naming kasama, "What is happening- what the fuck- CAPTAIN!"

"HYBRID!" Tarantang sigaw ni Hunter na natuod sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang kalagayan ko.

"Hey old fart! What have you done to my friends?" Galit na atungal ni Seven at walang pasabing umatake sa matandang ministro.

Mabilis na hinugot ng Ministro ang kaniyang espada sa tiyan na lumagpas pa sa likod ni Onyx upang harapin ang atake ng Team Felidae. Kasabay ng pagsalubong ng ministro sa mga atake ng mga kasamahan ko ay ang pabagsak na pagluhod ni Kap sa harap ko.

Namimilog ang mga mata ni Kap, animo'y hindi makapaniwala sa nangyayari. Sa sulok ng aking mga mata ay nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Mukhang mas lalo pang dumadagdag ang pag-alab ng kaniyang galit habang pinapanuod ang miyembro niyang isa-isang nangagkakatumba sa kamay ng Ministro.

"AAARRRGGH!"

"YAAAAHHHH!"

The rattling voices of team Felidae filled the wilds. Napuno ng malulutong na mura at nakakatakot na sumpa ang paligid bitbit ng mga kasama kong hindi humihinto sa pag-atake. Ngunit katulad ng Canidae ay hindi sila nagtagumpay sa kamay ni Minister Shin. Mukhang pinaghandaan ito ng sobra ng Ministro, ang lahat ng ito.

Mula sa pagpatay niya sa Ama ni Onyx, hanggang sa pagkatanggal ng Papa ko sa palasyo, at ang nangyayari sa kasalukuyan.

Ganoon na lamang kabilis na napabagsak ng Ministro ang mga kasamahan ko. Nanatili lamang sa pagkakaluhod si Kap na animo'y nanghihina habang ako naman ay halos wala nang buhay na nakahandusay sa lupa.

"W--what the fuck in the earth are you?"

Nahinto ang lahat sa sinabi ni Kap. Maging si Minister Shin na sinasapak ang mga kasama ko ay nahinto. Muli na naman tuloy akong kinabahan dahil agad na dumeretso ang matanda patungo sa amin, patungo kay Kap Onyx.

"Even the most evil monster couldn't do this. You are more than an evil monster!" Galit na palakat ni Kap.

Parehas na kaming naghahabol ng hininga, ang kaibahan nga lamang ay naghahabol ako ng hininga upang makahinga. Kumbaga ay pinipilit kong huminga, habang si Kap ay naghahabol ng hininga dahil sa matinding inis at nag-aalab na galit.

Mas lalo pa akong napaluha nang makita ang malaki niyang sugat sa tiyan, malayang dumadaloy ang dugo mula rito. Napansin ko rin ang pagsuka niya ng dugo, at nakumpira ko nga iyon dahil tumatalsik ang sandamakmak na dugo mula sa kaniyang bibig kapag nagsasalita s'ya.

"The audacity of you to blabber things on me!" Sigaw ng ministro habang lumalapit kay Kap, "Wala kang utang na loob! Pinalaki kita!"

"I am very much ashamed for considering you as my guardian when it was you who took my guardians away from me in the very first place-- AACK!"

Naputol ang sinasabi ni Onyx nang bumagsak siya sa aking gilid dahil sa malakas na sapak ng Ministro. Wala akong nagawa kundi ang lumuha habang pinapanuod ang ministro kung paano nito walang hirap na pinadugo ang ilong at mga labi ni Kap.

"K--kap..." I want to yell at him and tell him to stand up and fight back. I want to connect with him, but both of our systems are not functioning well. I can't connect to him, all I can do is to stare how both of us go against death.

Sa dulo ng aking mga mata ay malinaw kong nakikita ang pangbubugbog ng ministro kay Kap. Mas lalo pang nadurog ang puso ko nang makita ang nahihirapang reaksyon ni Kap.

"ARGH! STOP IT!" Sigaw ni Kugo at mabilis na tumakbo upang atakihin ang ministro.

Agad namang sumunod si Seven, "The hell you are!"

Pagkatapos ay sunod-sunod nang bumangon ang Felidae upang atakihin ang matanda. Siguro'y ginagawa na lamang nila iyon upang matanggal sa amin ang atensyon ng ministro, alam nilang hindi nila magagalaw ang Ministro dahil lubha itong malakas at magaling at ang tanging magagawa na lang nila ay kunin ang atensyon nito upang mahinto sa pangbubugbog sa amin.

