Chapter 14: Kabanata 13: First Clue
"Good afternoon Sir Tian." tipid na bati sa akin ng mga taong nakakasalubong ko sa loob ng building.
Tanging tipid na ngiti lang ang naisasagot ko sa kanila. Ilang pamilyar na mukha pa ang nadaanan ko, tinanguan, kinawayan, at binati pero ramdam ko pa rin ang kaibahan ng Enigma ngayong wala si Dow dito.
Tulad ng isang intelligence agency, nahahati ang gusali ng Enigma sa ilang departamento; bomb sa una hanggang ikatlong palapag, search and rescue naman sa ika-apat hanggang sa ika-anim na palapag, intelligence o kung saan naroon ang mga agents tulad namin ni Dow na umuukupa sa ika-pito hanggang sa pang sampung palapag, at ang research facility na matatapuan sa basement ng Enigma.
Si Dow ang siyang nagsisilbing pahinga ng lahat. Source of energy sa mga pagkakataong nawawalan na ng pag-asa sa ilang mga mission at cases, at ang tagapag pangiti. Siya din kasi ang bunso ng buong Enigma. No wonder ganito ang nagiging epekto ng pagkawala niya sa Enigma. Kapansin-pansin ang panlulumo at pagiging malungkot ng buong Enigma sa mga ganitong pagkakataon.
Hindi nagtagal, narating ko din ang opisina ni Teron, ang chief officer ng Enigma at ang tumayong tatay kay Dow.
"Kamusta na si Dow? May nakikita ka na bang improvements sa kanya? Bumabalik na ba kahit na papaano ang mga alaala niya?" agad na tanong sa akin ni Teron, pagkapasok ko palang sa opisina niya.
May ngiting umaasa sa kanyang mukha, bagay na nauunawan ko namang talaga. Parang isang anak na rin kasi ang turing niya kay Dow.
Kung nasasaktan kaming dalawa ni Wee, paniguradong mas masakit para sa kanya na magkaganito ang anak-anakan niya. Na makalimutan ni Dow ang pangalan at mukha niya. Sino ba namang ama ang matutuwa kung sa paggising ng nag-iisa mong anak, eh hindi ka na niya kilala.
Halos buong buhay ni Teron ay iginugol niya na sa loob ng Enigma. Tanging si Dow na lang ang natitirang pahinga at kasiyahan niya, pero heto at nakalimutan pa siya.
Napabuntong hininga na lamang ako at agad na umiiling bilang tugon sa tanong niya. Agad din namang nawala ang ngiti sa mukha niya, siguro ay inaasahan niyang may maganda na akong ibabalita sa kanya sa pagkakataong ito. Pero, tulad niya, ay bigo din ako.
"I'm sorry, Teron." tipid na sagot ko sa kanya, "I really wanted to give a good and happy news pero, wala eh."
"It's okay, Tian. Hindi mo naman kasalanan 'yon. Nananabik lang siguro akong makita na siyang nandito sa loob ng Enigma. Nakakamiss din pala ang mga kalokohan ng batang iyon." natatawang sambit niya.
"Good afternoon Mr. Avante," tinig kong wika ni Jericho mula sa aking likuran.
Nakalimutan ko na kasama ko pala ang gagong 'to. Sinundan ko lang siya ng tingin habang diretso naman siyang umupo sa isang upuan sa gilid ng lamesa ni Teron at tahimik siyang sumandal doon habang ang mga mata niya ay lumilibot sa buong silid.
Bahagya na lang akong napangiti. Kung hindi lang talaga dahil kay Teron at sa pangangailangan ng mga ebidensya laban kay Chaos, matagal ko na sigurong napatay ang isang 'to. Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang ginawa niya kay Dow.
"Tch. Hindi bagay sa'yo maging ganyan, Jericho," makahulugang wika ko sa kanya habang umuupo sa katapat niyang upuan. "We both know what you're capable of. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ka pa."
"Huwag kang magalala, mawawala din ako sa oras na bumalik na si Dow," mayabang na sagot niya sa akin at saka sumandal sa sandalan ng kanyang upuan. "Hindi mo na ako kailangang palayasin, dahil kusa na akong aalis."
"Mabuti naman kung gano'n. Mas magiging ligtas siya kapag wala ka na sa paningin niya."
"Alam ko. Hindi mo na kailangan pang ipagduldulan sa akin ang katotohan na 'yan. Alam ko at inaamin ko." sambit niya at saka tumingin sa akin ito ng diretso. "Hangga't nasa tabi niya ako, hangga't kasama niya ako at nakikita, hindi kailanman magiging ligtas ang lugar na ito para sa kanya. Alam ko yon." mapait siyang ngumiti.
"Buti naman at alam mo pala, Jericho."
