Chapter 6
Napatigil naman si Mike sa pagka-usap sa akin at kinausap muna ang Manager ng bar. "Ah ganoon ba, okay pakisabi na lang muna sa kanila na saglit lang at ako'y may kausap pa." tugon pa niya sabay ngumiti sa Manager.
"Yee sir! I'll go ahead, excuse me!" sabay talikod at nagmamadaling umalis.
Bigla tuloy akong nagtaka ng ganoon-ganoon na lang ang pakikipag-usap nang Manager sa kanya. Kaya't napag-isipan ko na tanungin siya patungkol dito.
"Ah um, excuse me, di'ba iyon 'yung Manager ng MK bar?" Pag-aalinlangang tanong ko sa kanya.
"Oo siya nga," pangiting sagot niya sa akin.
"Ah bakit tinawag ka niyang sir. Ano ka ba?" Sabay nagtaka ako ng kunti.
"Oh by the way I'm the owner of MK Bar," mahinahon niyang pagsagot.
Bigla naman akong nagulat sa sinabi ni Mike na siya pala ang owner ng Bar na ito. "Oh wow! Nakakagulat nga naman," wika ko pa.
"Um, excuse me for a while Kristina may kakausapin lang ako sa office, maiwan muna kita for a while," sabi pa niya sabay tumayo at inaayos ang kaniyang suot na damit.
"Ah oh sege bye," pangiting sabi ko sa kanya.
Nang umalis si Mike ay agad na bumalik ako sa table namin.
Nakatingin pa rin ako sa mga taong nagsasayawan sa gitna at ganoon pa rin ay inom lang ako ng inom.
Medyo nakakaramdam na ako na parang sumasakit na ang ulo ko ng mga sandaling iyon subalit sa palagay ko ay hindi pa naman ako lasing.
Ilang saglit pa habang abala ako sa pag-iinom ay bumalik si Troy na tila parang pagod na pagod sa kakasayaw kasama ang babaeng nagyaya sa kaniyang sumayaw.
"Kamusta ka na Kristina , ayos ka pa ba? Para yatang naparami na iyang pag-inom mo, kaya mo pa ba?" Tanong pa ni Troy habang may pagtataka at pagkabahala sa kaniyang mukha na makikita.
"Oo naman nu, ako pa ba!" Palakas na boses na pagsagot ko sa kanya sabay laklak ng alak.
Agad siyang umupo sa kaniyang upuan at napabuntong hininga sa pagod. "Sege nga at sasabayan kita sa pag-inom mo,"
"Bakit mo naman iniwan 'yung babaeng ka sayawan mo kanina?" Tanong ko naman sa kanya sabay tingin sa paligid ng bar at hinanap ang babae.
"Ah iyon. Wala iyon hindi naman sana ako sasayaw napilitan lang ako," ani pa niya sabay tingin sa kabilang table kung saan maraming babaeng umiinom doon.
"Nako, subalit gustong gusto mo naman," palakas na pagsabi ko sabay pagtirik ng aking mga mata sa kanya.
"What?" Gulat at tila pagtatakang tanong niya sa akin.
"Ah wala. Sege inom mo na lang iyan,"
Sinabayan nga ako ni Troy sa pag-inom nang gabing iyon. Napasaya ang pag-inom namin at pagku-kwentuhan hanggang sa hindi na namin namalayan na naparami na pala ang na inom naming dalawa. Na siyang papunta na talaga sa kalasingan.
"Oy Troy kaya mo pa ba?" Tanong ko sa kanya habang pinipilit na nilalabanan ang kalasingan.
"Kaya pa ako pa ba," sagot niya naman na halatang lasing na lasing na.
"Alam mo parang gusto ko nang matulog, hihiga na lang ba ako rito?" Sabay sandal sa likod ng upuan tsaka tumawa ng malakas na hindi alintana ang dami ng tao sa palibot.
"Oy baliw 'wag mong gawin iyan nakakahiya maraming tao," sabi naman ni Troy sabay tumayo na tila parang may hinahanap.
Mayamaya lang ay dumating sina Annabelle na siyang pawis na pawis dahilan sa labis na pagdi-disco.
Nang makita kami ni Annabelle na parang namumula na ang aming mga mukha dahil sa kalasingan. "Oy anong nangyari sa inyong dalawa ha? Lasing na ba kayo?" Tanong ni Annabelle sa amin habang may pagtataka at pagkabahala sa kaniyang mukha na makikita.
"Wala, nagkakatuwaan lang kami ni Troy," palakas na boses na pagsabi ko sa kanya sabay tiningnan si Troy habang unti-unting bumabalik sa kaniyang pwesto.
"Oo nga naman Annabelle. Alam mo masaya pa lang kausap itong kaibigan mo," sambit pa ni Troy sabay ngumiti kay Annabelle.
Ilang saglit pa ay biglang sumunod na dumating sina Adrian at iba pa niyang kasamahan. "Oy ano ba akeettch lasing na kayo pareho nu?" Wika pa ni Adrian na halatang nakakahalata na sa aming dalawa ni Troy na siyang lasing na.
"Umuwi na lang kaya tayo. Para kasing lasing na itong dalawa," sambit pa ni Marko habang tinitingnan kaming dalawa ni Roy na may pagkabahala.
"What? Ang aga pa naman ha, mamaya na tayo umuwi," wika naman ni Ann na tila ayaw pang umuwi at gusto pang manatili rito sa bar.
"Oo nga naman maaga pa kaya," dugtong pa ni jean sabay tingin sa kaniyang relo.
"E paano ito. Parang lasing na kasi itong dalawa," sambit naman ni Annabelle habang napakamot sa kaniyang ulo.
"Ano ba. Hindi pa kami lasing Annabelle, ano ka ba parang hindi mo naman ako kilala sa pagdating sa inuman. Kunti pa lang naman ang naiinom ko," Sagot ko naman sa sinabi na Annabelle habang pilit pa rin na nilalabanan ang kalasingan gayon din ang pagdalaw ng antok ko.
"Sabagay nga naman. E sanay ka naman pala sa inuman," sabi pa ni Annabelle sabay buntong hininga.
"Ayon naman pala, balik na nga tayo roon sayaw tayo ulit maraming papa roon," sambit naman ni Adrian sabay tingin sa maraming lalaking nagsasayawan sa gitna.
"Oh sege, Kristina at Troy dito lang kayo ha," tugon pa ni Annabelle.
At bumalik ulit sa pagsasayaw sina Annabelle. Samantalang naiwan lang kaming dalawa ni Troy sa table namin na siyang parehong lasing at inaantok na.
"Alam mo Troy parang gusto ko na yatang umuwi, hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ko sa kanya habang pilit na minumulat na lang ang aking mga mata para hindi makatulog.
"Alam mo Kristina parang gusto ko na rin na umuwi dahil tingin ko kasi parang nahihilo na ako," wika pa ni Troy sabay hawak sa kaniyang ulo.
"Uuwi na ba tayo?"
"Mabuti pa ay umuwi na lang tayo, nandito naman sa akin ang susi ng sasakyan," wika pa ni Troy.