Chapter 17: Kabanata 16: Hopes and Changes
Third Person's POV
"And so what happened after that?" tanong naman ni Willow nang matapos na ni Teron ang pagku-kwento kung paanong napunta sa kanya si Shadow ilang taon na ang nakakalipas.
"Hay nako Willow," sagot naman ng chief ng Enigma habang ang mga kamay niya ay nasa sintido, nagi-isip kung ano nga ba ang gagawin niya sa nangungulit nang si Willow.
"Come on, Teron. You should continue. Don't stop where the exciting part is coming through, kj ka naman masyado," nakangusong sagot ng babaeng nakapatong na ang baba sa mga kamay habang ang siko ay siyang nakapatong sa lamesa ni Teron.
"This is not the right time for this Willow," mabilis at seryoso nang sagot ni Teron sa kanya.
Alam din naman kasi ni Teron na hindi siya titigilan ni Willow unless gamitin na niya ang authority niya bilang chief ng Enigma. Ganoon sila ka-close kaya nagagawa siyang kausapin lang ng kaswal ng mga agents na ito. Pero hindi niya hinahayaang masunod parati ang gusto ng mga loko niyang alaga. Tanging si Shadow lang ang nakakapilit sa kanya.
"Did Sebastian tell you what happend the other day?" seryoso na namang tanong ni Teron sa ngayon ay nakahalukipkip na dalaga. "About Chaos and the first clue on his identity?"
Agad namang tumango si Willow. "Yup. He told me and I just can't believe that stupid Jericho doesn't have any idea on the bastard's true identity," inis na saad niya, "how can that even be possible? He worked for him at the first place though,"
"Stop it," saway ni Teron kay Willow, "We both know that if Jericho knew, siya na mismo ang unang susugod kay Chaos. He got his only brother, sana naman hindi 'yon nawawala sa isip niyo ni Sebastian. Wala lang choice si Jericho kung hindi gawin ang mga nagawa niya," malumanay na pagpapaliwanag ni Teron.
"Pero, hindi ka ba nagagalit sa kanya?" biglang tanong ng dalaga.
Agad na napatingin sa kanya ang chief habang nakakunot ng todo ang noo nito at ang kamay ay parehong nakapasok sa kanyang bulsa habang nakasandal sa lamesa niyang kulay brown.
"Magalit saan?" mabilis na sagot niya habang nakasilay ang isang makahulugang ngiti sa kanyang labi. "Saan naman ako magagalit?"
"He could've kill her, Teron. Kung hindi lang sana siya nahuli ni Sebastian at kung hindi niya lang nalaman ang nangyari noon sa Myriad," seryosong sagot ni Willow sa ngayon ay walang emosyong mukha ni Teron.
"Of course, I was mad. I was so close to killing him that time.." seryosong sagot ni Teron habang ang mga mata niya ay nakapako sa kanyang mga palad.
Sa kanilang tatlo ng kanyang mga kaibigan na sina Xariel at Alas, siya ang marami nang napatay. Naniniwala kasi ang kanyang mga kaibigan na hindi sagot na patayin lamang nila basta ang isang taong nagkasala. Higit na makabubuti raw kung ang taong napakasama ay magiging napakabuti, sa gayon ay maaari siyang maging inspirasyon pa sa iba na katulad niya rin. Na may pagkakataon pa pala para sila ay magbago.
Pero iba si Teron. Kaya niyang pumatay ng ganon-ganon lang, lalo na kung ang taong kailangang paslangin ay nakagawa ng isang mabigat na kasalan. No second chances kumbaga. Not until, mapunta sa kanya si Shadow.
Shadow did not only change his pespective towards criminals and bad guys. The innocent looking and kind-hearted child gave him enough reason to forgive and forget. To give second chances.
Dahil kahit anong hirap ang pinagdaanan ng noon ay bata pang si Shadow ay wala itong hinangad kung hindi ang makasama ang kanyang mga magulang. Maaaring nagtampo ito sa ilang pagkakataon pero laging nagpapatawad. Kahit nga ang pamilyang umabuso na sa kanya ng halos ilang taon, na pwede niyang parusahan at ipakulong ay hindi nito ginawa. Ayos na daw na kinuha siya ni Teron at nakaalis na sa bahay na iyon.
Agad na napangiti si Teron ng maisip ang panahon na iyon, "kaso naisip ko, hindi gugustuhin ni Shadow ang pumatay ako nang dahil lang sa isang tao na ang tanging gusto lang naman ay makasama ang nag-iisa niyang pamilya," mabilis na tumingin siya kay Willow at ipinaling ang ulo sa kanyang gilid, "and we both know the reason behind that attitude."
Mabilis na napangiti si Willow sa sinabi ng chief. Tumango-tango pa ito bago tuluyang tumayo at inayos ang suot na black coat, white shirt at faded na jeans. "Now, I understand why. Kung bakit never mong sinaktan si Jericho. The stupid Jericho is lucky na nagbago ka na," tumatangong sambit ni Willow.
"Nagbago?"
"Yeah. You were so notorious according to the tales in the agency. Walang kinakatakutan, walang inaatrasan. Patay kung patay, pero nung dumating na daw si Shadow sa buhay mo, malaki ang naging pagbabago mo and kahit hindi kita naabutan sa iyong wild side Teron, I know and I now understand what they meant. You finally have found a family," saad ni Willow habang may malungkot na ngiti ang nakasilay sa kanyang labi.
