Chapter 11: Answers
“Hoy bakit ang init mo? Gaga ka!”
Nagising agad ako dahil sa sigaw ni Farrah inambahan pa niya ako na sasabunutan niya ako pero agad kong hinawakan ang kamay niya. Papikit-pikit pa ako dahil hindi ko maidilat ang mata ko sa sobrang liwanag ng ilaw.
“Girl sino kasama mo kagabi? May boyfriend ka ‘no?” tanong ni Ravenne sa akin. Magkasalubong pa ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
Umupo ako sa kama. Tsaka humarap sa kanya.
“Ano na naman bang pinagsasasabi mo?”
“Nakita ka namin kahapon may naghatid sa ‘yo rito basa pa nga kayong dalawa eh para kayong nagpaulan. Mag-madaling araw na kayo umuwi.” Si Wendy ang sumagot. May hawak siyang baso. Umiinom siya ng tubig. “Sino ‘yon?”
“Kuya mo,” sagot ko agad.
Agad na nabitawan ni Wendy ang baso dahilan para mabasag ‘yon at magkalat ang tubig sa sahig.
“Hoy! Sa kwarto ko pa talaga!” Sigaw ko sa kanya. “Umalis nga kayo rito kung guguluhin niyo lang ‘yung kwarto ko! Kakaayos ko lang eh!” inis na sabi ko tsaka frustrated na nagkamot ng buhok.
“Sorry sorry. Anong sabi mo? Kasama mo si Kuya kagabi? Bakit? Ano meron sa inyong dalawa?” curious na tanong niya. Lumapit siya sa akin kasama si Farrah na nakiki-chismis din.
“Alis!” inilagay ko ang unan ko pangharang sa mukha nila. “Alis na!”
Parehas silang natawa sa ginawa ko.
“May something ‘to talaga,” nakangising sabi ni Farrah. Halatang nang-aasar talaga. Umagang-umaga oh.
“Ay agree girl. Agree.” Pagsang-ayon pa ni Wendy na nakangisi rin.
“Anong something? Walang something something sa’min! Sa utak niyo lang meron!” Itinulak ko silang dalawa palabas ng kwarto ko at agad ko ‘yong nilock. Rinig ko pa rin ang hagikhikan nila mula sa labas.
Napahawak agad ako sa nuo ko at mariing napapikit nang maramdamang mainit nga ‘yon. Nilalagnat ako.
Pero sulit naman. Sinabihan niya ako ng “thank you”! Omg naman talaga. Kinikilig ako.
Nang maiuwi ako rito kagabi ni Ameer ay hindi na ako nakapagpalit pa ng damit sa sobrang saya. Nagpapadyak-padyak pa ako kagabi at pagulong-gulong. I stayed up all night thinking if I’m doing this wrong because it feels illegal to see him smile and cry.
Hindi pa roon natapos ang kabaliwan ko kagabi. Pumunta pa ako sa Instagram para i-followback siya at magtipa ng kung ano-anong salita pero hindi ko naman sinesend.
Agad kong sinabunutan ang buhok ko nang maalala ko na ini-stalk ko pa siya kagabi at nagfloodlikes pa ako sa posts niya!
Gusto ko na lang magpalamon sa lupa! Siguradong nakita niya na ‘yon kagabi. Ang sabi ko sa sarili ko ay aasarin ko lang siya sa pamamagitan ng flood reacts tapos aalisin ko rin after five minutes pero nakatulog ako!
Inginudngod ko ang mukha ko sa unan ko at nagpapadyak-padyak sa sobrang hiya. Paano ko na siya haharapin?
“I… I can be your safe place,”
Ang korni mo! Gusto ko na lang ibaon ngayon na! Sana sinaksak niyo na lang ako! Anong ihaharap kong mukha kapag nagkita kami? Halos three times a week ‘yon bumibisita rito! Paano ko siya iiwasan?
Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya agad akong napabangon at tumingin doon. “Sino ‘yan? Anong kailangan?” tanong ko.
