Chapter 15 Kianna
“Sure, wife. Gusto mo ba ako na samahan kita?”
“Huwag na. Magpapasama na lang ako kay Hailey, matagal naman din since huling nagkita kami.”
“I’ll go with you then.”
“Ayoko nga! Ma-out of place ka lang sa amin!”
“It’s okay. Make me your bodyguard or assistant,” he suggested.
“Wala ka ba trabaho, huh?”
“I have, but gusto kitang samahan bumili sa mga kaartehan mo sa katawan.”
Naningkit ang mga mata niya dahil sa mga sinabi ng binata. Alam siya nitong inisan.
Na-late si Nick sa trabaho dahil nagkulitan pa silang dalawa.
“Where’s my kiss?” Demand ni Nick nang akmang aalis na.
“Anong kiss pinagsasabi mo diyan?” Tinaasan siya nito ng kilay.
“I’m going to work, and you should give me a kiss.”
“Ayaw ko!” Pagmamatigas niya, “huwag kang lalapit sa akin!” Banta niya, alam niya ang galawan ng binata.
Dahil matigas ang ulo ni Nick ay lumapit siya sa asawa at hinila niya ito sa kamay sabay siil ng halik. Hindi na din nagpumiglas si Azaria at hinalikan siya pabalik; nagugustuhan din naman nito ang halik ng binata sa kanya. His lips is sweet and soft naadik na siya sa labi nito.
After he pull from the kiss he smile at kumikinang ang labi nito dahil sa halikan nilang mag-asawa.
“You should kiss me before I go to work every time I come home,” he demanded.
“Fuck you!”
“I would love too! Ngayon na ba, wife?” Asar niya sa dalaga.
“Umalis ka na nga! Nakakainis ka!” Pagtataboy niya sa binata.
He laughs at lumabas na ng bahay ng may ngiti sa mga labi, he feel inspired to work.
Pagpasok niya sa loob ng opisina niya ay nadatnan niya si Kianna.
“What are you doing here?” Tanong niya at nilapitan ito.
“I’m with mommy Claudine po; she wants to see your daw.”
He frowned.
“Where is she?” He asks.
“Lumabas po nu’ng may pumasok na lalaki at hinahanap ka,” magalang na sagot sa kanya ni Kianna.
“Oh, Hi, Babe!” Sakto ang dating ni Claudine, she is smilimg widely at lumapit siya kay Nick at mabilis niyang hinalikan ito sa pisngi.
“What are you doing here?” He asks rudely.
Nawala ang mga ngiti ni Claudine dahil sa tanong niya na iyon.
She made a sad face, “why? Are you not happy that I visited you with Kianna? We both miss you. Why don’t you spend time with us? One month na kitang hindi kita nakita and you didn’t dare to reach out to me. Let’s go out and eat outside!”
He walk in his swivel chair at lumapit naman sa kanya si Kianna.
“Kuya, na-miss po kita,” malungkot na sabi ng bata.
“Come here, na-miss din kita,” he said at kinalong ang bata.
“When are you going to visit us po sa bahay?” She asks innocently.
“Let’s go out on Sunday if busy ka ngayon,” Claudine keeps on suggesting.
“I won’t go; I will be busy. I have a meeting with the investor at binabangon ko pa rin ang company,” he rejected.
“Kuya! Dali na! Sama ka na po sa amin!” Kianna tried to pursued his brother.
“Magkamukha talaga kayo ni Kianna,” she muttered, “para mo siyang girl version mo.”
Nick stilled.
“Come on, huwag mo naman tanggihan ang bata. Let’s have a family day, matagal na din simula nang lumabas tayo,” she’s persistent.
“Claudine, stop. I’m married, and you’re aware of it.”
“Paano naman kami ng anak mo? Paano kami ni Kianna? Alam ko naman na kasal ka na pero huwag mo naman ipagkaita sa amin ang oras mo. Bigyan mo naman kami ng oras,” she replied sadly.
“I’ll give you time whenever I want,” he said rudely.
**
Azaria gets bored and smile while looking at the cards of her husband. Una niyang naisip ay mag travel, at mag shopping.
She looks at the car in front of her. Anong sasakyan ba ang gagamitin niya? She couldn’t choose sa dami ng sasakyan ng asawa niya.
She will use the car in color yellow na lang para maiba. Finally makakalabas na din siya ng kulungan. She will start to find a location na lang para sa business niya na sisimulan niya. She wants to name her milk tea shop; Mari Tea with the tagline mare spill the tea.
She laughs in her mind.
Kakaalis lang ng asawa niya at balak niya itong sundin sa kumpanya, she wants to have a glimpse sa company. Nag text na din siya kay Hailey na magpapasama siya ngayong araw.
After niya sa company ay pupuntahan na niya si Hailey at mukhang magagabi siya. Well, baka sa ibang bansa na siya makapunta dahil ang tagal niyang nakakulong sa bahay.
Masaya siyang pumasok sa loob ng kumpanya ng kanyang asawa. Kumakanta siya at malapad ang kanyang ngiti.
“Hello, Ms anong floor ang office ng CEO?” Tanong niya sa receptionist.
“Maye I know your name ma’am? And do you have a scheduled with Mr. Nikolai?”
“I’m his wife.”
“Hello, Ma’am, ikaw po iyon? Hala, sorry po hindi po kita nakilala. Sa 86th floor po siya and I’ll inform his secretary na nandito ka po,” magalang na sagot sa kanya ng receptionist habang nakangiti ng malapad.
