Chapter 04

"Ano nang nangyari?" tanong agad ni May habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Hindi kami nagkaroon ng chance na mag-usap kanina dahil sobrang hirap ng mga lesson at kinailangan talaga namin na mag-focus.

"Nag-walk-out si Chase."

"Kinausap mo?!" gulat na tanong niya sa akin. Mabilis ko namang tinakpan ang bibig niya at tumingin sa mga kasabay namin.

"Masama ba?" inis na bulong ko dahil may mga nakatingin na sa amin dahil sa biglaan niyang pagsigaw.

"Wow." Pumalakpak siya. "Nagbago ka na nga talaga. Ikaw na ang gumagawa ng paraan." She shook her head while smiling proudly.

Ngumuso ako. Kung alam ko lang na magkakaganito ako edi sana nanghingi ako ng advice doon sa mga naghahabol sa akin noon.

I unconsciously touched my chest. Kalmado na ang puso ko. Hindi tulad kanina na halos mabingi na ako sa lakas at bilis ng tibok nito.

Babasahin kaya ni Chase ang letter ko? Iyon lang talaga ang tanong na hindi mawala-wala sa isip ko. Paano kung igaya niya 'yon sa mga letter na inapakan lang niya? Paano kung itapon niya lang 'yon sa kung saan at hindi niya basahin? Huwag naman sana.

Malapit na kami sa cafeteria. Break time na rin kaya nina Chase? Kabado ako habang pumapasok sa cafeteria dahil naiisip kong nasa loob na si Chase.

"Namumula ka, Margaux," pagpuna na naman sa akin ng kaibigan ko.

"Ha? Mainit kasi," pagdadahilan ko. Kita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala pero hindi naman na siya nagsalita kaya tumahimik na ulit ako.

Si May na ang bumili ng pagkain namin. Ako na lang daw ang magbantay sa table. Mahirap kasi kapag hindi agad nakahanap ng bakanteng table, maraming estudyante, nag-aagawan.

Nagmamasid lang ako sa paligid, nagbabakasakaling makikita ko si Chase.

"Ah, pwede bang maki-share ng table?" May biglang nagsalita sa tabi ko kaya nagulat ako saglit.

"Grabe naman, Miss! Multo lang?" reklamo ko habang nakahawak sa dibdib.

"Kung saan-saan ka kasi nakatingin," sabi niya, nakasimangot na ng kaunti. Siya iyong kaklase ko na naka-curtain bangs. 'Yung Hernandez.

Umupo siya sa tabi ko dahil sinabi kong si May ang nakaupo doon sa isang upuan.

Napangiwi ako sa haba ng pila. Sure akong matatagalan bago pa makabili 'tong si May.

"You like Chase?" Nasamid ako dahil sa biglaang tanong ng katabi ko.

"H-Ha?" Napainom ako ng tubig.

Nakita niya ba ako kanina?

"You like him," aniya. Hindi na tanong 'yon.

Tumango na lang ako. Totoo naman kasi kaya bakit ko pa itatanggi?

"Be careful, may baliw na ex 'yun," sabi niya at kinuha sa akin ang plastic bottle na hawak ko. Napakamot ako sa gilid ng noo dahil kaniya pala 'yung tubig na ininom ko.

Hindi ko na napansin ang sinabi niya dahil pagtingin ko sa likod ay saktong dumating ang grupo ni Chase. Agad akong natulala nang makita kong nakasuot ng P. E uniform si Chase. May pawis siya sa noo at basa ang damit sa may bandang dibdib. Nag-init ang pisngi ko.

"Tissue, oh." Napatingin ako sa katabi ko na inaabutan ako ng tissue. "Baka tumulo na laway mo." Inismidan ko siya saglit at binaling na ulit ang tingin kay Chase.

My body literally stilled when he started looking our way. My lips parted in shock and my heart skipped a beat when he gave me a small smile.

Is this... real?

He immediately looked away after that pero alam kong nginitian niya ako! He smiled at me! Oh my God. I can't breathe. Napahawak ako sa dibdib ko habang hindi pa rin maalis sa isip ang ngiti niya. Saglit at isang simpleng ngiti lang iyon pero sumapat na iyon para bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko.

