Chapter 39: TALE AS OLD AS TIME

HE TORTURED HER, but not as much as he tortured himself. Gustong sumigaw ni Rome. Gusto niya rin mambasag ng mukha, dahil sa tensyong bumabalot sa kanyang kamao.

Ang nakakatawa, wala man lang salitang nanulas sa kanyang labi nang gigil na itikom niya ang kanyang bibig.

Margaux was still dancing through the ‘Alla Mia Amata’ at tuloy pa rin ang paghampas ng malamig na ulan sa kanyang likod habang nakatayo roon.

Basang-basa siya, pero wala na siyang maramadaman. It was like the world stopped for a while to give him time to silently suffer there.

Perpekto ang tiyempo ng mga paa ni Margaux. Perpekto rin ang bawat hikbi nito na pumupunit sa buo niyang pagkatao.

‘Demonyo ka, Alejandro.‘ He gritted his teeth as the Morse code kept talking to him. His eyes were burning with both anger and pain, pero mas pinili niyang tapusin ang musika. ‘Hintayin mong magkita tayo—‘

“Rome?” Then there was that sweet, tired voice that cut through his murderous thoughts. Bigla siyang hinatak ng boses na ‘yon pabalik sa kanyang kinatatayuan.

Umuwang ang kanyang labi nang makasalubong ang tingin ng kanyang napakagandang cara. She was deranged. Laglag ang mga balikat nito habang manghang nakatitig sa kanya. Her eyes were swolen, na para bang magdamag itong umiyak dahil sa pag-aakalang hindi siya darating.

Ironically though, hindi niya rin alam bakit nakatayo pa siya roon. His senses were telling him to runaway, kaso ay hindi siya makagalaw. His cara’s tender gaze held him in his place.

“D-dumating ka?”

“Siyempre,” wasn’t really what he wanted to say when he pushed the door. Hindi niya napansing umawang pala ‘yon kanina kaya nasilip siya nito mula sa loob.

He swallowed hard. Margaux was staring at him like she needed him. Ang totoo ay kailangan niya rin ito. Nanghihina siya at ito lang ang may kakayahang magpakalma ng kanyang damdamin.

Napahilamos siya ng mukha. Pagkatapos ay tahimik siyang lumakad papunta sa kama nang hindi tinatanggal ang kanyang tingin sa duguang mga paa ni Margaux.

Pinagpasalamat niyang napanatili niyang matigas ang kanyang anyo kahit ang totoo ay durog na durog na ang kanyang puso. He wanted to hold her right there and then, but...

“Anong ginagawa mo sa sarili mo?” masungit na tanong niya.

Hindi agad nakasagot ang kanyang cara. Bagkus ay suminghot ito na parang bata, bago pinunasan ang sarili nitong luha.

She didn’t say a single word. Wala lang. Tumayo lang ito na parang hinihintay siyang lumapit at patahanin ito, pero hindi niya ginawa.

Hindi niya kasi kaya... ‘Damn it.’

[MAESTRO?]

“Narinig mo ‘ko, Lucille.”

[P-Pero…]

“Triangulate, Alejandro. Gusto kong kunin mo ang blueprint ng lugar na kinaroroonan niya. Ihanda mo ang flight ko papuntang Terni, Italy ngayong gabi,” Rome continued talking in a low voice, pretending not to feel the tender pair of breasts buried on his chest.

Ilang minuto matapos siyang dumating ay natagpuan na lang niya ang sariling kayakap si Margaux. Mahigpit ang kanyang braso sa babaeng natutulog sa kanyang dibdib. Pagod na pagod ang kanyang minamahal. Hindi na rin naman nito kailangang magsalita para ipaalam sa kanya kung gaano ito naghihirap.

Matapos niyang maasikaso ang mga paa nito ay inaya na niya itong matulog. He was casual the whole time, na aakalain ng iba na walang masamang nangyayari.