“Ako ‘to girl si Ravenne ganda,” sagot ni Ravenne at humalakhak sa labas. “Nandito ako para sabihin sa ‘yo, señorita, kakain na tayo ng breakfast.”
Agad akong bumalik sa pagkakahiga at nagtalakbong. “Ayaw. Hindi ako gutom.”
“Pwet mo! Kailan ka pa natutong magsabi niyan? May himala bang nangyari kagabi at umayaw ka sa pagkain?” tatawa-tawang sabi niya sa akin. “Tara na kasi sa baba! May sakit ka pa oh!” Dagdag niya pa.
“Hays sige na nga pinipilit mo ako eh,” nakangising sabi ko tsaka tinanggal ang kumot sa katawan ko para bumangon. Bubuksan ko pa lang sana ‘yung door knob nang magsalita siya ulit.
“Dalian mo nasa baba si West,”
“HA? ANO?”
“Nasa baba si West hinahanap ka ‘ata,” ulit niya pa. Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Nakarinig agad ako ng yapak pababa ng hagdan.
Agad akong napaharap sa salamin para tingnan ang mukha ko. Ang panget! Lintek na mukha ‘yan. Hindi ako ‘yan, hindi aking mukha ‘yan! Ang ganda naman niyan!
“Akala ko ba pangit,” biglang sabi ng tao sa labas.
“Hoy! Sino ‘yan?”
“Lester gwapito,” sagot naman nito tsaka malakas na tumawa.
“Gwapito amputa pwet lang kita,” singit ni Farrah at malakas ding tumawa.
“Weh? Napakaswerte naman ng pwet mo para maging kamukha ko,”
“Lumayas ka sa harapan ko please nasusura na ‘ko sa mukha mo.”
Tumawa ulit si Lester. “Nasusura? Kaya pala ginabi tayo kagabi,”
Kagabi? Ito ba ‘yung ‘project’ na sinasabi ni Farrah sa akin?
Nakarinig pa ako ng sigawan sa baba. Nagbabardagulan na naman silang dalawa.
“Isarado mo utak mo kapag nand’yan si Lester panot nagbabasa ‘yan ng utak tapos minsan pinagkakalat pa niyan. Chismoso ‘yan eh.” Sabi ni Farrah. “Tara na sa baba.”
“Teka may aayusin lang,”
“Sus magpapaganda ka lang kay West eh,”
“Hindi kaya!”
Nang makapagsuklay na ako, hilamos at sepilyo, bumaba na ako. Natanaw ko agad sila West, Renzo, Wendy at Lester---teka, si Lycus ba ‘yon? Anong ginagawa niya rito?
Nag-uusap sila.
Nang marinig nila ang tunog ng tsinelas ko pababa ay napunta ang atensyon nilang lahat sa akin. Humarap sa akin si Ameer saglit pero ibinalik niya agad ang tingin kay Renzo. Parang may sinasabi siya rito kanina pa lang.
“Remember what I said,”
“I will.” Sagot ni Renzo habang nakatingin sa akin at gulat na gulat. “Rackhie?”
“Hi Renzo!” Niyakap ko agad siya. Ilang taon kaming hindi nagkita! Akala ko naman ay may nangyaring masama sa kanya. “Anong nangyari sa ‘yo? Ba’t nawala ka?”
“Uhm,” tumingin siya kay Wendy kaya tumingin din ako sa kaibigan ko. “We moved back to Paris after a month you disappeared. I came back five months ago, and… Wendy and I got married,” sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko pati ang ilong ko. Pinagsalit-salitan ko ang tingin ko kila Renzo at Wendy na nagpipigil ng tawa. Halatang ako lang din ang hindi nakakaalam noon dito.
“What is this behavior?” singit naman ni Farrah. Lagi niya ‘yang sinasabi kahit walang konek sa sitwasyon. Ang random niya.
“Gago? Kasal? Kailan pa kayo naging magbebe?”
“We’re not really a couple—” sagot ni Wendy.
“Yes we are, that’s why I came here and talked to your brother about the plans I want with you,” matigas na putol nito kay Wendy tsaka muling tumingin sa akin. “I’m sorry I didn’t invite you. Did anyone tell you about what happened? It’s for your safety.”
