KITY'S POINT OF VIEW
"Salamat sa paghatid sa akin at sa paglabas natin River. Nag-enjoy ako," sabi ko nang makababa ako ng sasakyan niya.
Nasa harap na kami ngayon ng mansion. Kakauwi lang namin dahil kumain pa kami ng dinner sa nadaanan naming fast food restaurant.
"You're welcome, I'm glad that you enjoyed it. Let's do it again when we're no longer busy, I'll take you somewhere else here in Bicol."
"Talaga? Can we go to Mayon Volcano next time?"
Gusto ko talagang pumunta doon dahil sikat 'yon.
"Of course, if that's what you want."
I grinned, "Sabi mo 'yan ah."
He nodded, "All right, pumasok ka na sa loob. It's getting cold out here baka magkasakit ka pa."
I just smiled and turned my back off him, papasok na sana ako sa loob pero bigla niyang malakas na tinawag ang pangalan ko.
"Yes?" takang turan ko. Lumingon ako sa kaniya, nakalabas ang ulo niya sa bintana ng sasakyan niya.
"Don't forget what I told you earlier, I meant everything that I've said!" he shouted.
Pilit akong ngumiti at saka tumango, nakaramdam na naman ako ng awkwardness dahil pinaalala niya na naman ang mga sinabi niya kanina. Bumusina muna siya sa huling pagkakataon bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan niya.
Pinakawalan ko ang pinipigilan kong ngiti, "Gusto rin naman kita wala lang akong lakas ng loob na sabihin 'yon sayo ngayon," I whispered to myself.
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Nang mapansin ako ng mga kasambahay ay agad nila akong binati at kinuha ang mga dala kong bag.
"Thanks."
"Nag hapunan ka na po ba Ma'am?" tanong ng isang kasambahay.
"Yes, tapos na po," tugon ko, "Nasan po si Mamita?"
"Nasa kwarto niya po Ma'am."
I nodded. Umakyat ako taas at saka nag tungo sa kwarto ni Mamita. Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok, naabutan ko siya na nakahiga sa kama niya habang nanonood ng tv.
"Apo ko, you're back," masayang sabi niya nang mapansin niya akong pumasok sa kwarto niya. Sinalubong niya ako ng yakap.
"Good evening Mamita, kumain ka na po ba?"
"Kanina pa Kity, ikaw kumain ka na ba? How's your trip?"
"Tapos na po akong mag dinner Mamita, kumain na kami ni River no'ng pauwi kami. And about my trip, I had fun!" I said happily.
She smiled and combed my her using her fingers, "Mabuti naman at na enjoy ka doon Apo, alam ko naman na hindi ka papabayaan ng anak ni Russel kaya kahit ayaw kong lumayo ka ay pumayag na rin ako."
"Thanks, Mamita for trusting River."
She just nodded and smiled at me calmly. Hindi na ako nagtagal sa kwarto ni Mamita kasi kailangan ko nang magpahinga dahil may pasok pa kami bukas. Nagtungo na ako sa kwarto ko, nilagay ko na sa laundry ang mga labahin ko at saka ako nag half-bath.
Pagkatapos ay ginawa ko na ang mga night routine ko bago ako pabagsak na humiga sa kama ko. Ilang minuto akong nakatitig sa kisame at saka wala sa sariling napangiti. Marahan kong hinawakan ang labi ko habang nakarehistro pa rin doon ang ngiti ko.
"Is it really true? We kissed?" I asked to myself.
First kiss ko 'yon kaya hindi ko talaga alam kung anong irereact ko kanina. Nagulat rin ako sa sarili ko kanina nang bigla ko siyang hinalikan pabalik. Hindi pa naman ako marunong humalik. Pano kung mali 'yong ginawa ko? Gano'n na ba 'ko karupok sa kaniya?
Inalis ko sa utak ko si River. Ipinikit ko ang mga mata ko para makatulog na. Itinatak ko sa utak ko na may pasok pa bukas.
Kiely, I like you.
Para akong tanga na bigla na lang napamulat ng mata at saka tumingin sa paligid ng kwarto ko dahil parang narinig ko ang boses ni River sa malapit.
Mariin akong napapikit. Dinaig niya pa ang multo kung magparamdam siya ng pagkakagusto niya ah. Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin ako tinatantanan ng 'Kiely I like you' niya na 'yan, pag ako talaga hindi nakatulog dahil diyan hindi ko talaga siya sasagutin.
Bakit nang liligaw ba?
Napaisip naman ako. Nanliligaw nga ba ang lalaking 'yon? Wala naman siyang sinabing mangliligaw siya. Pero parang ganon na rin 'yon, right? He confesses his feelings to me kaya automatically na manliligaw na siya after.
"Pero wala talaga siyang sinabing manliligaw siya. Pano kung ayaw niya ng commitment?"
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil maraming tanong sa utak ko na kahit isa ay walang sagot.