Katulad ng mga nakaraan, parang batang dumagan sa kanya ang kanyang cara oras na mahiga siya. Her warm arms held him so close that he could feel her breath against his ribs. Pero hindi sapat ang init ng dalaga sa ngayon para lusawin ang yelo sa kanyang kaluluwa. He was hollow.

[Imposibleng maiayos nang ganoong kadali ang gusto ninyo, Maestro. Furthermore, we need to find the Amati—]

“Nakita ko na.” Napabuntong-hininga si Rome kasabay ng pag-angat ng kanyang kamay. He instinctively combed his cara’s hair. His heart cried with her the whole time, pero siyempre, hindi na nito kailangang malaman pa ‘yon.

[M-Maestro…]

“Gusto ko nang patayin si Alejandro,” bulong niya sa telepono. “Makinig ka. The Alla Mia Amata is a Morse code. Decipher the whole note at once. Gusto kong mabasa ang buong detalye n’yan bukas na bukas ng umaga.”

[A-Ano?]

“At gusto ko ring mamatay na si Alejandro sa lalong madaling panahon.”

‘AYOS KA LANG BA?’ Hindi alam ni Margaux kung kailan pa naging napakahirap ang magtanong. Unlike last night, her morning was peaceful. Nakatulog siyang yakap ng kanyang caro.

“Tumayo ka riyan.”

Margaux slowly turned her lazy gaze to the man who was leaning his back against the window jamb. Recognizing the beautiful sight, she smiled at him, pushing herself up from the wooden bed. Napaigik siya nang aksidenteng kumiskis ang sugatan niyang paa sa papag. Pagkatapos, narinig niyang gumawa ng ingay ang mga yabag ni Rome sa sahig nang may pagmamadali itong lumapit sa kanya.

“Do you need help?”

‘I need you to love me…’ sagot agad ng kanyang puso. Pero sa halip na sabihin ‘yon ay nag-angat siya ng tingin dito, bago paulit-ulit na umiling. “N-no. Hindi naman masakit.”

“Sigurado ka?”

“Yep.” Another faint smile cracked her lips. Seeing that pinch of worry in Rome’s amber eyes was refreshing. It was as soft as the breeze passing through the window. Napakasarap sa pakiramdam. Nakaka-miss.

“Ummh. Eh, ikaw, caro? Nakatulog ka ba?” Sinuyod niya ng tingin ang kanyang minamahal. Sa itsura nito, mukhang hindi man lang ito nagpahinga mula nang patulugin siya. It was something she noticed he usually does— noong mga panahong akala niya mahal siya nito. “G-gusto mo magpahinga?”

“Wala naman pa lang masakit sa'yo, e ‘di kumilos ka na riyan.” He swiftly moved away, and didn’t even bother to look back. She was stunned. Hindi ito ang inaasahan niya. More so, nang lumakad ito papalapit sa pinto. “I don’t have time to deal with all your emotional shits, Margaux!”

“Mahal kita...” hindi 'yon ang gusto niyang isagot pero kusang nanulas ‘yon sa kanyang mga labi. She didn't know what she did wrong, pero nagmukhang napakalaking kasalanan ang kanyang nasabi nang marahas na lumingon si Rome at nanlilisik ang mga matang tinitigan siya.

“Bawiin mo,” he spoke between his teeth. “Putangina, Margaux. Bawiin mo ang sinabi mo!”

“Bakit?”

“Because…” Then there was that familiar, confusing silence. Rome couldn’t even finish his words, and it was getting more and more apparent to her that he wasn’t okay. May tinatago ang kanyang caro.

Mayamaya pa ay tinikom nito ang bibig bago nagmamadaling lumabas ng tree house.

“Anong nangyayari, caro?” Her words barely made a sound when she tried to run after him. Ni hindi nga niya masigurado kung narinig pa nito ‘yon nang padabog nitong isara ang pintuan at iwan siyang mag-isa — ulit.

DRINKING WASN'T HIS VICE. IT WAS MARGAUX’S.

