Chapter 7: Being alone
After 2 days, being in the hospital it is very difficult, boring and lonely but now makakauwi na ako at syempre bago 'yun need ko muna ng fresh air at kailangan ko ng permission mula kay black master. Tsk! Ganito na lang ba palagi ang magiging buhay ko.
Sa bahay nakakulong hanggang dito ba naman sa mansyon ni black master kahit siguro ikutin ko ang buong sulok nito bored pa din ako.
"Hija, pagkakataon muna para magpaalam kay black master." pukaw ni manang sakin habang kumakain kami ng breakfast sa fastfood na tinigilan namin para makakain ang lahat.
I smiled widely before stepping aside and stopped at the door.
Nakita kong may kausap sa phone si black master kaya’t sinamantala kong maupo sa tabi niya kung saan siya na ka dine in. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tumitig sa mga mata niya para kunin ang atensyon at tapusin ang tawag nito sa kabilang linya.
“What do you need?” sa wakas at humarap na siya.
“Hmm.. Can I ask you a favor?” I said.
“What is it?” walang patumpik-tumpik nitong sagot.
Sa ikalawang pagkakataon humugot muli ako ng mas malalim na hininga para lang kumuha ng tamang lakas, “I want to go to the club tonight.”
“You’re not going to the club.” he said directly.
Napapantastikuhan pa itong tumingin sakin na akala mo’y hindi totoo ang sinasabi ko. “Ano ba! Hindi habang buhay ikukulong mo ako, magkasundo tayo na pwede akong lumabas hanggat gusto ko at wala kang pakialam ‘dun kasi buhay ko naman ‘to.” wala akong pakialam kahit alam kong gumagawa na ako ng eksena at maraming tao ang nakatingin.
“Wag ka dito mag-iskandalo pwede ba.” sabi niya na para bang nahihiya sa maraming tao.
Luminga ako sa paligid at totoo nga na marami ang nakatingin ngunit baliwala ang mga iyan sakin.
Anong akala niya sakin matatakot pwes, hindi hanggat ayaw niya akong payagan hindi ako tatahimik. “Oh ano? Nahihiya ka kasi-”
Natahimik ako ng lumapat ang malambot at mapulang labi ni black master at ganoon na lamang ang gulat ko ng hilahin niya lalo ang bewang ko dahilan upang mas magkalapit ang aming mga labi. Pero nasa ulirat pa naman ako kaya nagawa ko siyang itulak, “Y-you! How dare you to kiss me!” I exclaimed in panic.
Lumapit siya sakin ng ilang hakbang at saka lumapit sa tenga ko upang bumulong, “Be obidient or else, I’ll kiss you again.” he whispered in my ear.
Kinilabutan ako sa uri ng pagkakabulong niya sa tenga ko kaya lumayo ako agad sa kanya at bumalik sa upuan. Tahimik lang ako hanggang sa maubos ko ang pagkain.
“Hija, halika na’t pumasok sa kotse baka mamaya magalit na naman si black master.” bulong ni manang sakin.
“Ayoko, manang please tulungan mo akong makatakas dito.” pagsusumamo ko.
“Pero nagkasundo na kayo na magtutulungan kayong dalawa at magkasamang magpa-plano para sa iyong step-mother.”
“Oo nga manang kaya lang ayokong makisama sa bwisit na lalaking ‘yan dahil masyado siyang selfish!”
Manang took a deep breath, “Sigurado ka ba? San ka naman pupunta niyan?”
May kontak naman ako ni Sarah at alam kong matutulungan niya ako kahit na palagi siyang sumusunod sa mga gusto ng step mother ko. “May pinsan akong pwedeng makatulong sakin manang.”
“Okay, basta balitaan mo ako.” sapilitan na wika ni manang.
Mabilis akong tumango at saka niyakap ng mahigpit si manang upang iparamdam sa kanyang naging bahagi siya ng buhay ko. “Thank you manang utang ko sayo ang lahat ng ito.”
Ngumiti lamang si manang bago nagpanggap na hindi makahinga habang naglalakad at maya maya lamang nagsitakbuhan na ang mga tauhan ni black master sa pwesto ni manang habang si black master ay nasa restroom kaya walang pag-aalinlangan akong tumakbo palabas ng fastfood at agad na sumakay sa taxi.
Yes! Mamumuhay na akong mag isa na walang mag uutos at gagamitin lang ako para sa sariling kapakanan, kaya ko naman mabuhay sa paraan ni Sarah.
Nang makababa ako sa taxi dumeretso agad ako sa convienient store kung saan may nakita akong telephone na pwedeng tawagan at buti na lamang nag abot si manang ng isang libo para daw pamasahe ko. Agad ko din kinontak ang number ni Sarah, ilang segundo lamang sumagot siya na parang antok pa.
