Chapter 9: Friends and Enemy's
"Good morning lady" nagpangiti ako nang makita ko siya sa kusina ko na nagluluto.
"What's that?" Sinilip ko ung mga ingredients niya at napagtanto kong gumawa siya ng lasagna.
"Sometimes cafeteria's lunch doesn't taste good at all" umawang naman ang labi ko sa sinabi niya dahil half meant to be true.
Hindi ko rin gusto ang luto don so I always ask mom to prepare some of my favourite meal. "You should take a bath now" muli akong tumayo sa upuan at saka hinalikan siya sa pisngi bago pumasok sa kwarto at naligo.
I enrolled for the second sem in the course of Med tech. Hoping things will never be that chaotic. Mukhang mamimiss ko rin pala si Veronica sa pang aaway sakin sa mga activities.
I pack all of my things at saka lumabas na ng kwarto. Tinitigan niya ako na para bang mali ang suot ko. "What?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.
"Change lady, you look like a slut" nagulat ako sa sinabi niya at muling pumasok sa loob ng kwarto ko. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at hindi naman ako ganon ah? Naka flounce dress nga lang ako.
Napapailing na nagpalit ako ng damit. Sinuot ko ung mini dress na kulay maroon at saka ung Lita shoes. Just better! I smile before going out.
"How about this?" Tinitigan niya ako from head to toe at umiling iling siya. "You look like going on a date" napanguso na ako sa sinabi niya at bagsak ang mga balikat na pumasok sa loob mg kwarto.
Sumunod siya sa'kin at pumasok sa walk in closet. "Try this" taas kilay kong tiningnan ang inilagay niya sa kama. It was a denim pants and a black keyhole shirt. Hindi na ako nagreklamo at nag bihis na lang.
"Seat" umupo ako sa kama gaya ng gusto niya. Isinuot niya sa mga paa ko ang pair ng bondage leather boots. May inilabas siyang smart watch at inilagay sa wrist ko.
"Now you look better" ngumiti na lang ako sa kanya at saka lumabas ng kwarto. Nakasunod lang siya sa'kin hanggang sa paglabas ng unit ko.
Hinawakan niya ang kamay ko ng marating namin ang elevator. "Excuse me" turan ng isang babae na sumiksik samin. Hindi ako gumilid kaya naman hinila ako ni Healer sa tabi niya.
Napatingin samin ung dalawang babae at ngumiti. Hindi naman sa'kin kundi kay healer. Sasamaan ko sana siya ng tingin pero narealize ko nakayakap sa'kin ang braso niya. Lihim akong napangiti ng bumaba ang tingin ng babaeng yun sa kamay ni Healer sa beywang ko.
Umiwas siya ng tingin na ikinatuwa ko ng husto pero secret lang. Pagbukas ng elevator ay sabay kaming lumakad palabas. Hindi naman sa naweirduhan ako pero parang sumunod sa'min ung dalawang babae.
"Get in lady" pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob. Umikot siya at sumakay sa driver's seat.
"I'll fetch you this afternoon. Just wait me outside the school" tumango lang ako sa kanya habang nagmamaneho siya.
Paminsan minsan tinitingnan niya ako pagkatapos hahawakan niya ang malikot kong kamay. "Things will be alright" Malumanay niyang pahayag sa'kin.
"It will dahil kasama kita" ngumiti ako sa kanya at muling tumingin sa labas ng bintana.
Pinarada niya ang sasakyan sa gilid ng gate ng Gale University. "Wait me there okay? And avoid talking to men i swear I'll kill him" napangiwi ako sa pagiging Psycho niya. Nakakatakot siyang magbanta lalo na't tutuhanin niya talaga.
"Yes boss!" Sagot ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago lumabas ng kotse. Napatingin ang iba sa'kin pagkalabas ko. I wave back to the car bago siya umalis then my smile fades.
Habang naglalakad ako panay ang sulyap ng iba sakin. Ngayon lang ba sila nakakita ng naglalakad na Ariel? Hindi ko na lang pinansin at sanay naman ako sa crowds attention even before.
Pumasok na ako sa loob at pinakita ang ID ko. Dere-deretsong naglakad ako papasok sa University. Huminto muna ako sa bulletin board para tingnan ung map. "Hmm okay" i said to myself at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Hi Miss beautiful" may humarang sa'kin na may katangkarang lalaki. "Excuse me? You're blocking my way" pagtataray ko rito na ikinawala ng ngiti niya. "S-sorry" tumabi ka-agad siya at lumingon sa mga kaibigan niya.
Matiwasay naman akong nakarating sa lecture. Umupo na ako sa pinaka unahan at hinintay ang Prof na dumating para magdiscuss.
