Daisy Novel
HomeGenresRankingsLibrary
HomeGenresRankingsLibrary
Daisy Novel

The leading novel reading platform, delivering the best experience for readers.

Quick Links

  • Home
  • Genres
  • Rankings
  • Library

Policies

  • Terms of Service
  • Privacy Policy

Contact

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. All rights reserved.

CHAPTER FOUR

“S-sir.." lumingon siya sa ‘kin.

Napansin kong may bigla siyang hinugot sa likod niya. Nagulat ako nang malamang isang . 45 caliber pala yun. Nakatutok ito sa akin.

Is he going to kill me?

He smirked.

"You're finished."

Nabato ako sa kinatatayuan ko. So, he's one of them?

I slowly closed my eyes. I bit my lower lip para mapigilan kong umiyak.

"Duck." Sa gulat ko, napadapa ako.

Umalingawngaw ang tunog ng baril sa paligid.

Napalingon ako sa kanya.

"Caught you, idiot." he smirked after killing whoever that guy was.

Bigla siyang tumingin siya sa akin.

"Sorry, didn't mean to scare you." Inalalayan niya akong tumayo.

"I thought you're-" hindi niya ako pinatapos.

"I already saw him when you were talking with your maid. There was a shadow behind the curtains." Paliwanag niya.

"That's not what I'm gonna say. You're- Scheisse!(Shit!) 6'o clock!" I suddenly shouted at him

"Fuck!" he cursed.

Bigla niya akong niyapos at nakarinig ulit ako ng putukan.

I was catching my breath. Nagulat din ako dun. He's too fast and well-trained for an ordinary professor.

"Well, that makes my work a lot easier." Sinamaan ko siya ng tingin.

“Can you tell me what’s going on right now? Seriously! What kind of job are you having here?!” I shouted at him.

“It’s better that you know nothing.”

I looked at him in disbelief.

Seryoso siya? Hindi pa rin siya magpapaliwanag kahit kamuntikan na kaming mamatay?

"I guess those punks already barged in. Where's the control room?" Itininuro ko sa kanya ang secret door. Doon kami dumadaan ni Dustin for emergency purposes like this. Ngayon ko lang nagets kung bakit may ipinagawang secret door dito si Daddy.

"Behind my bookshelf, there's a secret door." Hinila niya ang kamay ko at nilapitan namin ang bookshelf ko.

Magkatulong kaming nagtulak dun at binuksan niya ang pintuan at pumasok kami dun.

We don't have to worry about closing the door or about moving the bookshelf. Hindi nila kami mahahanap dahil automatic na bumabalik sa dati niyang posisyon ang bookshelf ko at ang pintuan doon ay automatic ding sumasara.

Habang naglalakad kami..

"Sir Tristan, ano ba kasi talagang trabaho mo? Why do you have a gun with you? Licensed ba yan? Drug dealer ka ba? Sumagot ka naman o! Natatakot ako sa'yo eh." Tumigil siya saglit. He’s not even showing any expressions on his face.

Fuck him! Mas galit ako kasi ang tahi-tahimik niya.

"First of all, we need to get to the control room. Second, I am not a drug dealer. And lastly, I work for the government. I'm an agent and I have a license for this." Ipinakita niya pa sa ‘kin ang handgun niya. Inirapan ko na lang siya. I just continued leading the way to the control room.

Pagdating namin sa control room, kita sa mga monitor ang mga nirerecord ng CCTVs namin.

"Okay, we're here." Umupo siya sa harap ng monitor at nagsimula nang magpipindot ng buttons dun.

Is he crazy?! What the heck is he doing?!

"What the- sir Tristan! Anong ginagawa mo?! Baka mapahamak ang kapatid ko!" I kept on pulling his sleeve.

"Stay still. Your brother is safe." May itinuro siya sa monitor.

"Guess he's still trying to figure out how to leave this house." He took his phone from his pocket.

"Hello, Dustin." Ini-loudspeaker niya pa ang phone niya.

[Kuya Tristan? Magkasama ba kayo ni ate?]

"Ich bin hier! (I'm here!)" Sagot ko.

[Gott Sei Dank! (Thank Goodness!)]

"Dustin, may pintuan dyan si tito na ipinagawa para madali tayong makatakas. Do you still remember?" Nakita kong kinakapa niya na ang switch sa kwarto na yun.

Biglang nagbukas ang isang pintuan.

[Found it!]

" Dustin, be careful." Humarap siya sa camera at tumango.

Nakahinga na ako nang maluwag. Napansin kong naka-smirk sa akin si Sir Tristan.

