Chapter 12

***

"Ate, sino 'yan? Boyfriend mo?" Pang-uusisa ng kapatid kong si Damien. Nang makitang inihatid ako ni Itchan sa tapat ng gate namin. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin.

"Hindi! Pumasok ka na doon." Iwinagayway ko ang kamay ko at pinapasok ko ito sa loob.

"Ma! Si ate may kasamang lalaki sa labas. Hinatid siya, mukhang wala siyang payong!" Napa-irap na lang ako sa pagsigaw ng kapatid ko.

Napatingin ako kay Itchan. Lihim pa siyang napapangiti nang dahil sa mga naririnig niya sa loob ng bahay. "Uwi ka na? Thank you sa paghatid!" Kinawayan ko siya at nginitian.

Papaalis na sana siya kung hindi lang sumigaw si Mama na ngayon ay nasa labas na pala.

"Bratinella! Ba't hindi ka nagdala ng payong. Nakakaabala ka pa sa mga tao---" Napatigil si Mama nang masulyapan niya si Itchan. Lumiwanag ang mata niya at agad akong itinulak para makadaan siya malapit kay Itchan. Tsk!

"Aba! Napaka-gwapong binata pala nito. Pumasok ka muna kaya sa loob iho? Ipaghahanda ko kayo ng meryenda." Ngiting-ngiti si Mama sa pag-aalok kay Itchan samantalang ako ay napapa-irap na lang sa kawalan.

"Sure, ma'am." Magalang na sambit ni Itchan at ngumiti hanggang maabot ito ng mga mata niya.

Maluwag na binuksan ni Mama ang gate at pinapasok si Itchan. Dumiretso agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nagmadali pa ako sa pag-aayos ng sarili. Ni-bun ko ang buhok ko at nagpulbos. Naglagay rin ako ng onting pampapula sa labi ko.

I wear black shirt and pink shorts na hindi naman sobrang iksi bago napagpasyahan na lumabas sa kwarto. Naabutan ko si Itchan na nakaupo sa sofa namin habang may hot chocolate at tinapay sa tapat niyang lamesa.

"Wala ang Papa mo, Bratinella. Maaga sila sa trabaho ngayon." Pagsasalita ni Mama nang mamataan ako sa gitnang bahagi ng hagdanan.

Napatango na lang ako, bago lumapit kay Itchan. "Pasensya ka na kay Mama. Makulit kasi sila ng kapatid ko eh!" Nahihiya kong sabi sabay kamot sa batok.

"It's okay. I like it though." Paninigurado niya bago uminom ng hot chocolate.

"Secret boyfriend ni ate 'yan, Ma!" Barumbadong sabi ni Damien na kalalabas lang ng banyo.

Muntik pang masamid si Itchan nang dahil sa narinig galing sa kapatid ko. Matalim na tingin tuloy ang ipinukol ko sa kapatid ko pero tumawa lang ito.

"Ayos lang! Mabuting bata naman 'yang si---" Napabaling ang tingin ni Mama kay Itchan. "Ano bang pangalan mo iho?" Ngumiti pa si Mama.

"Christian po. Short for Itchan." Nanlaki ang mata ko. Luh?! Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. Nickname lang pala ang ginagamit niya?

"Bagay sa'yo, iho. Anghel na mukha at pati pangalan. Aba!" Tumawa si Mama.

"Kung alam mo lang, Ma. Anghel talaga 'yan!" Pambabasag ko pa upang tuluyan nang masamid si Itchan sa iniinom niya. Nakisabay sa pagtawa ang kapatid ko kahit pa mukha namang hindi niya naintindihan kung anong nakakatawa.

"Paano nga pala kayo nagkakilala ng anak ko?" Pagtatanong ni Mama.

"Pinaplastik ka lang ni ate. Kuya Itchan!" Panggugulo pa ni Damien. Binatukan ko na tuloy. Kanina niya pa kami inaasar ni Itchan.

"Uhmm, It suddenly happened, ma'am. I needed to protect your daughter from harm." Sumulyap sa akin si Itchan. Napanganga naman si Mama. Hindi niya siguro inaasahan 'yon? Napahawak na lang ako sa mukha ko upang takpan ang pagkapahiya.

"Salamat iho dahil minahal mo ang anak ko. Bantayan mo lang siya sa abot ng makakaya mo." Ako naman ang napanganga. Medyo emotional pa si Mama nang sinabi niya iyon sa harap ni Itchan.

I saw how Itchan smiled widely. "No, ma'am. I should be the one thanking you. Thank you for taking care of her when she was in your womb. I will love her fully as well as her imperfections. I promise to be with her through hardships and comfort."

I gasped for air. Gulat na gulat ang buong pagkatao ko sa narinig. Sinasabi niya lang ba iyan dahil nasa harap niya si Mama?

Naghuhurumintado ang puso ko at mamula-mula na siguro ako ngayon.

He loves me? Or is it a lie? But why would an angel dare to lie?

***