Maging ang mga kasama ko'y duguan na rin, hindi ko na maintindihan ang mukha ni Hunter dahil walang takot rin itong sumusugod.

Everyone is already furious, and here I am staring at my Captain who's trying hard to stand. I think he's gonna fight despite his situation. I want to call him, I want to tell help "stop, it won't do anything good. He'll kill you" but I can't even spill a single word.

I can't even call him now. Tila ba tuluyan nang huminto ang functions ng katawan ko, at ni isang pagkilos ng pinakamaliit na parte ng aking katawan ay hindi na nito magawa.

"ARGHH!"

"FCK YOU, OLD FART!"

Narinig ko na ang reklamo ng mga kasamahan ko na animo'y tinu torture ng matandang Ministro.

"Stop it!" Mababa ngunit maawtoridad na utos ni Kap. Dahil doon ay muling bumalik sa kaniya ang atensyon ng ministro. Muli na namang kumalabog ang puso ko, ganoon na lamang ako natakot na baka mapatay na ng ministro si Kap sa pagkakataong ito.

Sa isang iglap lamang ay nakaluhod na si Kap habang kinikwelyuhan ng matandang Ministro, "You are also authoritative, just like your father. You know what? That's annoying, I am the only one who has the power and authority here, don't command!"

"Yet you followed me." Nakangising sagot ni Kap, nang-iinsulto.

Nagawa pang mang-insulto ng pisti, nasa bingit na nga s'ya ng kamatayan!

"What?" Iritado at galit na sagot ng Ministro.

"Look, you just stopped. And now you're here, telling me you are the only one who has the authority. I can make people obey me before they do your command-- ARGH!" Umalingawngaw ang sigaw ng pagsakit ni Captain nang muli na naman siyang sinapak ng matanda. Ngunit ngumisi lang si Kap, "I knew this would happen. And you know what? This will be the end of your ambition, Shin."

Nangunot ang noo ng matanda, "What?"

Sa sumunod lamang na segundo ay nakarinig kami ng tunog ng helicopter mula sa kalangitan. Hindi lang iyon dahil malalakas pang ugong ng sasakyan na patungo sa arena ang aming narinig.

Nagpadala ba ang palasyo ng rescue?

"What the hell is this?" Nalilitong tanong ng Ministro.

Ganoon na lamang ako nangilabot nang humalakhak si Kap sa kabila ng kaniyang hirap na sitwasyon, "We both know why I always win."

Nagtitigan ng matalim ang parehong nag-aalab na lalaki.

"Because my plan always work." Dagdag pa ni Kap na mas lalong ikinagalit ng Ministro.

Ngumisi ang Ministro, "You planned all of this?"

"Of course, I was the one who called them." Confident na sagot ni Kap at tumingala sa mga paparating na helicopter, "Noon pa man ay nagtataka na ako sa mga kilos mo, Ministro. Palagi mong sinasabi sa akin na ang matandang Feline ang pumatay sa papa ko, kaya naman tuwing incursion at naririyan s'ya ay pinapahirapan mo."

Ganoon na lamang kumalabog ang puso ko at namilog ang mga mata ko. ANO? Kaya ba baldadong umuuwi ang Papa ko? Kaya ba ayaw akong papuntahin ni Papa o pasamahin dito? Kaya ba ayaw payagan ni Papa si Mama na magtrabaho sa palasyo? Dahil alam niyang maghihirap kami kapag nasa lugar kami ng Ministrong ito?

"Akala mo ba'y hindi ko nakikita ang mga pagpapahirap na ginagawa mo sa matandang Feline? Doon pa lang ay nagtaka na ako dahil sa inyong dalawa, mas mukhang demonyo ka." Nakangisi pang dugtong ni Kap.

Ngunit ang ngisi niya ay agad na nabasag nang isang malakas na sapak mula kay Minister Shin ang dumapo sa kaniyang kaaya-ayang mukha na ngayon ay nababalot na ng dugo.

"So, how did you planned this?" Kuryuso ngunit galit na tanong ng matanda, nanghahamon.

"The moment I touch the Feline lady, I saw you." Ani Kap.

Nangunot ang noo ko. Iyon ba ang nakita niya nang maglapat ang aming balat? Ang Ministro ba ang kapahamakan na nakita ni Kap sa akin?