"Dito tayo, Uhmm excuse me" may dumaan sa harap ko at umupo pa sa tabi ko. Ngumiti lang ako sa kanila at muling itinuon ang sarili ko sa pagbabasa ng Biology book.
"Transferee ka? Ngayon lang kita nakita sa class na'to" nag angat ako ng tingin sa babaeng petite na kumakausap sa'kin.
"Uhm yeah from Pristine University" umawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. "From that Pristigious school? Wow" mas lumawak ang ngiti nila sa'kin na ikinangiwi ko naman. Gale University is one of the best Universities too, they don't know?
Apart from that ang major class nila dito ay sports and arts. Sa Pristine kasi ay medicine and law. "I'm Annamarie Villarreal" pakilala niya sakin at inilahad ang kamay niya. "I'm Shakira Alandee!" Pakilala naman ng katabi niya.
Tinanggap ko ang pakikipagkamay shake hands nila sakin. "I'm Na-Shane, Shane Gonzales" muntikan na akong magkamali. Ngumiti sila sakin ng pagkatamis tamis. "Pwedeng makipagkaibigan sayo?" Tanong ni Marie na sinang ayunan ko.
"Friends" I simply said at muling ibinaling ang atensyon ko sa harapan.
We talk about ourselves pagkatapos ng klase sa history. Sabay sabay rin kaming umattend ng Sociology. "How old are you Shane?" Shakira ask while licking her lollipop.
"20" maikling sagot ko naman sa kanya. "I'm 21 then Marie was 20. Same kayo" tumango tango naman ako sa sinabi niya.
The class was boring, Nainis ako sa Prof pagkasabi niyang " Killers doesn't deserve to live" like wtf? Prof siya sa sociology pero yun ang sinabi niya. He has point pero wala siyang karapatan na kutyain sila. Iba si Healer sa mga yun. Basta!.
"Cafeteria tayo?" Tanong ni Marie na sinang ayunan namin ni Shakira. Tiningnan ko ung smartwatch na binigay ni healer. Hindi ko alam kung anong purpose nito pero may oras naman.
Napaatras ako ng may bumangga sakin. Napaupo tuloy ako sa sahig at kumalat ung librong hiniram ko sa library. "Oh I'm sorry! Im sorry!" Paumanhin ng boses lalaki at tinulungan akong pumulot sa libro.
Nagkatinginan kami ng pareho naming nahawakan ang Biology book ko. "Uhm thanks" inagaw ko na sa kanya at tumayo ako. "Uhm I'm really sorry miss" tumango lang ako sa kanya at umiwas na.
Inasar pa siya ng mga kaibigan niya, naka jersey siya so it means a player este a varsity player. Tumili naman ang dalawa pagkalapit ko sa kanila.
"Oh anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila pagkalapit ko. "Wahh oh my gosh! Haba ng hair mo Shane! Binangga ka ni Hanzo" kinikilig na pahayag ni Marie sakin.
"Tapos nakita mo yun? That eye to eye contact" they giggle like there's no tomorrow.
"Bagong bago mo pero mukhang na eye catch ka ni Hanzo" kunot noong tumingin ako sa kanila. "Sino ba yun?" Ngumiti sila sakin at saka tumabi naman si Shakira.
"Siya ung basketball captain ng Gale University. Heartthrob ng Gale Shane" bulong ni Shakira sakin.
"But girl! Be careful, may ahas na naghahabol kay Hanzo" nginuso niya ang grupo ng mga babaeng kakarating lang.
"Okay?" Nawala ang ngiti nila sa sagot ko sa kanila. "Nakabili na pala kami. Natagalan ka kasi kakatitigan kay Hanzo kanina"
"It's okay" binuksan ko ang bag ko at inilabas ung niluto ni Healer sakin. "Woah? Seriously nagbabaon ka pa?" Natatawang tanong ni Shakira sakin.
"Yeah. Specially made ng boyfriend ko" boyfriend? Good to hear pero wala pa kami sa ganon ni Healer. I don't know kung anong meron samin after what he did to me last night. I can't say.
"Bo-boyfriend?" Natigilan sila sa pagkain at tumingin sa paper bag na hawak ko. "Ang sweet naman! May boyfriend kana pala" pinakita ko sa kanila ung bento na ginawa ni Healer at saka ung lasagna. "Gusto niyo?" Tumango sila at kumuha nga ng sushi.
"Wow Shane! Ang sarap!"
"Kung ganito ba naman kasarap magluto bf ko abay magbabaon na rin ako! Kaso wala akong bf eh sayang" natawa naman ako sa sinabi niya.
