Chapter 06
Nakahiga ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame. Kinagat ko ang isang daliri habang nag-iisip. I-chat ko kaya siya? Kaya lang baka hindi mag-reply. Bumuntong-hininga ako nag-isip ulit. Isi-seen niya kaya kapag nag-chat ako sa kaniya?
Umupo ako. "Pero ano namang sasabihin ko sa kaniya kung magcha-chat ako?" Pabagsak na humiga akong muli. "Hay nako..."
Napaayos ako ng higa nang tumunog ang cellphone ko. Si Veronica ulit.
Veronica:
friends na kayo sa fb ah
congrats!
first time yorn haha famous ang person na yon e
Margaux:
gusto ko siyang i-chat :(
Veronica:
go! malay mo mag-reply
Margaux:
pano kung hindi mag-reply? :(
Nag-sad react siya sa message ko kaya natawa ako. Sinilip ko ulit ang facebook ni Chase. Hindi naman siya online, e!
Margaux:
hindi siya online
Veronica:
huh? online siya ah
naka-off lang
Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman na online pala kung naka-off ang active status ni Chase?
Nag-heart react na lang ako sa message niya at pinatay na ang cellphone.
"Heto na naman tayo sa pag-iisip ng kung ano-ano."
Sinilip ko ang oras sa cellphone ko at hatinggabi na. Tumayo ako para lumabas. Nagugutom kasi ako at parang gusto kong kumain ng ice cream.
"Ubos na?" bulong ko nang buksan ang fridge at walang nakitang ice cream doon.
Bumalik ako sa kwarto para magsuot ng hoodie at para kunin ang wallet. May malapit na convenience store dito sa amin. Kaya kong lakarin.
Niyakap ko ang sarili nang humangin. Hindi naman nakakatakot dahil may ilaw naman ang daan.
"It's late already—"
"Pucha!" Napatalon ako sa gulat nang may sumulpot bigla sa harap ko. Ang malamig na boses niya ay hindi nakatulong para hindi ako magulat.
"Tss. Woman." Iiling-iling na sabi niya.
"Ano ka ba?" Mahina ko siyang sinipa sa binti. Tumingin ako sa likod niya, umaasa na nandoon si Chase pero wala siyang kasama.
"Do you like my friend?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya at sinabayan akong maglakad. Pansin kong pareho kaming nakasuot ng hoodie. Parehong-pareho ang suot namin kaya napangiwi ako. Baka isipin ng makakakita ay couple kami.
"Sinong friend?" maang-maangan na tanong ko.
"Tss."
Napatingin ako sa kaniya. "Ahas ka ba?" Nakita ko ang pasimpleng pag-irap niya habang may pinipindot sa cellphone.
Edi sana all may ka-chat. Umirap ako at nauna nang maglakad pero tumigil din agad.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman ine-expect na sasagot siya kaya ready na sana akong tumalikod ulit pero itinago niya ang cellphone sa bulsa ng hoodie at hinarap ako.
"Dito ako nakatira," maikling sagot niya.
Wow. Hindi ko alam na madali pala siyang kausapin hindi katulad ng kaibigan niyang si Chase. Ni hindi sumagi sa isip ko na makakausap ko 'tong si Ice dahil mukhang mas masungit siya kaysa kay Chase.
"You didn't answer my question," sabi niya at binuksan ang pinto ng convenience store at hinintay muna akong makapasok. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko na pinahalata.
"Anong question?" kunot-noong tanong ko dahil nalimutan ko na ang kung anong tanong niya.
He sighed as he rolled my eye. "About my friend. Do you like my friend?" Halatang curious na curious siya tungkol doon.
"Ka-lalaki mong tao ang chismoso mo."
"Guys like some teas too!"
Hindi ko siya pinansin at lumapit na lang sa freezer para kumuha ng ice cream.
"Answer me," pangungulit niya pa.
"Madaldal ka pala, 'no?" Binayaran ko na ang binili at umupo sa mahabang upuan. Kitang-kita ang madilim na labas dahil glass ang wall at walang stickers na nakaharang. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"So, ano nga?" Napairap ako dahil hindi pa rin siya tumitigil.
"Ano ba?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. Kahit naman sabihin ko sa kaniya ay wala namang mangyayari. Hindi niya naman ako ilalakad sa kaibigan niya.
"It's weird that my friend activated his account after months of staying away from social media," aniya.
