Chapter 40

Chandee's Pov

Bukas na ang kasal at hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Na e-excite rin ako sa kaalaman na tuloy na tuloy na talaga ang kasal namin ni Kapitan at wala ng urungan.

"Ang sabi ng matatanda bawal daw isukat ang damit pangkasal kung hindi baka may nangyaring masama sa isa sa mga ikakasal at hindi matuloy ang kasal" Sabi ni Glenda habang tinitignan namin ang puting damit na ipinadala ngayon ngayon lang ni Aling Dolores.

"Hindi ako naniniwala sa ganyang kasabihan pero nirerespeto ko ang paniniwala niyo. Hindi rin naman masama kung susundin ko at walang mawawala, gusto ko rin naman maging maayos ang lahat bukas" Sabi ko

"Nasasabik na tuloy akong makita ka na suot ang damit na yan bukas binibini! Sigurado lalong lalabas ang ganda mo at mas mamahalin ka pa ni Kapitan" Sabi nito

"Mabuti pa tulungan mo'ko itabi na natin at baka marumihan pa" hingi kong tulong kay Glenda

Pagkalagay namin sa kinalalagyan niya kanina ay itinabi narin namin kung saan di siya magagalaw. Tinanong pa ako ni Glenda kung may iuutos daw ba ako at ng sinabi kong wala na ay nagpaalam na lalabas na ito.

Nang makaalis si Glenda ay inilabas ko naman ang binuburda kong panyo para kay Kapitan. Buong panyo na yon ng binili ko sa pamilihan binuburdahan ko nalang ng mga bulaklak at pangalan naming dalawa. Kaunti nalang at malapit ko na rin itong matapos kahit na ilang beses akong nagkanda tusok tusok sa karayom.

Napangiti ako ng sa wakas ay natapos ko na ang binuburda ko. Hindi yun ganoon kaganda at kapulido sa pagkakaburda pero ginawa ko iyon ng buong puso. Sana lang ay magustuhan ni Kapitan.

Nag unat unat muna ako bago lumabas ng silid ko. Nakakangawit rin yung ginawa ko kahit napakasimple lang naman. Lumanghap ako ng sariwang hangin at nakita si Mang Arnulfo na may dalang baka.

"Ano po ang gagawin niyo diyan?" Tanong ko at sumabay sa paglalakad sa kanya

"Ikaw pala yan binibini" nakangiting sabi nito "kakatayin namin to at iihawin ng buo bukas" sagot niya

"Pero may narinig na akong umiiyak na baboy kaninang umaga ah, baka maparami at masayang ang pagkain" Sabi ko

"Walang masasayang na pagkain binibini, pinasadya talaga ng Pinuno na maraming iluto para lahat makakain" sagot niya

"Ganoon po ba, sige po" Sabi ko at nagpaalam narin sa kanya

Abala ang lahat at hindi man lang nila ako napansin na nakarating na dito sa kusina. Pinagbawalan nila akong tumulong sa kanila at ang sabi ay magpahinga lang ako sa silid ko at sila na ang bahala.

Ang daming mga karne na naka kalat, mga manok, baboy, baka at may kambing pa nga. May mga sariwang isda din doon at matatabang alimango, bigla tuloy akong naglaway at gusto kong kumain ng butter garlic spicy crabs.

"Binibini! Anong ginagawa mo dito? Bukas na ang kasal mo magpahinga ka nalang sa silid mo" Sabi ni Ate Mildred ng mapansin na niya ako.

Nagsipagtinginan naman ang lahat ng naroon sa amin at tulad ni Ate Mildred pinapaalis nila ako sa kusina. Dahil sa pinagtatabuyan nila ako ay wala naman akong magawa kaya't umalis nalang din ako.

