Chapter 5
“No, I just know you won’t. Deep inside, I know that you care for me, D,” matapang na balik ni Caleb sa dalaga.
Lalo itong napanganga sa kanya. “What? No freaking way! Why would I care about you? I hate you!” she hissed. Pagkasabi ay sinikaran pa nito ang kanyang lulod. Natamaan iyon ng heel nito.
“Aw!” Tuloy parang napa-tinikling siya sa sakit. Hinaplos niya ito habang pilit pinapalis ang sakit sa lulod.
Tinalikuran na siya at iniwan nito sa ganoong ayos. Napatingin naman sa kanya ang mga empleyado na mukhang nagigiliw sa ginawa nilang eksena. Sigurado siyang kakalat na mamaya ang pangyayaring ito sa production area.
Hinaplos-haplos pa rin niya ang kanyang binti na in-assault ng dalagang lumabas na ng cafeteria. Habol-tingin siya rito na papunta sa direksyon ng production area. Malamang ay sa opisina nito para kunin na lang ang mga gamit para makauwi na dahil oras na ng uwian.
“Okay ka lang, Sir Caleb?” tanong ng isang janitor na pangisi-ngisi sa kanya.
Ngumisi na rin lang siya. “Ayos lang ako, Bert. Salamat sa pagtatanong.” Saka napailing siyang paalis na rin ng cafeteria.
“Mukhang mahihirapan ka kay Miss D, Sir Caleb! Kailangan mo yata ng bagong diskarte,” pahabol nito.
“No pain, no gain, Bert!” balik niyang napatawa saka napailing-iling.
‘Hmm. Bagong diskarte, huh?’ Napakiling siya ng ulo.
Ibig nitong sabihin ay hahabul-habulin niya talaga si Darielle. Never pa man din siyang naghahabol ng babae dahil ang mga ito na ang kusang lumalapit at nagbibigay ng motibo sa kanya kaya hindi na siya nahihirapan. Sa guwapo naman kasi niya ay bigas na ang lumalapit sa manok niya. Eh, ‘di tutuka na lang siya. Siya pa ba ang hihindi?
‘Kaya lang si D ‘yon, eh!’ anang isip niya.
Alam niyang mahihirapan siya rito.
***
Nagpupuyos ang dibdib ni Darielle.
‘Ano raw? Try it some time? Ang baliw na babaerong manyak na ‘yon! Wala talagang magawa sa buhay ang Mr. Obscene na ‘yon! Puro talaga kamanyakan ang alam sa buhay. Kakagigil!’
Halos ibalibag niya ang pinto kaya napatingin sa kanya ang mga taong nasa production area. Mabilis niyang kinuha ang kanyang shoulder bag at tuloy-tuloy na siyang lumabas muli sa kanyang opisina para umalis na.
Tahimik ang buong production floor habang nakasunod ng tingin sa kanya. Wala naman siyang pakialam. Sanay na siyang pinagtitinginan ng mga ito kahit sa ordinaryong mga araw.
Iyon nga lang, hindi ito basta-bastang ordinaryong araw para sa kanya. She had never felt hell in her life until today. May problema na nga siya sa kumpanya ay dumagdag pa ang manyakis niyang site director. Kung siya lang talaga ang masusunod ay parurusahan niya ang gagong iyon.
‘At ano naman kayang klaseng parusa, D?’ singit ng kanyang isip. Tila tinutuya siya kaya binalewala na lang niya ito. Ayaw niyang patulan at lalo lang siyang maii-stress.
Bumuga siya ng hininga nang marating na niya ang parking lot. Binuksan niya ang pinto ng maliit niyang kotse at sumakay na. Pero minalas siya dahil ayaw umandar ng kanyang kotse. Hindi niya alam kung bakit. Lalo naman siyang sumimangot dahil bigla niyang nakita ang butil ng tubig na sumalampak sa windshield.
“Shit! Bakit ka pa umuulan?” aniyang nakatingala sa langit. Mukhang lalakas ito dahil sa kapal ng ulap sa kalangitan. Masyadong kumulimlim sa paligid na animo’y gabi na.
***
Mula sa bintana ng opisina ni Caleb, nasilip niyang umuulan na sa labas. Napansin niya si Darielle na lumabas ng kotse nito mula sa pagkalulan nito.
“Dad, take it easy. We’re taking care of the problem, all right?” Kausap niya ang pinaka-boss nila sa kumpanya sa kanyang cell phone dahil tumawag ito sa kanya. “You know what Darielle is capable of. She can handle it. You may have seen the e-mail exchanges between her and the team.”
“I’m not saying that she’s not capable of handling this issue, Caleb. I’m saying that you’re not helping her much!” his father scolded him.
Humugot ng malalim na hininga ang binata at sinulyapan si Darielle sa labas.
Naisip niyang may problema ang babae sa sasakyan nito. Hinuha niya ay hihingi ito ng tulong sa kung sinuman sa kumpanya at malamang taga-engineering department ang nilapitan nito.
“I am trying, Dad,” tanging nasabi niya. Nagkiskis ang mga bagang niya at napasulyap sa larawang nasa ibabaw ng kanyang desk. Ilang taon na rin iyong nakapatong doon at araw-araw niya itong pinakatitigan nang walang kasawaan.
“You’re trying? Tell me, what steps have you taken up so far to help Darielle in this tight situation?” anang ama niya.
Hindi siya nakapagsalita.
“Don’t tell me you’re just fucking around, Caleb!” Tumaas ang boses ng ama niya at napamura ito.
“Dad…”
“You work your ass off on this until everything’s smoothened out. Do you understand?” saka pinutol na nito ang tawag.
Napabuga ng hangin ang binata. Lumunok siya at halos lumaylay ang mga balikat at bumagsak ang kamay na may hawak ng cell phone. Pagkahigit ng hangin ay ipinasok niya iyon sa kanyang bulsa.
Ilang minuto pa niyang tiningnan mula sa bintana habang tsinitsek ni Alan ang kotse ni Darielle sa kabila ng pagbuhos ng ulan. Isang payong lang ang dala ng babae habang pinapayungan si Alan na may kinalikot sa kotse nito.
“She’s clearly in trouble,” nausal niya pa sa sarili.
Kahit sa distansiyang iyon ay kita niya ang body language ng babae. Sa tingin ng binata ay naiinis at nag-aalala ito dahil hindi madaling makakasakay kapag ganitong nagsusungit ang panahon. Malamang puno ang mga bus at mahirap makakuha ng taxi.
Naisip niyang kailangan niyang tulungan ang dalagang makauwi kung ganito nga ang sitwasyon. Kapag napapaisip siya sa ginawa nito sa kanya ay nakokonsensiya siya. Kaya lang ay hindi niya rin maiwasang masiyahang makita ang iba’t ibang emosyon sa mukha nito maliban na lang sa stoic na expression nito. He thought she looked hot whenever her emotions gave her away. Kagaya na lang kanina nang binanggit niyang nasaksihan nito ang ginawa niya sa nurse.
Ini-imagine na lang niya ang sarili habang nasa eksenang iyon at nasilipan sila ng Ice Queen ng kumpanya. Kahit papaano ay napangiti siya habang iniisip ang shocked face ni Darielle nang mga sandaling iyon.
‘She must feel disgusted, but I guess, that scene won’t easily leave her thoughts,’ sa loob-loob niyang napangiti habang nagmamadaling bumaba upang tulungan ang malamig na babaeng matagal nang kumuha sa kanyang atensyon.