CHAPTER 23
CLARAH'S POV
“Sino siya?” bungad na tanong ko. Kararating ko lang ngayon dito sa tambayan namin.
“Sino ka din?” balik na tanong sa akin ng babaeng chipay. Ang yabang ha! Gold ka 'te?!
“Wow, kabago-bago mo dito ang yabang mo!” may gigil na sabi ni Queenie.
“Hoy!” sigaw sa kan'ya ni Aleah, “kapal mo naman magyabang palibhasa kasama mo siya!”
“Hayaan niyo nalang 'yan. H'wag nalang natin pansinin,” sabi ni Flich.
“Nasaan si Zyria?” paghahanap ko dito.
“Malay namin. Hindi pa siya nagpapakita halos dalawang linggo na din,” sagot ni Andrew.
The fuck!
“Sino nga siya, Aldrake?” tanong ko nanaman. Umiinit ang ulo ko sa taas ng kilay ng babaeng chipay na nasa harap ko.
Kinaganda mo 'yan 'te?
“Wala ka ng pake do'n, Clarah.” walang emosyong sagot sa akin ni Aldrake.
Wat da pak?!
“Anong walang pake?! Hindi ba namin pwedeng makilala kung sino siya? Kilala naba siya ni Zyria? Bakit mo siya kasama? Anong ginagawa niya dito?” sunod-sunod na tanong ko.
“You don't have to explain with them, Drake. I'm your bestfriend and this people,” itinuro niya kami isa-isa, “they are just shit! Hindi ka nga nila kilala eh. Don't mind them.”
Hihilain ko sana 'yong buhok niya kaso humarang si Aldrake. Seriously?! Pinagtanggol niya 'yong babaeng nagsabi ng gano'n sa kaibigan niya? Hindi yata si Aldrake 'tong katapat ko ngayon?
“Seriously? Pinagtanggol mo siya?!” hindi makapaniwalang singhal ko.
Tumayo si Flich at Andrew dahil sa inasta ni Aldrake. Ano bang nangyayari sa kan'ya? Dahil lang sa babaeng 'yan nagagawa niya kaming balewalain?
Wow!
Just wow!
“H'wag mong gagalawin si Shane, Clarah. Kaya kong manakit kapag ginalaw niyo siya,” madiin na sabi nito sabay hila kay SHANE daw papalayo sa amin.
Nagkatinginan kaming lahat. Bakas sa mga mukha namin ang hindi makapaniwala. Padabog akong umupo, itinukod ko ang siko ko sa lamesa habang hinihilot ang sintido ko. Ano bang nangyayari? Tatlong araw lang akong nawala bakit biglang may bago nanamang kontrabida?
“What should we do?” tanong ni Flich.
“Ewan ko,” umiiling na sagot ko, “paano kapag nalaman ni Zyria 'to? Ano nalang sasabihin ng isa?!”
“Sinabi niyang wala na siyang pake kay Zyria.” sabi ni Andrew.
Tumayo ako sabay hampas sa lamesa, “baliw naba siya?! Sana hindi niya pinaghirapan si Zyria kung sasabihin niya lang din 'yan sa huli! Putangina!” naiinis na ako!
“Kalma lang,” sabi ni Aleah. Hinawakan niya pa ako sa balikat ko.
“Paano ako kakalma?! Hindi alam ni Zyria 'yong nangyayari ngayon tapos wala ding alam si Kreus! Sabihin niyo nga, paano ako kakalma kung gano'n?! Nasisira na 'yong grupo natin oh! Iniisa-isa na tayong lahat!” pasigaw na sabi ko.
“We have nothing to do about that.” sa wakas nagsalita na din si Gio.
“Hindi ba pwedeng sabihin kay Kreus?” tanong ni Queenie, “Sino ba si Kreus?” nag-peace sign siya.
Umiling si Gio, “mapapatay ni Kreus si Aldrake kapag nalaman niya.” tama siya.
“Sino nga si Kreus?” ang kulit naman ng babaeng 'to.
“Kuya ni Zyria 'yon,” sagot ni Andrew.
“So, anong gagawin natin?”
Natahimik ang lahat sa tanong ni Flich. Wala kaming idea kung anong dapat naming gawin sa ganitong sitwasyon. Hindi pwedeng sabihin kay Kreus dahil kilala namin kung paano siya magalit. Kayang pumatay ni Kreus para lang sa kay Zyria at ang nakakatakot pa do'n kahit kaibigan niya, kaya niyang patayin.
“Ewan ko, wala akong alam.” basag ko sa katahimikan.