"What?"

"You see, I'm a demise soothsayer. Nakikita ko ang kamatayan o kapahamakan ng isang tao. Nagtaka na ako dahil nakita kita sa hinaharap ng hybrid na 'to, at talagang nakalabit ang gatilyo ng galit ko nang makita ko na ang gagawin mong rebelasyon bago ka pa dumating dito. Ikaw ang kaniyang kapahamakan, Minister Shin, kaya nakita kita." Sagot ni Kap at maiging kumapit sa braso ng Ministro dahil sa panghihina, unti-unti na kasing tinutusok ng Ministro ang tagiliran ni Kap habang nagsasalita siya, "I--ikaw pala ang may pakana ng kahirapan sa palasyo. A--at dahil ikaw ang pinakamataas na Ministro ng palasyo, malaya mo itong nagagawa. Dahil sa kasakiman mo'y marami na ang namatay, at isa na ang pamilya ko sa biktima mo. I--ikaw pala ang may gawa ng lahat ng iyon."

Humalakhak ang ministro at hinugot ang punyal na itinutusok niya kay Kap. Sumuka ng dugo si Kap at marahas na bumagsak paluhod.

"Nakita mo pala!" Parang baliw nitong hiyaw, "Katulad ka rin ng iyong Ama! Dapat pala ay matagal na kitang isinunod sa kaniya, isang malaking kamalian sa akin na binuhay pa kita!"

"You should have killed me then. Because I'll be the death of you this time rather than you being the reason of my death."

"You can't even move a single arm now, Onyx. Watch me as I kill this girl in front of you!"

Napasinghap ako nang lumitaw sa harapan ko ang Ministro at walang pasabing tinusok na naman ang hita ko. Gusto kong sumigaw, ngunit wala nang tinig ang lumabas sa aking bibig.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kap, "D--don't you dare hurt my hybrid!" Banta ni Kap na ikinatawa ng Ministro.

"Oh!" Pang-iinsulto nito at tinusok akong muli ng kaniyang punyal. Ngunit nahinto ang kaniyang pagpasakit sa akin nang makita ang espada sa aking kapa, "Oh! The highest Chevalier's sword! I'm envious of their friendship, he even entrusted his sword to that damn Feline!"

Ganoon na lamang ang gulat ko nang sa isang iglap ay naging leon si Kap at walang pasabing umatake sa Ministro na halata mong nagulat rin. Hindi ako nakakilos, ngunit nasundan sila ng aking mga mata.

Ganoon na lamang ako napaluha nang makita kung gaano kaagresibo si Kap na kinakagat at kinakalmot ang Ministro na biglang nahirapan sa pagbawi ng kanilang posisyon.

They rolled on the ground, but the lion was powerful than the old man at the moment. Despite the lion's situation and wounds, he still managed to do critical damages.

Kumalabog ang puso ko nang sunod na sumugod si Aurelius upang tulungan si Kap. Hindi na rin nagdalawang isip ang iba pang Canidae upang tumulong, hindi rin nagpahuli ang team Felidae sa paglapa sa ministro.

Ang buong akala ko'y nalapa nila ang Ministro, ngunit nagkamali na naman ako. Dahil sa isang pagsabog ay nagsitalsikan palayo ang mga hybrid na pinagtutulungan ang Ministro.

Nag-alab ang puso ko, nag-init ang katawan ko at sa pinakaunang pagkakataon ay nakaramdam ako ng satisfaction sa aking puso na animo'y lumalabas na ang isa pang dugong dumadaloy sa aking katawan. I am morphing again, but not as a small cat this time.

Ganoon talaga siguro kapag nararamdaman mo na ang malakas mong anyo, nagiging malakas ka na rin. Dahil ang lakas na nawala sa akin ay muli kong naramdaman, ngunit dahil sa mga sugat ko ay hindi ganoon kalakas. Subalit sapat na upang makabangon ako at maabot ang espada na bigay ng tatay ko.

Nakita ko ang pamimilog ng mga mata ni Minister, hindi inaasahan ang pagbangon. Ngunit nasisiguro kong mas nagulat s'ya sa sunod kong ginawa. Dahil saktong pagkakuha ko ng espada, ay sumugod ako sa kaniya.

I morphed...

into a dangerous Jaguar with a Felis nigripis ability.

I am stronger than usual, more precise and faster than anybody else with the two rare blood running from my veins.