“Alam ko, naiintindihan ko naman. Nagulat lang talaga ako.”
Nalipat ang tingin ko kay Lycus na nakatingin sa akin. “D-Dito ka nakatira?”
“Ha? Oo? Siguro?”
“So you knew… about their secret too?”
I slowly nodded. “We’re friends.”
Magsasalita pa sana si Lycus nang biglang putulin ni Ameer ang sasabihin niya. “Are you sick? How are you?”
“Huh? Okay lang naman ako.”
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. “Ang init mo. Let’s take to you to the hospital,” sabi niya at hihilain sana ang kamay ko pero tinanggal ‘yon ni Lycus.
“Okay ka lang ba? Tara dalhin na kita sa Ospital. Baka kung ano pang mangyari sa ‘yo,”
“Sakit sa mata shuta sana pala hindi ko na lang inilagan ‘yung truck kanina.” Ma-dramang sabi ni Farrah.
“Okay lang talaga ako—”
“Rackhie? Anak!?”
Boses iyon ni Mommy!
“Mommy!”
Hinawakan bigla ni Ameer ang kamay ko bago pa man ako makapaglakad palabas. Tig-isang kamay ko na ang hawak nilang dalawa ni Lycus. Napatingin din tuloy sila Renzo roon.
“Bakit?” bulong ko kay Ameer.
Umiling lang siya sa akin.
Binitawan ni Lycus ang kamay ko. “Ako na titingin sa labas. ‘Wag muna kayong lalabas hanggat hindi pa ako nakakabalik after five minutes.” Tsaka siya lumabas.
Nagkatinginan kaming lahat.
Sina Renzo, nakaupo sa woodchair. Nasa tabi niya si Wendy na nakatayo. Si Lester at Farrah naman ay magkatabi sa hagdanan. Si Ameer ay kasama kong nakatayo sa tabi ng lamesa.
Maya-maya lang ay bumalik na si Lycus. “It’s really her mom.”
Nagkatinginan kami ni Ameer bago niya ako pakawalan. “I’ll go with you,”
Madali akong naglakad palabas. Napahinto ako nang makita ko si Mommy roon sa labas. Naka-facemask siyang puti at itim na hoodie. Nakababa ang buhok niya.
“Rackhie anak…”
Namuo agad ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Ang pinagtataka ko lang ay wala si Daddy. Napansin niya ‘ata ‘yon nang habulin niya ang tingin ko. Umiling-iling siya habang tumutulo rin ang luha.
“He didn’t make it…”
“W-What… What do y-you mean?”
Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay kinakabahan na ako sa susunod niyang sasabihin. Hindi ako ready. Sana naman ay mali ang naisip ko.
“There’s a group of girls who asked to meet us. Nagtataka kami ng Dad mo dahil pinayagan kami ng mga pulis na ilabas niya pero sumama pa rin kami. Ang sabi nila sa amin ay kaibigan mo raw sila at tutulungan daw nila kaming makalabas. Noong yumakap ang Dad mo para magpasalamat, bigla niyang sinaksak---” hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil napahagulgol na siya.
Agad akong sumugod para yakapin siya. Napahagulgol na rin ako sa kabila ng gulat at kabang nararamdaman.
“May mga kapangyarihan silang lahat. Lumutang pa ako. Hindi nila ako sinasakal pero parang sinasakal ako ng hangin. Nabuhay lang ako dahil gusto nilang hanapin kita at ibigay sa kanila kapalit ng buhay ko—”
“And you’re going to give her to that bitches?” Sigaw ni Wendy sa kanya.
“Wendy!” sinigawan ko siya pabalik. Hindi niya naman ‘to problema. Bakit siya nakikisali?
“H-Hindi sa gano’n… Hinahanap kita para masiguradong hindi ka nila m-mahahanap. I want to know if you’re safe.”
“I-I don’t understand,” kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
“Fucking liar!”
“Wendy let’s go, we’re going,” masuyong sabi ni Renzo sa likuran namin. “I’m sorry. I’ll calm her down.” He gave me an apologetic smile.