"Letche ka talaga River. Subukan mo lang na wag akong liwagan kakalbuhin talaga kita, sinasabi ko sa'yo."
*****
Look to the left. Look to the right. Cleared. Thank god, I didn't see River's car here at the parking lot, so I'm sure he hasn't arrived yet.
"Tsk, kalalaking tao ang bagal kumilos, mas mabilis pa siguro sa kaniyang kumilos ang pagong," sabi ko sa sarili ko at umiiling-iling pa.
Bawas pogi points siya sa akin kasi mabagal siyang kumilos.
Hindi naman sa hinihintay ko siya kaya ako nandito sa parking lot ah. Napag isip-isip ko kasi kagabi na hindi ako magpapakita sa kaniya ngayong araw, gusto kong malaman kung anong gagawin niya kapag hindi niya ako nakita. Doon ko malalaman kung gusto niya ba talaga ako o pinagtritripan niya lang.
"Who are you talking to?"
Napatalon ako sa kinatatayuan ko at halos mapatili dahil may biglang nagsalita sa likod ko. Nanigas ako nang makilala kung kaninong boses 'yon.
I looked behind me, "River..."
Nakangiti at maaliwalas na muka niya ang bumungad sa akin. I looked at him from head to toe. Wala namang bago sa suot niya or what pero parang iba ang awra niya ngayon.
"Is there a problem?" he asked and looked at himself as well.
I shook my head, "A-ano palang ginagawa mo dito?" patay malisiyang tanong ko.
Palihim akong tumitingin sa paligid ng parking lot dahil baka may makakita sa'min tapos gawan pa kami ng issue. Ayokong maging headline ng school newspaper ngayong buwan!
"Waiting for you," daglian akong napalingon sa kaniya.
"Ha? Ako?"
He nodded, "Yes you, who else?"
Si Yolan, duh.
I stood up straight and pretend to clear my throat. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil naaalala ko 'yong nangyare kahapon. Baka maging marupok na naman ako, mahirap na.
"Bakit mo ako hinihintay? May kailangan ka ba sa akin?"
Umiling siya, "I just want to check on you and bring you to your room."
"Um, ano kasi may pupuntahan pa ko tapos ano matagal 'yon for sure kaya wag mo na akong ihatid," pilit pa 'kong tumawa para mas maconvince ko siya.
Please, wag mo munang guluhin ang utak ko ngayon, kahit ngayon lang kailangan kong mag-isip.
Tumango siya pero bakas pa rin sa muka niya na ayaw niyang pumayag.
"Mauna na ko," agad akong tumalikod pero natigilan rin agad nang hawakan niya ang braso ko.
"I hope you don't avoid me," nasusumamong sabi niya.
I slowly looked at him and smiled, "I won't."
*****
Kinusot ko ang mata ko dahil nakaramdam ako ng antok dahil dito sa binabasa kong libro. Kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko dahil ilang minuto na lang ay lunch na, gusto ko nang lumabas dahil kanina pa 'ko nagugutom.
Hindi na ako nakapag-almusal dahil maaga nga akong pumasok para mauna ako kay River pero nag-ending wala rin nangyari dahil nagkita pa rin kami.
Sa totoo lang naguilty ako kanina nang sabihin niyang wag ko siyang iwasan. Napag isip-isip ko na dapat pabayaan ko siya na i-express ang nararamdaman niya para sa akin. Siguro dadating rin 'yong araw na malalaman niya rin ang nararamdaman ko para sa kaniya pero hindi pa ngayon kasi hindi pa ako handa.
"Miss Barrameda, are you with us?"
"Po?"
Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin sa akin. Maging si Dra. Dy ay nakatingin sa akin ng matalim.
Shit, bakit ba kasi ako nag di-daydream? At dito pa talaga ka Dra. Dy!
"I said are you with us?" mataray na ulit niya.
Hindi ako nakasagot. Dahil wala naman akong naintindihan sa mga tinuro niya simula sa umpisa.
"My god, Miss Barrameda!"
Patay.
"Naturingan ka pa namang apo ng tinitingala dito sa atin tapos ganitong behavior sa klase ang ipinapakita mo! Hindi ka nakikinig sa klase ko tapos gusto mong maging doctor! Para ano? Tumunganga sa hospital?" galit na turan niya, "Hindi lang ikaw, pati narin kayong lahat!" tinuro niya ang mga kaklase kong nagsitunguan sa mga lamesa nila.
"Akala niyo ba hindi ko napapansin na kapag oras na ng klase ko ay inaantok na kayong lahat?! Hikab dito, hikab doon. Yan ang napapala nang hindi natutulog sa tamang oras!" bulyaw niya.
Pasimple akong napahilot ng sintido ko. Ako lang naman 'yong nakatulala pero dinamay niya buong klase. Naubos ang oras namin kakasermon niya, tumigil lang siya ng tumunog na ang bell hudyat na lunch break na.
Makakahinga na sana ako nang maluwag dahil makaka-alis na siya pero tinawag niya ang pangalan ko.