Biglang pumasok sa utak ko ang letter na ginawa ko sa kaniya. Did he... did he read my letter?!

Napatayo ako sa gulat kaya napatingin sa akin ang ibang kumakain. Mabilis akong hinila ng katabi ko para umupo.

"Kalma," natatawang ani niya.

Paano kumalma? Hindi ko kasi alam!

Wala sa sariling inagaw ko ulit ang tubig niya at ininom iyon dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Kailangan ko na yatang magpa-check sa doctor. Normal pa ba ang ganito kabilis na tibok ng puso?

Gosh! Hindi naman ako nananaginip, 'di ba? Ngumiti talaga siya sa akin!

I breathed in and out. I did it a lot of times hanggang sa kumalma na ang puso ko.

"Okay ka na?" natatawang tanong ng katabi ko sa akin.

Hindi ako umimik at inaala ang ngiti ni Chase kanina. Dahil sa kilig ay yumakap ako sa babae kahit hindi naman kami close. Siniksik ko ang nag-iinit kong mukha sa braso niya.

"He smiled at me! He smiled!" sabi ko habang nakasiksik pa rin sa braso niya.

When I realized that I still don't know her name I immediately pulled away. "Sorry. Kinikilig lang. Ano ngang pangalan mo?" tanong ko na lang para ma-divert ang atensyon ko sa iba.

"Veronica." Maliit siyang ngumiti. "Veronica Hernandez."

"Nice name. Bagay sa 'yo."

Sa wakas ay nakabili na si May. Kinuha ko ang tubig na binili niya at ininom agad 'yon. Uhaw na uhaw ako kahit wala naman akong ginawa.

"Gano'n ba ka-hot si Chase para mauhaw ka ng ganiyan?"

Sinamaan ko ng tingin si Veronica habang umiinom pa rin ng tubig. Pero speaking of Chase, hinanap ko kung nasaan na siya.

Muntik ko nang maibuga ang tubig dahil nakita kong sabay na kumakain 'yung kaibigan ni Chase na kalbo at si Christine! Akala ko ba takot si Christine sa kalbong 'yon? Tibay rin, ah. Napapayag niya ang isang anghel na Christine.

Tahimik lang akong kumakain at paminsan-minsang sumusulyap kay Chase. Medyo malayo siya sa amin. Mabuti na lang at walang sira ang mata ko kaya kitang-kita ko ang bawat galaw niya.

Bumaling ako kay Veronica. Napatingin siya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"Sinong crush mo?" tanong ko. Ipinatong ko ang kaliwang siko ko sa lamesa at ipinatong ang pisngi sa palad.

Umiling siya. "Wala. Bakit?" Kumunot agad ang noo ko.

"Wala? As in? Wala talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Pwede pala 'yun?

"Wala nga. Kulit." Ipinagpatuloy niya na ang pagce-cellphone.

Tumingin na lang ulit ako kay Chase pero ibinalik ko rin agad ang tingin sa katabi.

"Kilala mo ba 'yung kasama ni Chase?" tanong ko pa. Sobrang tahimik kasi ni Veronica, hindi ako sanay na may kasama akong tahimik. Hindi ko naman pwedeng kausapin si May dahil kumakain siya.

"Sino? Si August? O si Ice?" tanong niya habang nakatutok pa rin sa cellphone.

Baliw din ang babaeng 'to. Paano ko malalaman e' hindi ko nga kilala?

"'Yung kalbo, sino 'yon?"

"Si August. Hindi naman siya totally kalbo, grabe ka naman," sabi niya habang ang mata ay nasa cellphone pa rin.

Dumapo ang tingin ko sa kasama ni Chase. Seryoso palagi ang mukha ni Chase pero hindi katulad ng katabi niya na parang pinaglihi sa sama ng loob. Pogi rin siya. Iyon siguro 'yung Ice. Napangiwi ako sa pangalan niya. Bakit naman Ice ang pinangalan sa kaniya ng magulang niya? Pati na rin ang pangalan ni Chase, na-predict ba ng nanay niya noon na maraming maghahabol sa anak niya ngayon kaya iyon na ang pinangalan sa kaniya? 'Yung name din ni August, August ba siya pinanganak kaya gano'n ang name niya?

