Chapter 16: The Stones
THERE ARE different teams in the Kingdom Arm Force.
Team Alpha, Team Bravo, Special Officers, Uniformed Division Officers, Uniform Division Technicians, Emergency Officers, Counter Sniper Team, and Counter Assault Team.
The Team Alpha leads everyone in different aspects while the team Bravo comes after the team Alpha.
Ang team Alpha ang hinahangad ng lahat, ng karamihan, maliban sa akin na gusto na lamang makapasok sa sandatahang lakas dahil kinakailangan. Gayong gusto ko ring makapasok sa Alpha team ngunit sa tingin ko'y malabo iyong mangyari. Baka unang lebel pa lang ng pagsubok bumagsak na ako.
Sino ba naman ang hindi gustong makasali sa Team Alpha? Sila ang boss ng sandatahang lakas, nagagawa nila ang gusto nilang gawin. At naipapagawa nila ang gusto nilang ipagawa sa mga nasasakupan nila. Sila ang nangunguna sa sandatahang lakas, kaya naman pahirapan talaga bago makuha ang posisyon na iyon.
Minsan nang nakasali ang Papa ko sa labanan para sa Team Alpha at Bravo, ngunit nakapasok lang siya sa Bravo dahil natalo daw ang team nila. Kung hindi siya nakapasok sa team Alpha, paano pa ako? Tingin ko'y mananatili na lamang itong isang panaginip at hangarin sa akin.
Sa test palang na ito, malabo ko nang mahanap ang mga bato. Marami kaming maghahanap, swerte nalang kung mahulugan ako ng isa. Pero sa tingin ko'y imposible rin dahil aagawin ang batong makukuha ko ng makakakita sa akin.
"Move!" Isang pitik sa aking noo ang ginawa ni Hunter, "Bakit ba ang hilig mong tumunganga? Alam mo bang maaari mong ikamatay yan?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Pake mo ba. Mauna ka na!"
Umiling-iling lang siya at ngumisi saka nauna nang humakbang, "Hindi ko nga maintindihan kung bakit ka pinayagan na makasali dito eh hindi ka naman pwede dito."
"Bakit hindi? Wala namang sinabing bawal ang babae ah! Kayo lang naman ang nag-iisip na bawal, mindset niyo kasi mahihina kami."
Hindi na nagsalita si Hunter, siguro'y tinamaan siya sa sinabi ko.
Lahat nang naroroon ay kanya-kanya nang hanap, mayroong umaakyat sa mga puno upang makita ang bahagyang kabuuan ng kagubatan. Mayroong nagpapahinga na lang, mayroon ding simpleng naglalakad na lang at umaasa sa suwerteng mahuhulugan ng bato.
Nakasunod lang ako kay Hunter. Hindi ko nga alam kung bakit sumusunod ako sa kaniya, pwede naman akong mag-iba ng daan. Perhaps, he helped me a lot earlier that's why my mind already trusted him a bit.
"But seriously, why are you here?" Malumanay at puno ng kuryusidad na tanong ni Hunter habang lumilinga-linga sa paligid.
Napayuko ako, "Walang lalaki sa amin maliban sa Papa ko na matanda na. Buong buhay na niya siyang nagsilbi sa sandatahang lakas, umuuwi siyang may bali. Nakapagtataka nga dahil wala namang bali kung umuuwi ang ibang galing sa palasyo, pero ang Papa ko mayroon. Kaya naman nagprisinta na ako. Bukod sa ayoko nang mahirapan ang papa ko, gusto ko ring malaman ang dahilan kung bakit baldado siyang umuuwi."
"Tulad nga ng sinabi mo, matanda na s'ya. Mahihina na ang buto ng mga matatanda, mabilis silang mabalian sa trainings kumpara sa mga mas bata sa kanila."
Lumingon ako kay Hunter, "Siguro nga."
Pero hindi ako doon kuntento, gusto ko paring malaman ang katotohanan. I have no idea why this eagerness is killing me, like I have something to know, to unravel. Alam kong may dahilan kung bakit ako nakarating dito, ang sumisidhing damdaming ito na hindi ko maipaliwanag ay kailangan kong malutas.
Hindi ko alam kung ano, ngunit may pakiramdam akong malalaman ko. There will always be this instinct of yours that actually kills due to curiosity. That's why even if it's perilous, you'll take the risk to satisfy your grudge.
ILANG oras na kaming naghahanap. Sobrang dilim na rin ng paligid, kung hindi lang maliwanag ang langit dahil sa buwan nito'y tuluyan nang lalamunin ng dilim ang gubat. Alam kong hindi nahihirapan ang mga kasama ko, they have keen senses, keen eyes that can clearly see during the night. Their night visions are really good, I am just the only one struggling because I haven't morphed yet. I am not even sure if what animal I would morphed on to.