Tsk. Problema ng taong 'to?

"What?" Mataray kong tanong sa kanya.

"You look like you were raped. Try fixing your hair." He tucked a strand of my hair behind my ear.

I felt so nervous and my heart started beating faster and faster.

What the heck?!

Anong nangyayari sa ‘kin?!

I stepped back. Tinitigan niya ako.

"S-stop doing that." Okay? Pwede ko na ba siyang patayin? Nakakaloko ang ngiti niya ha.

"Stop what?" Nakangiti pa rin siya sa akin.

Hindi ba siya nangangalay kakangiti?

Napalunok ako. Papalapit na siya.

"What are you-Scheisse! Sir Tristan!" Tinakluban niya ang bibig ko gamit ang kamay nya. Sumenyas siya na wag akong maingay. Nanahimik naman ako.

I can hear footsteps. At mukhang nanggagaling ito sa labas.

Grabe naman makiramdam ang taong 'to. Mala-bampira din.

Hinila niya ako at pinatago sa isang parte sa kwarto. Medyo madilim din kasi sa control room kaya madali kaming makakapagtago.

"Stay here and don't move." Tumango ako at umalis na siya.

Nakiramdam ako. I can hear the loud clip-clop sound of a woman’s heels.

Napakinggan ko ang pagbukas ng pintuan. Kasunod nito ang patuloy na pag-lakas ng tunog na naririnig ko kanina.

One...

Two..

Three...

Tinakloban ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. I even bit my lip just to keep myself from making a noise.

"Ace... Ace... Ace... Wherever you are, I will still find you. I will get my revenge for the death of my boyfriend. Keep that in mind. See you, Crazy Bitch."

Narinig kong humina ang tunog ng kanyang sapatos. Sumara na ang pintuan at nakahinga ako ng maluwag. Sino ba dun sa dalawa ang boyfriend ng babaeng yun?

Wala naman kasi sa mga information na nakuha ko ang nagsasabi na may girlfriend o kabit ang isa dun sa dalawa kong pinatay.

"Tss. Idiotic bitch." Agad kong nilapitan ang malaking screen ng monitor at hinanap ko kung nasaan si Dustin.

Nasa labas na siguro yun. Si sir Tristan kaya? Sinipat ko ang paligid para hanapin siya. Kahit madilim ang kwarto sinubukan kong pakiramdaman kung may muling papasok sa kwartong ito.

Makalabas na nga lang!

Nilapitan ko ang pintuan at binuksan.

Nagulat ako nang makita kong nakatayo sa harap ng pintuan at nakatitig sa akin si sir Tristan.

" You're safe." Nginitian niya ako. Tumango lang ako sa kanya. I need to act innocent.

I don’t want him suspecting my other identity.

"SCHEISSE! SIR!" Bigla na lang kasi siyang natumba sa akin.

"Close your eyes, or you'll lose yourself" What does he mean?

"Huh?" I asked, confused.

"Just do it." And I did. Kaso naramdaman kong may namamasa sa kanang bahagi ng dibdib ko.

"Don't worry. This is nothing. Sorry." Nakakahalata na ako. I think he's shot. Tumalikod na lang ako sa kanya.

"Sir, umakbay ka na lang sa ‘kin. Lalabas na tayo dito." I can sense he's hesitating pero umakbay na din siya.

"Ingat, sir ha." Hinawakan ko ang kamay niya na nakaakbay sa akin at inalalayan siyang makalakad.

This feels awkward kasi nararamdaman kong nakatitig siya sa akin.

"What is it?" I asked him

I was surprised when he sniffed my neck.

"You smell like roses," he answered.

"Stop sniffing on my neck! You're not even a dog-" nagulat nanaman ako from his surprising movement.

Hinalikan niya ba naman ang sentido ko?!

"At least you're safe. Don't worry, I will keep on protecting you."

SCHEISSE! Does he want to die?!

Where's my fucking knife? I'll be playing dodge the knife with this perverted guy!

But wait, protect? Why? Why does he want to protect me?

I was about to ask him pero nang humarap ako sa kanya, I saw blood on his left shoulder.

B-blood..

"B-blood..." pinatalikod niya ulit ako at niyapos ang likod ko.

"You saw nothing." I can't think straight.

Blood... there's blood on his shoulder..

Blood everywhere.

"Chanelle, don't think about it. I'm here. No one can hurt you when I'm still here. Please keep that in mind." Hinawakan ko ang kamay niyang nakayapos sa akin.

Why does he have to be so protective just like my dad?

And with that thought, tears started to fall from my cheeks.

Previous chapterNext chapter