*****

Nandito kami ngayon ni Glenda sa bahay na titirhan namin ni Kapitan simula bukas. Ang bilis magtrabaho ng mga tauhan ni Pinunong Oscar nagmukhang bago ulit ang bahay. Nandito narin sa bahay ang ilang gamit na binili ni Kapitan at nakaayos na. Sa sala naman ay naroon ang mga regalong binigay nila sa amin na hindi pa nabubuksan. Napagpasyahan kasi namin na pagkatapos nalang namin buksan ang mga ito, atsaka sigurado daw na may mamimigay pa na regalo sa'min bukas.

"Nakakatuwa naman may sarili akong silid" masayang sabi ni Glenda ng lumabas sa kwartong itinakda para sa kanya. Mananatili ito bilang tagapagsilbi ko.

May isang pamilya rin kaming makakasama dito na personal kong inalok na sa amin nalang magtrabaho at manirahan. Nakilala ko ang mag asawang Ador at Gilda ng ipakilala sila sakin ni Kapitan. Nailigtas niya ang mga ito kasama ang dalawang anak nila sa pamilihan ng mga alipin na dadalhin sa ibang bayan upang doon magsilbi.

Ang kwento ni Aling Gilda pinautang sila ni Ginoong Roman ng panimula para makapag tanim. Maayos naman daw ang lahat nung simula at nakakabayad sila kada buwan sa napagkasunduan na halaga. Ang kaso ay nagkaroon ng malawakang peste at wala silang napakinabangan sa mga tanim nila. Dahil daw sa nangyari ay nangutang ulit sila kay Ginoong Roman para makabawi. Sa kasamaang palad hindi na sila nakabawi, ang na aani nila ay sapat nalamang sa pangkain nila. Binenta nila ang bahay at lupa nila kay Ginoong Roman para makabayad sa utang nila at inupahan nalang nila ito. Mas lalo silang nabaon sa utang hanggang sa alukin ulit sila ng Ginoo na malaking halaga upang makapagsimula ulit ang mga ito. Tinanggap nila ang pera ngunit may kasunduan na kapag hindi nabayaran sa loob ng isang taon ang utang nila kasama ang patubo ay magiging pag aari na niya ang buong pamilya. Gagawin silang alipin na hindi binabayaran. Doon nga nakilala sila ni Kapitan, binayaran ni Kapitan ang pagkakautang nila at naninirahan sila pansamantala sa kampo at pinagsisilbihan ang mga sundalo.

Dahil sa kwento ng buhay nila naawa ako sa kanila. Kung hindi kasi sila nailigtas ni Kapitan baka nagkawatak na ang pamilya at baka napunta pa sila sa ibang bayan. Napaka bata pa naman ng mga anak nila na nasa edad kinse at dose anyos.

Inalok ko sila na sa'min nalang sila tumira at maging tagapaglingkod. Bibigyan ko sila ng dalawang kwarto ang isa ay para sa mag asawa at ang isa ay para sa magkapatid. Sinabi ko rin na sasahuran din namin sila ng tama katulad ng iba. Natuwa naman sila sa sinabi ko at agad pumayag sa inaalok kong trabaho. Naluha pa nga ang mag asawa dahil hindi raw nila inaasahan ito. Tsaka ko lang naisip na nagdesisyon ako na hindi man lang nagsasabi kay Kapitan, mabuti nalang mabait siya at natuwa pa nga sa ginawa ko.

"Binibini uy!" Tawag ni Glenda sa'kin na nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Medyo nadala ako sa pag iisip kung paano ko nakilala ang mag asawa. "Sabi ko kung uuwi na ba tayo?" Tanong nito

Tumango ako.

"Tawagin mo muna si Aling Gilda para makapag paalam na tayo" utos ko

Pagbalik ni Glenda ay kasama nito ang buong pamilya ni Aling Gilda.

"Ihahanda ko lang po ang karwahe at ihahatid kayo binibini" Sabi ni Mang Ador

"Mayroon po kayong karwahe?" Nagtatakang tanong ko

Napakamot naman ito ng ulo bago sumagot.

