

Forever, My Love
By: Ameiry Savar
Forever, My Love is a completed romance novel by Ameiry Savar with 10 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added September 28, 2022.
Synopsis
Read the first chapter
Chapter 1
“WOW!” Halos lumuwa na ang mga mata ni Paulina sa pagkamangha sa napaka laking barkong nasa harapan niya. Napaka laki niyon tingnan mula sa daungan. Wala itong pinagkaiba sa mga nagtataasang mga hotel sa lupa. “Thank you for this, babe!” aniya at yumakap ng mahigpit sa kasintahan.
“Anything for you, babe. I love you.” Puno ng pagmamahal na tiningnan ni Roman mapupungay nitong mga mata at saka dinampian ito ng mapupula nitong labi.
“I love you too.”
Kasalukuyan silang nasa Italy para sa ini-book ni Roman na six-day cruise ship. Isang buwan na kasi ang nakakalipas noong nag propose siya sa kaniyang nobya at isa ito sa mga regalo niya para rito. Ika-walong taon na anibersaryo na rin at masyado silang nagiging busy sa kanilang mga trabaho kaya napag-desisyonan niyang magbakasyong muna sila.
Isang magaling na Surgeon si Paulina sa pinaka malaking ospital sa bansa. Sa edad na bente-otso ay kinilala na agad ang kanyang galing sa pago-opera ng mga tao. Kaya naman ay maraming mga malalaking personalidad na siya parati ang tinatawag sa tuwing mayroon silang mga sakit na kailangang maoperahan. Bukod doon ay kaliwa't kanan din ang pagbo-volunter ni Paulina para sa mga kapos-palad na hindi kayang magpagamot. Madalas siyang mapunta sa mga probinsyang mahirap puntahan ng mga manggagamot.
Si Roman naman ay isang magaling na arkitekto. Sa kanyang angking galing sa pagdisenyo at paggawa ng mga istruktura ay kaliwa't kanan ang mga tao o kompanya ang nagpapagawa sa kanya. Kaya dahil sa sobrang busy ng schedule nilang dalawa ay halos isang beses lang sila sa isang buwan kung magkita. Kaya naman noong makakita ng magandang oras si Roman ay agad na itong nag file ng leave para sa kanilang magkasintahan at nagbook para sa kanilang bakasyon.
Matagal na niyang nobya si Paulina. Graduating siya noon nung makilala niya ang dalaga at ito nama'y nasa ikatlong taon sa kolehiyo. Napaka simple ng dalaga at napaka masiyahin, kaya naman ay agad na nahulog ang loob ni Roman dito. Noong mga panahon na iyon ay sobrang stress si Roman sa thesis niya at tanging ang dalaga lamang ang napapalakas ng loob niya.
“Let's go?” aniya noong makita niyang nagumpisa na ring magpasukan ang mga tao sa loob ng barko. Masayang tumango sa kanya si Paulina. Nauna ito ng kaunti maglakad dahil hila-hila niya ang isang maleta na merong laman ng kanilang mga gamit. Nakasukbit din sa kanyang likuran ang malaking backpack na pinaglalagyan ng mga importante nilang mga gamit.
Si Paulina ay isang malaking shoulder bag lamang ang dala. Nakasuot kulay itim at grey na checkered na polo-shirt na tinernuhan niya ng fitted jeans at itim na rubber shoes. Nakapony tail ang itim na itim nitong buhok. Simple lang ang suot nito pero litaw na litaw pa rin ang maganda nitong mukha, lalo na ang katawan nitong kawangis ng isang gitara. Ipiniling ni Roman ang kanyang ulo nang matuon ang pansin niya sa matambok na pang upo ng dalaga. Matagal na silang magkarelasyon nito ngunit ni minsan ay hindi niya pa iyon nakita. Wala pa sa kanilang nangyayari ngunit hindi iyon problema para kay Roman. Nirerespeto niya ang desisyon ng dalaga. Hindi niya lang talaga mapigilan minsan na hindi iyon maisip dahil bukod sa mahal niya ito, sadyang nakakahalina talaga ang dalaga.
Makikita ang eleganteng disenyo ng barko pagkapasok nila sa loob. Dumeretso sila sa deck 2 kung nasaan ang cabin na pagtutulugan nila. Merong limang deck ang barko, ibig sabihin ay merong limang palapag ang barkong sinasakyan nila na pwedeng puntahan ng mga turista. Hindi pa n'on kasama ang pinaka ilalim ng barko kung saan na andoon ang mga crew at ang engine na nagpapatakbo sa barko.
More by Ameiry Savar
View allYou may also like
RomanceSign in to join the discussion







