Chapter 41: GODS AMONG MEN

‘NASIYAHAN KA BA SA GINAWA MO? Ito ba talaga ang gusto mo?’ Napailing si Rome nang maalala ang mga sinabi ni Margaux. Alam niya ang tamang sagot sa mga iyon, pero mas pinili niyang itikom ang kanyang bibig.

Isa lang naman ang sagot eh—hindi.

Kaso ay may magbabago pa ba sa sitwasyon nila kung niyakap niya na lang nang mahigpit ang kanyang cara? Kung pinatahan niya ito tulad ng mga nakaraan at hinalikan imbes na pagsarahan ng pinto, mabubuhay ba sila niyon sa huli?

Isa lang din ang sagot—hindi.

He closed his eyes, realizing where his stream of thoughts was heading. Then, with a heavy sigh, he pulled a cigarette from his pocket and stepped away from the spot where he last saw Margaux.

‘Alberta! Kasalanan mo lahat ito!’ he mentally cussed before stopping exactly at where Margaux found the adoption paper.

Wala siyang sinayang na pagkakataon nang pulitin ang dokumentong nagpaiyak sa kanyang cara. Kinagat niya ang sigarilyo, kinuha niya ang ligther na nakapatong sa desk at sa huli… mas inunang sindihan ang papel na hawak bago ang kanyang sigarilyo.

He was voided as he waited for the Don’s name, written in that document, to burn.

‘Gawing kapatid ko ang nag-iisang rason kung bakit ako nabubuhay, Alejandro?’

He bitterly smirked before using the very same paper to light his cigarette.

‘Papatayin mo muna ako bago ako sumunod sa’yo...’

THAT NIGHT FELT LIKE A HUNDRED YEARS.

Maayos si Alberta. Sinuri rin ito ng doktor na tumitingin sa mga paa ni Margaux.

Dinner tasted like fresh depression mixed with meatballs. And the silence was just as bitchy as she remembered— medyo mas prominente nga lang.

‘Sino pa’ng nakakaalam?’ Margaux pouted her lips, pretending to read emails from her laptop. Nakapatong ang kanyang mga paa sa mas maliit na silyang kaharap ng couch. Mukha siyang kalmado para sa isang taong malapit nang masiraan ng bait. Napakatahimik niya at hindi man lang namamalayan ni Alberta ang matalas na tingin niya rito.

‘Alam mo rin ‘no, Alberta? Alam mong may relasyon kami pero tinago mo ang totoo…’

“Inaantok na ‘ko. Umalis ka na.”

Tunog ng lumapag na laptop sa mesa ang nagpalingon sa matandang babae. Kasalukuyan nitong inaayos ang kanyang kama.

Like a mother, Alberta squared her shoulders and shot her with a deadly glare. “Anong sinabi mo, Margaux?”

“Narinig mo, 'di ba?” Binaba niya ang kanyang mga paa sa carpeted na sahig. Then, cocking her head to the door, she ordered, “Alis.”

“Iyan ba ang ugaling natutunan mo noong nag-aaral ka pa?”

“Hindi.” Tumayo ang dalaga at paika-ikang lumapit sa kama. “Ito ang ugaling natutuhan ko nang mapaligiran ako ng mga ahas na kagaya mo—ugh!”

“Anong sinabi mo!”

Manhid na si Margaux nang hablutin ni Alberta ang kanyang braso. Paano niya pa maiisip ang sakit ng ginawa nito kung patay na siya simula pa nang pagtabuyan siya ni Rome?

“Ang sabi ko, ahas ka—ugh!“

Isang malakas na sampal mula kay Alberta. Iyon ang nagpapilig sa mukha ng dalaga bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi. Agad na namula ang kanyang pisngi. Mahapdi, pero tulad kanina ay wala na siyang pakialam kahit burahin pa ng matanda ang kanyang buong mukha.

She wasn’t angry anymore.

She. Was. Livid.

Nabubulagan na siya nang ubos-lakas niyang iigkas ang kanyang braso. Hindi na niya nakita ang takot sa mukha nito nang dakmain niya ang mabubutong balikat nito at gigil na ibaon ang kanyang mga daliri roon.

Hindi naging sapat para sa kanya ang sakit na bumakas sa mukha ng kanyang katulong. Mas lalo niya pang idiniin ang kanyang mga kuko sa balat nito hanggang mapangiwi ito sa sakit.

“Sino ang nagbigay sa’yo ng karapatang saktan ako?” Margaux narrowed her eyes while watching how Alberta winced. She had completely lost it. Kasing bigat ng kanyang paghinga ang galit sa puso niya.

“Naiintindihan mo ba ang tanong ko?” Kinalog niya si Alberta bago gigil na sumigaw, “ANONG KAPARATAN MONG SAKTAN AKO?!”

SUMIGAW SI MARGAUX at sapat ang lakas niyon para agad na huminto sa pagtakbo si Rome.

‘Cara mia!’

Pasado alas-onse na at malamig ang gabi. Mukha siyang anino habang suot ang kanyang itim na over-all. His night vision glasses, his lapel, and his mad spy skills made it easy for him to get past the guards.

Pero wala sa mga gwardiya ni Alejandro ang may kakayahan na pahintuin siya sa kanyang misyon. Boses lang ni Margaux ang may kakayahang gumawa niyon.

