Chapter 11: FINDING A WAY

MALIYAH POV:

Pagkatapos ng pang hapon namin na subject, sinamahan ako nina Alexander at Terry sa kabilang Barangay kung saan nakatira si Ate, pagsakay namin ng tricycle, umandar na agad ito. Tahimik kaming tatlo, ang ingay lang ng tricycle ang naririnig ko, tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay ni aling Doray. Bumaba na kami at lumapit sa gate nilang kawayan.

“Aling Doray, tao po?”

It was Terry, ilang sandali pa, lumabas na si Aling Doray buhat buhat si Tonton, wala siguro si Ate baka may nahanap na itong trabaho hula ko lang.

“O, Terry napadalaw ka iha”

Pero ang mga mata nito ay sa akin nakatutok, hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip niya pero kita ko na hindi naman ito galit.

“Dadalawin ho namin si Ate Maze at Tonton po.” Ako na ang sumagot sa kanya.

“Wala dito ang Ate mo, Maliyah, nag hahanap ng trabaho ulit, umalis kaninang alas onse hindi pa bumabalik, wala nang gatas si Tonton”.

Mahabang sagot nito sa akin, para naman may pumiga sa dibdib ko sa sinabi ni Aling Doray. Alam kong nahihirapan si Ate sa sitwasyon niya ngayon. Pinapasok kami ni Aling Doray sa loob ng bahay niya. Wala itong kasama kundi si Tonton lang.

“Wala ho ba kayong kasama dito Aling Doray”

It was Terry, she’s being curious again. Madalas niyang ginagawa yun parang napaka therapeutic ng approach niya.

“Naku Terry natutuwa nga ako dahil may kasama na ako ngayon, nalilibang ako, wala na dito si Clara, nasa Bahrain na, kakaalis lang noong nakaraang buwan.”

I smiled because I live in a place where it is peaceful and safe. Pero nalulungkot parin ako dahil, mas mabuti pa ang ibang tao, tanggap si Ate at ang anak niya pero sa bahay namin si Mama hindi man lang magawang patawarin si Ate at tanggapin si Tonton bilang apo. Buti pa ang ibang tao.

“Aling Doray pwede ho bang madalaw ko lagi si Tonton dito, lalo na po kong wala ho akong pasok,? Kahit alagaan ko si Tonton kong nasa trabaho si Ate Maze,”

Mahinang tanong ko sa kanya, umaasa akong pumayag siya. Tumahimik ito at nag iisip. Kinakabahan na ako na baka hindi ito pumayag kahilingan ko, nang tumango ito, saka lang ako nakahinga ng maluwag.

“Sa akin Maliyah, walang problema pero ang ate mo kausapin mo muna, baka magalit yun sayo”

Hindi ko masagot agad si Aling Doray kasi nga sinabihan na ako ng Ate na h’wag nang bumalik pero hindi ko naman maiwasan na hindi mag alala sa kanila ni Tonton. Hindi ko sila matiis.

Pinilig ko ang ulo ko para burahin ang mga alalahaning iyong. Kahit isang oras lang na makita ko si Tonton okay na ako. Malaman ko lang na kay lang sila masaya na ako. Pagkatapos naming nilaro ang pamangkin ko nag paalam na kami kay Aling Doray.

“Aling Doray aalis na po kami, tanggapin nyo nalang po itong isang libo na nakayanan ko, para kay Tonton po.”

Nag-alangan man itong tanggapin pero pinilit ko siya, nag bigay din ng tig limang daan si Alexander at Terry na siyang pinag pasalamat ko. Malaking tulong na yun kay Tonton kahit pang gatas lang.

Umalis na agad kami pag patak ng alas singko nang hapon, hindi ko na hinintay si Ate, dahil baka magalit na naman ito sa akin. Pagdating namin sa kanto sumakay kami agad ng Tricycle pauwi.

Nag padala din ako ng mensahe kay Aling Doray, gamit ang telepono na bigay ni Terry sa akin, kahit ilang beses ko itong tinanggihan pero hindi parin ito pumayag kaya tinanggap ko na.

