Chapter 39: Cravings and Moods

"I want that!" Itinuro ko kay Chaos ang isang balot ng gummy bears. We are in a supermarket. Of course nasa island pa rin kami. I mean, may mga markets naman dito e, you can find everything here minus the tall buildings.

"Baby, you've had enough pack of gummy bears here on the cart. No too much sweets please," I bit my lower lip. Kunot noo kong tiningnan si Chaos na ngayon ay malambing na nakatingin sa akin.

"But—"

"No buts. Uh-uh." He even shook his head to show the finality of his decision. Nginiwian ko ito bago inirapan at nauna nang naglakad dito. I don't like the way he boss me, but I know that it's for our baby too. He's just worried because I was eating too much sweets these past few days. But what can I do?! E hindi ko mapigilan ang sarili kong kumain ng kung ano ano e. Kung magrereklamo lang naman siya, edi sana hindi na niya ako binuntis! Gago!

Hinayaan ko na itong mamili sa kung anong ilalagay niya sa cart. Paminsan-minsan ay tumitingin ito sa aking gawi o di kaya ay tatanungin ako kung ano pa ang gusto kong ilagay sa cart, but I always ignore him. Minsan naman ay tipid lang akong nagsasalita bilang sagot sa mga tanong niya.

Hindi ko naman gustong mairita rito, but I really am irritated.

Hanggang sa makauwi kami ay nanatili lang akong tahimik. Nauna na rin akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa mansyon. Kaagad naman akong sinalubong ni Cerix na nagpangiti nalang sa akin.

"Baby? What do you want for lunch?" Hindi ko ito pinansin at inakay nalang si Rix papunta sa taas.

"Mommy? Dad was asking you awhile ago and you didn't answer. Were you mad?" Kaagad na nagtanong ni Rix nang makapasok kami sa kaniyang kwarto.

Ngumiti lang ako rito bago hinalikan ang ang kaniyang ulo. "Just a little misunderstanding, hun. Let's watch a movie?" sumang-ayon naman kaagad ito. Ito mismo ang pumili ng kung anong panonoorin namin. Nakaupo ako sa sila habang si Rix naman ay nakahiga. Ginawa nitong unan ang aking hita. Sinusuklay ko ang buhok nito gamit ang aking kamay pero hindi ko alam kung bakit ako ang nakaramdam ng antok kalaunan.

Nagising nalang ako nang may maramdamang kiliti sa aking leeg. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Doon kaagad na bumungad sa akin ang mukha ni Chaos. Nakanguso ito at mukhang guilty pa dahil sa ginawa. Nahuli ko lang namang hinahalik-halikan ang leeg ko.

Tumikhim ito at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Let's eat, baby?" Inirapan ko ito bago itinaas ang aking dalawang kamay. Tinitigan lang ito ng lalaki na mukhang hindi pa nakukuha ang gusto kong gawin niya. Tch. Slow

"I'm tired. You should carry me." Napabuntong-hininga naman ito bago ako binuhat ng marahan. He carried me in bridal style. He was very gentle in holding me na para bang kapag nagkamali siya ng hawak sa akin ay mababasag ako ano mang oras and I really appreciate it. I appreciate his effort so much. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pasensya nitong kasinghaba yata ng ano niya. Ramdam na ramdam ko noon pa man ang alaga at ang pagiging protective niya pero mas sumobra pa yata ngayon na dala dala ko ang anak namin. He treat me like a queen. And I very much like it.

Sa tuwing nakikita ko ang efforts ni Chaos at ang pagiging mapag-pasensiya nito sa akin, bigla bigla nalang sumasagi sa isip ko na sana, sana siya nalang ang naging asawa ko. It could've been so much better. I won't be planning for an annulment, that's for sure, dahil tanga nalang ang babae na iiwanan ang lalaking 'to. He's a keeper. On the other side, nagpapasalamat ako dahil iniwan ng Mommy ni Cerix si Chaos, dahil kung hindi, it's impossible for us to meet and to be together. Of course, I am sad that Cerix didn't get to bond with his real mother, but I am here now. I am here to fulfill the responsibly that his real mother had left. Pupunan ko ang pagkukulang nito kay Cerix, and I want to make sure that I will be enough.

And the only way to do that is to finally process my annulment with Ansel.

For Cerix, for Chaos, for our baby, and of course, for myself too.

***

"Naku!" napapalatak si Dabid nang marinig lahat ng sinabi ko rito. I told him that I am pregnant... with Chaos' of course. Ito nga at panay ang pagsasalita ng lalaki sa tabi ko, daig pa ang inahing manok kung makaputak.

"Friend pala ah? Kaya pala buntis na ngayon?" Tumawa ulit ito at naiiling akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

"At isda talaga ang pinaglilihian mo? Naku!" Napasigaw ang lalaki at natawa ulit. Napairap ako. Baliw talaga. "Baka mamaya hindi sanggol ang lumabas ah? Baka shokoy?"

Hinampas ko nga. Shokoy? Itong anak ko? Imposible. Malakas ang genes ng Verlice na 'yon kaya sigurado akong doon magmamana itong dinadala ko. Ganun naman talaga di ba? Sa lahat ng storya, minsan mo lang makikita o mababasa na sa babae nagmana ang anak. Lahat ay nagmamana talaga sa lalaki. Makuha man nila ang ilang features o ugali mo, lamang pa rin ang namana sa ama.

Minsan ay naiisip ko nga, ang unfair naman. Tayo ang lubos na naghirap sa pregnancy state e, dala dala natin for nine months, minsan pa ay nanganganib ang buhay ng ina dahil sa anak. Ang daming sacrifices ng babae tapos hindi lang pala natin magiging kamukha? Ano 'yon? Tch. But on the other hand, nasarapan ka naman noon ginagawa niyo pa, kaya dapat hindi na nagrereklamo pa. Ika nga, sa lahat ng sarap, may sakitang magaganap.

"Namumula ka diyan? Nag-iimagine ka?" Hinampas ko ulit ang lalaki.

"So that really explains your mood changes. Tapos nagliliwanag pa ang mukha mo kapag isda na ang pinag-uusapan. I thought that you were just born weird and all, but turns out, buntis ka pala talaga. Ang galing no? Binuntis ka ng FRIEND mo." pinagdiinan pa nito ang huling salita. This man. Kapag ako talaga nainis rito ay ipapatumba ko na 'to.

"Oh ayan na pala sila!" sigaw nito nang makita ang bangkang papalapit sa amin.

Ngumisi ako nang itinaas ni Chaos ang napakalaking isda. I saw it on the internet kanina when K was browsing in his phone. And I suddenly craved for it. Ayaw ko namang bumili si Chaos sa market dahil mas gusto kong siya mismo ang humuli nito.

"Ang galing! Because of your cravings and mood swings, nagawa mong pag-pangisdain ang bilyonaryong may-ari ng isla!"

I flipped my hair. It's just me, David. It's just me.