"Oh, tapos?" Hindi ko makita ang gusto niyang iparating.
"Ikaw lang naman ang huli kong nakita kanina na kasama niya."
Napatitig ako kay Ice. Ang cold na aura at tinig niya ay taliwas naman sa kung ano talaga siya.
"Malay mo na-trip-an lang niyang bumalik sa facebook. Ang boring kaya ng walang social media," sabi ko naman.
"Tss. Ewan ko sa 'yo." Umirap siya at natulala naman ako. Hindi ko siya gusto, ha. Talagang nagulat lang ako na madaldal pala siya.
"What? Sa 'kin ka ba may gusto kaya hindi mo masagot ang tanong ko?" parang nandidiri siya.
Hinampas ko siya sa braso. "Grabeng tingin naman 'yan! Nakaka-offend, ha!" Sumubo ako ng ice cream habang matalim ang tingin sa kaniya.
"Answer my question kasi!" naiinis na sabi niya pa.
"Hindi ba halata?" curious na tanong ko. Hindi ba halata na may gusto ako kay Chase?
"Halata."
"E' bakit tinatanong mo pa?" seryoso ang mukha na sabi ko.
"Ang pangit mong kausap!" Binuksan niya ang chopsticks at kinain na ang noodles na binili. Napatingin siya sa kinakain ko. "Ang lamig-lamig tapos naka-ice cream ka."
Tumunog ang cellphone niya at bumukas 'yon. Dahil malinaw ang mata ko at nakapatong sa table ang cellphone ay nabasa ko ang message ni Chase sa kaniya.
chasemyloveylovey:
fuck you!
Napaawang ang labi ko sa name ni Chase sa contacts ni Ice at hindi na napansin ang message niya.
"Seriously, Ice?" gulat na sabi ko.
"What?" He mouthed. Umiling ako at hindi makapaniwalang tumingin sa labas.
Ibang-iba ang personality niya sa pangalan niya. Pero bakit kapag nasa school ay hindi siya masyadong nagsasalita?
"Bakit ang tahimik mo sa school?" curious na tanong ko.
"Para cool. Ganoon ang gusto ng mga babae, e." Nagkibit-balikat siya at mahinang natawa at natulala na naman. He knows how to laugh too.
May sasabihin pa sana ako ngunit bumukas ang pinto ng convenience store at iniluwa no'n si Chase. Napatingin ako kay Ice na ngayon ay tinatago ang ngisi habang nakatuon ang tingin sa kinakain niya.
Lumapat ang tingin sa akin ni Chase kaya napaawang ang labi ko at umiwas ng tingin. Pasimple kong hinawakan ang dibdib. Calm down, Heart. Calm down. I tapped it twice secretly.
Lumapit si Chase kay Ice at binatukan ito. Nabulunan tuloy ang lalaki. Kumuha si Chase ng kape at binayaran iyon bago umupo sa tabi ni Ice.
Palihim akong napanguso. Bakit hindi sa tabi ko?
Natawa si Ice nang makita ang mukha ko. Ambang hahampasin ko siya pero tumingin si Chase kaya automatic akong nag-behave.
"Tanggal angas mo, ah," pang-aasar ni Ice sa akin kaya inambahan ko siya ng suntok pero syempre dahil nandiyan si Chase ay hanggang amba lang ako.
"Bitin," sabi ni Ice nang maubos ang noodles na kinakain at tumayo. "Isa pa."
Sumunod ang tingin ko sa kaniya dahil kami na lang ni Chase ang naiwan.
"Do you like my friend?" Nabigla ako sa tanong ni Chase.
"H-Ha?" gulat na tanong ko. Kinagat ko ang ibabang labi dahil ang tibok ng puso ay hindi na mabilang sa bilis. "Si Ice? Yuck, hindi 'no!"
Umiwas siya ng tingin. "Defensive," bulong niya.
"Ikaw nga ang gusto ko, e," bulong ko pero narinig niya pala.
Napatingin siya sa akin pero nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay umiwas siya agad. "Girls can like two guys at the same time," sabi niya.
"Not me!" Hindi ako gano'n, 'no! Dati, oo, pero syempre ay hindi na ngayon. People change.
"Why are you here nga pala? Did Ice tell you something?" curious na tanong ko.
Tumingin siya sa akin nang banggitin ko ang pangalan ni Ice.
"What?" inis na tanong ko dahil halata sa kaniya na iniisip niyang may gusto ako kay Ice.