“Shit! Bakit ba nangyayari sa atin 'to?!” problemadong usal ni Andrew.
Hindi ko din masagot. May problema din ako dahil kay Vall. Bwiset na lalaking 'yon. Kaya hindi ako pumasok dahil alam kong guguluhin niya lang ako. Gaya nga ng lagi kong sinasabi natatakot ako sa kan'ya. Natatakot ako sa mga balak niyang gawin sa akin. Kilala ko siya, hindi siya pupunta o mag-aabalang pumunta sa lugar na 'to para lang sa wala.
Ipapakilala ko na sa inyo si Vall. Siya lang naman ang unang boyfriend ko, ang naka-una sa akin, ang dapat tatay ng anak ko, at ang dahilan kung bakit may trauma ako ngayon pagdating sa mga lalaki. Si Vall ang dahilan kung bakit ipinalaglag namin 'yong baby na dapat kasama ko ngayon. Actually 'yong nangyari sa amin ni Vall hindi ko din naman literal na ginusto 'yon. Pinilit niya ako na makipag-sex sa kan'ya dahil iiwan niya daw ako kapag hindi ako pumayag. Dahil nga mahal na mahal ko siya, pumayag nalang ako kahit labag sa kalooban ko. No'ng nabuntis ako sinabi niya sa akin na ipalaglag ko daw ang bata dahil hindi niya kayang panindigan. I was so depressed that time kasi hindi ko kayang magsakripisyo ng batang walang kamuang-muang. Sa bandang huli natuloy pa din 'yong abortion. Nag-hire siya ng mga doctor para sa akin.
Walang alam ang parents ko about doon. Huli nalang nila nalaman no'ng nakita nila akong nagmu-mukmok sa kwarto. Kahit gano'n ang ginawa sa'kin ni Vall that time mahal na mahal ko pa din siya. Pinilit kong ayusin ang meron kami and believe it or not, lumuhod ako sa harap niya para lang tanggapin ulit ako. Ang kaso nga lang mas ipina-mukha niya pa sa akin na kapalit-palit ako. He send me a video of him na nakikipag-sex sa limang babae. Yes, lima talaga. Para akong dinurog that time. Hindi ko alam na bayarang babae lang pala ang katapat ko.
Ngayon babalik siya? After making my life miserable? After giving me trauma? After hurting me? Hindi ako naniniwala na may advocacy lang talaga 'yong gagong 'yun dito sa BCU. Kilala ko na siya at alam ko na kung anong trip niya sa buhay.
“ARAY!” reklamo ko ng may pumitik sa noo ko.
He chuckle, “you're so serious. Ang lalim ng iniisip mo.”
“Masama ba mag-isip?”
“Hindi naman, maliban nalang kung ako 'yong iniisip mo,” he smirked at me.
Naghurumintado nanaman ang aking puso. Uminit nanaman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Nagpapakilig nanaman siya nakakainis!
“Ano ka, gold?!” nag-flipped hair ako.
“Hindi, diamond ako.” corny amp.
Um-erap nalang ako. Kami nalang palang dalawa dito sa tambayan. Napatigil ako ng tumunog na ang bell. Hudyat iyon na kailangan ng pumasok ng mga estudyante sa kani-kanilang room. Nagda-dalawang isip ako kung tutuloy ba ako kasi nandoon si Vall.
“Pasok na.” sabi ni Flich.
“Eh...” kasi naman!
Tumayo siya sabay hinawakan ang kamay ko, “let's go.”
Napatingin ako sa kamay niya na hawak-hawak ang kamay ko. Saan naman niya ako dadalhin? In fairness mga 'te ang lambot ng palad ni Flich. Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko kaya tinaasan na niya ako ng kilay.
“Tara na!” yaya niyang muli't hinila na ako patayo.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko.
“Malamang ihahatid kita sa room mo.”
“Eh?”
“Anong "eh" hindi ka na nga napasok, tsk!”
Andaming alam Flich anlakas mo talaga magpakilig kainis! Nagpati-anod nalang ako sa panghihila niya. Hindi naman siya malakas humila. Titig na titig ako sa kamay namin na magkahawak. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nararamdaman ko nanaman 'yong kilig na dumadaloy sa sistema ko. Talagang kay Flich ko nalang ulit naramdaman 'yong ganito at sure ako na IN LOVE ako sa kan'ya.
Mabilis lang kaming nakarating sa tapat ng room. Huminto muna siya sa harap ng pinto bago bitiwan ang kamay ko. Ano ba naman 'yan hindi pa ako nag-i-enjoy eh! Kainis pakibalik nga ako sa baba!
