Chapter 15

"Ano namang itatago ko?" Sinalubong ni Damielle ang nagdududang tingin ni Raya Fae. Kalmante nitong nilagay sa kanyang bulsa ang cellphone nito kahit hindi pa tapos ang pag-uusap nila ng kanyang tauhan. At nang hindi umimik ang babae ay muli itong nagsalita.

"Wala naman yata akong maitatago dahil ginawan naman ako ng background check. Alam ko namang pinaimbestigahan ako ni sir Rio. I won't be hired kung may kaduda-duda sa pagkatao ko."

Napabuntong-hininga naman si Raya Fae. May punto ang kanyang bodyguard. Sadyang nag-overthink lang siguro siya

kaya kung anu-anong pumasok sa isip niya. Napahilot si Raya ng kanyang sentido.

"Oh I'm sorry, kung anu-ano ang pumasok sa isip ko." Pagsuko nito.

"Masakit ba ang ulo mo? Bumalik na tayo sa loob para makainom ka ng pain killer."

Inilahad nito ang kanyang kamay.

"Mabuti pa nga siguro. Pero parang mas gusto ko kung hilutin mo na lang ang ulo ko. That's more relaxing."

"Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Tara?" Muli nitong iminuwestra ang kanyang kamay upang doon humawak si Raya Fae.

"Tara." Umangat naman ang kamay ni Raya at ipinatong iyon sa nakalahad na kamay ni Damielle Astin.

Nasa gano'n silang ayos nang makuha ng atensiyon nila ang pagtawag.

"Ra--Miss Sevestre!" Tinig iyon ni Katriss Calve. Awtomatikong binawi ni Raya Fae ang kanyang kamay.

Nang bumaling sila ng tingin sa sekretarya ay kitang-kita ang tensiyon sa mukha nito. Patunay roon ang butil ng pawis sa kanyang noo.

"We need to talk, Miss Sevestre." Hindi naman naiwasan ni Raya Fae ang kabahan.

Anong sasabihin ni Katriss na tila napakaimportante?

"Bakit?"

Bumaling naman si Katriss Kay Damielle Astin.

"Iwan mo muna kami, Mister Vallejos."

Hindi kumilos si Damielle na tila na wala itong planong sundin ang utos ng sekretarya.

Gumuhit ang pagtutol sa mukha ni Raya Fae. Tingin niya ay wala naman siyang dapat itago sa kanyang bodyguard ngunit mabilis na nagsalita si Katriss.

"Damie can sta--"

"This is an important and personal matter." Putol ni Katriss sa kanyang sasabihin.

Lalo tuloy kumabog ang kanyang dibd*b. Personal? Ibig sabihin ba ay may kinalaman sa misyon nila ang sasabihin nito?

Bumaling si Raya kay Damielle Astin.

"Iwan mo muna kami, Damie." Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Usapang girls lang."

Napatango naman si Damielle Astin bago siya humakbang palayo sa dalawa.

Nang tuluyang makaalis si Damielle Astin ay marahan namang kinuha ni Katriss ang mga kamay ng kanyang kaibigan.

"Raya." Panimula nito. Tila lalo naman kinabahan si Raya Fae. Pakiramdam niya ay may malaking problema na sasabihin sa kanya si Katriss.

Napalunok siya.

"Anong meron?"

"Kasi--" Tumigil ito na tila nag-aalangan sa sasabihin. "May problema tayo, Raya."

Tila umabot sa langit ang kabog ng dibd*b ni Raya Fae.

Anong klaseng problema ang meron sila?

Bago siya makaimik ay muling nagsalita si Katriss Calve.

“Ang mga bata-“

“Anong nangyari?”

"May sakit ang mga bata."

Tila pinanlambutan ng buto si Raya sa narinig. Muntikan siyang matumba ngunit maagap siyang nahawakan ni Katriss.

"Sabihin mo, anong nangyari? Napa'no ang mga anak ko?"

"Lagnat lang naman daw pero nagkahawakan sila. Nauuso daw kasi talaga ang lagnat doon. Pero ang problema, hinahanap ka raw nila."

"Pupuntahan ko sila!" Mabilis namang saad ni Raya Fae. "Kahit hindi nila ako hanapin, pupuntahan ko sila. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko sila nakikita."

"Maybe you can have video call with them."

Umiling-iling naman si Raya.

"Hindi. Gusto ko silang makita at mahawakan."

Napabuntong-hininga naman si Katriss Calve.

"Alam mong hindi gano'n kadali ang gusto mo, Raya."

Nangislap ang mga mata ni Raya Fae na tila ba anumang oras ay maluluha siya.

"Pero ang mga anak ko, kailangan nila ako. Ako ang nanay nila, dapat nando'n ako lalo na at may sakit sila." Tuluyan na siyang naluha. Pakiramdam niya ay nadudurog ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay napakawalang-kwenta niyang ina. Wala na ngang ama ang mga anak niya at siya lang ang meron sila ngunit hindi pa niya magampanan nang maayos ang kanyang tungkulin.