Ininom niya ang kape nang mag-iwas ng tingin. Ngumuso ako. Ngayon na nga lang kami nag-usap tapos ganito pa.
Bigla ko namang napansin na wala pa rin ang kaibigan niya. Tumingin ako sa likod at nakitang nanonood sa amin ito habang hawak ang cellphone na mabilis niyang itinago nang makitang nakatingin ako.
Inosenteng tumingin siya sa akin. "What?" tanong niya at lumapit na. Nagulat ako nang sa tabi ko siya umupo at pasimple akong inilalapit kay Chase sa pamamagitan ng pag-ipod nang pag-ipod.
Para akong nakuryente nang magtama ang kamay namin ni Chase na nasa ibabaw ng lamesa. Alam kong naramdaman niya rin iyon dahil napalayo siya ng kaunti. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Ano ba?" reklamo ko na dahil kaunti na lang ay mahuhulog na si Chase dahil hindi pa rin makuntento 'tong si Ice sa pag-ipod at parang gusto na yata kaming i-glue sa isa't isa.
"Ice," banta ni Chase at automatic din na tumigil siya.
Tumingin ako kay Chase at nahuli siyang nakatingin sa braso ko na nakadikit sa kaniya. Lumayo ako ng kaunti, iniisip na hindi siya komportable.
"Sorry," bulong ko at umiwas ng tingin dahil umangat ang tingin niya sa akin.
Nagawi ang tingin ko sa kamay niya na nakahawak sa cup ng kape na iniinom. May gasgas iyon at parang bago lang ang sugat. Wala sa sariling kinuha ko ang kamay niya para tignan iyon nang malapitan. He seemed taken aback by what I did kaya nabitawan ko ang kamay niya dahil sa hiya.
"Sorry," mahinang sabi ko at mabilis na kinain ang ice cream na ngayon ay tunaw na. Mahigpit ang kapit ko sa kutsara dahil ramdam ko ang tingin ni Chase sa akin.
Si Ice ay tumayo at nagpaalam na kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil maiiwan na naman kami ni Chase na magkasama. Dapat ay masaya ako pero dahil sa mga pwede kong gawin kay Chase na sigurado akong ikakahiya ko rin agad ay natakot ako. Baka makagawa ako ng bagay na ayaw pala ni Chase sa isang babae.
"Una na ako," paalam ni Ice at tinapik ang balikat ko. Lumapit siya kay Chase para sakalin bago umalis.
Grabeng friendship naman ang meron sila, parang normal lang ang sakitan.
Tumikhim ako at pinunasan ng tissue ang labi. Tumingin ako sa oras. Tulog naman na si mommy at alam niyang kapag wala ako sa bahay ng ganitong oras ay dito niya lang ako makikita.
"Chase," tawag ko sa katabi. Tumingin siya sa akin saglit pero alam kong nakikinig siya. "May girlfriend ka ba?" diretsahang tanong ko at bigla siyang nasamid.
Hinampas niya ang dibdib habang inuubo. Sinamaan niya ako ng tingin kaya kumunot ang noo ko habang inosenteng nakatingin sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin at umiling. "No. Wala."
Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa kaniya ko na mismo narinig na wala siyang girlfriend. Hindi ko na kailangan pang mag-isip tungkol doon.
Tinitigan ko ang lagayan ng ice cream na nasa harap bago muling tinawag ang pangalan ni Chase.
"What?" masungit na tanong niya.
"Wala lang. Ang sarap lang banggitin ng pangalan mo." Nagkibit-balikat ako habang nakatitig pa rin sa lagayan ng ice cream. Hindi ko nakita ang reaksyon niya tungkol sa sinabi ko pero alam kong nagulat siya dahil bigla siyang napaayos ng upo.
"Chase—"
"Stop."
Napanguso ako.
"May nagugustuhan ka ba ngayon?" tanong ko na lang at tumingin na sa kaniya. Nakatingin siya ngayon sa labas habang mahigpit ang hawak sa cup.
Umiling siya. "Wala," maikling sagot niya kaya napanguso ako. Ang tipid niya talagang magsalita! Dapat Ice na lang din ang pangalan niya. Tss.
"Ibig sabihin ay may pag-asa ako sa 'yo?" Nasamid na naman siya kaya masama na naman ang tingin niya sa akin. Bakit parang kasalanan ko na naman?
"God." He sighed while shaking his head. "You're really something."