"Sa inyo po ang karwahe binibini, binili iyon ni Kapitan para sa inyo. Para daw po may magamit kayo kapag umaalis" sagot niya

Napangiti naman ako. "Sige po Mang Ador pakihatid nalang po kami ni Glenda sa tahanan ng Pinuno"

"Kukunin ko lang po at dadalhin dito sa harap ng hindi na kayo maglakad" Sabi pa nito bago nagmadaling umalis para kunin ang sinasabing karwahe

Noong una iniisip ko ay Isang simpleng karwahe lamang ang sinasabi ni Mang Ador. Ang nasa isip ko ay parang kargo lang ngunit kabayo ang nanghihina, hindi ko inaasahan na totoong karwahe nga iyon. Alam ko may kamahalan ang ganitong klaseng karwahe kumpara sa kotse na meroon sila dito.

Pagkahatid samin ni Mang Ador ay nagpasalamat ako sa kanya. Naabutan ko namang naghihintay sa tapat ng silid ko si Kapitan. Kung alam ko lang na maaga siyang uuwi ngayon kanina pa sana ako bumalik.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Tanong ko sa kanya na nakangiti

"Wala ang may ari ng silid at hindi tamang pumasok ako ng walang paalam. Ayos lang din naman dahil hindi naman ako matagal na naghintay" sagot niya

Binuksan ni Glenda ang kwarto at pumasok na kami. Nagtanong pa ito kung may iuutos kami at ng sabi ko ay wala nagpaalam muna ito upang lumabas.

"Nagustuhan mo ba ang bahay?" Tanong ni Kapitan

Tumango ako

"Ang laki ng pinagbago niya kumpara nung unang pumunta ako" nakangiting sabi ko

"Galing din ako doon kaninang umaga at dinala yung ibang mga gamit ko. Tinulungan ko narin sila ilagay ang mga kurtina at ayusin ang magiging silid natin" Sabi pa niya

"Nakita ko nga kanina at ang ganda nga ng pagkakaayos, maaliwalas siyang tignan at nagustuhan ko yung tanawin sa labas ng bintana. Kapag nakalipat na tayo magtatanim ako ng mga bulaklak doon"

"Bukas pagkatapos ng kasal natin ay doon na tayo tutuloy. Kung alam mo lang kanina kung gaano ako kasaya habang inaayos ko yung magiging higaan natin. Nakakatuwang isipin na simula bukas matutulog na akong katabi ka at magigising na kayakap ka" Sabi nito na ikinatawa ko

"Ang manyak mo grabe ka hahaha" tumatawang sabi ko at tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawang palad ko "kaya siguro nagmamadali kang magpakasal tayo dahil gusto mong makatabi ako" Sabi ko na tumatawa parin

"Hindi ko naman itatanggi iyon pero hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit nagmamadali ako, hindi na kasi ako makapaghintay na makasama ka" sagot nito at hinila ako palapit sa katawan niya.

Tinawid namin ang labi ng isa't isa. Habang tumatagal ay lumalalim pa ang halik na iyon. Naging malikot ang kamay ni Kapitan katulad nung nangyari sa talon ng tadhana, katulad lang din ng dati hinayaan ko lang siya. Wala kasi akong lakas para tumanggi at aaminin kong nagugustuhan ko ang ginagawa niya.

Mahinang ungol ang lumabas mula sa bibig ko ng simulan nitong halikan ang leeg ko. Ang init ng labi niya tanging ungol lang ang lumalabas na ingay sa bibig ko.

Hindi ko na alam kung paano kami nakarating sa higaan ko. Naramdaman ko nalang na lumapat ang likod ko sa malambot na sapin. Gumapang ang kamay ni Kapitan papasok sa panloob na pang itaas ko. Napaliyad ako ng mahawakan nito ang dibdib ko at pisilin. Nahubad nito ang damit pang itaas ko at minasdan niya ang katawan ko. Nahihiyang pinagkrus ko ang dalawang kamay ko sa harapan ng dibdib ko ngunit tinanggal niya ito.

