Chapter 22: Found Him Again

Avery

Kung hindi mainit ang ulo, laging late na kung dumating si Sebastian. Nakakapagtaka talaga kung bakit ito nagbago.

"Seb gumawa ako ng breakfast. Want to eat with us?" tanong ko sa kanya noong makalabas ito ng aming silid.

"No, thanks. Sa office na ako kakain," sagot niya.

"At least have some sandwich," sabi ko pa.

"I said no!" pagalit niyang sabi bago nito binitbit ang kanyang attach case at lumabas ng pintuan.

Napadla ako dahil nasaktan ako. Hindi makagalaw. I feel like I'm going to burst in tears kung hindi lang dahil sa presensya ni Cameron. Nahihiya na rin ako sa mga katulong ng bahay sa dahil sa mga pambubulyaw ni Sebastian sa akin.

Am I wrong? All I want is just a complete family at akala ko ay matatagpuan ko iyon kay Sebastian. Well, I guess I'm wrong this time around.

"Mommy?" tanong ni Cameron na naramdaman kong humawak sa aking kamay. "Are you okay?"

Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti.

"I'm fine anak. Don't worry," sagot ko sa kanya.

"Why is Papa angry with you?"

"I think he has a problem right now. Don't worry mamaya ay mawawala na rin iyon," pagsisinungaling ko sa kanya.

"Okay," sagot niya ngunit nababakasan ko sa kanya ang hindi naniniwala. Eight years old na si Cameron at alam na niya ang tama o mali. Every day he grows up, the more that he becomes a splitting image of Marius. At natatakot ako baka makilala siya ng mga nakakakilala kay Marius.

Hindi na ito nangulit bagkus at tumungo ito sa kanyang silid at nag-toothbrush bago nagpaalam na papasok na sa kanyang eskwelahan.

Kinagabihan ay maga-alas tres na ng madaling araw ng umuwi si Sebastian. I was assaulted by another scent this time. Hindi ito katulad ng kay Gaynell but it's something sweet. Bumangon ako dahil hindi ko matiis ang amoy na iyon. Para kasi akong sinasaktan. That sweet smell is something that I'm well aware of. It is the scent that the omega produces when fated mates are paired. Only omegas can smell it.

That smell is suffocating me so I had to go out and cry my heart out. It hurts. It hurts so bad that I want to just rip my heart and throw it away from me. I shouldn't have accepted him in the first place. This is all my fault. Naramdaman kong bigla na lang sumakit ang aking tiyan. I'm still in my third month of pregnancy. So I have to calm down para hindi mag-react ang baby sa loob ng aking tiyan. Sebastian still isn't aware of my pregnancy and I doubted it if I had the guts to tell him. Pinahiran ko ang aking mga luha at saka ngumiti.

"I should pack our stuff out and move again before Sebastian kicks us out. I'm not needed here," sabi ko sa aking sarili.

Ah, the life an omega is hard.

"Follow that car, please," sabi ko sa taxi driver ng hapong iyon habang nakaantabay ng labasan ng opisina nina Sebastian. Nagbabakasakali lang ako kung makikita ko ba siyang lumabas o hindi.

Sinundan ng driver ang sasakyan ni Sebastian. Kanina kasi ay nagduda ako kung bakit naiwan na naman ang driver niya sa bahay at ang old butler nito ang kasama. Hindi ko maintindihan ang aking sarili habang sinusundan namin ang sasakyan nito. Para bang hinihila ang aking buhok sa sensasyong hindi ko mawari lalo na at hindi pamilyar sa akin ang daanan na tinatahak namin. I've been to all of Saavedra's properties. Lahat na ay napuntahan ko ngunit iyong pupuntahan ni Sebastian ay hindi ko alam.

Namalayan ko na lang na nagbukas ang isang gate ng isang malaking mansion. Bumaba ako sa taxi at binayaran pagkatapos. Naglakas ako palapit sa gate habang tinatambol-tambol ang aking dibdib sa kaba. Eksaktong papasara na ang gate ay nakita kong lumabas ng pintuan si Gaynell. Masaya itong tumakbo payakap kay Sebastian. Binuhat siya ni Sebastian at nakita kong iniyakap nito ang mga paa sa bewang ni Sebastian. And then I saw them kiss. I put my hands against my mouth upang pigilan ang tunog na lalabas mula doon habang bumubuhos ang aking luha sa aking mga mata. Ang sakit. Ang sakit sakit na. Hindi ko na kaya ang aking nakikita. Si Gaynell ang fated pair ni Sebastian at hindi man lamang nito sinabi sa akin?

How can they do this to me?

Pinanood ko sila hanggang sa pareho na silang pumasok sa loob. Naiwan akong umiiyak at hindi mawari kung saang bahagi ng aking katawan ang masakit. Awtomatiko akong napahawak sa aking puson.

"Are you okay?" may nagsalita sa aking likuran. Nilingon ko ito at nakita kong lumuluha rin itong katulad ko.

"I'm not," sagot ko sa kanya. "It hurts," sabi ko pa.

Naramdaman kong niyakap ako ng lalaking iyon. Wala akong pake kung sino iyon, ang mahalaalga ay kailangan ko ng balikat na masasandalan lalo na't bahagyang sumasakit ang aking puson.

"Let's go. Ihahatid kita sa bahay mo," sabi pa ng lalaking tumulong sa akin.

