Chapter 4: Hospital

Pilit ko minulat yong mata ko kahit sobra bigat ng talukap ko ng unti-unti ko na imulat yong mata ko nakita ko na puro puti lang napansin ko. Hindi pa ako pwede mamatay paano na si millow.

Bulong ko sarili ko ng may naramdaman ako na may pumasok na naka suot na uniporme na pag Nurse napa kunot noo ako sa nakikita ko.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Saad ng lalaki habang hinawakan ang noo ko.

"Maayos po ako wala ako naramdaman sakit, nasaan po ba ako?" Mahina tugon niya sa lalaki kumausap sa akin.

"You're in the hospital, someone brought you here because you passed out on the road." Tugon niya sa akin. pilit ko inaalala nangyari sa akin pero kahit ano wala ako naalala.

"Mayroon ka pang anumang allergy o kung sinuman sa iyong pamilya ay anumang allergy?" Tanong niya sa akin.

"Wala po ako allergy kahit po sa mga angkan ko." Tugon ko sa Doctor.

"Ano gamot na iniinom mo Ma'am?" tanong niya sa akin.

"Wala po ako iniinom pleas Doctor uuwi na po ako sa bahay."

"Kailangan po kayo suriin bago po kayo makalabas sa hospital Ma'am." Saad niya habang may sinusulat siya sa hawak niya.

Bago siya umalis inaayos niya muna dextrose sa kamay ko na parang namamanhid naka tusok sa kamay ko. napa buntong hininga nalang ako at pilit na pinikit ang mata ko sa hindi ko na nakaramdam ang antok.

Inis na naka titig nalang ako sa kisame. Nang may narining ako kumakatok sa pintuan.

"Pasok." Saad ko sa kumakatok. Napa tingin ako ng naramdaman ko mga yapak na pumapasok sa loob.

"Ma'am Ramos Devora." Tawag sa akin ng lalaki naka salamin.

"Ano kailangan mo?" Agad ko tanong sa kanya dahil siya rin ng interview sa akin noong namatay si Mama. lumapit siya sa akin at seryoso nakatingin sa akin.

"Ma'am Ramos Devora, Kilala ninyo pa si Sir alcandara Luis?" Tanong niya sa akin.

Napa buntong hininga ako

"Dati ko kaibigan si Luis malamang kilala ko siya." Deretso sagot ko sa kanya na sinusuri ang mata ko kung ng sisinungaling ako.

"Nang kausap pa kayo bago siya namatay?" Nagulat ako tiningnan ko siya.

"Huling pag uusap namin noong pinang bintangan ako na ako pumatay sa kanya kasintahan." Saad ko sa tanong niya.

"Salamat sa pag sagot Ma'am Ramos Devora." Wika niya bago umalis.

Napa kamot nalang ako sa ulo at bumalik sa pag titig sa kisame

inaalala ulit nangyari kung saan ako nawalan ng malay.

Tila tumatakbo bawat minuto sa akin isipan napa buntong hininga nalang at pinilit bumalik sa totoong reyalidad .

Tumayo ako at tinaggal ang dextrose sa akin kamay. Napa ngiwi nalang ako sa hapdi sa pag tanggal ko baka mamatay si willow siya nalang pamilya ko.

"Ma'am!" Sigaw sa akin ng pumasok sa room ko.

"Bakit ninyo po tinanggal?" Agad tanong sa akin ng babae naka nurse na damit.

"Uuwi na ako." Tugon ko sa tanong sa akin.

"Kailangan po suriin kayo para malaman na walang impeksyon sa inyo!" Saad niya sa akin.

"Katawan ko ito at alam ko wala ako sakit." Inis ng katwiran ko hinubad ko yong suot na pag hospital at kinuha yong damit ko nasa table. Sinuot ko ito.

"Huwag kayo mang alala mang babayad ako sa bill ng hospital." Saad ko bago lumabas. pumunta ako sa counter nang bayad ng bill.

Umalis na roon. Sumasabay na ako sa takbo ng ikot ng mundo tila pa wala ng kulay ng mundo ginagalawan ko siguro sa pag patay ko nakikita ko ang kasayahan ng mukha ni mama. at kasayahan ko kung saan napapaligaya ko siya.

Pumara ako ng taxi at tamang tama na huminto sa kinatatayuan ko yong taxi. Pumasok ako sa loob at sinabi kung saan ako dadalhin.

"North cementery." Wika ko sa driver. Ilang oras ako naka tulog ng naramdaman ko na tumigil yong taxi.

Minulat ko yong mata ko upang tingnan kung nasa north cementery na ako.

"Manong mang kano?" Tanong ko ng nakita ko nandito na ako.

"Eight hundred boss." agad na tugon niya sa akin. Kinuha ko agad yong wallet ko sa bag at nilabas yong pera babayaran ko.

Agad na ako lumabas at pumunta nasa gate ng north cementery na dadalawin ko si mama.

May nakita ako ng tricycle at sumakay doon sinabi kung saan lugar naka libing si Mama.

Ilang minuto nakarating ako doon at nakita ko yong lapida ni Mama.

Rosa L. Ramos

1956-2010

Nakasulat sa lapida niya. Hinaplos ko lapida.

"Mama sabihin mo mali yung nakita at narinig ko, hallucination lang yun, hindi mo gagawin sa amin ni millow yon.." Sabi ko sa lapida habang nasa utak ko parin ang hindi ko mawaglit sa utak ko ang sigaw ni Mama sa akin na tila dinudurog ang puso ko sa pag iyak ko at pag mamakaawa sa kanya na mahalin ako bilang isang anak niya.

"Mama mahal kita handa akong gawin ang lahat mapasaya ka lang, kahit sa pag patay ko sana maging proud ka sa akin." Saad ko sa lapida habang mga luha ko tumutulo pababa sa lapida.

"Kapag nakita kang mahina sa iyong sarili, unti-unti kang nababaon sa lupa hanggang hindi kana maka bangon sa sarili mo paa." Saad sa akin sarili dapat hindi ako maging mahina dahil sa nakita ko imahe at boses sa utak ko.

Huminga ako ng malalim at humiga sa lapida at naalala ko ang oras na narinig ko ang kanta ng Mama ko sa oras na ito kumakanta siya at nakaramdam ako ng mainit na haplos tuwing pinapatulog ako sa higaan niya.

habang patuloy humahagos ang dugo sa kamay ko na tinanggalan ko ng dextrose.

"Mahal kita, anak ko." Napangiti ako sa pag-flashback sa utak ko ng bawat imaheng nakikita ko sa mga mata niyang puno ng pagmamahal sa akin. kung ito lang ang nakikita ko sa isip ko araw-araw, hihilingin ko na lang na huwag na akong magising sa realidad pero kailangan ako ng kapatid ko na si willow. tumayo na ako upang umuwi baka hinahanap na ako ni willow