The moment I reached his place, I morphed back as human and draw the sword to do some attacks, and I was successful that time to hit the Minister. But that was just a simple hit, because I was easily thrown away with his single smash.

But before I could land on the ground. I threw the sword to Captain Onyx who easily catched it. And when I felt my back hit the ground, I became satisfied because I saw Captain Onyx striking the sword going beyond the Minister's stomach.

Nakita naming lahat ang panghihina ng Ministro, at ganoon na lamang ito kabilis na bumagsak habang sumusuka ng dugo. Ngunit ang tingin nito sa akin ay nakakakilabot, animo'y hindi pa natatapos ang kaniyang pakay-- at ito ay ang patayin ako.

Kaya naman napasigaw ang lahat sa gulat nang kumilos ang Ministro nang hindi namin inaasahan. Siya na mismo ang nagtanggal ng espada sa kaniyang tiyan at sa halip na sumugod kay Onyx ay sa akin ito tumungo.

"H--Huh!" Gulat kong reaksyon nang ilabas nito ang napakahabang espada na sa tingin ko'y kanina niya pa itinatago. Nasisiguro kong mamamatay ako kaagad kapag natusok ako niyon.

"H--hybrid!" Dinig kong tawag nila sa akin.

Ngunit ang ulo ko'y tila ba nilamon na ng kalituhan, hindi ko na malaman ang gagawin ko. Sa isang iglap nga ay lumitaw sa harapan ko ang Ministro at walang pasabi nitong itinutok ang espada sa akin.

Nang oras na iyon ay siya namang pagkilos ng napakabilis ni Onyx, iyon na siguro ang pinakamabilis na kilos na nakita ko sa aking buhay. Patungo siya sa akin, at ang lahat ay tila ba kumilos sa mabagal na galaw.

"H--hckk!" I yelled in fear and frustration.

But the furious man running towards us was never too late, he performed a somersault lunging at our direction just in time for the minister to strike his sword creating a force wave on me.

The two edge sharp sword became thicker because of the formed solid wave covering its sharp edge making it more sharper and he drove it right in front of me...

where Captain Onyx landed.

"K--kap!"

Literal akong napaiyak nang makitang lumagpas sa likod ni Kap ang espada. His muscles formed firm as he tried stopping the tip of the sword from reaching me. Patuloy na bumagsak ang nakalagpas na espada sa likod ni Kap at inaabot ako niyon.

"KAAAAAPP!" Umalingawngaw na ang tinig ko dahil sa gulat. Lumabas na ang dugo mula sa ilong, bibig at mga mata ni Kap. Ibig sabihin lamang ay lubos lubos na ang nararamdaman niyang sakit, "K--KAAAAPP!"

Ganoon na lamang napasigaw sa gulat ang lahat nang hawakan ni Kap ang espada upang pahintuin ito sa pagtungo sa akin. Pati ang kamay niya'y nabalot na rin ng dugo dahil sa kakapigil.

Ngumisi lamang ang matanda sa kabila ng pagkagulat nito, at mas lalo lamang akong natakot dahil sa sunod nitong sinabi, "You sure will die... if you were hit by the peak of my sword."

Kaya naman ganoon na lamang ako nanghina nang makita ang pagtulis lalo ng dulo ng espada ni Ministro. It formed a sharp diamond shape to its end reaching me more, and the minister said that a person who would be hit by that will surely die.

Good thing, that didn't hit Captain Onyx. But it will surely hit me, because the stopping force of Captain isn't enough to fully stop the sword.

But right before it hit me, a familiar scent and person appeared in front of me hitting him hard devastating his stomach as the sword goes beyond.

Mas lalong nagulat ang lahat, animo'y hindi makapaniwala sa nangyari. Ngunit hindi lutang si Hunter, dahil isang kalabit ng gatilyo niya ay bumagsak ang Ministro ng walang buhay sa lupa. Saktong tumama sa ulo ng Ministro ang malaking bala mula sa sniper ni Hunter.

"W--what the heck..."

Bumagsak na sa lupa si Captain dahil sa panghihina, ngunit ganoon na lamang ako nawasak nang lumingon sa akin ang pamilyar na lalaki nang nakangiti.

"I--I've told you, I'll co--come to save y--you whatever it takes... and, so, y--you don't need to be shocked at all. I'm n--not too late, right?"

"I--saiah...?"