Ningitian niya din ang babae ngunit isa lamang iyong kaplastikan.
Sumakay siya sa elevator at pinagtitinginan siya but she doesnt care. Nasa tapat na siya ng office at walang tao sa desk ng secretary.
“I don’t want to come to my office again Claudine and please stop using Kianna as an excuse.”
“Pero anak mo din naman siya, ah? May karapatan din naman sa’yo ang bata. Kahit siya na lang ang bigyan mo ng oras at huwag na ako.”
She frowned. What are they talking about?
Anong anak?
“It doesn't mean she's my daughter ay mat karapatan ka ng mag demand sa akin, and I’m married.”
“Gusto mong ipaalala ko sa’yo ang mga pinangako mo?”
Bahagya niyang binuksan ang pinto at napanganga siya nang makita na may isang bata sa loob na kamukha ni Nick at nakaupo ito sa kandungan niya. Meron din isang babae na nakatayo na hindi naman kagandahan.
“Mommy, are you fighting po ba?”
“Anak, hindi kami nag-aaway ng dad mo.”
Ano? May anak si Nick sa ibang babae?! Pero bakit siya nito pikasalan kung meron itong anak sa ibang babae?
Hindi na siya nakinig pang muli at napagpasyahang umalis na lamang sa lugar na iyon.
Niloloko lang siya ng lalaki, at ano ang plano nito sa kanya? Hindi papayag ang binata na pakasalan siya kung wala itong ibang motibo.
She needs to be wise at dapat hindi siya magpadala sa mga sinasabi Nick sa kanya. Nasa isang laro silang dalawa at kailangan niyang mag-ingat.
Aalamin niya kung ano ang plano ni Nick.
Malakas ang kutob niya na planado dito ang lalaki at nasali lang ang kanyang lolo. Isa lang din naman ang naiisip niya, gusto ng lalaking iyon ang business ng family niya.
Sumakay siya sa kotse na may sama ng loob. Paano kung ibangga niya ang sasakyan nito? Para at least naman makabayad ito sa pananakit nito sa kanya.
Gusto pa niya makauwi ng buhay, mag-iisip na lang siya ng ibang plano.
**
“Bakit wala ka sa mood? Nakasimangot ka diyan?” Tanong ni Enzo Kay Nick nang puntahan niya ang mga ito.
“Ang tagal naman ni Keran, bumili lang ng yelo umabot siya ng isang oras,” iritadong sabi ni Sorin, at nakasimangot na ito.
“Kuya mag commercial ka na po. Okay, this video is brought to you to buy distilled drinking water, and purify that good for the babies. Ma’am, hetong green lang available, at wala na pong navy black.”
Napatingin siya kay Noah na hanggang sa bahay ni Enzo ay naka live ito.
“Tara na sa BGC at iwan na natin siya!” Niinis na sabi ni Sorin.
“Hintayin na natin. Sa happy lounge place pa rin tayo, noh?” Tanong ni Enzo.
Umalis na siya sa office niya ng umalis ang mag-ina na walang nakuha sa kanya. May usapan silang magkakaibigan na hindi sila papasok sa trabaho at ginawang tambayan ang bahay ni Enzo, his house is a warm and masarap tumambay. Mamayang gabi ay may plano silang mag bar.
He is calling his wife para makapagpaalam at hindi nito sinasagot ang tawag niya. Wala siya sa mood at nakasimangot siya, hindi niya alam kung nasaan ang asawa para sana puntahan niya ito.
To Azaria Wifey
Where are you? Text me please, I’m damn worried here.
After he sent his message ay hinarap niya ang kanyang mga kaibigan.
“Sa wakas nakadating ka din!” Inis na bungad ni Sorin kay Keran.
“Pasensya na may nakabanggaan kasi ako, pero okay ako. Damn bro! Ang ganda nu’ng babaeng nabangga ko! Siya na yata ang soul mate ko,” malokong sabi ni Keran.
“Ulol!” Enzo.
“Nasaan ang binili mong yello?” Sorin ask.
“Nalusaw na, hehe.”
Nick shook his head.
“Kuya may period po ako. Ate, bakit kailangan mo pa sabihin sa akin? Ganito ang gawin mo, bumili ka ng napkin na may wings tapos lumipad ka na,” Nick listen to Noah’s live, “kuya, break na kami ng jowa ko. Deserve mo iyan.”
Napapailing na lang si Nick sa kaibigan na busy sa pag la-live maghapon.
“Fucker, naka live ka na naman? Isali mo nga ako!” Excited na tanong ni Keran at nilapitan ang kaibigan na dalawang oras ng naka live.
“Mag ba-bar pa ba tayo?!” Malakas na sigaw ni Sorin at pinaparinggan niya ang dalawa na busy sa live, walang sumagot sa kanya, “aba! Puta nag meet pa tayo kung mag la-live din naman!” Parinig niya.
“Dito na lang tao uminom,” suhesyon ni Enzo.
Kanina pa mainit ang ulo ni Sorin. Samantala, wala sa mood si Nick.
“Ayun guys! Mag live din po ako. Bili po kayo ng panty at bra sa akin! Presyong dividoria lang!” Sabi ni Keran sa live ni Noah.
“Tangina mo! Live ko ito, umalis ka nga doon! Kukuhanin mo pa ako ng customers!”
“Gagawa din akong account ko, bili kayo sa akin ng panty, okay?!” Keran said to the viewers.
“Doon ka na!” Sabi ni Noah sabay tulak sa kaibigan para hindi na ito makita sa live niya.