To: Aling Doray

[Aling Doray, maraming salamat po, sa pag kupkop Ate Maze at kay Tonton, malaking utang na loob ko po sa inyo. Text nyo nalang po ako kong may problema po. Sisikapin kong madalaw po palagi si Tonton. Balitaan mo na rin po ako kay Ate Maze po, pakiusap po.]

Ilang sandali at nag reply si Aling Doray sa mensahe ko.

[Sige Maliyah, pinag dadasal ko na magkaayos na kayong magkapatid., Pareho kayong mabait.]

Napangiti ako sa text ni Aling Doray, hahanap narin akong paraan, para kumita at maibigay ko kay Ate Maze kahit magkano lang. Galit man siya sa akin, hindi ko na yun pinansin ang nasa isip ko kong paano makakatulong sa kanya.

“Alexander baka pwede mo naman tulungan para makahanap ng extrang pagkakitaan”

Agad itong nag iisip kong ano ang pwede kong gawin extra para makatulong ako sa ate. Nakarating na kami sa bahay nina Terry wala parin itong sagot. Kaya hindi ko na kinulit. Nang siya na ang bumaba sa tapat nila.

“Wala akong maisip Maliyah pero kausapin ko si Mama. Text ako sa group chat natin sa messenger. ”

Napangiti ako sa tinuran ni Alexander, may konting pag asa pa ako. Magpapaalam na ako kina Papa, kong pwede akong mag part time mag trabaho, hanggang maka graduate ako dalawang buwan na lang yun at graduation na namin. Final exam na namin sa katapusan ng buwan. Kapag nangyari wala na kami masyadong gagawin kundi requirements nalang sa graduation.

Pagbaba ko nandoon na si Papa sa paborito niyang tambayan tuwing hapon. Lumapit ako sa kanya at nag mano. Ngumiti si Papa sa akin pero hindi umabot yun ngiting sa mga mata niya.

“Papa may problema po ba?”

Magalang kong tanong sa kanya. Alam ko kung kelan masaya si Papa at kung kailan siya malungkot, and that sadness in his eyes visible even he force himself to smile. Alam ko namimiss na niya sina Ate Maze, at Tonton. Ito ang unang pagkakataon na mawalay sa amin si Ate at ang anak niya.

“Anak, pagpasensyahan mo na si Papa kung wala akong nagawa para sa Ate Maze mo. Alam mo ba kong nasaan ang Ate mo at si Tonton.?”

Malungkot na tanong nito, ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya. I know my Papa is against Mama’s decision pero nanahimik lamang ito. Ayaw lang ng Papa na laging silang mag aaway ni Mama. Palakihin ang gulo. As much as possible Papa wants to understand Mama.

“Opo Papa, galing kami doon nina Alexander at Terry.”

Magalang kong sagot, hininaan ko rin ang boses ko dahil ayaw kong madinig ni Mama magagalit na naman ito.

“Pwede mo ba akong samahan anak? Puntahan natin ang Ate Maze mo,? Bukas susunduin kita sa school mo tapos puntahan natin kung saan siya nakatira ngayon.”

Tumango ako kay Papa bilang pag sang-ayon sa balak namin bukas na puntahan si Ate Maze.

“Papa, pwede po ba akong pumasok sa trabaho,? Naghahanap po ako ng part time job Papa, para sana makatulong kay Ate Maze.”

I humbly ask Papa, if it is okay for him to do a part time job, but his face says otherwise, I know the answer already.

“Anak unahin mo yang pag aaral mo, ako na ang bahala sa Ate Maze mo,”

Hindi na ako sumagot, I know Papa he will do his best to provide for us. Swerte namin dahil si Papa ang naging ama ko. Hindi man maalwan ang buhay namin, but we are abundant with love and supports from him.

Umakyat na ako sa kwarto ko para mag bihis. Pagkabihis ko bumaba ako para tulungan si Mama sa kusina pero wala ito. Si Merleah naman nasa sala, nakasalampak sa sahig at gumagawa siguro ng assignment.

Nagsaing ako ng kanin, at binuksan ko ang lumang ref namin, pero gumagana pa ito kahit sobrang tagal na. Kumuha ako ng panlahok na karne ng baboy, at mga gulay, hindi man kumpleto ang sahog para sa pinakbet yun na lang ang iluluto.

