Chapter 8: Kabanata 7

JAXON'S POV

Nag punta ako sa kotse at nag hanap ng malapit na store. After 10 minutes of driving buti nalang may nakita na ko at binili ko na ang mga kailangan ko, may isang tindahan nalang ako na dinaanan at sa tingin ko ay okay na.

Time Check - 10:35 am.

Mabilis akong nag maneho pabalik sa resthouse, mahirap na baka akalain ni Cali iniwan ko sya.

Pag dating ko sa resthouse ay kinuha ko na ang paper bag at pumasok sa kwarto, rinig ko ang daloy ng tubig sa banyo. Buti nalang hindi pa sya tapos.

Bumili ako ng ilang mga kailangan nya, like shirt at pajama pati uhmm.. Underwear, feeling ko kasi di sya magiging komportable sa brief ko dahil masyadong malaki.

--- A while ago.

L i n g e r i e section.

'Hi sir! Goodmorning!' bati ng isang sales lady.

'Ahh.. Ehh goodmorning' nahihiya kong sabi.

'Sir ano pong hinahanap niyo? Para po ba sa girlfriend niyo?' tanong nya.

'H-ha? Ahh a-ano oo?' at napakamot ako sa ulo ko. 'Yung mga undies sana kahit tatlong pairs' sabi ko.

'Sige sir, eto po maganda ang quality. Ano po bang size ng bra niya?' nagulat ako sa tanong nya.

'Ha??? May size paba yun??'

'Syempre sir. Iba iba naman ang size ng boobs ng girls e hihihi'

Pano ba to?!

Inalala ko ang scenario dun sa kwarto ko at pilit na inaalala ang... Laki ng boobs nya.

Nang maalala ko na ay may tinuro akong bra. 'Parang ganyan ata?' nahihiya kong sabi.

'Ay hihihi sige sir, kukuha lang po ako sa stock room' tumango naman ako.

Pag balik nya ay may dala dala na syang ibat iba ang kulay.

'Eto na po sir, ayun po yung counter' turo nya.

'Sige thank you.'

Nag punta na ko sa counter at nilabas ko na ang wallet ko, nakarinig ako ng hagikgik ng dalawang babaeng nakaassign sa counter.

'Ang cute naman ni sir may dalang ganito hihihihi' pakiramdam ko ay gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko.

Pasalamat ka Cali!

---

Maya maya ay bumukas ng ang pinto at niluwa nito sa Cali na nakatuwalya, nag iwas ako ng tingin.

'Uhmm.. Heto may mga underwear dyan. Sige labas na muna ako' pag papaalam ko.

'Wait.. Jax..' pag tawag nya.

'San mo to nakuha?' tanong nya.

'B-binili ko' sabi ko.

'pfttt... seryoso ka?'

'Hay nako basta mag bihis ka nalang!' at lumabas na ko ng kwarto.

--

Pag labas ni Cali ng kwarto ay suot na nito ang T shirt ko at boxer.

'Teka bat yan ang suot mo? Binili kita ng mga sakto lang sayo at mas komportable' sabi ko.

'I feel more comfortable wearing your clothes Jax.' sabi nya.

Pugtong pugto at mata nya at kita ko padin ang lumbay sa mga ito.

'Gusto mo mag lakad lakad muna tayo?' Pag aaya ko sakanya at tumango naman sya.

Lumabas kami at mas pinili namin na huwag mag suot ng tsinelas para maramdaman namin ang buhangin saming mga paa, tanging alon lang naririnig namin.

Hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Cali dahil tahimik lang itong nag lalakad at nag bubunggo ang aming kamay.

Malayo ang tingin nya at para bang sobrang lalim ng iniisip.

Sa gitna ng pag lalakad namin ay may nakita kaming starfish.

'Cali. Look oh may starfish!' sabi ko sakanya.

Nung mga bata kasi kame ang hilig nya mag hanap ng mga starfish, sabi nya pa nga non, ang mga starfish daw nahulog na stars from heaven kaya pag nakakakita sya ng ganun, nag wwish sya.

Kinuha ko ang starfish na kulay pink at tinapat ito sa kanya.

'Make a wish?' sabi ko sakanya.

Pumikit naman sya.

'I wish.... ' biglang tumulo ang luha nya at humibi sya. Bigla akong nasaktan sa nakikita ko. ' I wish.... that... e-everything will fall into p-place' sabi nya at pinunas ang kanyang luha.

Kinuha nya ang starfish at marahang binalik sa dagat.

'I wish to see you smile again Cali..' bulong ko.

---

Pag katapos namin mag lakad ay inaya nya ko sa loob, muli ko syang ipinag luto habang sya ay tahimik lang na nasa sala. Pag katapos naman nyang kumain ay nag paalam syang matutulog muna uli.

Time check.. 5:30 pm. Halos 2hrs. nang natutulog si Cali.

Kinuha ko na sa kotse ang aking gagamitin para sa plano ko.

Simple lang ito pero sana magustuhan ni Cali.

Dinala ko na ang aking mga kailangan.

Mga maliliit na kandila at rose petals, iniform ko ito sa shape na....

.

.

.

Bilog..

Inayos ko na din ang maliit na lamesa at nilagay ang cake na binili ko.

'Happy 18th birthday Cali!' ang nakalagay dito pati maliit na speaker ay inayos ko na din.

Nang makita kong ayos na lahat ay isa isa ko nang sinindihan ang mga kandila. 100 pcs. candles. Goodluck Jax.

--

Kanina pa kong bwisit na bwisit dito dahil patay sindi ang mga kandila kulang nalang ay makipag patintero ako sa apoy!

Pinuntahan ko na si Cali sa kwarto.

Pag bukas ko ng pinto ay saktong babangon na sya.

'Hi...' pag bati ko.

Tumango naman sya sakin.

'Come with me.' sabi ko, at nilabas ang blindfold.

'What? Ano to?' tanong nya.

'Shh.. Trust me. Okay?'

Tumango sya.

Inalalayan ko sya sa pag labas at ng makarating kame ay dahan dahan kong inalis ang piring nya.

Parang di sya makapaniwala sa nakita nya at tumingin sya sakin..

'Jax...'

'Uhmm.. H-Happy Birthday Cali.. I know yesterday didn't went well, at tingin ko hindi padin naman late diba? Hehe' nahihiya kong sabi.

'Since I wasn't able to dance with you..' kinuha ko ang isang bouquet ng rose at inabot sakanya, saka inistart ang tugtog na "Perfect by Ed Sheeran na violin cover" Parang di sya makapaniwala, nilahad ko ang kamay ko sakanya.

'May I dance with you? Princess Cali?'

----