“Ma'am I'm sorry kung late si Clarah. May ginawa lang po kaming dalawa,” magalang na sabi nito.
Anong ginawa namin?
“Naks date naba 'yan?”
“Aba'y sana all ng madami sa inyong dalawa!”
“New team! ClaFich!”
Anlalakas ng trip niyo! Sige lang tuloy niyo lang kinikilig ako. Tangina ang landi self! Nahagip bigla ng tingin ko si Vall na masama ang titig kay Flich. As in sobrang sama na parang gusto na niyang katayin si Flich ngayon din. Subukan mo lang talaga Vall at talagang ako mismo ang puputol diyan sa maliit mong etits. Maliit naman talaga eh! Sa tantya ko nga mga 6 inch lang 'yon, ilang inch kaya 'yong kay Flich? Anlaki kasi ng bukol no'ng pageant eh hehe.
Tama na nga kaharutan! Pumasok na ako sa loob ng room. Malayo naman ng konti kay Vall 'yong upuan ko at kung kaya ko, iiwasan ko siya. Takot talaga ako sa kan'ya. May panginginig pa din ako na nararamdaman dahil sa mga nangyari sa aming dalawa. Sana hindi na siya maulit.
“Ma'am,” napatingin kaming lahat sa tumawag.
“Yes Mr. Cristova?”
“Pwede bang umupo sa vacant sit sa tabi ni Ms. Xecova? Hindi ko kasi masyadong makita dito sa pwesto ko eh.” tangina?!
Nanlaki ang mata ko bigla. Nagsisimula na nga siya sa trip niya at hindi na ako natutuwa dahil, dahil baka kung ano nanamang gawin niya.
“Sure.” may ngiting pagpayag ng teacher ko.
Yumuko ako sabay madiin na kagat ng labi ko. Madiin kong ikinuyom ang kamay ko ng maramdaman kong umupo na siya sa tabi ko.
Ignore him, self!
Hindi siya nag-i-exist sa tabi mo!
Wala siya diyan!
Wala kang katabi ngayon!
Hindi mo siya kilala!
Hindi ka natatakot sa kan'ya at hinding-hindi mo siya kakatakutan!
Hope so.
“You're so beautiful today,” bulong nito sa tenga ko.
Hindi ko lang siya pinansin. Yumuko ako sabay umaktong nagsusulat para lang may magawa. Lord, payag na akong lamunin ako ng lupa h'wag ko lang makasama 'tong hinayupak na 'to.
“Don't pretend like you didn't know me its hurt me, honey.” shit!
Honey, call sign namin before. Parang kinilabutan ako bigla dahil sa itinawag niya sa akin. Kadiri! Hindi ko alam na sobrang corny pala pakinggan ng call sign na 'yon. Like, ewww Clarah! Ang tanga mo naman bakit ka pumayag na gano'n ang call sign niyo?
Nagulat ako ng biglang dumako ang kamay niya sa hita ko. Hinahagod niya ito pataas. Nakangisi siyang nakatingin sa akin habang patuloy lang sa ginagawa niya.
I raised my hand, “ma'am?” tawag ko sa teacher. Mabilis niyang inalis ang kamay niya sa hita ko.
“Yes Ms. Xecova?”
“May I go out po? I'm not feeling well today.” sana lumusot.
“Sure,” sagot nito.
Palihim akong napa-yes. Mabilis akong tumayo sabay at kinuha lahat ng gamit ko. Tinapunan ko muna ng masamang tingin si Vall bago lumabas ng room. Sa wakas makakatakas na din sa bwiset na 'yon. Sinasabi ko na nga ba at may plano talagang kagaguhan 'yong lalaking 'yon eh! Akala niya ba nakakatuwa 'yong ginawa niyang panghihipo? Bwiset siya!
Sinipa ko ng mahina 'yong basurahan na nasa tabi ko. Kung si Vall lang 'tong nasa harap ko baka napatay ko na agad. Pupunta nalang ako ng bar! Bahala na bumagsak ang mahalaga makalimutan ko na may nang-bwiset sa'kin ngayong araw dahil naiinis na talaga ako. Gusto kong pumatay ng lalaki.
**********
Nasa bar na ako ngayon. Sa dating bar na pinupuntahan namin. Agad akong um-order ng alak habang nakatingin sa mga babaeng nasayaw sa dance floor. Ano bang pake ko kung naka-uniform ako? Gusto kong mag-inom eh!