Ilang oras kaming nag-usap ni Mommy. Ipinapaliwanag niya sa akin bawat detalye ng nangyari. Nananatili lang si Ameer sa likod ko at tahimik na nakikinig sa aming dalawa.
She’s staying here for now. We know they’re looking for her now. They’re looking for me, too. Mom said they also told her to hide or they’ll kill her. My mom is shaking because of nervousness. She saw dad die.
I don’t know how to express my feelings now. I’m not happy, I’m not sad, I’m not scared or anything. I don’t know.
Gabi na nang umuwi sila Lycus, Renzo at Ameer. Kasama ko sa kwarto si Mommy dahil ito na lang ang kwartong available. Hindi pa kami nag-uusap mula kanina. Nakahilig ako sa higaan habang hindi maubos-ubos ang tumutulong luha ko.
Hindi ko manlang nakita si Daddy.
“Nak…”
“Bakit po?” mahinang tanong ko. Paos na rin ang boses kakaiyak. Hindi ko siya tiningnan.
“Kumusta ka naman dito?”
“Okay lang po.” Sagot ko na lang. Wala na akong masabi.
Lumapit ang mukha ni Mommy sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya pero may isang kapansin-pansing bagay akong napansin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko o namamalikmata lang ako pero parang nakakita ako ng tattoo…
“Pasensya ka na anak ha…”
Hindi na ako sumagot.
10pm na nang magising ako mula sa pagkakatulog. Nagkacharge ang cellphone ko sa tabi. Chineck ko ‘yun at tiningnan kung may nagmessage pero wala naman. Napatingin ako kay Mommy at nakita ko siyang natutulog sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising.
Binuksan ko ang tv. Hininaan ko agad ‘yon pagkabukas na pagkabukas ko pa lang para hindi marinig ni Mommy ‘yon dahil baka magising pa siya.
Balita ka agad ang unang bumungad sa akin. Isang balita pa lang ang natatapos ko nang biglang magkaroon ng breaking news. Sa una ay normal lang ang reaksyon ko. Hanggang sa mabasa ko ang headline ng balita na ‘yon.
Rhei and Siona Mendiola found dead at El Ponce City Jail
Agad na hinanap ng mga mata ko ang mukha ni Daddy. Kahit manlang sana roon ay makita ko siya. Hindi ipinakita ang mukha niya dahil kalunos-lunos daw ang sinapit nito. Pero isang bangkay pa ang sumunod doon kaya mas lalo akong nagtaka.
That’s a fake news, right?
Lumabas ang isa sa mga kamag-anak ni Mommy sa tv kaya mas lalo kong itinutok ang mata ko para magfocus at mapakinggan ko nang maayos ang susunod na sasabihin.
Umiiyak siya habang nagpupunas ng panyo sa mga mata. “H-Hindi ko po inaasahan noon na.. makukulong ‘yung pinsan ko. Kasi napakabait po nilang tao niyang asawa niyang si Rhei na ‘yan… kaya nagtataka po kami kung bakit nagkaroon agad ng warrant. I-Isang buwan pa lang silang dalawa sa kulungan ay nangyari na agad ito kaya!”
Humagulgol siya sa camera. May mga tinatanong pa ‘yung reporter pero hindi ‘yon maintindihan. Tumatango lang ‘yung babae.
“Hindi ko po mapapatawad ang anak nilang dalawa na si Rackhie Mendiola dahil hindi niya kailanman binisita ‘yang mga magulang niya kaya sigurado akong nagtatago ‘yang batang ‘yan kasi sangkot siya sa krimen na ‘to. Spoiled po ‘yung batang ‘yon siguro nagalit kasi hindi na siya makakabili ng mga gamit at wala ni singkong duling na pera kahit matitirhan kaya nagawa niya ‘yan,” pagpapatuloy niya pa.
Napanganga agad ako sa sinabi niya hanggang sa tumulo na ulit ang luha ko. Ako? Nasisi na naman ako. Porket hindi ko lang sila nadadalaw ay ako na agad ang may kasalanan. Ang kapal naman ng mukha niya. May ebidensya ba siya? Eh hindi ko nga siya kilala eh!
