Chapter 20: Breaking Hearts

Gaynell

Ako ang kusang bumitaw so dapat hindi ako nasasaktan pero ugh ang sakit. Ang sakit sakit na kasi. Masyado ko ng ibinaba ang aking pagkatao para lamang kay Sebastian. Akala ko kasi kaya nagbago ang kanyang pakikitungo sa akin because he already started to appreciate me as his mate although he cannot let Avery go. I gave everything to him including mind blowing sex in hopes of choosing me over that omega. Pero wala. Walang nangyari. Siya pa rin ang pinili ni Sebastian at gustong magkaanak.

Damn it! I'm his mate. Ako dapat iyon. Ako dapat ang sana ay nasa tabi niya.

"Are you still going to wallow there?" tanong ni Cloe sa akin habang nakatingin sa akin. "It's been weeks already. At nag-aalala na si Tito Cheyen at Tito Argus sa iyo," sabi pa niya.

"I don't want to meet them yet," sagot ko sa kanya. "Kukulitin lang nila ako about sa pagpapakasal sa alpha na hindi ko gusto since they knew I failed in letting them meet my fated pair.'

"Hay naku Gaynell. Don't you get it? Ayaw sa iyo ng alpha mo. Sure you guys had wild sex pero sa huli, sa pinili niyang pair na binahay niya siya umuuwi. Hindi mo ba alam iyon? Gusto mo bang isa-isahin ko pa sa iyo? Sex lang ang habol niya sa iyo. Sex lang!"

"Okay! Okay! I get it! Ayaw mo lang akong tumira dito sa bahay mo. You don't need to emphasize it to me. Aalis na ako. Don't worry," sabi ko sa kanya bago bumangon at nagtungo sa closet upang kunin ang suitcase at ng mailagay na roon ang aking mga damit.

"Gaynell for Christ sake! Hindi na kita kilala. You've changed a lot. You keep it a secret from your own parents. Maging rational ka naman sana. Huwag iyong puro ka na lang mate. The Gaynell I knew is a strong at hindi ganito na tuliro at kinakawawa ang sarili. Sebastian changed you," sabi niya sa akin.

Bigla na lamang akong napahagulhol.

"Ang sakit. Sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Sebastian. I would rather choose to be rejected than to be treated like this. I'm that desperate kasi I think high about fated pairs. Kasi akala ko my pair would be happy if he met me but it turns out that he already chose another pair over me."

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Cloe.

"I know what kind of pain you are dealing with now Nell but trust me. Once you have already move on, everything will be fine," bulong niya sa akin. "You will be fine.

One month exactly since I broke up with Sebastian, I started to move on. Sabi ko nga, I deserve someone who can love me even if they aren't my fated pair.

"So who is this alpha you wanted me to marry, Dad?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng lunch.

Ngumiti ang Daddy.

"Don't worry, Gaynell. He'll be here together with his family," sagot niya winking at me.

Napansin ko rin na maraming foods ang nakahanda sa mesa at may mga extra plates pa.

Sasagot na sana ako ng marinig ko ang boses ni Mommy na kanina pa naghihintay sa pintuan.

"Welcome Dolores. Welcome Cole and Cloe," sabi niya.

Nilingon ko sila at nakita kong nakatingi si Cole sa akin habang nakangiti.

"You gotta be kidding me" bulong ko sa sarili ko.

Kanina pa nakaupo sina Tita Dolores at Tito Banji, parehong may-ari ng chains of hotel dito sa Aster at sa iba pang bansa bukod pa sa ilang business na si Cole na ang nagmamanage. Madalas itong nasa ibang bansa at matagal bago ito umuwi sa Aster. Katabi ko si Cole. Medyo awkward nga dahil tanggap na tanggap na ito ng parents ko. They knew Cole when he was still a kid who used to play with me. As for Cole's fated pair. They already met when we were in middle school. Naaalala ko pa na selos na selos ako sa fated nito dahil halos lahat ng oras ni Cole na dati ay akin ay napunta rito. There was a time that I wished Cole was my fated pair. Kung siya sana, I wonder what my life would be like. Namatay ang fated pair niya when they are about to graduate junior high school from heart failure. Doon ko nakita ang dating carefree na Cole na labis na nasaktan at umiyak. Naalala ko pa na nadepress siya to almost to take his own life. Mabuti na lang at naroon ako at pinigilan ko siya. I hammered some sense inside his head. When he started Senior high school, bumalik na ang dating Cole na kilala ko and we become closer than before.

"Hey Gaynell, kung hindi mo mahahanap ang fated Alpha mo, pwede ako na lang?" sabi niya sa akin minsan.

"Huh? Are you serious? Loko ka, may nakalaang alpha sa akin out there. And when fate lets us meet, I'll be the happiest omega ever existed. I want us to be like my Mom and Dad. They love each other. I want a loving alpha," sagot ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin.