“Isa pa, please!” malakas na sabi ko.
Hindi ko alam kung nakaka-ilang shot na ako simula ng dumating ako dito. Gusto kong kalimutan lahat, gusto ko munang hindi intindihin 'yong mga bagay na nangyari kanina. I can't imagine na ako ang namo-mroblema sa lahat ng bagay dito. Una, 'yong tungkol kay Zyria. What will happen kung malalaman na niya 'yong tungkol kay Aldrake? Pangalawa, si Vall. Paano ko siya iiwasan?
Napasabunot ako. Ang hirap ng sitwasyon ko. Pinagsasabay ko ang dalawang problema. Sarili ko at kaibigan ko. Muli kong nilagok ang alak na ibinigay sa'kin ng bar tender. Hindi ako titigil hanggat hindi ako lasing at hindi ko nakakalimutan lahat. I hate the way I carried all the problems. I hate the way I act. I hate the way I think and I hate the way I am. Lumalabas lahat ng kahinaan ko at hindi ako masaya sa gano'n.
“Hm... are you alone?” tinignan ko ang lalaking kaka-upo lang sa tapat ko. Nakangiti ito sa akin pero hindi sa mukha ko ang tingin kundi sa legs ko.
“Mukha bang may kasama ako?” mataray na tanong ko. Masama 'to parang nahihilo na ako.
“Ang sungit mo naman. Gan'yan ka pa kaya kataray kapag nasa kama na tayo?” may ngising sabi nito.
Inerapan ko siya, “anong gagawin natin sa kama? Sisilipin 'yang supot mong alaga?” pangbabara ko.
Don't me.
Sumeryoso ang mukha nito. Hindi niya yata nagustohan ang sinabi ko. Tsk, sabi nga nila kapag nagalit ibig sabihin totoo. Nakuha ng cellphone ko ang atensyon ko. Agad ko itong binuksan.
Tumambad sa'kin ang picture ko kasama ang lalaking nasa harap ko.
From: unknown
Lalayo ka sa kan'ya o ako mismo ang papatay sa kan'ya?
Natakot ako at napatingin sa lalaking masama pa din ang titig sa'kin ngayon. Sino ka bang stalker ka? Paano mo nalamang nandito ako? Pilit akong humahanap ng clue sa mga tao sa paligid ko. Sino ba siya sa inyong lahat? Muli nanamang tumunog ang cellphone ko. Picture nanaman, picture ng lalaking kausap ko no'ng nakaraan sa sa restaurant ng hotel.
Nakahiga ito sa kama habang nagpapagaling ng paa niya. Ano naman 'to? Hindi kaya? Shit! Siya ang may gawa nito?! Pero bakit? Anong kasalanan sa kan'ya ng tao? Bakit niya.... Bakit niya ginawa 'to?
From: unknown
Nakikita mo 'yong nasa picture? Kilala mo ba siya? Inihulog ko siya sa hagdanan para ipaalala sa kan'ya na ayokong may kakausap sayong iba. Akin ka lang , Clarah. Akin ka lang at ayokong makikipag-usap ka sa iba dahil higit pa diyan ang kaya kong gawin!
Shit!
Takot.
Nginig.
Kaba.
Tatlong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Agad kong hinila ang bag ko na nakapatong sa table sabay tumakbo palabas.
Who is he?!
Bakit niya ginagawa 'yon? Ano bang nakita niya sa'kin na kung ipagdamot niya ako gano'n ka grabe?! Huminto lang ako sa paglalakad ng makarating ako sa kotse ko. Agad akong pumasok doon. Napalakas din ang sara ko sa pinto dahil sa sobrang takot.
“Tangina!” mura ko sabay hampas sa manibela.
From: unknown
Good girl:)
P*kyu!
Mahina kong ini-untog ang ulo ko sa manibela ng kotse. Hindi ko na ata kakayanin lahat ng nangyayari. Akala ko pumunta ako sa bar para makalimot, hindi pala. Parang mas lumala pa lahat ng nararamdaman ko at ang masaklap pa doon nadagdagan ang alalahanin ko. Kung bawal akong makipag-usap sa kahit na sinong lalaki eh 'di kailangan ko na ding layuan si Flich?
Noooooooo!
Si Flich nalang ang source of happiness ko ngayon, lalayuan ko pa? Pero, paano kung may gawin siyang masama kay Flich? Paano kung... shit! Hindi pwede! Hindi pwede! Ayoko! Ayokong mangyari kay Flich 'yon!