Chapter 2 Joshua's Pov

Agad akong napamulat dahil may naramdaman akong dumampi sa mukha ko, pag mulat ko ng mata ko si seok hawak ang pisnge ko, napangiti naman ako kaso nung napansin nyang naka mulat na ako bigla nya akong sinamapal.

"Tanghali na jisoo natutulog kapa? Wala pa akong almusal yan na nga lang gagawin mo di mo pa magawa ng maayos " bulyaw nya kaya tumayo agad ako at tumungo sa kusina.

"Oh among gagawin mo dyan?" Tanong nya ulit.

"Mag luluto ako ng almusal mo" sagot ko at nag lagay ng bigas sa ricecooker at kumuha ng bacon at hotdog sa ref.

"Ngayon pa? Anong oras na ikaw nalang kumain nyan " sabi nya.

"Saan kaba pupunta? Wala ka namang pasok ngayon ha?" Tanong ko.

"Wala kang pakialam! Diba sabi ko sayo wala kang karapatan mag tanong kung saan ako pupunta?" Sagot nya.

"Pero asawa mo ko seokmin!" Bulyaw ko sakanya, nakakarami na kasi sya. Lumapit naman sya sakin at hinawakan ang braso ko ung mahigpit na pag hawak.

"Asawa? Oo asawa kita pero Hindi naman kits mahal kaya wala kang karapatan sakin! Ikaw lang naman may gusto sa letcheng kasal na to diba? Diba? Kinunchaba mo pa ung magulang ko! Bwisit! " sabi nya at tinulak ako.

"Kumain ka muna" sigaw ko.

"Letche ka!" Sigaw nya rin at binagsak ang pintuan . hayyyts wala talagang araw na Hindi kame pwedeng nag aaway ey.

-

"Jisooo~ jisoo na maganda pero mas maganda ako~ " paiyak na sana ako ng marinig ko ang Boses na yun kaya napangiti nalang ako.

"Nandito ako sa kusina " sigaw ko.

"Hoy bakla anong ginagawa mo dyan " tanong nya.

"Ikaw lang ang bakla babae ako jeonghan ' sabi ko sakanya natawa naman si uji

" hoy hayuf na tu mas malaki pa nga ung alaga mo kesa sa alaga ko maka Babae ka dyan. " sabi nya kaya natawa din ako.

"Hyung bakit nga pala parang beastmood yung asawa mong kabayo? " tanong ni uji.

"Wala namang bago dun ji hayaan mo na yun' sabi ko

" kaya nga akala nya kinapogi nya ung pagiging cold nya ey si Joshua lang naman ang naggwapuhan sakanya" , sabi ni jeonghan.

"Hoy gwapo naman talaga yun " , sagot ko.

"Aanhin mo yung gwapo kung di ka naman mahal? " sabi nya pa napangiti nalang ako.

"Manahimik ka nga dyan hyung ung bunganga mo din walang preno ey " sabi ni uji

"Haha okay lang kumain na ba kayo? " tanong ko.

"Hindi pa hyung pano bigla bigla nalang akong kinaladkad nyan ni jeonghan hyung tapos wala naman palang pafoods " pag mamaktmamaktol ni uji.

"gague kung di kita tinangay sainyo sigurado nag agag nanaman kayo ni sunyang " sabi ni jeonghan.

"Ey ano naman bf ko naman yun kahit among gawin nun sakin keri lang kasi sakanya ako at sakin din sya " sabi pa ni uji.

"O edi umuwi kana " sabi ni jeonghan at pinag tulakan si uji sa pinto natawa nalang ako sa kanilang dalawa.

"Hyung nasan ba ung gitara mo ng masampulan to " sabi ni uji.

"Tumigil na nga kayo kumain na tayo " sabi ko at sinandukan sila.

"Hoy mall tayo ngayon " sabi ni jeonghan

"Ey ang init init baka mangitim ako " sabi ni uji.

"Nyeta ka ang arte Arte mo para nga malibang libang to si Joshua ey Simula nung kinasal yan kay dk di na yan gumagala nawalan ng sociallife ang kawawang bakla " sabi ni jeonghan

"Ay sige na nga " pag sangayan ni uji kaya wala narin akong nagawa kundi sumama.

@Mall

"Miss meron ba kayong red liptint pero parang mate pag nilagay? " tanong ni jeonghan sa saleslady

"Gaga ka hyung? Liltint nga diba? Tapos mate kakalabasan? " irat na sabi ni uji

"Ey bakit ba gusto ko ganun ey " sabi pa ni jeonghan.

"Pasensya na miss ngayon lang kasi yan na ka pasok sa ganito pasensya na talaga " sabi ko sa saleslady at kinaladkad na palabas ung dalawa tinawan lang ako ng saleslady.

Madami pa kameng ginawa sa mall nag arcade, kumain, nag videoke, nanuod ng sine at kumain ulit na pag tripan pa nila ung waiter dun sa kinainan namin dahil kamukha daw ni Jaehyun ng NCT, sabi nila kung sino ang pansinin yun ang totoong maganda ey ang ending sakin nag papansin yung waiter kaya todo sabunot sakin si jeonghan wala ey ang ganda ko tlaga 😹 kaso yung kagandahan ko para kay seokmin lang 😻

7pm nag pahatid na ako sakanila, yeah may kotse si hannie regalo sakanya ni cheol kahapon lang bday nya kasi kaya rin siguro nag sya lumabas yun ey si ko man lang sya nabati haha 😹

Pag uwi ko nakapatay parin young ilaw, wala pa si boss buti naman.

Bubusan ko na sana ang ilaw ng- "Saan ka nanggaling? " malamig at may diin na tanong nya.

"Dyan lang, nag mall langkame nila Jeonghan-" di ko pa natatapos ung sasabihin ko sinampal nya ko

"Sinungaling! Galing ka sa lalaki mo nuh? " gigil na sabi nya at sinakal ako.

"Anong lalaki wala akong lalaki- nasasaktan ako ano ba!" Bulyaw ko sakanya at tinabig ang kamay nya.

"Talagang masasaktan ka sa kalandian mo " sabi nya.

"Hindi ako malandi itanong mo pa kala jeonghan at uji nag mall lang kame " bulyaw ko

"Hindi mo ako magagago Joshua siguraduhin mo lang na di ko kayo mahuhuli ng lalaki mo papatayin ko yan mismo sa harap mo " sabi nya at tinulak ako.

Ano bang problema nya? Kung manlalaki man ako diba dapat pabor sya dahil mawawala na ko sakanya bakit parang galit na galit sya ?