Chapter 12

Tiffany

Parehong napako ang mga mata namin sa isa’t isa. Tila walang may balak na magpatalo sa isang klase ng paligsahan na tanging kaming dalawa lang ang may alam.

Napakurap lang ako nang mapansin ang palihim na pagsenyas ni Jela kay Miguel. Sa isang iglap ay hila-hila na nila si Travis patungo sa pagdarausan ng photoshoot. Nakangiwi namang nakatingin sa kanila ang magkasintahan na makakasama nila.

Wala naman siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa mga ito. Pero bago sila tuluyang mag-umpisa ay napalingon siya sa direksyon ko at muli akong sinamaan ng tingin.

Hindi ko na lang ‘yon pinansin pa dahil natuon na ang atensyon ko sa kanyang suot.

It’s a cream knit wool turtleneck that has been overlaid by a brown coat, partnered by a gray pants and brown rubber shoes.

Damn. He looks like a Hollywood actor with that kind of get-up. His hair was even brushed up.

Nang magsimula na ang photoshoot ay naglakad na pabalik sa puwesto ko si Miguel. Ngunit kahit medyo malayo ang kinapupuwestuhan namin kung saan nagaganap ang shoot at hindi ko gaanong naririnig ang mga usapan nila ay nasisiguro ko na reklamo agad ang bungad ni Travis sa unang shot palang. Base na rin sa iritable niyang mukha at ginawang paglapit sa photographer.

Napailing na lang ako. Ngayon ko personal na nasasaksihan ang dati ay tsismis lang na naririnig ko na may attitude problem daw siya. Kahit sa mismong taping ay gano’n rin daw ito makitungo sa mga cameraman.

Matagal na niyang pangarap ang makapasok sa industriyang ginagalawan niya ngayon. Sana lang ay wag niyang hayaan na masira ‘yon ng pagiging mainitin ng ulo niya.

Sa buong oras ng shoot ay halos si Travis ang nasunod, lalo na sa mga solo shots niya. Tila hinayaan na lang siya ng photographer para matapos na.

“You know what? I couldn’t really figure out at first the reason on why he has a short temper whenever he’s in front of the camera for a photoshoot, most especially with the photographers. But now, I already know why.”

Gulat na nilingon ko si Miguel na kanina pa nakatayo sa tabi ko. Hindi man niya banggitin ay kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya.

“Why?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Napalingon siya sa ‘kin at ngumisi ng nakakaloko. “You happened.”

Natigilan naman ako nang dahil sa naging sagot niya. Alam ko naman na malaki ang galit sa ‘kin ni Travis. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang posibilidad na ako ang dahilan kung bakit lagi siyang nagkakaroon ng problema sa mga nagiging photographer niya.

Sabagay ay hindi ko rin naman siya masisisi. Dahil noon pa man ay hilig ko na talaga siyang kuhaan ng litrato. I usually used him as a model for my portfolio before.

Maybe those memories affect his relationship with the photographers that he encountered with.

Seryso lang ang mukha ni Travis, habang diretsong nakatingin sa harap ng camera at gumagawa ng sarili niyang pose. Ni isang beses ay hindi ko pa ata siya nakitang ngumiti. Tila hindi naman iniinda ‘yon ng mga kasamahan niya na para bang sanay na sila sa ugali niya.

Nang matapos sila sa unang set ay muli silang bumalik sa Bell House kung saan sila aayusan at magpapalit ng damit. Sa pagkakataong ito ay saglit na nilapitan ni Miguel ang photographer at seryosong kinausap.

Well, even if I am just sitting here, I already have an idea on what they’re talking about.

Ilang oras pa ang lumipas at sa wakas ay natapos din ang shoot. Sana pala ay naglibot na lang muna ako, bago dumiretso rito. Nakakangalay rin kasi ang ilang oras kang nakaupo. Idagdag pa ang madalas na pagtingin sa ‘kin ni Travis ng masama.

Mas lalo ko tuloy naramdaman ang kalamigan dito sa Baguio.

Ngunit bigla akong napatayo nang mapansin si Travis na dire-diretsong naglakad palapit dito sa kinapupuwestuhan ko. Jela tried to stop him, but he didn’t budge.

Napalunok ako. Pero hindi ko ipinahalata na apektado ako sa ipinapakita niyang disgusto sa presensya ko.

Malakas namang tumikhim si Miguel. Sinimangutan ko lang siya nang mapansin ang lumolobo niyang pisngi na tila nagpipigil tumawa nang malakas.

“What are you doing here? The last time I checked, you’re not invited here.”

Napakurap ako at bahagyang napaatras nang makitang nasa harap ko na pala siya. Nilingon ko naman si Jela na tila nakuha naman agad ang gusto kong sabihin.

“I was the one who invited her.” She smiled at Travis.

Kunot noong nilingon naman siya ni Travis. “Ano? Talagang itunuloy n’yo ang plano n’yo?”

She bit her lower lip as she plays with her fingers. “Yes. Tiffany will become your personal photographer as you stay here. I already talked to Miguel about it, and he already agreed.”

Salubong ang kilay na pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa at nameywang.

“Nagdesisyon kayo kahit alam n’yong tutol ako sa bagay na ‘to? Hindi na ba talaga mahalaga ang opinyon ko pagdating sa bagay na ‘to?” Tila ba may usok na lumalabas sa ilong niya nang dahil sa sobrang iritasyon.

