Epilogue Ending

Pearl's Pov

"Ang cute cute niya 'no?" masayang wika ko kay Dwight habang buhat buhat niya si Ronayz, iyan nga pala ang ipinangalan ni Rona at ng asawa niya sa anak nila. Yes, nanganak na si Rona at ngayon ang christening ni Ronayz.

"Oo, mana sayo," sagot naman ng loko.

"Sira, sa mama at papa niya siya nag-mana, hindi ako ang nanay niyan kaya hindi siya nagmana sa akin." tsaka ko sila pinicturan, nag-pose naman ang pinaka-cute na ninong ni Ronayz kaya natawa na lang ako bigla, hindi siya shy pagdating sa harap ng camera.

Umiyak naman ang bata kaya binigay na namin siya sa kaniyang mommy. Kumain na lang kami ni Dwight dahil kanina pa kami nagpipigil ng gutom, mas nauna kasi niyang lambingin ang bata bago niya napagpasyahan na kumain na kami.

"Gusto ko rin ng gano'n soon," naka-pout pa niyang sabi sa akin.

Parati na lang niyang sinasabi sa akin ang bagay na iyan. Ang gusto niyang magka-anak soon, iyong tipo na parang sigurado na siya na ako ang magiging ina ng mga anak niya. Gusto ko naman pero hindi naman natin pwedeng pangunahan ang tadhana 'di ba. Ayokong maging negatrons pero ayoko lang kasing mag-plano at pangunahan ang kapalaran na naghihintay sa amin.

Kagaya na lang naming magkakaibigan, si Whiskey, masaya na kay Lex, si Bianca, masaya na kay Kier, si Jaynie, masaya na lang siya na maging single, si Xander na plano ang pagpapari, si Rona, may anak na tapos may asawa pa na responsable at may respeto sa kaniyang mag-ina, and lastly, I and Dwight, strong naman na kami after that cool off na nangyari at sana magtuloy tuloy na, wala na sanang problema pa na dumating sa aming dalawa, kagaya nga ng sabi ng loko, weakness raw niya na mawala ako sa tabi niya. OA pero sa kabilang banda, masasabi kong sweet.

Bukas rin pala ang moving up namin, kasama kong ga-graduate ang taong mahal ko, pero ang kaso nga lang ay ga-graduate na siya bilang isang senior high school, then sa college niya hindi ko na siya kasama, iyon lang ang sad part, pero may tiwala ako sa kaniya, alam ko na ako lang ang mahal niya, subukan lang niya akong lokohin, mag-re-revenge ako, charot lang, kagaya nga ng sabi ko, walang magandang idudulot ang paghihiganti.

"Sigurado ka?" taka kong tanong.

"W-what? Bakit, ayaw mo ba?" Shock pa siya sa lagay na iyan. Kaya natawa na lang ako dahil sa hitsura niya.

"Gusto, pero 'di ba, hindi natin pwedeng pangunahan ang kapalaran natin, malay mo may mahanap ka pang iba. Tapos siya pala ang maging nanay ng mga anak mo in the furture." sa pagkakataong ito, masama na ang tingin niya sa akin. Oh my ghad, baka nagalit ko siya, baka magtampo na naman 'to. Ang daldal kasi ng bibig ko eh, walang preno, matuturingan na yata akong marites nito.

"So you don't want me to be you're husband in the future? Kung ganoon, ipilit natin," hindi ko alam pero kusa na lang ngumiti ang mga labi ko. Maybe, ramdam ko talaga ang pagmamahal niya sa akin, "Ikaw lang naman ang gusto ko eh, ikaw lang ang gusto kong maging nanay ng mga anak ko, ikaw lang at wala ng iba. I made myself clear to you?! Hmm?!" dagdag niya pa na mas lalo pang nakapag-pangiti sa akin.

Love niya talaga ako!

"Basta ba, busugin mo ako ng pagkain na shrimp pasta araw araw," pang-aasar ko naman sa kaniya.

"Sige ba, basta maging asawa lang kita." aniya sabay wink pa.

Wait, ba't ang g'wapo niya kapag nag-wi-wink siya?!

New achievement in life, maaga talaga akong nagising para lang ngayong araw na 'to.

"Tara picture tayo," pag-aaya ni Whiskey kaya naman nag-pose na lang kaming lahat, para rin 'to sa remembrance namin, naka-toga nga pala kami ng puti habang hawak hawak namin iyong mga diploma namin.

Happy ako this day kasi kompleto kami, narito ang buong pamilya ko, at ang mga kaibigan ko.

After naming nag-pi-picture picture, lumayo muna kami ni Dwight sandali sa kanila para makapag-usap naman kami, parang privacy ba kumbaga.

"Oh, ba't naman ganiyan ang mukha ng honey ko, bakit parang hindi ka masaya? Graduate na kaya tayo, we're done a steppingstone," imik ni Dwight na naka-hawak pa sa isa kong kamay.