Kinain ko na rin ung lasagna at sobrang sarap ng pagkakamix ng souce at cheese. Wala na talaga akong masabi kay Healer. He's the best.
"Excuse me Miss, pinapabigay pala ni Hanzo. Sorry daw" natigilan kami sa pagkain at tumingin sa lalaking naka jersey na lumapit samin.
Napatingin ako sa Ice cream dessert pagkatapos ay sa lalaking nagbibigay sa'kin. "No it's okay. Tinanggap ko na ang sorry niya earlier" tinanggihan ko pero tinanggap ni Shakira. "Pasabi kay Hanzo, he's welcome" may ngiting sabi ni Shakira at saka tumingin sa'kin. "Y-yeah" nahihiyang sagot ko. Ngumiti naman sa'min ang lalaki at saka umalis.
"Kainin mo yan" pananakot nila sakin na ikinangiwi ko. "K-konti lang?" Tumango tango naman sila kaya kinain ko na rin pagkaubos ko ng lasagna.
"Always remember Shane. Bawal tanggihan ang grasya baka ang grasya na ang tumanggi sayo" napangiwi naman ako sa sinabi ni Marie.
Masarap naman ung Ice cream kasi nga chocolate flavor. "Sama ng tingin ni Mikki Bess" nagtatakang tumingin ako sa kanilang dalawa. Nginuso nila ang grupo ng mga babaeng masamang nakatingin sa gawi namin at nagbubulungan.
Nag pop ang phone ko kaya binuksan ko at message from: Your Baby?? Binasa ko na lang ang message niya.
*Happy lunch break lady , don't forget what I said. Don't talk to men - H*
Napangiti ako sa message niya at saka nagtype ng isasagot.
*Yes your baby* then send.
"Sino yan?" Sumilip si Shakira pero tinago ko agad ang phone ko. "Wala to" binalik ko na sa pouch ang phone ko at saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko namalayang naubos ko pala oh my goodness.
"Let's go?" Pagyayaya ko sa kanilang lumabas na. Inayos muna namin ang gamit namin bago kami tumayo.
Nagkatinginan kaming tatlo ng humarang sa'min ung mga babaeng tinutukoy nila kanila.
"Hi!" May ngiting pahayag ng babaeng nasa unahan nila. "Bago ka lang ba dito?" Tanong nito sakin ng titigan niya ako. "Yeah" maikling sagot ko sa kanya at isinukbit ang bag ko.
"Well I'm Mikki Delos Santos, I hate that someone stealing what's mine. I'm a good friend but a devil enemy. I hope you do understand what I'm trying to tell you.. bitch" tiningnan niya ako na parang isa akong nakakadiri sa paningin niya.
"Don't make it hard for yourself. It's okay to talk tagalog. I do understand" may ngiting sagot ko sa kanya na ikinangiwi niya. Hirap na hirap kasi siyang magsalita. She pause then she continues.
Umasim ang mukha niya sa sinabi ko "Just reminding you, this is my territory" tinalikuran niya kami at napatawa naman si Marie at Shakira.
"That's the spirit" tinapik tapik nila ako sa balikat na ikinangiwi ko. Hindi ko naman pala mamimiss si Veronica. There's a bitch here kaso mas matalino nga lang si Veronica.
Umattend na kami ng next class at naging maayos naman ang lahat not until someone just sit beside me.
"Are you a Medtech?" Tanong ka-agad nito sa'kin ng makita niya ang books ko. "Uhm yeah" napapikit ako bago sumagot sa kanya.
How to refuse talking??? Like wtf! Lagot ako nito kay healer. Siniko ako ni Marie at ngumiti siya ng napakalawak. Ngumuso ako sa kanya bago inayos ang sarili ko at tumingin sa Prof.
"By the way I'm Jackson Carter. Just call me jc" napatitig ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko. This is really bad. Ayoko namang maging rude.
"S-shane Gonzales" sagot ko sa kanya pero hindi ko tinanggap ang kamay niya. I heard him chuckle at saka isinuklay ang kamay niyang tinanggihan ko.
"Jackson Carter? Ikaw ung sa Art class hindi ba?" Singit ni Marie at tumango naman ang lalaking katabi ko. "I'm a fan of yours! Palagi ka naming pinapanood sa Swimming contest pwedeng papic?" Dahil sa sinabi ni Marie at nag angat ako ng tingin sa kanya.
That handsome face.. oh my gosh!! Siya ung Champion last year sa swimming contest na dinaos sa Pristine.
But healer was the god of my eyes when it comes to beauty.
•Clove Verry•