Chapter 28
Carmella
"I want you Carmella" Aiden said.
"I know that, pero hanggang saan?" Tanong nya kahit alam na nya ang sagot nais parin nyang marinig kung hanggang kama lang ba sya para kay Aiden, oh kung katawan lang ba nya ang gusto nito at hindi ang buong pagkatao nya. Humugot ito ng malalim na paghinga at napasabunot sa sariling nitong buhok.
"I don't know, it just, I want you to be my woman Carmella, I need you. Be my woman Carmella" nahihirapang sagot nito na hindi nya maintindihan.
"Woman? To fill and warm your bed Aiden?" She asked with fraction. naramdaman nya ang pagkirot sa dibdib dahil nasasaktan sya.
"Ibibigay ko sa iyo lahat, money, house, car, everything money can buy"
"Anong kapalit Aiden? Katawan ko ba?"
"Yes Carmella your body"
"Alam mo bang sa sinasabi mong yan tila wala akong pagkakaiba sa mga kapatid ko pag tinanggap ko ang halok mo"
"You are different Carmella, dahil ako lang ang magigiging lalaki sa buhay mo, I'll keep you as long as I want you and-"
"And after that? Anong gagawin mo sa akin pag ayaw mo na sa akin Aiden?" Putol na tanong nya rito.
"Believe me Carmella hindi ko rin alam, basta ang alam ko I want you that's it, I need you Carmella, yan ang nararamdaman ko"
"Sex Aiden! Yan ang gusto mo sa akin" taas noong sagot nya.
"Maybe yes! Dahil naiintriga ako sa isang Carmella Perez"
"Anong kinaiintriga ng isang Aiden Del Castillo sa isang tulad ko na ang mga kapatid ay kaladkarin at pumapatol sa mga may asawa?"
"You are different Carmella"
"Different dahil you think I'm still virgin isn't?" Hamon na tanong nya rito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkislap ng mga mata nito ng banggitin ang salitang virgin. Well Yes sa edad nyang bente wala pa syang karanasan pagdating sa pagtatalik. Si Aiden nga ang unang humalik sa kanya at nagparamdam ng pangangailangan na sa buong buhay nya ay kay Aiden lang nya naramdaman, at tila mananatiling kay Aiden lang nya mararamdaman.
"I don't care about that damn thing Carmella, I don't care kung, kung kani-kanino kana rin pumatol before me, ang mahalaga sa akin ay kung ako, ako lang, ayoko ng may kahati" matigas na sagot nito. Bumuntong hininga sya at tila pinag-isipan ang sinasabi nito. Alam nya sa sarili nya na may damdamin sya kay Aiden. At kung bibigyan nya ng laya ang damdamin nya para rito ay matatalo sya sa huli dahil iiwan lang sya ni Aiden pagkatapos pagsawaan. Magiging tulad na rin sya ng mga kapatid nya. Hindi makikipag relasyon si Aiden sa kanya, sisiping lang ito sa kanya pag gusto nito, at pagdating ng araw na magsawa na ito sa kanya at daig pa nya ang lumang basahan na basta nalang itatapon kung saan dahil wala na itong pakinabang pa. yan ang magiging papel nya sa buhay ni Aiden pag nagpatalo sya sa sariling damdamin nya.
"What do you want me to do Aiden?" Tanong nya rito. Nag angat ng mukha si Aiden at nagtama ang kanilang mga mata.
"Be my woman"
"Tell me Aiden, what's the different between to be your woman and to be your girlfriend?" Lakas loob na tanong nya. Kahit alam nyang tila hindi kilala ni Aiden ang salitang girlfriend
"Carmella I can't be your boyfriend. I hate comitmment, I hate relationship, ayokong matali sa isang relasyon na walang pag-ibig" napangiwi sya sa sinabi nito. Pero yon naman ang totoo, walang pag-ibig ang ano mang nararamdaman ni Aiden sa kanyan, tanging pagnanasa lang ang nararamdaman nito para sa kanya.
"Sex Carmella that's what I want from you and what I need from you" may diing patuloy nito na tila ba para maintindihan nya ang nais nitong mangyari sa kanila.
"Sex" ulit nya na may panunuya sa tono.
"Yon lang ang gusto mo sa akin sex kapalit ang lahat ng bagay na kayang bilhin ng pera mo hindi ba Aiden?"
"Yes, Hayaan mong ilayo kita rito sa San Miguel, dadalhin kita sa Maynila kung gusto mo, doon ka tumira ako ng bahala sa lahat" sagot nito na. Pakiramdam nya kumirot ang puso nya dahil itatago sya ni Aiden sa mga tao sa San Miguel dahil ayaw din nitong madikit ang pangalan nito sa pangalan nya. Nanikip ang lalamunan nya nais nyang maiyak sa mga sinabi ni Aiden sa kanya. Pero pinigilan nya hindi sya dapat magpakita ng ano mang emosyon kay Aiden dahil pagtatawanan lang sya nito, dahil may damdamin sya para rito samantalang ito katawan lang nya ang habol.
"Naiibang ka na kung ganoon" mariing sabi nya at mabilis na humakbang para sana makaiwas na kay Aiden dahil walang patutunguan ang pag-uusap nila dahil hindi sya papayag na maging tulad rin sya ng mga kapatid, kahit pa sabihin nyang may damdamin na sya kay Aiden. Pinangako nya sa sariling hindi sya magiging tulad ng mga kapatid nya, kung ibibigay nya ang sarili sa taong mahal nya at dahil yon sa pagmamahal hindi dahil lang sa pisikal na atraksyon tulad ng nararamdaman ni Aiden sa kanya at lalong hinding-hindi dahil sa pera ang mga materyal na bagay.
"Carmella" pigil nito sa kanya at hinawakan sya sa braso.
"I can give you everything, just accept my offer. Pagka graduate mo ititira na kita sa Maynila bibilhan kita ng sarili mong condo, doon ka mag stay and bibisitain kita doon twice or-"
"Bibisitain mo ko sa tuwing kailangan mo ng sex?" Dugtong nya sa mga sinasabi nitong tila ba planado na nito ang lahat ng gagawin sa kanya para lang mapapayag sya.
"Carmella"
"I'm sorry Aiden, I've told you I'm different hindi ko ipinagbibili ang sarili ko, hindi ko masikmurang ibenta ang katawan ko sa kahit anong halaga" matigas na sagot nya at marahas na binawi ang braso rito.
"I can't believe na tulad ka rin ng iba, you offer money for sex" tila nandidiring patuloy nya. nanatili namang nakamata sa kanya si Aiden na tila nauunawaan ang ibig nyang sabihin.
"Uuliti ko Mr. Del Castillo, I'm different, hindi ko ipinagbibili ang sarili ko" determinadong sabi nya at mabilis na naglakad palabas ng opisina nito bago pa ito makapagsalita.