“Mom—”
Pagkatingin ko sa likuran ko ay wala na roon si Mommy kaya lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin siya. Wala pa rin akong makitang bakas niya.
Lumabas ako ng kwarto. Patay na ang ilaw sa mga kwarto kaya ang dilim at wala akong magawa kundi mangapa sa dilim. “Mom?”
Bumaba na rin ako sa hagdanan pero wala pa rin akong nakikitang bakas ni Mommy roon. Tumingin pa ako sa kusina. Nagbabaka-sakaling nandoon siya at kumakain lang pero wala naman.
“Finding me?”
Bigla kong naaninag ang mukha ni Mommy mula sa kulay asul na ilaw mula sa bintanang nakabukas. Masama ang ngiting ipinapakita niya sa akin. Nakita kong kumislap ang mga mata niya at ang pag-iiba ng kulay noon.
Hindi siya si Mommy!
Agad kong kinapa mula sa likod ko ang kutsilyo.
“Ang bilis mong malaman ah. Akala ko naman makakaabot ako ng linggo rito pero masyado ko pala kayong minaliit ng mga kaibigan mo. Ang tatapang nila, ‘no? Pero ikaw. Mahina ka.” Hinawakan niya pa ang pisngi ko. “Napatumba na namin ang mga magulang mo, ikaw na lang ang natitira. You should be thankful that I will kill you to end pain and for you to see your parents.”
“Who are you? Where are my parents? Why do you look like my mom? Answer me or I’ll kill you?” bulong ko sa kanya. Ayokong may makarinig noon.
“Well, I’m sorry, ridge clan already ate them.”
“Ridge clan? What the hell are you talking about?”
“Doesn’t matter. I’ll kill you here. Now.” Muli siyang ngumiti at tinutukan ako ng baril sa ulo. May silencer pa na nakakabit doon.
“Go on. Shoot. You fucking bitch.” I said, smirking to annoy her.
Isang malakas na hampas ang narinig ko. Sa isang hampas na ‘yon ay napatumba na agad ‘yung babae na ‘yon. Si Wendy ang humampas noon sa kanya.
“Are you okay?” tanong niya sa akin kasabay ng pagbukas ng ilaw. “That fucking whore. I knew it. I know something wrong is going on.” Dagdag niya pa.
Nasa likod niya si Farrah na naka-crossarms. Kinuha niya ang baril na hawak kanina nung babae at walang pagdadalawang-isip na ipinutok ang baril sa ulo nito.
“We need to leave here now.” Farrah said.
“Ngayon? Paano ‘tong bahay?” tanong ko.
“We’ll come back once we get rid of those bitches,” she answered and handed me the gun. “You can use that, right?”
“Y-Yes but—”
“No buts. We need to finish them before they kill us all, they’re not gonna stop.”
“Ravenne, that’s dangerous. Are you planning to get rid of the Ridge clan? It’s too risky! We might get killed at once!”
Matalim siyang tiningnan ni Farrah. “Do you want them to end what we worked hard for? Do you want that too happen?”
“What are you planning to do?”
“We need to go back there. Island…”
Agad na hinawakan ni Wendy ang kamay niya. “Are you serious? We don’t even have a key!”
“That doesn’t matter. We have another way for that. What matters is Rackhie’s safety.” She said. “You’ll continue studying there. You no longer belong to their world.”
“Farrah naguguluhan ako—”
“Don’t call me Farrah again. My name is Ravenne and her name is Landrice. Farrah’s already dead.”
“Farrah…” masuyong tawag sa kanya ni Wendy.
“They already killed our soul, Landrice. I’m not going to allow them to do the same to Rackhie. No matter what happens, I’ll bring the justice. Like a dish, served cold.”
“Paano na ‘yung parents ko?” bulong ko.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. “Isipin na lang natin na hindi kayang gawin ‘yon nila Shivani. Let’s stay positive, we’ll find them, okay?”