Chapter 16: Chapter Fifteen Guest House

TULALA SI AIREEN SA BUS TERMINAL. Huminto na ang ulan ay hindi pa rin niya alam kung saan nga ba siya pupunta. Nananakit na rin ang kanyang mga mata kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang bigat ng kalooban niya. Ang buong akala niya sa oras na umalis siya ay gagaan na ang kalooban niya. Pero hindi, pakiramdam niya ay may kulang sa kanya. At alam niya kung ano iyon.

Si Ryu.

Pero ayaw pa muna niyang bumalik. Natatakot siya sa posibleng sagot ni Ryu. Natatakot siya kahit alam na niya talagang napipilitan lang itong magpakasal sa kanya.

"Aireen!"

Nag-angat siya ng tingin. At ganoong lang ang gulat niya nang makita si Gerald. Humahangos pa itong lumapit sa kanya.

"Nandito ka lang pala! Alam mo bang nag-aalala na silang lahat sa'yo! Kanina ka pa hinahanap ni Ryu!" galit nitong bungad sa kanya.

Pero hindi niya magawang sumagot rito. Tanging pag-iyak lang ang naging ganti niya. Alam niyang napalakas ang pag-iyak niyang iyon kaya napatingin na sa kanya ang ilang pasaherong naroroon sa terminal.

Nagulat naman si Gerald sa kanyang pag-iyak kaya mabilis siya nitong pinatahimik.

Nang naging mahinahon na si Aireen ay saka na tumabi si Gerald sa kanya. Ilang minuto rin ito naging tahimik na parang pinakikiramdaman ba siya.

"Lumayas ka ba sa inyo dahil sa mga sinabi ko?" nag-aalalang tanong nito.

"Hindi," tugon niya sabay ang pagsinghot, "Alam ko kasi sa simula palang na may mali na sa pagpayag namin ni Ryu sa kasal. H-Hindi ko lang talaga kayang magpakasal sa lalaking alam kong napilitan lang. Mahirap tutulan ang mga magulang namin. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nila kaming maikasal ni Ryu. Wala na naman akong ibang naiisip na paraan para mahinto ang kahibangan ng mga Nanay namin kungdi ang maglayas."

"Saan ka ngayon pupunta?" tanong muli nito.

"Hindi ko pa alam," yumuko ito, "Alam kong madali lang akong mahahanap nila Mommy kapag sa kamag-anak ako tumuloy. Wala naman akong ibang kaibigan. Ewan ko ba simula noon pa ay ilag na sa akin ang iba para makipagkaibigan. Kaya heto, si Ryu na lang ang lagi kong kasama. Nagkakaroon nga ako ng mga kaibigan babae pero may secret agenda sila. Gagamitin lang nila ako para mapalapit kay Ryu."

"Ganoon rin naman si Ryu. Walang tumatagal na girlfriend niya dahil nagseselos sa'yo," dagdag ni Gerald.

"Kaya nga, ang paglalayad ang naisip ko para makalayo na ang kanya-kanya namin anino sa isa't isa," diin niya pero tila may kirot pa rin siyang nararamdaman sa katotoohang binibigkas ng mga bibig niya.

"Buo na ba ang pasya mo iurong ang kasal?" usisa nito.

"Gusto na rin tumayo sa sarili kong mga paa. Laging sinasabi sa akin ni Ryu na masyado na akong isip-bata. Siguro dahil daddy's girl ako," may hinanakit niyang turan. At saka niya muling tinignan ang mukha ng kausap, "Alam kong mahihirapan ako kasi nasanay akong nasa tabi ko lagi si Ryu . Pero gusto na rin kumawala. Kasi litong-lito na ako! Ni hindi na ako makapag-isip ng maayos!"

Naramdaman niya ang pag-alo ni Gerald sa kanya. Alam niyang hindi iyon sapat para mawala ang bigat ng nararamdaman niya. Sanay siyang si Ryu ang madalas niyang nasasandalan sa mga ganitong sitwasyon. Pero iba na ngayon.

"Tara," aya na ni Gerald saka ito tumayo, "May kilala akong pwede mong tuluyan pansamantala."

Nag-angat siya ng tingin. Una sa mukha ni Gerald siya tumingin, pagkaraan sa mga palad nitong nakalahad sa kanyang harapan.

"T-Tutulungan mo ko?" paniniguro niya rito.

"Oo namam kasi kaibigan kita eh!" lumapad ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata.

"Hindi mo namam ako siguro ibabalik sa amin?" may pagdududa niyang tanong rito.

"Ano ka ba?" natatawang saway nito, "Hindi kita ibabalik. Tutulungan lang kitang mahsimula ng panibaging buhay na wala si Ryu."

Dahil sa mga binitawang salitang iyon ni Gerald, nagawa nang tanggapin ni Aireen ang binibigay nitong tulong. Sumama na siya sa binata hanggang sa sasakyan nito. Hindi na rin siya nagdalawang-isip na sumakay roon.

"S-Saan tayo pupunta?" tanong pa rin niya sa kabila ng takot na baka ibalik siya nito kay Ryu.

