Chapter 66
"Kahit na kaibigan lang ang naging turing mo sa akin noon subalit mas higit pa rin sa kaibigan ang aking pagtrato at pagturing sa iyo. At ang nangyari sa atin last night ay labis kong ikinasaya at ikinatuwa dahil parang na angkin ko na ang taong matagal ko nang iniibig. At ikaw nga iyon Kristina," paliwanag pa ni Troy na halatang seryoso sa kaniyang pagkasabi kasabay nito ang pagtitig sa aking mukha ng matiim.
Pinukol ko naman ng tingin si Mike habang napapaisip sa aking isasagot sa kaniyang mga sinabi.
Tila nahihirapan akong magsalita at magbigay ng aking opinyon sa nangyari sa amin noong nakaraang gabi subalit kailangan kong mag-isip ng mabuti at sagutin ang magiging katanungan ni Mike sa akin.
"Iwan ko ba Mike at kahit ako ay nalilito sa nangyari sa atin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ako pumatol sa iyo kung bakit sa isang iglap lang ay maibibigay ko lang sa iyo ng buong-buo itong katawan ko. Aminado akong wala akong may nararamdaman na kaka-iba sa iyo bukod sa isang kaibigan ngunit nakipagsiping ako sa iyo na wala man lang akong malalim na dahilan. We're not in a relationship together instead we're just friends. Siguro ay tawag lamang iyon ng init ng aking katawan kung bakit basta-basta na lang akong pumayag na gawin ang bagay na iyon. At siguro ay dahil na rin sa aking galit, puot, pagkamuhi at naging pangungulila ko kay Troy nang matagal kung kaya't naging agresibo itong katawan ko pagdating sa bagay na iyon. Gusto ko man sana na ipagtapat sa iyo ang tunay kung opinyon at nararamdaman subalit wala akong lakas na loob sapagkat alam kong masasaktan ka lang kapag sasabihin ko sa iyo ito," bulong ko pa sa aking sarili habang napapaisip ng husto kasabay nito ay aking pagkabalisa sa aking sarili.
Mayamaya pa ay huminga ako ng malalim at kumuha ng bwelo sa aking mga sasabihin kay Mike.
"Um, about that? Siguro ay hindi pa ito ang panahon para pag-usapan ang bagay na iyan Mike. Maybe in the other day na lang kasi_," sabay napakamot sa aking ulo dulot ng labis na pag-iisip sa aking susunod na sasabihin.
"This is the right time Kristina, sinadya ko talaga ang palipasin ang ilang araw bago ko ito simulan na pag-uusapan. Dahil alam kong palaisipan pa rin sa ating dalawa ang nangyari lalo na sa iyo. And I know for sure na ito na ang tamang panahong para pag-usapan natin ang bagay na iyon at bigyang linaw ang lahat. Hindi naman siguro aabot taayo sa ganoon kung walang may malalim na dahilan. Alam kong merong dahilan at gusto kong malaman galing sa iyo kung ano rin ang naging dahilan mo kung bakit pumayag ka na magawa natin ang bagay na iyon but in the first place na ikaw na rin ang nagsabi na wala tayong relasyon dalawa bagkus ay magkaibigan lang tayo. So, tell me Kristina," wika pa ni Mike sabay hinawakan ako sa aking magkabilang bisig at tsaka tinitigan ako sa aking mga mata.
Tila parang hindi ako makagalaw at makapagsalita ng mga sandaling iyon dahil sa ramdam ko ang pagiging seryoso ni Mike sa aming pag-uusap.
Ayaw ko rin na sagutin siya ng wala man lang makahulugan ang mga sinasabi ko sapagkat pinapahirapan ko lang siyang magsalita gayon din ang magpaliwanag sa akin.
Ilang saglit pa ay napakagat labi ako habang dumidistansya ng kunti kay Mike.
"Even myself can't really explain those things happened between us Mike. And until now ay palaisipan pa rin sa akin iyon. And I'm sorry to tell kung hindi ko pa iyan masasagot ng maayos iyang mga katanungan mo sa akin. As I said earlier na hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan natin ang bagay na iyan. Siguro ay mas bigyan mo pa ako ng ilan pang panahon para masagot ko ng maayos lahat ng iyan. But as of now ang masasabi ko lang is wala akong may pagsisi sa naganap o nangyari sa ating dalawa. Ang hindi ko lang masasagot sa ngayon ay 'yung una mong naging katanungan sa akin, " paliwanag ko pa kay Mike habang umiiwas sa kaniyang mga tingin sa akin.
Tila napangiti naman ng kunti si Mike sa aking sinabi sa kanya lalo na sa bagay na sinabi kong wala akong may pagsisi sa nangyari sa amin. Mayamaya pa umusog siya ng kunti papalapit sa akin at dahan-dahan na hinawakan niya ang aking buhok.
"Sana ay dumating din ang panahon na magkakaroon na ako ng puwang diyan sa puso mo," maikling sabi ni Mike sabay paglapit ng kaniyang mukha sa akin at pagtitig sa aking labi na tila ba nagbabalak siya na halikan ako sa aking labi.
"Ang gwapo mo Mike. Your kissable lips, your eyes and your_. Damn it!" Bulong ko pa sa aking sarili.
Mike is about to kiss me that time nang bigla kong ibinalin ang aking tingin sa TV kung kaya't hindi niya nagawa ang halikan ako.
"I'm sorry," ani pa ni Mike sabay umusog ng kunti sa akin palayo.
"It's okay Mike," maikling sabi ko sabay napabuntong hininga.
Hindi na kami nagpatuloy sa aming pag-uusap ni Mike bagkos ay nanood na lang kami ng palabas na movie sa TV.
Aminado ako sa aking sarili na nakaramdam ako na parang may kuryenting dumaloy sa aking katawan ng mga oras na iyon nu'ng hahalikan na ako ni Mike. Subalit dahil sa nagpapakipot pa ako ng kunti kung kaya't nagawa kong umilag sa kaniyang halik nang sa ganoon ay hindi matuloy ang kaniyang pagbabalak na humalik sa akin, gayon din ang hindi rin siya mag-isip na gusto ko rin lang pala ang magpahalik sa kanya.
"Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Hindi na dapat mangyari iyon sa pangalawang pagkakataon sapagkat iba na talaga iyon at magiging mas kabuluhan pa lalo. Hindi dapat ako magpapadala sa charming mo Mike. Aminado nga ako sa aking sarili na na-aakit ako sa iyo minsan subalit kaibigan pa rin ang turing ko sa iyo. Kaso nga lang minsan ay hindi ko na talaga kayang pigilanan ang sarili ko lalo na kapag nagpapakita ka ng motibo sa akin," bulong ko pa sa aking sarili habang nanginginig ang buo kong katawan.