"May mga bato ba talaga dito? Pakiramdam ko'y tirik na ang araw wala pa tayong nahahanap na bato." Iritadong ani Hunter na hindi humihinto sa paghahanap.
Napahinto na ako upang magpahinga, "I'm pretty sure some of us already found one. They're just being quiet."
"Fuck! I'm exhausted!" Reklamo pa ni Hunter.
Napakapit ako sa likod ng isang puno bilang suporta, "Kung ako ba naman makahanap ng bato mananahimik rin ako. Malamang nananahimik na iyong nakahanap ng mga bato."
Matalim na lumingon sa akin si Hunter, "And why is that, naive girl?"
"ARGHHH!"
Napakislot kami nang mayroong nagsigawan sa paligid. Mabilis na kumilos si Hunter upang itago ako sa kaniyang likuran, nagulat naman ako doon. Hindi ko alam kung nagmamagandang loob ba siya dahil babae ako o minamaliit niya ako dahil babae ako.
"They found one!" Bulong ni Hunter at hinila ko sa likod ng isang puno, "Pinag-aagawan nila iyon!"
"That's why!" Tugon ko at sumilip na rin.
Naramdaman ko ang pagiging agresibo ni Hunter. Napasinghap ako nang makita ang paglabas ng kaniyang pangil, ang pagtalim ng kaniyang kuko at ang pag-iiba ng kulay ng kaniyang mata.
"Hunter!" Tawag ko at bahagyang lumayo.
Gulat siyang lumingon sa akin, animo'y nagtatanong kung paano ko nalaman ang kaniyang pangalan. Ngunit nasa mukha niya rin ang ekspresyon na magtutuos kami pagkatapos niyang maagaw ang bato.
He's going to morph!
Hindi nga ako nagkamali, dahil tumilapon ako sa gulat nang biglang magpalit ng anyo si Hunter habang sumusugod sa nag-aagawan ng bato. Napatago ako sa takot nang makita kung paano naging tigre si Hunter at walang pasabing sumugod sa dalawang usa na nag-aagawan.
"Goodness!" Frustrated kong saad at pinunasan ang pawis na biglang namuo sa noo ko.
Wala nga dapat ako ditong pagkatiwalaan! Kahit anong mangyari, hindi ako pwedeng magtiwala! I am being surrounded by competent hybrids, and we are up to take the same cup, it's very dangerous to trust. We all have the same goals, and I'm pretty sure everyone will do everything, may it be risky just to claim that goal.
Just like Hunter. Paano kung ako ang nakakita niyong bato? Susugurin niya rin ba ako katulad ng ginawa niya sa dalawang usa na nag-aagawan ng isang bato?
"Oh God!" I whispered in anxiety and started running away. I left Hunter, I can't still trust him.
Tumakbo ako nang tumakbo palayo. Marami akong nadaanan na natulog na lamang, ang iba'y nagpapahinga na dahil hindi nakakahanap. Nasisiguro kong may nakakuha na sa mga nadaanan ko, nananahimik lang sila upang huwag maagawan.
What are we trying to look again? Precious Stones? But this time, it's different. We can easily identify the stones because they were glowing in the dark.
Even if it's impossible, I should try. No, I will try first before I decide if it's impossible or not.
Luminga-linga nga ako sa paligid at sinubukang maghanap ng kakaibang bato.
Nagpatuloy ako sa paglalakad palayo kay Hunter. Sa tingin ko'y ilang oras na naman ang nakunsumo ko nang hindi ko namamalayan dahil aligaga na ako sa paglayo sa karamihan at sa paghahanap ng mga bato. At sa sulok ng mata ko'y nakakita ako ng umiilaw na maliit na bilog sa ilalim ng malaki at matandang puno.
'A stone!'
I fucking found one stone! Just when I thought I am the only one who found the stone, I was wrong again. Because the moment I heard a step beside me, I saw another dear ready to hunt the stone.
The hybrid deer stared at me with wide eyes. Sabay naming nakita ang umiilaw na bato, at alam kong isa lang ang parehong tumatakbo sa mga utak namin.
Ang makuha ang batong iyon.
Kaya naman sa dobleng bilis ay walang pasabi akong tumakbo upang kunin ang bato, ganoon din ang kaniyang ginawa. Gamit ang espada ko'y itinapon ko ito upang mailayo sa hybrid na usa.
Ngunit hindi ito nagpatinag at patuloy na tumakbo para sa bato, kaya hindi rin ako nagpatinag. Isang mataas at mahusay na talon ang kusang nagawa ng katawan ko, at sa isang bagsak ay dinala ako ng sarili kong mga paa sa lugar na kinaroroonan mismo ng bato at ng espada ko.
"ARGH!" Naging tao na ang usang kaagaw ko, at malakas itong napasigaw nang maunahan ko siya. "Give me that!"