"Sa Las Piñas. May kaibigan ako roong naghahandle ng isang Guest House. Alam kong matutulungan ka nila para may matuluyan ka," nakangiting tugon nito.

"Las Piñas, medyo malayo," komento niya.

"Diba sabi mo gusto mong makalayo kay Ryu. Kaya ito, medyo papalayuin natin ang distansya!" parang nae-excite pang sabi nito.

Hindi na nakakibo pa si Aireen. Hinayaan na lang din niya si Gerald kung saan ba siya nito balak dalhin. Malaki naman ang tiwala niya rito.

Habang nasa biyahe ay hindi pa rin maiwasan ni Aireen ang umiyak. Ang pag-alis niya sa lugar sa poder ng kanyang mga magulang ay ang pagtalikod rin niya kay Ryu. Wala siyang ideya kung hanggang kaylan siya magtatago. O sa madaling salita, hindi niya alam kung kaylan siya magiging okay. 

Humababa pa ang biyahe.  Marahil dahil sa sobrang pagod niya sa kakalakad kaya hindi na niya namalayan na nakatulog na siya. Wala siyang ideya kung gaano siya katagal nakatulog hanggang sa maramdaman niya ang bahagyang magyugyog ni Gerald sa balikat.

"Andito na tayo," sabi nito.

Nakuha bang humikad ni Aireen matapos niyang magising. Pero bigla siyang natigilan nang bumungad sa kanyang paningin ang isang malaking bahay. Maala-mansyon ito sa laki. Kahit madilim na ang buong paligid, kitang-kita naman ang nagkikislapang ilaw sa arko ng naturang bahay.

"Heavenstar Guest House," pagbasa niya rito, "Sigurado ka bang guest house ito? Eh, mukha itong hotel eh!"

"Guest House talaga 'yan!" natatawang sabi ni Gerald saka na ito bumaba ng sasakyan. At nagtungo ito sa likod para kunin ang mga bagahe ng dalaga.

Bumaba na rin si Aireen habang hindi mabali-bali ang pagkakatingin niya sa kabuuhan ng bahay.

"Namana ito ng mga second Cousin ko sa pumanaw nilang magulang. At dahil wala nang nagsusustento sa magkapatid, at nagkaroon na pa sila ng ytang dahil sa tax ng bahay, nagdesisyon silang pagkakitaan ang bahay na pinamana sa kanila. Ginawa nila itong Guest House," mahabang kwento ni Gerald habang inaalalayan siya nito papasok ng bahay.

"Ang galing naman," buong pagkahanga naman ni Aireen.

"Welcome to Heavenstar Guest--" naputol ang masiglang pagbati ng naturang lalaki sa front desk nang makilala nito si Gerald, "Insan, ikaw ba 'yan?" gulat nito.

"Kuya Jayson," nakangiting sabi ni Gerald. at nagsimulang magyakapan ang mga ito.

"Ano'ng atin bakit napadalaw ka?" tanong nito saka napabaling ang tingin sa trav bag na bibit ni Gerald, "Whoah!" react nito sabay ang tingin kay Aireen,"Whoah! Huwag mong sabihing nagtanan kayo?"

"Ha?!"  napaawang ang bibig ni Aireen dahil sa gulat.

"Hindi Kuya! Hindi kami nagtanan!" depensa ni Gerald sabay ang tingin nito sa dalaga na parang humihingi ng pasensya sa sinabi ng lalaki.

"Pwes, ano'ng ibig sabihin ng lahat ng ito?" usisa pa rin ng lalaking tinatawag ni Gerald sa pangalang Jayson.

"Ano ka ba, Kuya!" natatawang saway ni Gerald, "Nakita mo lang may bitbit kaming bagahe, nagtanan na agad? Siya si Aireen, kaibigan ko. Lumayas siya sa kanila."

"Lumayas?" gulat na naman ni Kuya Jayson saka hinagog ng tingin ang nananahimik ng dalaga.

"Tumakas ako sa nalalapit kong kasal," pabiro niyang sabi.

"Hala siya!" gulat na gulat na react ni Kuya Jayson. Marahil kung magpapangaralan siyang best actor, nasa lalaking ito ang boto nila.

"Totoo ang sinabi niya, Kuya Jayson," segunda ni Gerald.

"Huwag mong sabihin itinakas mo siua, Gerald!" bulaslas nito.

"Hindi!" napakamot ng ulo si Gerald.

"H-hindi po. Ako ang kusang tumakas," dagdag ni Aireen na pati siya ay napapakamot na rin ng ulo.

"Kuya Jayson, pwede ba siya rito pansamantala lang? Kailangan lang talaga niya ng matutuluyan!" sabi na lang ni Gerald para matapos na ang usapan. Naglabas na rin ng pera ang binata at nilapag ito sa front desk, "Iyan ang paunang bayad."

"Hala, Gerald! Hindi mo naman dapat--" 

"Okay, tapos na ang usapan!" agaw ni Kuya Jayson kaya hindi na nagawa pa ni Aireen na nakapagsalita. Mabilis na kumuha ng susi si Kuya Jayson, at nakangiting inabot ito sa dalaga, "Ito ang susi. Sa Sampaguita Room ka doon sa second floor!" nakangiting sabi nito.

