Chapter 18

Hindi napigilan ni Raya Fae ang sariling maluha habang nakatitig siya sa dalawang batang nakaratay. Parehong may nakasaksak na IV fluid sa mga ito kaya naman lalo siyang nahabag sa kanyang mga anak.

"Kumusta ang mga bata, dad?" Nangilid ang kanyang luha. "Kawawa naman po ang mga anak ko."

"Kahit papaano ay bumaba na ang lagnat nila, Hija. Huwag ka nang masyadong mag-alala. Sabi ng doctor, wala naman silang nakitang malalang sakit ang mga bata. Kumakalat kasi talaga ngayon ang flu dito."

"Hindi po ako sanay na makita silang ganyan, dad." Muling tumulo ang kanyang luha. "Hindi ko kakayanin na hindi sila makita kahit hindi naman gano'n kalala ang sakit nila, dad."

Hinagod naman ni Macario ang kanyang likod.

"Huwag ka nang umiyak. Baka biglang magising ang mga bata. Hindi sila matutuwa na makita kang uumiyak, Hija."

Hindi umimik si Raya Fae ngunit marahan niyang tinuyo ang kanyang mga luha. Tama si Macario, hindi siya dapat makita ng mga bata sa gano'ng ayos.

Umupo si Macario sa sofa na naroon sa silid kaya naman sumunod rin siya at tumabi rito.

"Well, mabuti na rin siguro na nandito ka, Hija. Bukambibig ka ng mga anak mo. Halatang miss na miss ka na nila. Iniisip ko na ngang bumalik na lang kami ng Pilipinas tutal fully recovered naman na ako."

Agad namang umiling si Raya Fae. Gumuhit rin ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Huwag po muna, dad. Mas maiging dumito muna kayo. At saka hindi rin ako magtatagal dito, dad. Baka po tatlong araw lang po ang stay ko dito."

Nangunot naman ang noo ng kanyang ama.

"May problema ba sa kompanya, Hija?"

"Wala po, dad. Maayos po ang takbo ng negosyo. Wala po kayong dapat ipag-alala."

"Kung gano'n bakit ka nagmamadaling bumalik ng Pinas, Hija?"

"Masakit din sa loob ko, dad ngunit kailangan kong gawin 'to."

Kumabog ang kanyang dibdib bago nagpatuloy.

"Dapat mo na sigurong malaman ang totoo , Dad."

"Anong totoo?"

"Ang totoong dahilan kung bakit nasa Pilipinas ako."

Nang hindi umimik si Macario ay muli siyang nagsalita.

"Nag-iimbestiga po kami tungkol sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Naya, Dad.”

Napaawang naman ang labi ng matanda.

"I have no choice but to use her identity, Dad. Kailangan kong mapalapit sa taong pinaghihinalaang may gawa no'n sa kanya. Iyon lang ang paraan para makakuha ako ng ebidensiya at mabigyan ko siya ng hustisya."

"Pero Hija, baka mapahamak ka. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa'yo. Ikaw na lang at ang mga apo ko ang natitira kong yaman sa mundo." Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito.

Agad namang yumakap si Raya Fae sa kanyang ama.

"Don't worry, Dad. May proprotekta sa'kin. Hindi ako mapapahamak. At saka iingatan ko ang sarili ko para sa ‘yo at para sa mga anak ko. Babalik ako ng buo at ligtas, Dad."

Sa mga sumunod na oras ay hindi umalis si Raya Fae sa tabi ng kanyang mga anak. Kahit ilang ulit siyang sinabihan ng kanyang ama na huwag nang iyak ay hindi pa rin niya naiwasan sa ng pangilidan ng luha.

Kung maaari lamang niyang akuin ang sakit ng mga ito ay kanina pa niya ginawa.

"Raya, kailangan na nating bumalik ng hotel. Baka biglang magising si Mister Vallejos.

Tanging tango na lamang ang kanyang nagawa bago mabigat na humakbang ang kanyang mga paa ngunit bago pa siya makalabas ng pinto ay nakuha ng atensiyon niya ang namamaos na tinig.

