Chapter 8 Office
Pag gising ko wala na si seok, hindi ako ginising?
Tinignan ko yung orasan 10:30am na pala. Napasarap ako ng tulog?
Lulutuan ko nalang sya ng lunch tapos dadalhin ko nalang sa office nya.
Nag lambing kasi ako sakanya kagabi sabi ko dapat twing lunch at dinner luto ko ang kakainin nya pumayag naman sya at napagkasunduan namin na hahatidan ko sya ng lunch wala naman kasi akong gingawa dito sa bahay ey mag hapon lang akong tulog.
Tsaka malapit na rin kasi anniversary namin kaya todo lambing ako sa kabayo haha.
Nag hahanda ako ng lunch box ni hubby ng may tumawag sa phone ko.
Huh? Si seok ba yun?
Pero unregistered number, nag palit kaya sya ng number?
"Hello?" sabi ko pero walang sumasagot.
"Hubby? Ikaw ba ito?" sabi ko pa pero hindi parin nag salita.
"Hubby dadalhan kita ng lunch ha? wag ka munang kakain dyan paalis na rin ako-" hindi ko pa natatapos sasabihin ko nag salita sya.
"Hi Josh" sabi nya, ang manly ng boses sigurado along hindi to si seok.
"Sino to?" Sagot ko.
"Ow hindi mo sinave number ko babe ?” sabi nya pa kaya kumunot noo ko.
" di kita kilala pwede ba paki bura ng number ko" sabi at papatayin ko na sana kasi nag salita na sya.
"Josh~ konting tiis nalang di kana masasaktan, promise kukunin kita sakanya mahal na mahal kita" sabi nya. Kinilabutan ako kasi myghaaaaad mahal na mahal nya daw ako? ni hindi ko nga sya kilala!
Pag kita ko sa phone ko call ended na.
Di ko nalang pinansin at pumunta na ako sa office ni seok.
pag dating ko dun ayaw ako papasukin ng tao dun sa lobby.
"Sino po ba kayo? May appointment po ba kayo kay chairman Lee?" Tanong nya.
"Asawa nga ako miss paulit ulit" naiinis na ako kasi pangatlong tanong na nya kung sino ako.
"Sir kahit po mukha kayong babae wala po kayong maloloko dito kung wala po kayong appointment Kay chairman umalis nalang po kayo " sabi nya pa sakin hayts! Hindi kasi ako pinakilala dito ni seok ey nakakaurat na ha!
Hindi ko pa macontact si seok mukhang nasa meeting yata!
"Josh is that you?" rining kong may nag sabi kaya napalingon ako.
"Jinyoung ?" sabi ko dun sa tumawag sakin.
"Long time no see, how are you?" Tanong nya.
" I'm perfectly fine , how bout you?" Tanong ko .
"Me too, so what's bring you here?" Tanong nya ulit.
"Ayun nga I brought lunch for seokmin ang kaso hindi ako pinapapasok kasi wala daw akong appointment " sabi ko.
"What? Wait kakausapin ko ung receptionist" sabi nya tapos lumapit dun sa babae.
mayamaya lumapit sakin si jinyoung at yung babae.
"Mrs Lee I'm sorry po pls po wag nyo ako papatanggal hindi ko po talaga Alam sorry po talaga" sabi nya at nag bow sa harap ko.
"Hindi okay lang, anong floor ba yung office nya?" Tanong ko.
"Sa 4th floor po ma'am sorry po talaga " sabi nya ulit nginitian ko nalang sya tapos nag pasalamat ako Kay jinyoung at pinuntahan ko na ung office ni seok.
Pag akyat ko dun walang tao dun sa table ng secretary nya which is cheol .
Nasan kaya yun?
Papasok na sana ako sa loob ng office nya nang may narinig akong nag uusap.
"Babe hindi tayo pwedeng makialam sa kanila. Hayaan mo nalang na si josh ang makaalam. "
"Pero cheol? Masasaktan si josh. Humanda talaga sakin yang kabayo na yan"