"But of course I want him to be like you," sabi ko pa.

"Like me? Bakit naman? Eh kung ako na lang kaya?" tanong niya.

"Loko ka talaga. Sabi ko nga may nakalaan para sa akin just like you. Hindi ba nahanap mo na rin ang fated pair mo? Selos na selos nga ako dati kasi mas priority mo siya kaysa sa akin. Like you forgot I exist," sabi ko pa sa kanya. "Syempre I want to experience like what you experienced when you met your omega pair," sabi ko pa. "And why like you? Kase you're friendly and you always make me your priority. I want a mate like that."

Sandali itong nag-isip.

"Really? You were lonely back then?" tanong niya.

"Of course. Alam mo naman na mababa lang ang tingin sa akin ng mga alphang nasa paligid ko since I'm just an omega. When you met your pair I was alone all alone. Syempre wala naman akong karapatang magselos since your fated pair at kaibigan mo lang ako. When I see how sweet are you with your mate, nangarap akong sana magkaroon din ako ng mate na kagaya mo," sagot ko sa kanya.

Nakita kong lumungkot ang kanyang mukha.

"Then why don't you want us to be mates then? Para maranasan mo naman kung paano ko trinato si Rafael?" tanong niya.

"Duh? Why would I? Sabi ko nga sa iyo, I have my own matebout there. Hindi pa nga lang kami nagkikita," sagot ko sa kanya.

"Okay. I understand you. But when he treats you badly, I'll go and get you and you will become my mate. That's a promise," sagot niya sa akin.

"Cole suggested this idea, Gaynell," sabi sa akin ni Mommy. "He confessed to me that he already loved you when you were just kids," sabi pa niya.

Tumingin ako sa kanya. Is he serious?

Ngumiti lang siya sa akin bago ngumuya.

Hindi naman magpapahili sa kagwapuhan si Cole kung ikukumpara kay Sebastian. Kung gentleman looks si Seb, badboy naman kay Cole.

Napalunok ako. Kilala ko na s Cole since kindergarten. Kabisado ko na rin ang kanyang ugali. So why not try, hindi ba? Maybe the happiness I long from my mate is in him.

"Sorry about the sudden decision," hinging paumanhin niya habang nakaupo kami sa bench sa gitna ng roses garden ni Mommy. Maliwanag ang buwan na siyang tanglaw naming dalawa.

Tumingin ako sa kanya ng hawakan niya ang aking mga kamay.

"I heard everything from Cloe while I'm overseas. She said you were suffering a lot from your fated pair," sabi pa niya. "That's why I came back here to fulfill my promise. Gaynell, I loved you since the beginning. Don't you know how happy I was when I was free from fate. I wanted to tell you how much you mean to me but you were so fixated to your future fated pair. That's why I decided to take charge of my family's business abroad. I thought that you really wanted to be with your pair so I chose to give up," sabi pa niya. "Please, give me a chance and I'll prove to you that I am worthy of your love. And I'll never hurt you."

Bumuntong-hininga ako at pagkatapos ay ngumiti.

Why not?

"Okay. Just don't hurt me, please," sagot ko sa kanya.

Ito naman ang ngumiti at saka yumakap sa akin.

"I've been waiting for this for decades, Gaynell. Thank you," bulong niya sa akin and then kissed my forehead. "I'll extend my vacation here to prove to you that I'm serious about us."

That night, our wedding was planned. Ayon kay Cole, he wanted to date me first. The wedding will be next year and the fourteenth of February. Sabi niya, he wanted us to travel and then show me the places that I haven't seen yet. Nang gabi ring iyon, he gave me an engagement ring and then kissed me. My body became so defensive since it already tasted Sebastian. But I managed to control it. Alam kong naramdaman iyon ni Cole at nauunawaan niya ako.

"I guess I need to let your body used to me," sabi niya sa akin noong papasok na ito sa kanyang kotse.

Ngumiti ako sa kanya.

"Hurry then. Make my body used to you," sagot ko sa kanya.

"Don't worry. I will do that," sagot niya winking at me.

Tumawa ako at saka pinagtulakan ko siya papasok ng kanyang sasakyan.

"Get on and leave already," natatawang sabi ko bago dumukwang sa bintana ng passenger seat.

"Alright I'm leaving," natatawa ring sagot niya bago pumuwesto sa driver seat.

Kinuha niya ang aking kanang kamay at saka hinalikan.

"I love you. I'll visit again tomorrow night," sabi niya.

"I'll be waiting," sagot ko sa kanya.

Kanina pa nakaalis ang sasakyan ni Cole ngunit nakatayo pa rin ako sa labas. Malamig ang gabing ngayon at hindi ko napigilang yakapin ang aking sarili noong umihip ang malakas na hangin. Tumingala ako sa langit at ngumiti. I need a change. And for that, I need Cole to change me.

I'll go against you, fate. Remember that.