Chapter 16: Matulis na Mahaba
I woke up with Cerix's face buried on my chest. He was in deep sleep. I can even hear his soft snores. I caressed his soft curly hair before I decided to get up. Dahan dahan pa ang ginawa kong pagtayo para hindi magising, but Cerix groaned. Idinilat nito ang kaniyang mga mata at kaagad na dumapo sa akin ang tingin nito.
"M-mom? You're leaving me?" he muttered sadly. Kinusot nito ang kaniyang mga mata at dahan dahang bumangon.
"No, baby. Babangon lang ako para makauwi na ako sa cabin." malambing kong sagot dito. Hindi ito sumagot pero itinaas nito ang kaniyang mga kamay na para bang nagpapabuhat.
Napangiti nalang ako bago ito binuhat.
Last night, well, after me and Chaos talk, sa wakas ay nalinawan na rin ako kung bakit ganito na lamang kasabik si Cerix sa isang ina. Naiintindihan ko na. I told Chaos that Cerix was kinda ma-attitude at me when we first met, and he told me that Cerix know the reason why his mother left. Kaya ganun na rin siguro ang trato nito noong una akong makita, dahil inakala nitong baka, kagaya lang ako ng ina niya.
Nagulat nga ako doon, dahil masyado pa naman yatang bata si Cerix para malaman niya ang totoo na... He wasn't needed by his own mother and that, his mother choose her career over him. He was too young to be hurt and exposed that way. Pero wala naman na akong magagawa dahil iba ang view at way namin ni Chaos sa isang sitwasyon.
Ang sabi pa ng lalaki ay wala naman daw'ng naging masyadong reaksyon si Chaos. Nagpasalamat pa nga ito at umalis ang ina dahil ayaw daw nitong magkaroon ng inang handang abandonahin ang anak para lang sa sariling kapakanan.
Aaminin ko, I was quite surprised of Cerix. He think too old for his age. It's like, he matured earlier than I thought.
Ibinaon ni Cerix ang kaniyang mukha sa aking leeg habang palabas kami ng kwarto. Napasinghap pa ako sa hangin ng maamoy ang mabangong bagay na mukhang nanggagaling yata sa kusina. Pababa kami ng hagdan ng makarinig kami ng mga ingay mula sa sala.
Humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Cerix kaya hinaplos ko ang likod nito. Mukhang inaantok pa yata ito e.
"Dude! Damn! May inuwi ka palang babae kaya missing in action ka nitong mga nakaraang araw!"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita ng tuluyan na akong makababa sa hagdan. Limang lalaki silang lahat na nandito and two of them are somewhat familiar to me.
"Shit ka, Verlice! Prinsesa 'to ng mga D'angelo ang inuwi mo!" sigaw ng isa na nagpangiwi sa akin. They're handsome, but, I am not someone who will really define them one by one.
Maya maya ay lumabas naman si Chaos na may dala dala pang sandok. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa bago napamura. Napakunot ang noo.
"Baby, I have sweatpants upstairs. Go change." Mahinang bulong nito bago hinapit ang aking baywang papalapit sa kaniya. Napakagat ako ng labi ng itago niya ako mula sa kaniyang mga kaibigan gamit ang kaniyang katawan.
"Assholes, go out!" singhal niya sa mga ito. Gusto kong pingutin ang braso nito dahil sa harap pa talaga ng anak niya siya nagsalita ng masama.
"Dude, minsan ka lang magluto e, at minsan lang din kami sumusugod dito para makakain ng breakfast, huwag mo naman kami pauwiin kaagad."
"I don't care. Just go out." Malamig na sagot ni Chaos. Narinig ko pa ang reklamo ng mga ito pero sa tingin ko'y mukhang susundin naman nila ang lalaki.
"Unfair, dude. Hindi naman kami titingin sa asawa mo. Parang tanga 'to." humigpit ang pagkakahawak ni Chaos sa aking baywang.
"Isusumbong ka namin kay Ythan kapag hindi mo kami ipagluluto bukas."
"Arse." bulong ni Chaos.
Nang tuluyang makaalis ang mga kaibigan niya ay saka niya ako binitawan. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pasimple niyang paghaplos sa expose kong baywang. Since, I am wearing a crop top hoodie jacket, ramdam na ramdam ko ang kamay niya doon na talaga namang nagpatindig sa mga balahibo ng aking katawan.
"Son, you have to come down from your Mom's hold. She's already feeling numb," Ani ni Chaos bago hinalikan ang aking noo at sumambit ng mahinang 'good morning'.
Tumalikod na ito at pumasok sa kusina. Habang ako naman ay nanatiling nakatayo, still unable to process anything after what he did. I am too dumbfounded of what he did. Dumbfounded, but the weirdest feeling is, I.... freaking like what he did. Damn it!
Shit ka Chaos Aizanver Ivanovich Verlice! Curse you!
***
"Be very careful with the aloof guy, Yshien Calsey. Kasi baka hindi mo na namamalayan, nahuhulog ka na pala."
"Shut up, Tammy! Hindi na mangyayari 'yon!" nakanguso kong ani. Hindi na talaga. Wala ng chance na mahulog ako doon. Because I have an idea. Whatever I am feeling for him, is probably... just something that will eventually fade as days goes by. Hindi 'to permanente. Maybe this is just an infatuation... or a simple crush!
Ngayon pa lang ay iiwasan ko na ang lalaking 'yon. I have to avoid from falling even deeper, I have to stop it. May asawa na ako and I know that I love Ansel. Hindi ako pwedeng magpatukso sa lalaking 'yon. He's a handsome man kaya hindi ang kagaya ko ang magugustuhan niya.
I will avoid him. That's my plan. Hindi ko iiwasan ang anak niya, pero hindi ko na titingnan ang Kaguluhang 'yon. The Chaos. The great Kaguluhan.
"We don't know, girl. Baka si aloof guy na talaga ang makakabuntis sayo,"
"Tammy! I wasn't even thinking about sexual things!" sigaw ko pero tumawa lang ito mula sa kabilang linya.
After the call with Tammy ay lumabas na ako ng cabin para sana ay mag-lunch. Parang wala ako sa sarili habang palabas dahil hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Tammy.
Damn! H-hindi na ako mabubuntis! Kaya bakit niya naisipang si Chaos lang ang makakagawa nun sa akin?! Have she tried it already?! M-matulis kaya?
What?! Crazy Yshien Calsey!
Pero....
Gaano kaya kahaba ang kailangan para mabuntis ako?
Jesus!
"Baby..."
"Ay mahaba!"