Bumaba naman ang tingin ko sa lupa dahil na rin siguro sa ayaw ko na makita niya na muntikan na akong maluha, "Iyon nga eh, after nito, college ka na, hindi na kita makakasama. Iyon naman kasi ang mali ng school na 'to, kung bakit ba kasi naturingan na university tapos walang collage buildings." nakabusangot ko pang saad.

"Hey, look at me," he cupped my face para mailevel ang mukha ko sa kaniya, "Don't you trust me? Hindi naman ako maghahanap ng iba 'di ba, magiging asawa pa kita remember. Tsaka malay mo, maisipan ng owner na palagyan ng college ang university na 'to, may oras pa naman eh tsaka ang rami kayang available buildings rito." oo nga naman, pero paano? Ah basta, hayaan na nga lang, bahala na ang tadhana.

"Come here, yayakapin kita kung pwede," hindi na ako sumagot sa kaniya at lumapit na lang sa kaniya. In the end, niyakap niya ako ng mahigpit, at ganoon rin naman ang ginawa ko.

"I love you honey!" ani ko habang nakayakap sa kaniya.

"I love you more, smile ka na huh, mag-se-selfie pa tayong dalawa." hindi talaga siya camera shy 'no?! Haha!

"Hoy, hindi ba talaga pwedeng next week na kayo umalis? Hindi pa kaya tayo nakakapag-celebrate ng graduation natin." naka-pout pa ako habang nakikiusap kay Xander. Narito nga pala kami ngayon sa airport, ngayon na kasi ang alis nila ni Jaynie, ewan ko ba sa dalawang 'to kung bakit ngayon na naisipan na umalis eh kahapon lang naman ang graduation namin.

"Hindi talaga pwede eh, marami pa kasi kaming aayusin na requirements, mag-ta-transfer na kasi kami ro'n." iyon pa ang isang nakakalungkot, doon na sila mag-aaral ni Jaynie.

"Mami-miss ko kayo..." sabay ko silang niyakap. Wala naman sigurong kaso iyon 'no, pero naisipan ko rin na hilahin si Dwight kaya naka-group hug na kami ngayon, mahirap na baka mag-tampo na naman ang loko, wala pa sila Whiskey, ang tagal talaga nila, pero kung sabagay nga naman, mamaya pa naman ang alis ng eroplano nila kaya okay lang na mag-make up pa sila.

"Mami-miss rin kita Magandang Pearl, I love yo---" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil binatukan siya ni Dwight, nagseselos na naman yata ang loko. Para gano'n gano'n lang eh.

"I love you as a friend... Ang bastos mo naman pre, hindi pa tapos magsalita iyong tao eh." reklamo pa nito bago tapikin ang balikat ni Dwight, ang akala ko pa'y babatukan rin niya ito pabalik.

"Mami-miss ko rin ikaw, call and text huh, video chat rin minsan." si Jaynie naman ngayon na hawak hawak pa ang dalawa kong kamay. Sa maiksing oras na naging magkaibigan kami ni Jaynie, masasabi ko na sweet siyang tao, I mean, sweet siyang kaibigan and natutuhan ko na rin siyang mahalin as a friend kagaya ng pagmamahal ko kila Whiskey at Bianca at sa kanilang lahat.

"Take care and happy trip..." sabay sabay naming wika sa kanila habang kumakaway-kaway pa, sa wakas narito na rin sila Whiskey, pero syempre, bye bye muna bago hila ng maleta.

Time flies really fast, biruin mo 'yon, first anniversary na namin ni Dwight. March 30 is such a special day para sa aming dalawa as a couple.

"Gising na po, may pupuntahan pa tayo." ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko tsaka pilit rin niya akong ginigising.

"Five minutes pa..." I said in sleepy voice.

"Bangon na kasi..." pamimilit niya kaya nagising na tuloy ako bigla. Bumangon na rin ako para hindi na siya mangulit pa.

"Akala mo nakalimutan ko 'no, Happy first anniversary mahal ko..." wika ko tsaka siya niyakap. Wala akong paki kung amoy higaan pa ako.

"Wala man lang bang kiss riyan?" tanong niya.

"Loko, kagigising ko lang, mumog muna ako," paalam ko sa kaniya tsaka diretso nang nagpunta sa banyo.

Pagkalabas ko ng banyo, gulat akong napatingin sa mga damit na nasa taas ng kama ko. Dress iyon na kulay white, tsaka sandals rin na kulay itim naman.

Hinalughog ko ang loko sa buong silid ko pero wala siya, ro'n ko lang nakita ang sulat niya ng tumungo ako sa side table ng kama ko.

"Suot mo 'yan honey then punta ka sa garden niyo pagkatapos." iyan lang ang nakalagay sa sulat.

Nagkibit balikat na lang ako tsaka muling pumasok sa banyo para maligo na.

Hanggang tuhod ko lang itong dress samantalang itong sandals naman ay ginawa akong mas lalong matangkad.

