Chapter 3

“No. Please don’t bother.” Never sasabay ng pagkain si Darielle sa binatang sobrang babaero.

Pagkasabi ay pumunta na siya sa may water dispenser at kumuha ng disposable na baso para magsalin ng tubig. Iinom lang siya ng pill para mawala na itong sakit sa ulo niya.

Sa isang sulok ng kanyang mga mata ay kita niyang nakasunod ng tingin sa kanya ang lalaki hanggang sa pumili siya ng mesa na malayo sa ibang mga empleyado para pumuwesto roon.

Sumunod si Caleb sa kanya na may dalang dalawang trays. Nagsimula na itong kumain habang siya ay tahimik na nanonood na parang isang Ice Queen na nakatunghay sa kanyang tauhan na kumakain na parang patay-gutom.

Parang gusto niyang sikaran ang lalaki. Lumamon lang kasi ito nang lumamon na parang wala siya roon.

‘Hindi ba siya magsasalita?’

Napadako ang mga mata niya sa medyo curly hair nitong maikli, matangos ang ilong, wavy ang pilik-mata, may light brown eyes, pinkish lips, at parang sculpted ang panga at mukha nito. He was, in fact, an epitome of a god-like person. Sobrang guwapo!

‘Kaya ba hinding-hindi makakahindi ang mga babae sa kanya?’ napaisip pa siya.

***

Nag-angat ng mukha ang treinta y singko anyos na binatang si Caleb. Nagtama ang mga mata nila ni Miss Aloof. She had the most beautiful black but guarded eyes he had ever seen. Alam na niya ito simula pa lang nang una niya itong makita, like six years ago. Supervisor pa siya noon at ito ay kaka-join lang sa kumpanya.

Madali itong nag-angat ng posisyon dahil sa galing nitong magtrabaho. Fast learner, serious, focused, career-driven, assertive, and proactive⸺plus, later on, strict. Mga qualities na bibihira niyang nakikita sa iisang babae.

Maganda ito. May maliit pero matangos na ilong, medyo makipot ang mga labi na palaging nakasara at naglilinya kaya hindi approachable, maarko ang mga kilay, at may malalantik na pilik-mata na hindi na kailangan ang mascara para ma-define nang maigi. Maganda rin ang katawan nito. Kahit petite ito ay makurbada sa tamang mga lugar.

In short, she was beautiful and sexy as hell.

Alam ni Caleb na may mangilan-ngilang nagkakagusto sa dalaga sa kumpanya nila pero kahit unang hakbang lang para maka-first base ay hindi magawa-gawa dahil sa sobrang unapproachable. Natatakot na agad ang mga kasamahan nila sa trabaho. She was that intimidating.

But what about him? True, crush niya ito unang kita pa lang niya pero nagdadalawang-isip siyang ligawan ito dahil sa ilang rason.

Una, hindi friendly.

Pangalawa, seryoso sa trabaho, hindi katulad niya na parang laruan lang ang kumpanyang mamanahin naman niya kapag nagretiro na ang ama. Siya ang susunod na magma-manage sa buong kumpanya.

Pangatlo, ayaw niyang mapahiya kasi ma-pride din siya. No one had ever said “No” to him yet.

Pang-apat, ayaw niyang ma-in love dahil ang katulad nito ay ganoon ang dapat kahahantungan sa huli. He could not imagine himself being in love with anyone else, let alone with her. It was a… complicated thing for him. Or was it because he was just a coward despite his feelings for her?

At higit sa lahat, ang panglima, may warning na ang kanyang ama na kung maglalaro man siya sa mga babae ay hindi niya isasali roon si Darielle. Alam talaga ng ama niya ang kalibre niya at nakikita nito kung ano ang puwede pang maitutulong ng babae sa kanilang kumpanya. Kaya ganoon.

Now when he thought about all this, parang gusto niyang magsisi. Bakit at paano ba siya nakatiis sa mahabang panahon nang walang ginawang hakbang para mapasakanya si Darielle?

He noticed her dark eyes were drawn into mere slits. “Aren’t we going to talk about the feedback?” untag nito sa kanya.

Napatulala na kasi siya habang nakatitig nang husto sa babae. Nang marinig niya ang maganda nitong boses ay nagpahid siya ng table napkin sa bibig bago inabot ang bote ng soft drink at sinipsip ang straw habang nakatitig sa dalagang naghihintay pa rin ng kanyang sagot.

Nasorpresa talaga siya kanina nang makita niya ito sa harap ng pinto ng clinic pagkatapos ng kababalaghang ginawa niya sa nurse. Pumunta lang sana siya roon para manghingi ng pill para sa sakit ng ulo dahil kanina pang umaga niya nakita si Darielle na hilot nang hilot sa ulo dahil sa laki ng problema ng feedback. Parang pasan nito ang problema na iyon nang mag-isa.

Ending, nagpakita ba naman ng motibo ang nurse kaya pinagbigyan na niya. Kailangan din naman niya kasing magpalabas. Buti’t girl scout ang nurse⸺laging handa⸺dahil may dalang rubber na magagamit niya. But now, looking at Darielle, he suddenly felt guilty. Ewan ba niya. Parang daig pa niyang nag-cheat sa asawa sa bigat ng dibdib niya ngayon. Lalo na’t kaharap niya ito.

Yes, all of a sudden. Kung hindi niya siguro ito nakita kanina sa harap ng pinto, baka hindi siya makokonsensiya. Gusto niya tuloy tuyain ang sarili. He was such a bastard.

So, masakit nga talaga ang ulo ni Darielle dahil nagawi ito sa clinic at ininom nito ang pill kanina bago pumuwesto sa plastic round table sa cafeteria.

Napaiwas ng paningin ang babae na pasimpleng umirap sa kanya. Napatawa siya nang mahina.