‘A-anong nangyayari sa’yo, cara mia?‘

[Maestro, kailangan ka nang dumating sa lokasyon sa loob ng dalawampung minuto. Nakita na namin ang target. Sinusundan ito ni Tats sa ngayon. Coordinate ng lokasyon …]

Paulit-ulit na naipilig ni Rome ang kanyang ulo nang mag-static ang boses ni Lucille sa kanyang lapel mic. Damn it. Hindi niya natandaan ang sinabi nitong lugar. Nahahati siya sa kagustuhang puntahan ang kanyang minamahal at ang kanyang misyon.

Apat na mahahabang segundo ang lumipas bago niya nabawi ang sarili at muling humarap sa direksyon ng kanyang escape route.

“A-ano ulit ‘yong coordinates ng target, Lucille?” halos ibulong niya ang kanyang tanong bago muling humakbang.

ILANG MINUTO MULA NANG TUMAKAS siya sa villa ay natagpuan ni Rome ang sarili na tumatalon mula sa isang tulay.

Jumping off and landing with both feet still attached was the easy task. The harder part was keeping his balance on top of that truck as it started maneuvering like a mad beast on that freeway.

‘Putangina!’

[Seventy-four miles per hour. Heading 14. 5995° N, 120. 9842° E. Velocity increase, three miles more per —]

“Manahimik ka, Lucille!“

Then there was that wild turn that tipped him over and slammed his back against the rigid metal roof of the truck. Mabilis na kinaladkad siya ng pwersa niyon hanggang sa dulo ng truck. Muntikan na siyang malaglag kung hindi niya nahagip ang bakal na nakausli sa gilid na bubong.

Sino ba kasi ang nagsabing madali ang maging hitman at espiya?

“I got the target,” he gritted on his lapel, fighting against the freezing wind that was punching his face. Bumabaon sa daliri niya ang matalas na bakal na nakapitan pero pinamanhid niya ang kanyang sarili. “Tawagan mo si Escobar. Magiging makalat ‘to — Cazzo!”

Hindi siya ang klaseng maingay habang nasa gitna ng misyon pero nakita yata siya ng driver ng truck. Bigla nitong sinipa ang silinyador kaya gumewang na naman at mas bumilis ang higanteng sasakyan. Everything was happening so fast and strongly that the tires of the truck left burn-marks on the poor asphalt and it made his grip loosen a little.

As identified by his computer genius assistant, Lucille — nasa loob ng rumaragasang sasakyang ito ang espiyang bumubura ng impormasyon ni Alejandro. Ito ang espiyang tinik sa lalamunan nilang lahat. Thirty-four years old, half-Italian, and as per Lucille’s report, a ‘soldier’ of Alejandro’s mafia.

‘Okay... so matinik din ang gagong ‘to—’

Tunog ng pumutok na baril ang nagpaigkas kay Rome mula sa pagkakasabit doon. Gamit ang lahat ng lakas niya, nagawa niyang iangat ang sarili pabalik sa ibabaw ng umaandar na sasakyan.

One more devious turn and his soul almost left him again when the driver sped to a nearby tunnel. Damn it! Muntikan na siyang humampas sa tulay na sadyang sinuungan nito kung hindi siya nakayuko agad. Balak talaga siyang durugin ng loko.

That was, however, the biggest mistake that the driver made that night.

Bakit? Kasi siya si Romano Saavedra, ang prestihiyosong espiya ng Deep Blue at ng kanyang angkan.

Mabilis na kumalma ang buong paligid oras na makapasok ang truck sa madilim na tunnel. Biglang naging napakatahimik na para bang sinumpa ng mga anghel sa langit na makatulog ang lahat.

The moonlight was soft against the tire burns on the street. Naging prominente ang tunog ng mga kuliglig na hindi naman kapansin-pansin kanila lang.

It was as if that road forgot that there were gods playing with death in that place.

Hanggang sa binasag ng tatlong magkakasunod na putok ng baril ang banal na katahimikan. Nasundan ‘yon ng nakakabinging alingasngas ng bakal sa magaspang na sahig. At para sa malaking katapusan, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa loob ng tunnel.

Napakalakas niyon! Sapat para umuga ang mga punong nakatanim sa tabi ng gutter ng highway at magliwanag sandali ang dalawang dulo ng madilim na lagusan.

“Maestro! Maestro!”

Hindi na masabi ni Rome kung galing ba sa lapel mic ang kanyang naririnig o totoong tumatakbo si Lucille papalapit sa kanya.

Nagdidilim ang isip niya habang nakahiga siya sa matigas na kalsada. Ramdam niya ang dugong gumuguhit pababa mula sa kanyang noo. Nabasag sa mukha niya ang isang lente ng kanyang night vision glass nang tumalon siya mula sa truck bago ito sumabog.

Was he okay? Obviously not.

Pero natapos niya ba ang kanyang misyon? Base sa takip ng granadang nakasabit pa rin sa kanyang duguang hintuturo, oo.

“Kaladkarin mo palabas ng sasakyan ang hayop na ‘yon, Lucille,” halos hindi lumabas ang kanyang boses nang utusan niya ang kanyang assistant. Inaabot na siya nang matinding pagod at hindi na niya kayang pigilan ‘yon. “Pakantahin mo siya...”

Although the whole place he was in was as hot as hell with the debris from the burning truck scattered around him, his fingers were getting cold with every second passing by.

“P-Pero, Maestro. Dadalhin muna kita sa ospital—”

“Iuwi mo na lang ako kay Margaux,” he managed to slur before darkness loomed over him. “Gusto ko nang matulog sa tabi ni Margaux...”