Dancing wasn’t his hobby. It was also Margaux’s.

But for the past few hours, Rome hadn’t stopped repeating the stomps he heard inside the tree house. He was reading the clues and losing them just as quickly as they passed his mind.

May hawak siyang bote ng Bacardi sa kanang kamay at punit na pahina ng music notebook sa kaliwa. Binabasa niya ang ‘Alla Mia Amata’ habang sinasabayan ito ng kanyang praktisadong mga galaw.

Hapon na. Alam niya kung gaano kahalaga ang tree house na ‘yon sa kanila ni Margaux. Pero sa araw na ito, pinabayaan niyang may ibang makapasok sa kanilang mumunting paraiso. Inutusan niya ang isa sa mga gwardiya ng villa para sunduin ang dalaga.

Ni hindi niya hinarap ang doktor na pinatawagan niya kay Alberta nang dumating ito. Nang sabihin ng matanda na hinahanap siya ni Margaux ay tinawanan niya ito saka siya nagkulong sa sarili niyang kwarto.

He knew that his cara needed him, but he needed ‘himself’ too. Ayaw na niyang umapak muli sa kanilang tree house, dahil hindi na kinakaya ng kanyang dibdib ang mga alaala nila roon.

‘Reiti Paso…’ Napalakas ang huling yabag ni Rome. The sound of his foot hitting the wooden tile shook the room, but then who the hell cared?

Wala nang mahalaga sa kanya nang mga oras na iyon kung hindi masabayan ang musikang sinulat ni Alejandro.

Graceful and masculine, he madly danced to the same tune that made Margaux cry a thousand times. Kinakaladkad niya ang kanyang mga paa sa sahig, bago walang awang ibinabagsak ‘yon para kumpletuhin ang bawat letra ng musika.

Every word was wounding him deeper than the other. Para itong maliliit na pakong binabaon sa kanyang dibdib.

Magkita tayo Reiti Paso.

Dalhin mo ang munting si Romano.

Sa tulay bago mag dapit-hapon,

Isang baril sa iyong bulsa at ang kabuuan ng iyong ipon.

Sa mundong pinagdalhan ko sa’yo, ika’y aking tatanggalin,

Hindi mo na makikita pa ang mga umagang kay dilim.

Hindi ka na luluha...

Hindi ka na maninimdim...

Lumipad ka na, ciello mia...

Lumipad ka, aking Amati...

"Cazzo!" napasigaw ni Rome kasabay ng pagsuko ng kanyang tuhod. Bumagsak siya sa sahig kasabay ng malakas na lagabag.

Malalalim ang kanyang paghinga nang parang pelikulang umulit sa kanyang isip ang lahat ng nangyari noong araw na ‘yon.

His mother was running while carrying him close to her chest. Takot na takot ito habang itinatawid siya sa tulay ng Reiti Paso. There were a lot of guns shooting everywhere. Ilang beses tinamaan ang kanyang mama, pero hindi ito huminto sa pagprotekta sa kanya.

His loving mother did her best, and Rome witnessed it all. Kaya lang ay may isang lalaking biglang humarang sa mismong daraanan nila oras na marating nila ang dulo ng tulay. In a blink of an eye, naulila siya nang harap-harapan nitong barilin sa dibdib ang kanyang mama.

Iyon ang araw ng pagtra-traydor.

Sinong mag-aakala na ang kaparehong babaeng namatay sa tulay ng Reiti Paso ay ang mismong Amati?

Sa unang pagkakataon ay nahigit ni Rome ang kanyang dibdib dahil sa sobrang kirot. Hindi siya makahinga. Pero hindi pa roon natatapos ang hapdi na sumusugat sa kanyang buong pagkatao. Naririnig niya rin sa kanyang isip ang mahihinang hikbi ni Margaux.

‘Mahal mo ‘ko, cara?' He bit his tongue to hold back a scream. 'Ama mo ang nagpapatay sa nag-iisang taong mayroon ako!’