“Hello, sarah ako ‘to si Ira.” pabulong kong saad sa kabilang linya.
Segundo na naman ang lumipas sumagot siya na tila nakakita ng multo, “Ira! What the hell saan ka ba nagpupunta alam mo bang nag aalala ang daddy mo at kung saan saan kana pinahanap pati sa media!” lintanya nito.
Shet, bakit nga ba hindi niya naisip ang media palibhasa wala siyang phone na hawak kaya hindi siya updated sa balita na pinapahanap na siya ng daddy niya.
“Shh.. ‘wag kang maingay baka may makarinig sayo, Sarah please ipangako mo sakin na ikaw lang ang makakaalam nito.” sabi ko habang tumitingin sa paligid baka may umaaligid. “I need your help, magkita tayo dito sa tapat ng Promero Village.”
Laking pasalamat ko ng pumayag si Sarah kaya agad kong sinabi ang lugar kung saan kami pwedeng magkita, naupo na ako sa hindi kalayuan sa convienient store para agad akong makita ni Sarah.
Mahigit kalahating oras din akong naghintay kay Sarah at sa wakas naaaninag ko na ang bulto niyang papalapit sa pwesto ko.
“Gosh, Ira! Anong bang-”
“Pakinggan mo muna ako.” putol ko sa sasabihin niya.
“Okay.”
Hinawakan ko ang kamay niya para iparamdam na kailangan ko talaga ang tulong niya, “Si mommy, hindi siya ang biological mother ko kundi step mother at gustong gusto niya ako mawala sa buhay niyo para masolo ang Lasher group.” pangunguna ko.
“P-panong, ano bang nangyayari.” kahit siya ay naguguluhan sa mga sinasabi ko.
“Lahat ng sinasabi ko ay totoo so, please tulungan mo akong makalayo dito at kailangan ko ng pera.” sabi ko habang umiikot ang aking mata upang tumingin sa paligid baka may nakasunod kay Sarah.
“Okay, just wait for me kailangan ko lang mag withdraw.” aniya at saka mabilis na umalis.
Panay ang tingin ko sa paligid ko baka may mga matang nagbabantay samin lalo na’t ngayong nalaman ko ang totoong pakay ng kinilala kong tunay na Ina at hindi ko siya hahayaang gamitin lamang si daddy.
Maya-maya lamang ay dumating na si Sarah may bitbit na din itong bag na hinuha ko ay mga damit na binili niya para sakin. “Thank you, Sarah kasi pinagkakatiwalaan mo ako.”
Ngumiti siya sabay hawak sa balikat ko, “Baliw ka ba, syempre kadugo kita kaya ikaw ang paniniwalaan ko. Siya nga pala ito ang phone mo na naiwan sa bahay.”
Buti na lamang at naisipan niyang dalhin ang phone ko ng sagayon may kontak ako sa kanya.
“Ipangako mo sakin na hindi mo pababayaan si daddy at palagi mo akong balitaan.” sabi ko para masigurong magiging okay lang ang lagay nila doon.
“Akong bahala, sarili mo ang iyong ingatan. Sige na lakad na.” pagtataboy niya sakin kaya’t mabilis akong sumakay ng taxi at humanap sa google map kung saan mayroong hotel na pwede kong tuluyan.
At hindi ko sinasadyang mapindot ang phone kaya nag show up ang isang hotel na ang pangalan ay “Seaview Entertainment Hotel” masyado akong naakit sa information nito kaya walang pag aalinlangan akong nag book ng isang room VIP.
Nang makarating ako halos lumuwa ang dalawa kong mata sa sobrang ganda, labas pa lang ‘yan paano kaya kung pumasok na ako baka mag stay na lang ako dito.
“Ma’am, what can I help you?” tanong ng nasa front desk.
“VIP room, please.” sabi ko sabay bigay ng amount kung magkano at hindi na ako magtataka kung bakit sobrang mahal.
Matapos ang lahat binitbit ng isang lalaki na nasa front desk ang bag na bitbit ko kanina at sumunod lamang ako kung saang room ako naka assign.
“Welcome to Seaview Entertainment Hotel ma’am, we want you to be happy so just take a look in the window at siguradong mawawala ang stress niyo dahil bukod sa fresh air magandang tanawin ang bubungad sainyo.” pahayag ng lalaki.
“Thank you.”
Umalis na ang lalaki matapos ipaliwanag ang mga iba’t ibang activities na pwede kong gawin habang nag rerelax dito, lumapit ako sa bintana na natatabingan ng kulay puting kurtina at masasabi kong ang sarap sa mata ng kulay at tinabig ko iyon laking gulat ko ng sumalubong ang malamig na ihip ng hangin at mas ikinagulat ko ng makita ang isang malawak na karagatan at marami ang taong nag swimming habang ang iba ay naglalaro at nagre-relax kasama ang mga mahal nila sa buhay.