"May klase ba tayo mamaya?" tanong ko, tinatamad.

Tumango si Veronica. "Meron."

"Ikaw nga pala 'yung matalino naming kaklase, 'no?" tanong ko dahil naalala kong siya nga pala iyong palaging natatawag ng teacher.

"Ha? Hindi naman ako matalino," sagot niya kaya napangiwi ako. Matalino siya, wala siguro siyang bilib sa sarili kaya sinasabi niyang hindi.

Nakasabay namin sa paglabas ng cafeteria si Christine. Nagulat pa ako nang makita kong lumuluha siya kaya mabilis na hinanap ng mata ko ang kaninang kasama niya. I caught him staring at her worriedly.

"What did you do?" I mouthed when he looked at me. He only shook his head. Tss. Hindi naman no'n masasagot ang tanong ko!

Sinundan ko si Christine. I can't just let her go after seeing her cry!

"Christine!" Hinawakan ko siya sa braso. "Are you okay? May ginawa ba sa 'yo ang kalbong 'yun?" tanong ko.

Nanigas ako nang bigla niya akong yakapin.

"I don't know what to do..." Humikbi siya. "I... I love him but the pain that he caused is still... here."

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko naman alam ang nangyari sa dalawa. Pero dahil sa sinabi niya ay alam kong may nakaraan sila.

* * *

"Saan ka nagpunta?" tanong ni May sa akin dahil hindi pala nila ako nasundan kanina. Mabuti na rin na hindi sila sumunod dahil sigurado akong hindi magkukwento si Christine kapag nakita niyang may iba akong kasama.

Ngumiti na lang ako dahil ayaw ko namang sabihin ang mga ikinuwento sa akin ni Christine. Ayaw ko namang pati sa akin ay mawala ang tiwala niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos kong marinig ang mga ikinuwento ni Christine sa akin. Hindi naman ganoon kasama si August sa paningin ko noon pero noong narinig ko ang mga pinaggagagawa niya noon sa babae ay pati ako ay nasaktan.

Bumuntong-hininga ako at bumaling na sa kaibigan ko. "Sa'n si Veronica?" tanong ko kay May pagkatapos kong mapansin na wala siya sa likod ko kung saan siya nakaupo.

"Lumabas saglit." Nagkibit-balikat siya.

Si Veronica? Lumabas? Ng ganitong oras? Ano kayang dahilan? Mahigit dalawang linggo na rin kaming magkaklase pero palagi siyang nasa upuan niya kapag ganitong oras ng klase. Kahit pa walang teacher.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ni May at nakitang late na ang isang subject namin. Mukhang hindi na papasok ang sunod na magtuturo kaya nagpaalam muna ako kay May.

"Labas muna ako. Mukhang wala namang magtuturo," sabi ko. Tumango lang siya dahil abala sa cellphone.

Tahimik na sa labas ng classroom. May klase na ang mga katabi naming room kaya tahimik lang akong naglalakad. May mga estudyante pang napapatingin sa akin kaya binilisan ko na ang lakad ko.

Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang boses ni Veronica.

"You still like her?" I heard her asked. "She cheated on you!" she frustratedly said.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing nasa dulo sila ng hagdan. Hindi ko makita kung sinong kausap niya. Nakakahiya naman dumaan dahil may kausap siya. Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi alam ang gagawin. Nakakahiya rin naman kung babalik pa ako sa classroom, may mga nakakita na sa akin. Baka sabihin ay pagala-gala lang ako.

"You don't understand." Natigil ang akma kong pag-alis nang marinig ko ang boses ng lalaki.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang malalim na boses na iyon ay kilala ko. Kahit pa isang beses ko lang narinig ang tinig na iyon ay kilala na 'yon ng sistema ko.

Kulang na lang ay hindi ako huminga para lang hindi makagawa ng ingay.

Sinusubukan kong hindi maniwala na siya nga ang kausap ni Veronica kasi bakit sila mag-uusap? Kilala ba nila ang isa't isa? Are they friends for them to shout at each other like that?

Natigil ako sa pagtatanong sa sarili nang makumpirma ko na ang kanina ko pang iniisip.

"Then make me understand, Chase!"