Imbis na matakot ay napanguso na lang ako. He actually looks cute when he got mad. Bakit ba ngayon ko lang napansin ‘yon?

“Dahil alam nga naming hindi ka papayag. Kaya bakit pa kami mag-aaksaya ng panahon para konsultahin ka noong itinuloy talaga namin?” sagot ni Miguel na para bang isa ‘yong obvious na bagay.

Tila napansin naman ng ibang staff ang nangyayaring sagutan kaya kusa na silang umalis, hanggang sa kaming apat na lang ang natira rito.

“Alam n’yo naman pala, eh! Bakit itinuloy n’yo pa rin?” Bahagyang tumaas ang kanyang boses.

“Because we believe that it’s only her who can do the job,” kalmadong aniya ni Miguel.

Mariin namang napailing si Travis. “No! Kahit ano pa ang sabihin n’yo ay hindi ako makakapayag na makasama siya. I’d rather hire paparazzi for all I care than to stay with her!”

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad paalis. Humugot ako ng isang malalim na hininga, bago lakas loob na nagsalita.

“Are you afraid of me?”

Bigla siyang natigilan. Nagkatinginan naman sina Jela at Miguel na para bang mayroon akong sinabi na hindi dapat.

Kahit hindi rin ako kumportable sa ideya na maiiwan kaming dalawa na magkasama ay hindi ko pa rin puwedeng palampasin ang pagkakataon na makasama siya.

Dahan-dahan siyang napalingon sa ‘kin, kasabay ng pag-iigting ng kanyang panga.

“Bakit naman ako matatakot sa ‘yo?”

I crossed my arms. Nanghahamon ko siyang tiningnan. “Bakit nga ba? Ikaw lang ang tanging nakakaalam ng sagot.” I shrugged and looked at him innocently. “Baka naman dahil hindi ka pa nakaka-move on?”

“Way to go, girl!” Jela silently cheered beside me.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napangisi si Travis. “Don’t be so full of yourself, Miss. Salazar. Hindi ka gano’n kaespesyal para hindi makalimutan.”

Tila patalim na isinaksak sa puso ko ang mga salitang binitiwan niya. Pero kahit gano’n ay tinapatan ko ang nakakaloko niyang ngisi.

Hindi ko pinangarap maging artista. Pero sa tingin ko ay may talent naman ako sa pag-arte kahit papaano.

“Too bad. Masyado ka kasing espesyal kaya hindi kita makalimutan.”

Unti-unting nabura ang ngisi sa kanyang mga labi at napaawang ang kanyang bibig. Tila hindi niya inasahan ang sinabi ko. Kahit sina Jela ay malakas na napasinghap.

“Am I watching a real-life teleserye here? In fairness sa script, hah,” aniya ni Miguel.

Kinuyom naman ni Travis ang kamao at muling nanlisik ang kanyang mga mata. “Fine! Gawin mo ang gusto mong gawin. But I want you to know that everything should be done professionally.”

Napatuwid ako ng tayo at seryoso siyang tiningnan. “Don’t worry. I’m professional, Mister Vernon.”

Hindi na siya umimik pa at tuluyan ng naglakad paalis. Kinindatan naman ako ni Jela, bago siya sumunod kay Travis.

Doon ko lang naramdaman ang panginginig ng tuhod ko kaya muli akong napaupo. Hindi pa man ako nakakahuma sa mga nangyari nang biglang nagsalita si Miguel.

“Just don’t mind everything he says. We all know that it’s the exact opposite of what he really feels.”

Napaangat ako ng tingin, nang bigla niyang tapikin ang balikat ko.

“Don’t you ever wonder why he didn’t have a real kissing scene or even a peck on the lips from all of his dramas and movies?”

My heart skips a beat because of what he said. Hope suddenly arises inside of me. Of course, I noticed that.

Bago pa man ako makapagsalita ay nakangiting tinalikuran na niya ako at naglakad rin paalis.

Travis

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay hindi ako makahinga nang dahil sa naging paghaharap namin kanina. Malamig naman dito sa Baguio, ngunit may kung anong init ang dumadaloy sa dugo ko, dahilan para masabihan ko siya ng kung ano-ano.

I don’t really mean everything I said. But she should be thankful to me because I’m just saving her for another pain that I might cause to her, if we still go further.

“You’re being stubborn back there, Travis. Muntik ko ng sabihin na stalker ka nga niya.”

Napapikit ako nang mariin upang pigilan ang sarili na mapagtaasan ng boses ang matalik kong kaibigan na si Jela.

“Why the hell did she even accept the job? She’s already free from me and enjoying her freedom, right?” I asked, more to myself.

Hangga’t maaari ay ayoko siyang mapapalapit sa ‘kin ngayon. Dahil baka maikulong ko lang ulit siya sa sarili ko. Kaya nakuntento na lang muna akong subaybayan siya mula sa malayo.

“Why don’t you asked her directly about that? Maybe it’s about time for the two of you to have a proper closure, I think.”

Nilingon ko si Miguel na kapapasok lang ng dressing room namin dito. Walang buhay akong natawa nang dahil sa sinabi niya.

“Closure? There’s no way that I’ll give her a proper closure.”

Naguguluhang nagkatinginan naman silang dalawa ni Jela. Hindi ko na sila inintindi pa at padabog na umupo sa silya na nandito at napahilamos ng mukha.

Just so she waits. It may not be right now, but I’ll surely become a better man for her.

And when that time comes, I’ll win her back.