"M-mommy."

Samantala—

Napabalikwas ng bangon si Damielle Astin Villacorda. Parang galing siya sa isang bangungot.

Nang mapunta sa wall clock ang kanyang tingin ay lalong kumabog ang kanyang dibdib.

Pasado alas-dose na.

Nang mapunta ang tingin niya sa bintana ng silid ay kitang-kita niya ang maliwanag na paligid.

Anong nangyari na tila napakahimbing ng kanyang naging tulog?

Paanong inabot siya ng gano'n katagal na pagtulog?

Ang malilim niya iniisip ay mawaglit nang maramdaman niya ang paglundo ng kama.

Nang mapabaling siya sa kanyang tabi ay bumungad sa kanya pagtagilid ni Raya Fae.

Napakurap naman ang lalaki.

Bakit nasa tabi niya ang kanyang misis?

Tila naman masagot ang kanyang tanong nang maalala niya ang paglabas ng modelo sa silid nito hanggang sa pag-inom niya ng wine.

Ang nakakunot niyang noo ang bumungad kay Raya Fae nang magmulat ito ng kanyang mga mata.

"Good morning, Damie." Gumuhit ang munting ngiti sa labi ng modelo. Muli rin itong pumikit na tila ba nasilaw sa liwanag.

"What did you do to me, Naya?"

Awtomatikong napamulat ng mata ang dalaga.

"Ano?" Kunot-noong bumangon sa pagkakahiga ang modelo na tanging roba lamang ang suot.

"Oh, I think I should I rephrase the question. Anong nilagay mo sa ininom ko kagabi?"

"What?" Bulalas niya. "Anong hinalo?"

"Naya, huwag mo na akong lokohin pa." Kitang-kita ang pagtitimpi sa mukha ni Damielle Astin

Tila naman lalong napikon si Raya Fae.

"Ang kapal mo, wala akong hinalo noh! At saka napaka-assuming, wala akong ginawa sa'yo."

Tuluyan na siyang tumayo mula sa kama. Hindi rin nito itinago ang pagdadabog.

"Hindi mo ako madadala sa ganyan, Naya." Mahinahon ang tinig ni Damielle ngunit hindi pa rin nagawang kalmahin ni Raya Fae ang sarili.

"Hays! Bahala ka diyan sa buhay mo!" Nagmartsa siya patungo sa pinto ng silid ngunit mabilis na tumayo si Damielle at humarang sa pinto.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap."

Napapadyak naman ang modelo.

"Ano ba 'yan! Ang pangit ng morning na 'to! Ang kulit mo rin eh! Wala nga akong hinalo sa drinks mo! Hindi mo ba natatandaan? Matapos natin maubos ang laman ng wine, pareho na tayong nakatulog."

Bumalik ito sa kama at umupo roon. Napabaling naman si Damielle sa bedside table at tama nga ang tinuran ng babae dahil wala nang laman ang bote.

Ang tanong, paanong naubos ang laman ng bote kung ang naaalala niya ay isang baso lamang ang nainom niya?

Nang gumuhit sa kanyang alaala ang baril na isinuksok niya sa unan ay mabilis niyang tinungo iyon at kaagad niya iyong itinaas.

Tila naman nawalan ng dugo si Raya Fae.

Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang kunin sa loob ng kanyang bag ang baril. Masyado kasi siyang nagmamadali na makabalik sa silid ng lalaki.

Matapos niyang maasikaso at mapatulog muli ang kanyang mga anak ay saka sila nagmamadaling bumalik ng hotel. Labis ang kabang kanyang nadama kanina. Mabuti na lamang at tila pinagbibigyan sila ng tadhana dahil nadatnan pa nilang mahimbing ang tulog ng bodyguard.

Bumaling si Damielle sa dalaga. Mariin ang titig nito sa kanya kasabay ng pag-igting ng kanyang panga.

"Don't try to fool me, Naya. Now, give me my gun!"