Pagkatingin ko sa garden, nakita ko na agad siya na naka-hawak ng bouquet of flowers, dahilan para lumawak ang ngiti ko.

Lumapit naman ako sa kaniya ng bahagya tsaka niya inabot sa akin ang bulaklak, "Happy anniversary honey my love so sweet, my first and last. Mahal na mahal kita alam mo iyan!" todo ngiti pa ang loko, talaga ngang pinaghandaan niya ito dahil ang garbo talaga tignan ng kaniyang ginawa.

Ma-effort ang boyfriend ko...

Tinulungan pa niya ako na maka-upo sa upuan na ang lambot, naglagay pa talaga siya ng single couch rito sa garden.

Nag-ningning ang mga mata ko ng makita na puro favorite ko ang nasa hapag, "Bakit naman puro favorite ko ang narito? Nasaan ang mga favorite mo?" taka kong tanong habang natatakam sa mga inihanda niyang pagkain.

"Hayaan mo na, makita lang naman kasi kitang kumakain, parang busog na rin ako. Busog sa pagmamahal mo..." bumanat na naman siya, pero at least sweet!

"Wiee, I love you!" iyan lang ang tanging nasabi ko sa kaniya. Ganiyan talaga ako kung mag-thank you.

"I love you more..." aniya tsaka hinalikan ang dalawa kong kamay.

Nagsimula na rin kaming kumain, nang bigla siyang tumayo kaya na-curious ako. Iyon pala kinuha niya iyong phone niya tapos nag-picture muna kami bago siya nangalikot ng kung ano ano sa phone niya, hinayaan ko na lang siya at ipinagpatuloy nang muli ang pagkain.

Parang ang sarap sa tenga ng pinapatugtog niya. Theme song namin 'yon eh. 'Tumingin sa 'king mata'.

"Pwede ko bang maisayaw ang honey ko?" tanong niya tsaka akmang kukunin ang kamay ko kaya hindi ko na siya pinigilan at tumayo na rin ako.

"Ang galing mo talagang magpa-kilig," biro ko sa kaniya habang nagsasayaw kami. "Until now, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakuha na kita. Noon kasi, pantasya lang kita eh." dagdag ko pa.

He chuckled, "Umpisahan mo nang maniwala dahil ang lahat ng ito ay totoo, tsaka matagal mo naman na akong nakuha. Simula nooong mga bata pa lang tayo, nakuha mo na ako." sumandal ako ng bahagya sa kaniyang dibdib.

"Akalain mo 'yon, humantong pa tayo sa panggagayuma na fake lang pala." ako naman ang natawa ngayon.

"At kung may ilalagay tayong title sa story natin, Fake Love Spell, kasi totoo naman kitang mahal at walang involve na gayuma." na-gets ko naman sa huli ang punto niya kaya napangiti na lang ako bigla.

Iba talaga magmahal ang isang Dwight Cheon, ang sarap niyang mag-mahal.

"Hindi ako magsisisi na minahal kita, bagkus ay ipagpapasalamat ko pa." wika ko habang nakapikit ang mga mata.

"Mahal na mahal kita Pearl Rian Samonte, sana soon, maiharap na kita sa altar habang suot suot mo ang puting gown na bagay na bagay sa taglay mong kagandahan." wika niya pa. Imbes na nagsasayaw kami, hinayaan na lang namin na magyakapan kami at hinayaan na maging music background ang theme song naming dalawa na kanina'y pinatugtog niya.

Nagulat ako bigla nang bumitaw siya sa aming pagkakayakap tsaka siya lumuhod sa harapan ko, kinabahan pa ako ng bahagya at parang hindi alam kung ano ang gagawin, may dinukot pa siyang kung ano mula sa kaniyang bulsa.

Pagkabukas niya, isa iyong singsing na kayganda, "Pearl Rian Samonte, payag ka ba na maging asawa kita at maging ina ng mga anak ko? Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko, parati kitang pipiliin kahit na sino pa ang iharap nila sa akin, marami mang choices, ikaw at ikaw pa rin." at this point naluha na talaga ako, ang saya saya ko. Nakaluhod ngayon sa harapan ko ang lalaking pinakamamahal ko at inaalayan niya ako ng singsing na simbolo ng pagmamahal niya sa akin.

"Yes, oo, pakakasalan kita Honey ko, payag akong maging asawa mo at maging ina ng mga anak natin soon!" saad ko tsaka siya tumayo at kaagad na hinalikan ang dalawang kamay at dalawang pisngi ko, iyong sa labi raw is kapag nasa honeymoon na lang kami, charot lang syempre. Roon ko lang rin napagtanto na lahat pala ay planado, may mga partners siya at nakatago lang sila sa may mga halaman. Ang lakas pa ng palakpakan nila, halos mabingi na ako dahil sa sobrang lakas.

"Mom, dad, engage na po ako..."

Ending...

To God Be The Glory!