"It's not that gusto ko siyang patayin that time, you should also understand my situation, Sebastian. Hawak ni Chaos ang kapatid ko, ano namang laban ko do'n? Buhay na ng nag-iisa kong kapatid ang pinag-uusapan natin dito. I could kill a thousand of people even her again and again, just to save my little brother." seryoso niyang sambit sa akin.
"Then why don't you go back to that evil son of a bitch!?"
"Sebastian... stop," tipid na puna sa akin ni Teron.
"But Te-"
"Stop. Hindi makakatulong sa atin ngayon ang mag-away. Higit na kailangan natin ang isa't-isa para matulungan natin si Dow at mahuli na si Chaos." sambit niya sa seryosong tono. "This mission is not our top priority right now, her safety is. So I want you both to always keep your eyes on her. We all know what she's capable of. Once na magpakita na siya ng signs na bumabalik na ang memories niya, maaari niyang ulitin kung ano ang ginawa niya. And you know what I mean."
"Yes. I know it very well. Dahil kung dumating sana kami ng mas maaga, hindi na sana nangyari 'to."
Dow has a very immature and petty personality sometimes as an agent. Dahil sa alam niyang si Chaos ang pumatay sa mga magulang niya, nung araw na nalaman niya ang tunay na pagkatao ng Chaos na 'yon, ay agad niyang sinugod sa mismong kuta ang hayop. Nabanggit man niya na alam niya na sa amin ni Wee kung sino si Chaos, ay hindi niya naman sinabi kung sino. Laban niya raw kasi ang ipupunta niya at hindi para sa Enigma.
"It is selfish to drag you both sa sarili kong laban. Akin na 'to," tanda ko pang sambit niya sa amin.
Nainis man ako sa sinabi at ipinakita niya noon ay wala naman akong nagawa. Dow is very persistent, hard-headed and stubborn. Habang pinagbabawalan ay lalo niyang gugustuhin na kumawala at gawin ang nakaplano na sa kanyang isip. Ganoon siya, kaya madalas na mahirap mabasa kung ano talaga ang iniisip niya.
She lives like there's no tomorrow.
Although kalaunan ay ibinigay niya ang location, ay hindi naman namin naabutan ang naging labanan nila ni Chaos at mabilis pang nakataas ang hayop.
"For sure, she won't like it hearing that from you, Sebastian," saad ni Teron at saka tinapik ang aking balikat. "It's not anyone's fault, we knew that. Nagkataon lang na gano'n ang nangyari but we won't let it happen twice."
"I know Teron. Hindi na ulit mangyayari yon." sagot ko sa kanya.
Ngumiti sa akin si Teron ng bahagya at agad ding sumeryoso. Inilapag niya ang isang folder sa kanyang lamesa at tumayo. Marahan siyang lumakad papunta sa pinto ng kanyang opisina, sinugurado niyang naka-lock ang pinto, ibinaba ang binds at pinatugtog ang radyo.
Nakakunot noo akong tumingin sa kanya. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Teron. May dapat ba kaming itago sa Enigma at nagiging ganito ang ikinikilos niya?
"Anong nangyayari Teron? Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya.
"Basahin mo ang nakalagay sa folder na 'yan. Iyan lang ang nakita kong maaaring makatulong sa atin. Nakita ko yan sa mga gamit ni Dow." sagot sa akin ni Teron habang nakaturo sa folder na nasa ibabaw ng lamesa niya.
Mabilis na kinuha ko ito at agad na binuklat. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Teron, bahagya pang nakaawang ang aking bibig sa labis na pagkagulat. Ano itong nababasa ko? Hindi kaya nagkamali lang si Dow sa bagay na ito? Paanong ganito ang nakikita ng mga mata ko?
"Alam ko ang iniisip mo, Sebastian," biglang sambit ni Teron nang muli itong makaupo sa kanyang shivel chair. "Mali ka, dahil kahit kailan hindi magkakamali si Dow sa ganito kaseryosong bagay. Hindi niya ugaling magbintang at manghula. Lahat ng ebidensyang nakukuha niya kahit na noon pa man ay laging base sa matinding pagiimbestiga at matinding pag-aaral ng mga kasong hinahawakan niya. Kaya kung iniisip mong nagkakamali siya sa bagay na nakasulat diyan, mag-isip kang mabuti."
"Pe-Pero.. Isang malaking problema ito, Teron!" nagaalalang sagot ko sa kanya. "Kung sakali ngang totoo ito, hindi lamang buhay ni Dow ang nasa panganib kung hindi ang buong Enigma at lahat ng taong involve dito!" dagdag ko pa.
"Alam ko. Isang malaking sampal ito sa buong Enigma, na may ganitong klaseng hayop ang nakapasok sa napakalinis na ahensyang ito. Hindi ibinuwis ni Agent X at Ace ang mga buhay nila para lamang sirain ng kung sino man ang Enigma. Their death is more than any of these."