Walang nagawa kung hindi magpaubaya na lamang. Sa ngayon ay nakafocus sa sakit na nararamdaman ko ang aking buong pansin. I wanted to just go home, pack all my things and leave that once I thought of a house for me and Cameron.

"You must be Sebastian's chosen mate," sabi niya sa akin habang nagda-drive.

Tumango ako sa kanya habang umiiyak pa rin.

"I'm Gaynell's fiance. Next year is supposed to our wedding but I think wala ng kasalan ang magaganap," sabi pa niya.

Napatingin ako sa lalaki.

He's smiling. Pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang matinding sakit.

"My fated pair is dead. Akala ko Sebastian rejected Gaynell because of you. So I thought Gaynell needed me. Pumayag siyang ma-engage sa akin tapos bigla na lamang isang araw hindi na siya nagpakita sa akin. I was away doing some business. And then I found out na nakipagkita siya kay Sebastian and they completed the mating process. So yeah, I'm giving up for good. Hindi talaga para sa akin si Gaynell," sabi niya sa akin.

Mas lalo akong umiiyak sa narinig.

"I'm sorry but maybe you should move on too," aniya pa matapos niya akong ihatid sa gate ng bahay. "Don't give up. Maybe your mate is out there, waiting for you. Don't waste your time to an asshole like Sebastian," sabi pa niya bago pinaandar ang sasakyan niya palayo sa kinatatayuan ko. Pumasok ako sa gate ng bahay. Nadatnan kong naglalaro sa sala si Cameron at ang yaya nito.

"Lisa, aalis lang kami ni Cameron ha? Pakibihisan na lang siya" sabi ko sa yaya nito.

Nakita kong nagtatalo ang babae kung susundin ba ako ni Lisa o aaluhin ako dahil nakita niyang tumutulo ang aking mga luha.

"Please, Lisa," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Yes, sir," sagot niya bago dinala ang aking anak sa kanyang silid.

Ako naman ay pumasok sa silid namin ni Sebastian at inilagay sa aking bag ang mga importanteng gamit gaya ng passport at mga card na ibinigay sa akin ni Sebastian. My plan is to buy a ticket bound to Mecca and stay there for good. This time, I'm going to use my real name, Jade. Hindi alam ni Sebastian ang isa ko pang passport. Pinagawa ko iyon recently in case na kakailanganin ko. I even faked Cameron's name for the sake of this. Mahirap ng ma-track kami ni Sebastian or if he really still cares for us.

"Mommy? Where are we going?" tanong ni Cameron sa akin.

"To the mall. I want to buy you a lot of toys," sagot ko sa kanya.

Kitang-kita kong hindi naniniwala sa akin ang aking anak. How could he gayong magang-maga ang aking mga mata sa kakaiyak kanina pa.

Pumara ako ng taxi at saka nagpahatid sa ticketing booth.

"Don't lie to me mommy," sabi niya.

"I'm not Cameron," nakangiting sagot ko sa kanya. "See? Mommy's smiling."

"But your eyes say that you're not happy, mommy. Was it because of papa? If he hurts you, I better not have a father. I'm sorry mommy," sabi niya sabay yakap sa akin.

"It's okay, baby. I'll be alright," sagot ko pa.

Pagdating namin sa mall kung nasaan ang ticketing book internationally ay bumangga ako sa isang tao. Hindi ako kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko.

"I'm sorry," sabi ng taong nabangga ko.

Tumingin ako kung sino iyon para lamang ma-shock ng makita ko kung sino iyon.

"M-Marius?" nanlalaking mga matang tanong na awtomatikong napahawak sa kamay ni Cameron.

Nakita kong nagpalipat-lipat ang mga mata ni Marius sa amin ni Cameron at pina-process niya kung kami nga itong nasa harapan niya.

"L-let's go anak," mahinang sabi ko kay Cameron at akmang aalis na ngunit mabilis akong nahawakan ni Marius.

Para akong na-shock sa kuryenteng bigla na lamang dumaloy sa bahagi ng aking braso na hinawakan niya. It's fate thing. The pull between us suddenly awakened when we made skin to skin contact. And I swear, pakiramdam ko ay biglang naglaho ang sakit na nararamdaman ko kanina lang.

I feel refreshed.

"I finally found you," mangiyak-ngiyak na sabi niya sa akin. "Please this time, don't run away from me," aniya pa.

I was speechless. Alam kong kumikibo-kibo ang aking bibig ngunit walang boses ang lumalabas mula roon. I was like a fish that was suddenly out of the water and trying hard to breathe.

"Who are you? Are you going to hurt my mommy like what Sebastian did? Stay away from him," sabi ni Cameron na siyang nagtanggal sa kamay ni Marius na nakahawak sa aking braso.

"No, I'm not. I'm here to take you and your Mom back to my country," nakangiting sagot ni Marius na umupo pa para pumantay sa height ni Cameron. "You must be Cameron?"

"Yes," sagot ni Cameron.

"I'm glad you defended your Mom from me but I am not going to hurt him especially when you two are my family. I'm your dad Cameron. Your real father," sabi ni Marius na hindi napigilan ang hindi maluha. "I've been looking for your mom for as long as I can remember and when I learned that you were born, I doubled my effort to find you two."

"You're late! Sebastian hurt mom. He made mommy cry," sabi ni Cameron.

Nakatingin lang ako sa kanila. They were really a father and son.