"Napaka ganda mo binibini" bulong nito sa tenga ko habang hinahalikan ito pababa sa leegan ko. "Mahal na mahal kita" wika pa nito. Mga ungol lang ang naging sagot ko

Huhubarin na niya dapat ang damit niyang pang itaas ng may marinig kaming katok sa pintuan. Napaupo akong bigla habang yakap ang sariling katawan at nagkatinginan pa kaming dalawa.

Mabilis kong sinuot ang damit ko at inayos ang buhok ko. Hindi ko na nga nasuot ang bra ko sa sobrang pagmamadali at itinago nalang iyon sa ilalim ng kumot ko.

"Binibini dinalhan ko lang kayo nitong tinuyong saging" sabi ni Glenda ng pagbuksan ko siya ng pinto

"G-ganoon ba maraming salamat, halika samahan mo kami" Sabi ko at tumingin kay Kapitan nasa sofa at nakatingin lang sa amin

"Huwag na binibini marami naman sa kusina,, tutulong rin ako sa kanila para kahit sa paglilinis lang ng kasangkapan" sagot niya

Tumayo si Kapitan at lumapit sa'min.

"Maraming salamat dito" Sabi ni Kapitan tukoy ang hawak niyang isang plato na banana chips.

"Aalis na po ako kung kulang pa marami pa po sa kusina" nakangiting sabi pa ni Glenda

"Sige maraming salamat" Sabi pa ni Kapitan at niyakap ang isang kamay sa baywang ko. Pag alis ni Glenda ay sinara nito ang pinto at hinapit ulit nito ang katawan ko sa kanya.

Muli kaming naghalikan. Sinandal niya ako sa may likuran ng pintuan at muling hinalikan ako sa leeg habang naglalakbay ang isang kamay niya.

"Pigilan mo'ko mahal ko hanggat kaya ko pa" bulong nito sa tenga ko at dinila dilaan iyon.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang sinabi niya. Natulak ko siya ng mahina at tinakpan ang sarili kong katawan gamit ang dalawang kamay.

"I-isang araw nalang naman hintayin nalang natin" nahihiyang sabi ko habang nakayuko

Hinawakan nito ang baba ko at iniangat ito para makita ang mukha ko.

"Patawad kung hindi ko na kontrol ang sarili ko, masyado akong nadala. Salamat at pinigilan mo'ko mahal na mahal kita" Sabi nito na diretyong nakatingin sa mga mata ko

"Masyado akong nalasing sa mga halik mo at tulad mo hindi nakontrol ang sarili kong limitasyon. Bukas magiging legal naman ang lahat isang tulog nalang" Sabi ko naman

"Ang mabuti pa umalis na ako, magkita nalang ulit tayo mamaya sa hapunan" sabi nito

Tumango ako "sige" tipid na sabi ko na may kasamang ngiti. Ngunit bago pa makalabas si Kapitan ay naalala ko yung panyo na binurdahan ko. "Sandali lang may ibibigay pala ako sa'yo" pigil ko sa kanya at mabilis nagtungo sa may tokador ko at kinuha ang panyo.

"Para nga pala sa'yo" abot ko sa panyo "naghahanap ako ng bagay na maibibigay sana sayo kaso'y wala akong nakita kaya yan nalang" Sabi ko

Nakangiting binuklat niya ang nakatuping panyo at mas lumapad ang ngiti nito ng makita ang kabuuan nito.

"Ako ang nagburda diyan" pagyayabang ko "Hindi perpekto ang pagkakaburda pero galing sa puso ang ginawa kong pagbunurda diyan" Sabi ko pa

Niyakap naman niya ako ng mahigpit. "Ang ganda niya nagustuhan ko, pangako iingatan ko ito katulad ng pag iingat ko sa'yo. Maraming maraming salamat mahal ko" Sabi nito na ikinangiti ko

Mahigpit na gumanti ako ng yakap sa kanya at sinabing sa susunod ay mas maganda at pulido na ang gagawin kong pagbuburda.

******