Epilogue
"You may now kiss the bride," deklara ng pari hudyat na tapos na ang seremonyas ng kasal.
Hinawi ni Alex ang belong tumatakip sa mukha ng nobya saka marahang hinalikan sa labi. Sigawan at palakpakan ang tanging maririnig sa paligid.
"I love you," masuyong bulong ni Alex sa nakangiting nobya na ngayon ay asawa na.
"I love you too," tugon ni Ariah habang nakatitig sa asawa. Muli siya nitong hinagkan kaya muling nagpalakpakan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Naroon si Mia na masayang masaya para sa kaniyang kuya at Liah na proud naman sa kaniyang Ate.
Sa lahat ng pinagdaanan at nalagpasan ni Ariah ay daig pa nito ang nagkaroon ng pangalawang buhay. Tila nagising siya nang araw na iyon sa isang bangungot. Sa mahabang pagkakakulong niya sa ICU ay pawang masasamang ala-ala ang dumalaw sa kaniya. Naririnig niya ang paligid at mga taong naroon para sa kaniya ngunit hindi siya makagalaw kaya tanging luha ang sagot niya sa mga pakiusap ng mga ito. At ang araw na maigalaw niya ang kaniyang kamay ay tila isang hudyat ng muling pagkabuhay para sa kaniya. Kahit suntok sa buwan ay nakipaglaban siya kay kamatayan. Mabait pa rin ang Dios sa katulad niyang makasalanan dahil binigyan siya ng isa pang pagkakataon para mabuhay at gumawa ng tama.
Nakangiti nilang hinarap ang mga kamag-anak at kaibigang naroon na isa-isang bumati sa kanila.
"Congratulations!" anang mga ito.
"Anak, hangad ko ang kaligayahan mo," si Don Arthur nang lumapit ito sa kanila.
"Ingatan mo ang anak ko," aniya pa at bahagyang tapikin si Alex sa balikat.
"Makakaasa ho kayo," sagot naman nitong maluwag ang ngiti.
"I will love you for the rest of my life," bulong ni Alex habang naglalakad sila papunta sa kotseng maghahatid sa kanila sa airport. Sa Maldives ang kanilang honeymoon at susundan iyon ng trip to Paris.
"I love you too,"tugon naman ni Ariah.
Napatili siya nang buhatin ng asawa at nagmadaling isakay sa kotse.
2. 5years later.
"Mommy, I want to sleep with you," namimilog ang mga mata ng batang si Alexa habang nakikiusap sa Ina.
"Alexa anak, masama ang pakiramdam ni mommy. Bukas ka na lang tumabi sa kaniya ha?" matiyagang tugon ni Alex sa anak.
"Halika na ihahatid na kita sa room mo," anitong binuhat ang inaantok na bata pabalik sa silid nito na nasa tabi lamang ng kanilang kuwarto.
Inihiga niya ito at mabilis namang nakatulog.
"Hmmm... my turn.." aniya nang makabalik sa kuwarto nilang mag-asawa.
"Hay naku, luma na yang style mo Alexander!" tugon naman niya.
"Sige na, mabilis lang," hirit pa nito na umubabaw na sa kaniya.
"Ano pa bang magagawa ko eh nandiyan ka na," aniya saka inangkla ang mga braso sa leeg ng asawa.
Ariah, Violet or Lucy, she will always be the woman who can do everything for her loved ones. A strong and brave for all the trials. A woman who lived in dark past but has a bright future with the people who love her.
WAKAS.