"Ano bang nangyayari?" biglang sambit ni Jericho na agad na hinablot sa kamay ko ang folder. "Nandito ang kalaban!? Sa mismong Enigma!?" gulat na sambit niya, halos pasigaw na nga.
Mabilis na kinuha ko pabalik sa akin ang folder at saka siya tinignan ng masama. "Nakakatawa namang hindi mo alam ang tungkol dito." saad ko, "Oo nga naman ano, bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa amin ang tunay na pagkatao ni Chaos? Halos dalawang taon ka na naming kasama, bakit hindi mo na lang sabihin kung sino si Chaos?" nakangising sambit ko.
Napabuntong hininga si Jericho at bahagya pang natawa. "Ano bang akala mo sa akin, tanga?" natatawang wika niya. "Kung alam ko lang ang tunay na itsura niya, edi ako na mismo ang nagsabi sa inyo kung ano ang wangis niya. Hindi ako tanga, Sebastian at hindi rin bobo si Chaos para magtiwala ng lubusan lalo na pagkatapos ng nangyari kay Blanc." diretsong pagpapaliwanag niya. "Chaos is... something more evil that you thought of him."
"Paano naman ako maniniwala sa sinasabi mo? Eh gayong nanggaling ka rin naman sa kalaban?" sagot ko sa kanya.
Natawa siya ng bahagya. Napapailing na tinignan niya ako, "Hindi ko naman inaasahan na maniniwala ka, pero kahit pilipitin mo pa ako o kahit na patayin, wala akong nalalaman sa tunay niyang pagkatao." agad na nawala na ang ngiti sa labi niya, "kung nais mo siyang mahuli dahil sa isang kaibigan, ako gusto ko siyang patayin para sa nag-iisa kong pamilya."
"Men.. Let's not fight amongst ourselves," saad ni Teron na agad na pumagitna sa aming dalawa. "We all want to capture that son of a bitch. May kanya-kanya man tayong dahilan, iisa lang ang gusto natin. Can't we just work as a team? Para kay Dow," saad niya at siyang sulyap sa akin, "at para sa kapatid mo." dagdag niya at saka tumingin kay Jericho.
Ilang segundo pa kaming nagkatitigan ni Jericho at sabay na ibinaling ang tingin sa magkabilang gilid.
"This piece of document tells us that somehow, Chaos is connected to Enigma pero aside from that, hindi nabanggit ni Dow kung nandito pa o wala na si Chaos," saad ni Teron at saka kinuha ang folder, "So, it's better for you Jericho to not come here for the moment. Baka masira lang ang plano kung sakaling malaman niya na all this time, niloloko mo na lang pala siya."
"Roger that, Mr. Avante."
"Ikaw naman Sebastian, keep your eyes on her at sa lahat ng taong makakasalamuha niya."
"Yes, Chief." sagot ko at mabilis na nilisan ang opisina ni Teron.
Maaaring nandito sa loob ng Enigma ang kalaban, kung ilan sila ay hindi namin alam. Kaya, gaano katagal ka pang mawawala?
Third Person Point of View
"Bwisit!" malakas na sigaw ni Chaos sabay bato nito sa hawak na glass tube. "Kung hindi lang talaga ako nilayasan ng walang utang na loob na Blanc na yan, marahil ay matagal nang natapos ang letcheng project na ito!"
"Sir, calm down. We would repeat the process and come up with a better so-"
Malakas na sampal ang pinakawalan ni Chaos sa kanyang kasama. Matalim itong nakatingin sa lalaking hindi na malaman ang gagawin at bahagya pang nagulat sa kanyang ginawa.
"Calm down!?" nanlilisik ang matang tinitigan niya ang lalaki, "kung hindi niyo lang sana hinayaang makatas ang hayop na Blanc na yon, hindi na sana tayo naghihirap ng ganito! Mga wala kayong utak!" sigaw niyang muli at saka sinampal muli ng pagkalakas-lakas ang lalaki na siyang naging dahilan ng pagbagsak nito sa lupa.
"Dad..." walang emosyong wika ng isang lalaki sa gilid ni Chaos, "Dad... " paguulit pa nito na parang isang plaka.
Malungkot na tinignan ni Chaos ang lalaking nakaupo sa kanyang gilid. Pinagpag ang ilang piraso ng papel sa balikat nito, inayos ang nakatabinging neck tie, at saka hinila ito sa isang mahigpit na yakap.
"Malapit na anak, maibabalik din kita." wika niya at saka ginawaran ng halik ang noo ng binata.
"Dad..."
"Hahanapin kita Blanc at itutuloy ang sana ay natapos nang proyekto." wika ni Chaos habang nakapako ang tingin sa kanyang anak, "at magkikita na tayong muli, Dow."