"Gawan natin ng paraan, please." Hindi pa rin maampat ang kanyang luha. Kaagad naman siyang niyakap ni Katriss.

"Tahan na." Hinagod nito ang kanyang likod.

"Huwag ka nang umiyak, baka biglang lumabas si Mister Vallejos at makita tayo."

Sa halip na tumigil ay tila naman lalong naiiyak si Raya Fae.

"Please, Kat. Gawan natin ng paraan."

Napabuntong-hininga na lamang si Katriss.

"Alright. Titignan ko kung anong magagawa ko."

Humiwalay ng yakap si Raya sa kanyang kaibigan. Hindi pa rin maampat ang kanyang luha.

"Ang mga anak ko. Kumusta na kaya sila. Sana nando'n ako para alagaan sila."

Hinagod ni Katriss ang kanyang balikat.

"Shh. Tama na, okay? Gagawan ko ng paraan para makalabas ka ng bansa nang hindi naghihinala si Rio Costor."

"Salamat, Kat. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka."

"Tama na. Iwan muna kita saglit. I need to arrange things."

Lumipas ang ilang oras at sumapit ang dapit-hapon ngunit wala pa ring Katriss Calve na bumabalik.

Lalo tuloy nakaramdam ng pagkainip si Raya. Kung pwede lang hilain ang oras ay kanina pa niya ginawa.

Nagpabalik-balik siya ng lakad. Hindi ito mapakali habang kinakagat-kagat nito ang kanyang hinlalaki. Sa isip niya ay kanina pa niya inuusal ang dasal niyang sana ay bumalik na si Katriss.

"What's the problem?" Tinig iyon ni Damielle Astin na kanina pa naguguluhan sa kanyang kinikilos.

Agad naman siyang napalingon sa lalaki.

"Wala!" Mabilis niyang sagot.

Pinaningkitan naman siya nito ng mata.

"Sigurado ka?"

"Yes." Tumango siya upang mapaniwala ang lalaki. Ngunit hindi siya nagtagumpay.

"You know you can trust me. Pwede mong sabihin sa'kin kung anumang problema mo. Baka sakaling makatulong ako."

Natigil si Raya Fae sa paghakbang.

May maitutulong nga ba ang bodyguard nito sa kanyang problema?

Tingin niya, wala. Dahil hindi naman siya nito matutulungan na lumabas ng bansa at makita ang kanyang mga anak.

"Wala 'to, Damie. Huwag mo na lang akong intindihin."

Kitang-kita ang lungkot sa mga mata ni Raya Fae kasabay nang pag-upo nito sa sofa.

Kung maaari lamang siyang mag-magic ay kanina pa niya ginawa.

"I don't believe you. Parang hindi ikaw ang Naya na kilala ko."

"Epekto lang siguro ng hang-over."

"Pero bakit simula kaninang umaga hindi ka pa kumakain ng kahit ano. Napaghahalataan na may problema ka."

Pinilit namang ngumiti ni Raya Fae.

"Iyon ba? On diet lang ako."

Akmang magsasalita na si Damielle Astin nang tumunog ang cellphone ng modelo na nakapatong sa center table. Nang bumaling roon si Raya ay naka-rehistro sa screen ang pangalang 'Manager Cristal'.

"I'll just take this call." Pagpapaalam niya sa kaharap bago niya tuluyang sagutin ang tawag.

["Good evening, Miss Naya!" Masigla ang tinig ni Cristal sa kabilang linya.

"Hello, Cristal."

["Busy ka ba, Miss? Baka gusto mong tanggapin ang modeling sa Singapore."]

Singapore? Tama ba ang kanyang narinig?

"Come again?"

["Kailangan ng Filipina model sa Singapore, Miss."]

Tila naman sumilip ang pag-asa sa puso ni Raya. Paano nangyaring nagkaroon ng offer sa modeling at sa bansa pa kung saan naroon ang kanyang mga anak.

["Urgent kasi. Kung papayag ka, aalis ka na ngayong gabi. May darating na chopper diyan para sunduin ka. Pero hindi kita masasamahan, ha? Huwag kang mag-alala dahil may magga-guide naman sa'yo doon."]

"Yes, Cristal! I am interested. I will accept the offer."

["Kung gano'n ipapasundo na ba kita?"]

"Yes! Yes, Cristal. Hurry up please."

Tuluyan nang napangiti si Raya. Para siyang maluluha sa saya. Sa wakas, ilang sandali na lamang at makikita na niya ang kanyang mga anak.

Ngunit hindi niya naiwasan ang mapaisip.

Sobra naman kasing coincidence ang nangyari.

Maaaring iyon na ang sinabi ng kanyang kaibigan.

Ngunit ang tanong, ano ang mga hakbang ang ginawa ni Katriss?

Tiyak na may nilapitan ito at hiningan ng tulong.

Ang tanong, sino ang nasa likod ng modeling offer?