"A family... yeah, she's my family."
"You're so damn lucky Teron. You've found a family. Not all people can have that miracle in their lives. I envy you," sambit pa ni Willow at saka ito naglakad papunta sa pinto ng opisina ni Teron.
Napangiti na lang si Teron sa sinabi ng dalaga. Tama siya, tama sila. Malaking pagbabago ang nagawa sa kanya ni Shadow. Hindi lang 'yon, binigyan pa siya ng anak-anakan ng isang bagay na inakala niyang hindi niya na mararanasan pa. Iyon ay ang magkaroon ng pamilya at maranasan kung paanong maging ama.
"Don't worry, Willow.. You would soon find it too, if you only open up your eyes and heart."
Natawa na lang ang dalaga at saka napailing. Iniisip na sana nga tama ang chief, na balang araw ay magkaroon din siya ng tao o mga taong matatawag niyang pamilya.
"Enough with me, Professor Lopez," nangingising saad ng ngayon ay nasa pinto nang si Willow, binibigyang diin ang bawat salita, "may klase ka pa diba? Pumasok ka na para makita mo na si Shadow, paniguradong nakabusangot na naman ang mukha no'n sa ingay ng mga ka-block niyang walang kwenta ang pinag-uusapan."
Napapailing na natawa si Teron sa sinabi ni Willow, "Oo na, Shine," sagot naman ni Teron na talagang diniinan pa ang pagkakasabi sa huling salita.
"Bye Teron! See you at the first meeting of the alpha team.. feat the stupid Jericho." natatawang saad ni Willow at saka ito tuluyang lumabas na ng opisina ni Teron.
Mabilis na nagpalit na ng suot na suit si Teron at saka inayos ang medyo nagulo niya nang buhok sa mahabang kwentuhan nila ni Willow tungkol kay Shadow. Kinuha na rin niya ang nameplate niya bilang professor ng isang university, ang folder at libro na kakailanganin niya sa klase at ang isang file na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa Myriad. Mabilis na inilagay niya na rin ang isang dark blue na wig sa kanyang ulo at maingat na inayos ito at saka isinuot na ang kanyang salamin.
Sumulyap pa siya sa kanyang repleksyon sa salamin, tumitig sa kanyang mga luntiang mga mata at saka ngumiti.
"Another day of facing you as your professor, my daughter. Miss na kita pati yung mga pang-aasar mo sa'kin. Sana naman bumalik ka na.. Shadow."
Blanc's POV
"Hay sa wakas!" masayang sambit ko ng mailapag ko na ang isang bag na bitbit ko sa lupa ng Alire.
Ilang oras din ang binyahe ko para lang makapunta dito. Hindi ko nga rin akalaing magagamit ko pala ang perang iniwan noon sa akin ni Agent Dow, ni Shadow. Akala ko ay mananatili na ako habang buhay sa magandang lugar na 'yon pero heto ako at nandito sa Alire, kinakabahan na baka nasa paligid lang ang hayop na Chaos na 'yon at bigla ay hindi ko magawa ang bagay na ipinunta ko naman talaga dito.
Ang makita siya at kamustahin sa nangyaring mission niya two years ago. Hay.
Napasapo na lang ako sa aking noo nang mapagtanto kong hindi ko pala alam kung saan ako dapat na pumunta. Mabuti na lang at nakuha ko ang number ni Agent Tian at nasiguro na hindi nga siya kalaban kung hindi kakampi ni Shadow. Kung nagkataon, malalagay na naman ako at ang buhay ni Shadow sa alanganin.
Mabilis na idi-nial ko ang number niya. Ilang segundo pa itong tumunog bago may sumagot.
"Agen-"
"Yes hello?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig na puno pa ng yelo nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Oo, ilang taon ko na siyang hindi nakikita at nakakausap pero hindi iyon magiging dahilan para hindi ko makilala ang boses ng kaisa-isang tao na itinuring ako na hindi iba sa kanya. Ang isang tao na nagparamdam sa akin na pwede rin pala akong mabuhay ng normal.
"Shadow? Ikaw ba yan?" masiglang sambit ko.
"Uhh... Yes, who's this?" sagot niya sa kabilang linya.
Panigurado, nakakunot na naman ang noo niya.
"It's Blanc! You don't remember me? You don't recognize my voice? Naturingan ka pa namang una sa Enigma," natatawang sambit ko sa kanya.
"Enigma?" napakunot bigla ang noo ko sa naging sagot niya. Ano bang nangyayari dito?
"Shadow who's that?" dinig kong tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. Hindi pa rin ako makaimik sa naging reaksyon niya Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako.
"Blanc? I don't know and what's with... what he said... Enigma?" dinig kong sagot niya.
"I'll call you back," mabilis na sagot ni Agent Tian at saka ibinaba na ang tawag.
What the heck is that? Nasa shooting ba ako ng isang nakakalokong palabas? Niloloko ba ako ng mga taong 'to?
She don't remember me? What the hell is going on? What really happened in that two years, Shadow? What happend.. Agent Dow?