Pagkatapos kong magluto tinawag ko na sina Papa, at Merleah, kinatok ko rin ang silid nila Papa. Nang buksan koi yon kita kung umiiyak si Mama. Lumapit ako sa kanya.

“Mama, kain na po tayo, nag luto po ako nang pinakbet, diba paborito mo yun?”

Tiningnan lang ako ni Mama ng masama, tumayo na ako at hindi na nagpumilit pa. Kapag ka galit si Mama, hindi mo ito makakausap ayoko na pag buhatan niya ulit ako ng kamay. Lumabas ako ng silid nina Mama, at dumiretso na sa aming kusina. Umangat ang tingin ni Papa sa akin pero hindi ito kumibo.

Natapos na kaming kumain pero hindi lumabas si Mama, niligpit ko narin ang pinag kainan namin at tinakpan ang natirang ulam para Mama, baka mamaya kakain rin yun. Matapos nailigpit at nahugasan umakyat na ako sa silid ko. Agad akong pumasok sa banyo para mag linis ng katawan.

Pagkatapos nag suot lang ako ng hello kitty ko na loose dress abot hanggang tuhod ko. Lumapit ako sa aking salaminan at nilinis ang tahi ko.

Nag makapag ayos na ako, sumampa ako sa kama at kinuha ko sa bag ko ang cellphone na binigay sa akin ni Terry, hindi pa ako lubusang nag papasalamat sa kanya. Balang araw babawi rin ako sa lahat ng tulong nila sa akin ni Alexander.

Pagbukas kong ng bago kong telepono agad tumambad sa akin ang usapan ng dalawa kong kaibigan. Pero chismis na naman ito at walang katapusang bangayan at intrigahan.

Besties/Beauty GC

@Maliyah: Sabi ni Mama kong gusto mo daw maging tindera sa Botica niya, pwede ka daw doon.

@Maliyah: Sigurado kana ba diyan sa balak mo?

@Maliyah: Nalunod ka naba sa sabaw? Ano ulam niyo

@Maliyah: Galit parin ba si Tita Corazon?

@Maliyah: Sumagot ka nga

Sa dami ng message nila sa group chat namin hindi ko na halos masundan.

@Alexander: Hindi ako pinayagan ni Papa Lex, kasi sabi niya ilang buwan nalang ay magtatapos na daw ako, siya na daw bahala kay Ate Maze, balak din namin puntahan bukas.

@Terry: Sigurado naman ako, kaso ayaw ni Papa, kaya wala akong magagawa. Hindi ko alam kong paano makaka pag abot ng tulong kay Ate, yung binigay ko ipon ko yun.

@Alexander: Sorry ho naman, kasi hindi nag luto si Mama, nag kulong sa kwarto nila Papa, niyaya kong kumain sinamaan lang ako ng tingin, takot nga ako baka saktan ako ulit. Magka galit sila ni Mama.

@Terry, sorry busy ako kanina, ngayon ko nga lang nahawakan ang phone na bigay mo. Terry sigurado ka ba ito kasi baka pagalitan ka nina Tita eh.

@Maliyah: Bago ko yan binigay sayo bruha sinabi ko na yan kay Mama, kaya walang sa kanya.

@Terry: Maraming Salamat Terr,

@Maliyah: Palitan mo kaya yang number mo, baka naman itext ka pa ni Prof.

Tumirik lang ang mata ko sa chat ni Alexander, kita mo nga bantay sarado agad sa buhay ko wala pa naman.

@Alexander OA mo. Sige na nga matulog na ako. Good night Terry , Good night Alexander

Nang nag log out na ako sa messenger ko, dinig ko ang pag beep ng phone ko. Agad kong tiningnan kung kanino. Pagkakita ko palang sa pangalan kinabog na ang dibdib, ganun ba talaga yun hindi ba masyado naman itong heart ko. Baka abnormal na ito.

From: Clint

[Good night Mayah]

Simpleng goodnight lang ng lalaking ito napapangiti na ako. Ano pa kaya kong sweet messages na baka himatayin na ako sa sobrang kilig. Hindi na ako nag reply at nilagay ko sa silent mode ang tunog ng phone ko maliban sa alarm ko bukas.

Humiga ako ng may ngiti sa mga labi ko, nakatitig sa kisame hanggang sa nilamon na ang diwa ko ng antok…