Mabilis kong hinablot ang bato kasabay ng paghablot ko ng aking espada upang depensahan ang sarili sa pag-atake niya.
Akma niya na sana akong susugurin nang isang tinig mula sa kalangitan ang namayani sa lugar.
"Congratulations, the stones are completed."
Sabay kaming nahinto ng lalaking usa, at sa oras na iyon ay mahigpit akong napahawak sa batong nakuha ko.
"Please proceed to the place where the stones would lead you to meet your teammates."
Napaatras ang lalaking usa, nanginig naman ako dahil sa aking narinig. Panghuli ang batong nakuha ko, kaya naman awtomatiko itong napunta sa akin. Napasinghap ako, mas lalo kong naramdaman ang pangangatog ng aking mga tuhod. Hindi ako makapaniwala.
Nang sandaling iyon, akala ko'y malaya ko nang hawak ang bato. Hindi ko naman inakalang desidido talaga ang usa sa pag-agaw ng batong hawak ko. Dahil nang lingunin ko ito'y agresibo na itong sumusugod sa akin.
Dahil sa gulat, awtomatikong napakilos ang katawan ko kung paano kumilos ang mga pusa upang dumepensa. What the hell!
When cats become aggressive, they arch their backs and try to make themselves appear larger and more threatening by raising their fur, turning sideways and hissing or spitting.
That instant, I immediately moved and rolled in the ground to position myself like I'm going to run a race. But the difference is I'm tensed, my eyes were sharper than usual, my back is in its perfect arch and the hairs in my body raised in total fury.
Often, cats ears are pointed down and back to avoid damage to the inner ear and potentially listen for any changes behind them while focused forward. They may also vocalize loudly and bare their teeth in an effort to further intimidate their opponent.
That moment, my senses awakened. I became suddenly aware of my surroundings, I am feeling my opponents movements as I create predictions of its possible actions. I am also creating fury growls, and my teeth are aggressively showing.
Cat fights usually consist of grappling and delivering powerful slaps to the face and body with the forepaws as well as bites. Cats also throw themselves to the ground in a defensive posture to rake their opponent's belly with their powerful hind legs.
The moment my opponent moved to attack me, I prepared to receive him so that I could deliver powerful slaps. Hindi nga ako nahirapan sa pagsalubong sa kaniya, sabay kaming gumulong sa lupa. At habang gumugulong sa lupa ay pinauulanan ko siya ng sandamakmak na sampal, sipa, at kalmot na animo'y kusang nagagawa ng aking katawan dahil iyon ako. Hindi maitatangging isa akong pusa, dahil ang katawan ko mismo ang kumilos nang sandaling iyon.
"ARRRGH!" The deer below me squealed in pain, just that when I realized he was already spitting blood because of my aggressive attacks, "Fuck you! You'll pay for this!"
My eyes widened when he began changing our position. He suddenly moved swiftly, and it was too late for me to realize that I am under him and he's pouring powerful punches on my face.
I felt my fangs came out together with my claws. Awtomatikong dumapo sa kaniyang mukha ang matutulis kong kuko, at walang pasabi kong itinusok iyon sa kaniya mula sa kaniyang ulo, pababa sa kaniyang leeg, sa kaniyang braso hanggang sa tuluyan kong napunit ang kaniyang damit.
"ARRRGHH!" Impit na iyak niyong lalaki at bumagsak sa aking ibabaw. Mabilis akong kumilos upang pagpalitin na muli ang aming posisyon, sa isang iglap ay ako naman ang nasa ibabaw niya.
Higit pa ako sa agresibo. Dahil hindi ako nakuntento sa nahihirapan niyang mukha, tila gusto ko pa siyang makitang maghirap matapos niyang buhayin ang hayop na natutulog sa aking katawan.
"E--ENOUGH!" He yelled.
Muling namilog ang mga mata ko nang makita ang kristal na tubig na tumakas mula sa kaniyang mga mata.
Ganoon na lamang ako kabilis na napatayo at napaatras. Nang sandaling iyon ay napasinghap ako, tila ako nagising mula sa pagkakamanipula. Kaya naman dali-dali akong tumakbo palayo sa lalaking iyon bitbit ang batong hiyas.
"Shit." I continued cursing in my head, still not sure of what have happened to me and what I have done.
Ano'ng nangyari sa akin? Ano ang nagawa ko?
Nang sandaling iyon ay naagaw ng batong hawak ko ang aking atensyon. Mas lalong nadagdagan ang tensyon na aking nararamdaman, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumugso ang damdamin ko. Tuluyang pumatak ang luhang hindi ko namalayang lumabas.
I got the stone. I'll be questing for the Alpha position. Is this real? For the first time in the history of Fatum Kingdom, a girl will be joining the arm force and will quest the Alpha cup for the Alpha position.