"Yes po?" kinakabahang tugon ko.
Hindi pa ba siya tapos pahiyain ako?
"Dalhin mo 'tong mga gamit ko sa faculty room," utos niya.
Wala naman akong nagawa kundi sumunod, baka sundan niya na naman ang sermon niya. Sa bahay nga hindi ako pinapagalitan tapos dito pinapahiya lang ako, sabagay kasalanan ko naman. Sino ba naman kasing shunga ang mag di-daydream sa kalagitnaan ng klase.
Pagkahatid ko nang mga gamit ni Dra. Dy sa faculty room, doon sa building kung nasaan ang library na pinuntahan namin ni River, ay hindi na ako bumalik sa building namin para kumain. Sa halip ay dumeretso na ako sa campus cafeteria dahil mas malapit na ako doon. Nagugutom na talaga ako at ayaw kong mamatay because of starvation.
Pag-pasok ko sa loob ng cafeteria ay hindi naman puno, konti lang ang kumakain dito dahil may kaniya-kaniyang cafeteria naman ang bawat department. Usually ang napapansin ko lang na kumakain dito ay 'yong magkakaibigan na may iba-ibang course pero gusto paring makama ang isa't-isa o 'di kaya mga faculty member na gustong kumain dito.
Bigla ko tuloy na-miss si Olivia. Kailan kaya siya papasok ilang araw ko na siyang hindi nakikita.
Pagkatapos kong omorder ay kumain agad ako. Hindi ako omorder ng marami dahil ayaw kong makaramdam ng bagyo sa tiyan ko.
Natigilan ako sa pag-nguya ko nang madako ang paningin ko sa table kung saan unang beses naming kumain ng sabay ni River na kaming dalawa lang. Naalala ko pa na 'yon din 'yong araw na inaya niya akong lumabas kami dahil natalo niya ako sa laro.
Ngayon ko lang narealize na sobrang dami na palang nangyari sa maikling panahon ko dito. Parang kailan lang ayaw ko pang pumunta dito dahil ayaw ko nang mga probinsiya pero ngayon parang ayaw ko nang umalis dito.
Pagkatapos kong mag-lunch ay agad akong lumabas nang cafeteria. Liliko na sana ako papunta sa building namin pero natanaw ko ang bulto ni River na naglalakad palabas ng building na pinasukan ko kanina and take note hindi siya nag-iisa.
Nagtago ako sa pinakamalapit na poste para hindi niya ako makita. Pag-katapos ay inaninag ko kung sino ang kasama niya. Parang biglang may kumurot sa puso ko nang mapagtanto ko kung sino 'yon.
Why is he with her, again? Sabi niya gusto niya 'ko pero bakit nalang lagi siyang sumasama kay Yolan?!
May hawak si River na apat na makakapal na libro at nakapayong silang dalawa. Kung hindi ko lang siguro sila kilala mapapagkamalan ko silang may relasyon.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuloy ang pagpunta ko sa building namin. Sinigurado ko na hindi nila ako makikita. Naramdaman kong nanubig ang mga mata ko, tuminga ako para mapigilan 'yon.
*****
Hanggang sa mag-dismiss kami ay wala man lang akong na receive na kahit isang text mula kay River. Kaya sa buong klase namin ngayong hapon ay nakakunot ang noo ko at mainit ang ulo ko. Mabuti nga at hindi na ako kinausap ni Dave dahil ayaw kong matarayan ko siya.
Tinext ko si Manong Mario na dismiss na kami. Sinabi niya naman na nasa parking lot na siya. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. Para akong may hinahabol dahil sa sobrang bilis kong magligpit ng gamit ko hindi na nga ako nakapag paalam kay Dave.
Pagkarating ko nang parking lot ay pumasok agad ako sa sasakyan namin.
"Uwi na tayo manong. Bilis," iritadong utos ko.
"Yes, Ma'am."
I crossed my arms over my chest at saka pagod na ipinikit ang mata. Muling nag-flashback sa utak ko ang kasal-kasalan nila ni River at Yolan pati na rin 'yong kanina.
Gusto niya ba talaga ako? O akala niya lang gusto niya 'ko pero ang totoo si Yolan talaga?
Naputol lang 'to nang biglang mag vibrate ang phone ko. Nakapikit ko itong kinuha sa bag ko, iminulat ko lang ang mata ko para basahin ang message.
I rolled my eyes when I saw who it was coming from. It's from River.
From: River
Where are you? Umuwi ka na ba?
Hindi ko siya nireplayan. Ibabalik ko na sana 'to sa bag ko ngunit tumunog muli ito.
From: River
Hey, are you okay?
"Okay mo muka mo, che!" singhal ko sa screen ng phone ko.
Anong akala niya sa akin madadala ng concern effect niya na 'yan? Sus, dun siya sa Yolan niya. Magsama silang dalawa pero mas bagay parin kami ni River! Kaya kung magiging sila syempre hindi ako papayag!