Natutulalang tinanggap naman iyon ni Aireen. At saka siya napatingin na siya kay Gerald.

"Tara, ihatid ko na kayo sa magiging kuwarto n'yo!" ani Kuya Jayson sabay ang agaw ng bagahe kay Gerald.

Kahit puno ng pagtatakang sa wirdong pagkikilos ng pinsan ni Gerald ay nagawa pa rin niyang sumunod sa mga ito. At nang mapadaan na sila sa pinalobby ng naturang bahay ay lalo lang napanganga sa ganda si Aireen. Para kasi takala itong hotel pero moderno ang istilo.

"Dito tayo!" magalang sabi ni Kiya Jayson na siyang naunanh umakyat ng hagdanan.

"Grabe, mukhang na mi-maintain n'yo ni Sol ang bahay n'yo," sabi ni Gerald.

"Oo, hindi talaga namin ito pinapabayaan. Lalo na ito na lang ang naiwang alaala ng magulang namin," naging sentimental naman ang anyo ni Kuya Jayson.

"Nasaan pala si Sol?" tanong ni Gerald na ang tinutukoy nito ay ang isang pa nitong pinsan na nakakabatang kapatid ni Jayson.

"Natutulog na. Kasi naman tatlong oartime job ang pinapasukan niya araw-araw!" sabi ni Kuya Jayson, "Bukas nga, maaga 'yun papasok sa trabaho niya."

"Ammm. Pwede po bang magtanong?" paghingi ng pahintulot ni Aireen na siya namang dahilan kaya napatingin sa kanya ang dalawang lalaki, "Pwede po kaya akong magpatulong kay Sol para makapaghanap ng trabaho?"

"Trabaho?" gulat ni Gerald.

"Oo, kaylan ko iyon para may pambayad ako sa pagstay rito," nakangiting sabi niya.

"Ay oo naman, Baby Girl!" sabat naman ni Kiya Jayson. At basta usapin tungkol sa pagbayad ng renta ay game na game itong tumulong, "Bukas na bukas, ipapakilala kita kay Sol."

"Salamat po," yumuko pa si Aireen bilang paggalang rito.

"Ay wala 'yun!" nahihiyang sabi naman nito, "At dahil kaibigan mo naman itong si Gerald, at mukhang matatagalan ka sa pag-stay rito, Kuya Jayson na lang ang iyawag mo sa akin. Habang nandito ka sa bahay ko bilang isang Guest, ituring mo na akong parang kapatid!"

"Salamat po!" si Aireen naman ang biglang nahiya.

"O dito na pala tayo!" sabi ni Kuya Jayson na ang tinutukoy naman nito ay ang magiging kuwarto ni Aireen.

Masayang binuksan ni Kuya Jayson ang naturang kuwarto. Bumungad sa paningin ni Airee ang kasimplehan nito. Mayroon na itong isang kama, isang closet, isang study table, at may lampshade pa.

"Wow," tanging nasabi ni Aireen. Hidi ito kasing ganda ng kuwartong iniwan niya sa Maynila pero natitiyak niyang magiging comportable siya rito.

"Feel at home, Aireen!" ito ang huling sinabi ni Kuya Jayson sa kanya bago sila iwan nito.

Naiwan silang dalawa ni Gerald sa kuwartong iyon.

"O paano. Lalabas na rin ako," pagpapaalam na rin ni Gerald, "Kung halimbawang nagkaroon ng problema sa pagbayad ng renta pwede naman--"

"Hindi na! Nahihiya nga ako dahil ikaw pa ang nagbayad ng down sa pinsan mo. Hayaan mo babayaran ko iyon," nahihiyang sabi niya rito.

"Huwag kang mag-aalala, si Ryu ang sisingilin ko rito!" biro nito.

"Huwag! Please, Gerald! Huwag mong sasabihin sa pamilya ko kung nasaan ako. Lalo na kay Ryu," mahigpit niyang paki-usap rito.

"Don't worry," ngumiti ito, "Binibiro lang maman kita."

Saka naman nagpakawala ng hininga si Aireen.

"Hanggang kaylan mo balak magtago?" biglang seryosong tanong nito.

"Kapag okay na ako," maikling tugon niya.

"Okay sige...." tila pagpapaalam na ni Gerald, "Maiwan na muna kita. Magpahinga ka na, alak kong napagod ka."

"Salamat ulit, Gerald!" habol ni Aireen.

"No problem," nakangiting ganti nito, "Pero pwede bang tawagan mo muna 'yung parents mo? Hindi hindi na si Ryu. Parents mo lang. Kasi nag-aalala naman sila.

"Oo, gagawin ko 'yan," ngitian na niya ito, "Kilala ko rin sila Mommy. Alam ko kung gaano 'yung ka-exaggerated."

"Sige," pagpapaalam na nito saka lumabas na ng kuwarto.

Muli nang nag-isa si Aireen. Muli siya nakaramdam ng lungkot. Wala siyang ideya kung ano na ang mangyayari sa kanya ngayong mag-isa na lang siya. Natatakot siya pero kaylan niyang matuto.