Chapter 79

"You? What are you doing here? Oh what a coincidence. Coincidence ba nga ba or_," ani ko sabay napapaisip ng husto sabay pinukol din siya ng tingin.

"Excuse me? Iniisip mo ba na sinusundan kita? Napaka-assuming mo naman yata para mag-isip ka ng ganyang bagay," sabay tumawa na halatang napipilitan lamang.

"Actually wala naman akong may sinasabi na ganyan. But I wonder na bakit ka pa nga ba napadpad dito thought one way lang ang daanan na ito and beside that sakop pa bahay ko ang lugar o daanan na ito. In fact sobrang lapit lang ng bahay ko sa kinatatuyaan nating dalawa rito ngayon. Now tell me, coincidence na ba o sabihin na lang natin na spy ka?" Palakas na boses na pagsabi ko habang napatawa ng kunti sapagkat alam kong mapapahiya siya sa sanabi ko.

Napatigil naman siya sabay napalunok ng kaniyang laway na tila balisa sa kakaisip ng kaniyang magiging palusot sa akin. "Ok! Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I was there to tell you na layuan mo si Mike. Marami ka pang walang nalalaman patungkol sa aming dalawa ni Mike. Mas maaga ay iwasan mo na siya at layuan dahil sa huli ikaw lang din ang kawawa at masasaktan," ani pa niya sabay pagtaas ng kaniyang kaliwang kilay.

Nagulat naman ako sa sinabi niya habang napataas ang aking dalawang kilay. "And who do you think you are to command me na layuan si Mike? You are the past and I am the present, you're the ex-girlfriend and I am his currently girlfriend. So ngayon sabihin mo sa akin kung bakit parang ikaw pa itong may karapatan na mag-utos sa akin sa ganyang bagay. For your information wala ka sa lugar para mag demand. So back off!" Palakas na boses na pagsabi ko habang galit na tinititigan siya.

"At kung paulit-ulit mo man na siraan si Mike sa akin ay hindi iyan makapaapekto sa akin sapagkat alam ko sa sarili ko na mahal ako ni Mike at ako pa rin ang pipiliin niya despite of everything. Hindi mo kami masisira at nagsasayang lang ako ng oras at panahon para makipag-usap sa iyo which is alam ko naman na walang kwenta. Excuse me but I have to go!" Dagdag ko pa sabay tinalikuran siya.

Napatawa naman siya bigla sa hindi ko malamang dahilan kung kaya't napatigil ako sa aking paglalakad.

"Oh really? To tell you honestly ay hindi kami nag-break ni Mike just like what I say last night. Nagulat na nga lang ako na may iba na siyang girlfriend thought hindi pa naman kami nag-break. In fact we're engaged together bago pa man ako pumunta ng Japan. And for sure ay ginamit ka lang ni Mike para panakip butas dahil sa aking ginawang pagkakamali sa kanya nu'ng tanggihan ko siya sa alok niyang kasal sa akin on last year, month of the December at magpapakasal na sana kami this coming December kung pumayag lang ako. I was so in love with my career in Japan that's why pinili ko muna ang trabaho ko kaysa sa magpakasal sa kanya at mamuhay dito sa Pilipinas which is I'm not yet ready to happened. But for now sisikapin ko na talaga na magaganap ang kasal namin ni Mike ano man ang mangyari. Umuwi talaga ako rito upang ayusin ang gusot na ito," paliwanag pa niya sabay ipinakita sa akin ang suot niyang engagement ring. "Now tell me, kung mahal ka nga ba talaga ni Mike at hindi ka lang niya ginagamit ay hindi siya magtatago sa iyo ng sekrito lalo na sa bagay na ito which is very serious and controversial topic," dagdag pa niya habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

"And before I've forgot to tell you. We're been in 5 years relationship together and hindi ako makakapayag na masisira lamang at mapunta sa wala ang aming matagal na pinagsamahan ni Mike sa pitong buwan na relasyon lamang. If I'm not mistaken pitong buwan na kayo ni Mike and I don't even care kung ano man ang mga nagawa niyo o mapagsamahan sa maikling panahon na iyan. For me ay aagawin ko ang dapat na sa akin. So ngayon ay mag-isip ka ng mabuti at buksan mo ang iyong isipan for your own good sake," sabay huminga ng malalim habang panay ang masamang titig sa akin.

Tila parang nanginig ang buo kong katawan sa aking narinig at nalaman mula kay Savannah. Parang hindi ko maigalaw ang aking mga katawan dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso dahil sa mga sinabi ni Savannah sa akin.

Tila para bang tinamaan itong puso dahil sa bigat ng aking pakiramdam nagyaon dahil lamang sa aking mga nalaman at natuklasan na minsan ay hindi ko inaasahan na mangyari ang bagay na ito.

Mayamaya pa ay dahan-dahan akong lumingon kay Savannah habang pilit na pinapakita sa kanya na hindi ako naniniwala sa kaniyang mga sinabi.

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili upang hindi siya mag-isip na ako'y labis na na apektohan sa mga sinabi niya.

"Tapos kana ba sa mga sinasabi mo? Kasi kung tapos kana ay aalis na ako sapagkat nasasayang lang ang oras ko sa iyo. At kung sa akala mo ay maniniwala ako sa mga paandar mo o makakaapekto iyan sa akin lalong lalo na sa relasyon namin dalawa ni Mike ay nagkakamali ka. Sapagkat ilalaban ko pa rin ng patas ang aming pagmamahalan ni Mike ano man ang mangyari. At Siguradohin ko sa iyo na hindi mo kami masisira ni Mike. Walang basehan kung gaano kahaba ang inyong naging relasyon o gaano katagal ang inyong naging pinagsamahan para masabi ang bagay na matatag ang iyong relasyon. At kung tunay nga na mahal ka ni Mike batay sa iyong naging pahayag ay hindi siya maghahanap ng iba na alam niya naman ikakasakit ito ng puso mo. Beside that nagbabago ang nararamdaman kaya't 'wag kang pakampanti kahit na bagohan pa lamang ang aming relasyon dalawa," paliwanag ko pa sa kanya sabay tinalikuran siya.